Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng Fake Marriage With The CEO: Kabanata 111 - Kabanata 120

239 Kabanata

Chapter 111: Post-Traumatic Stress Disorder

Naupo si Alhaj sa upuang nasa gilid ng hallway. Bumagal na ang tibok ng kaniyang puso at kumunot naman ang kaniyang noo. Pangalawang pagkakataon na ito na dinala niya si Ysabela sa ospital. Palagi itong nawawalan ng malay at kung minsan ay dinudugo pa. Ilang minuto lang ang lumipas nang lumabas ang doktor at iba pang kasama nito. Tumayo siya agad at sinalubong ito. “Doc…” “We’ve already made a thorough check up, ligtas na ang mag-ina mo.” Inalis ng doktor ang suot nitong mask at ngumiti. “The patient will be brought to a room, babalikan kita mamaya. May kailangan lang kaming tingnan.” Saad nito. Hindi na siya nakapagsalita. Umalis ang doktor kasama ang iba pa, siya naman ay nag-ugat na sa kaniyang kinatatayuan. May kung anong sumisibol sa kaniyang dibdib. Bakit kaysa ma-offend na napagkakamalan siyang asawa ni Ysabela… ay parang natutuwa pa siya? Inilabas sa emergency room si Ysabela at dinala sa isang private room. Sumunod siya habang tinatawagan ang kaniyang sekretaryo. “Mr
last updateHuling Na-update : 2024-11-25
Magbasa pa

Chapter 112: I hope it's not your husband

Ilang oras din na walang malay si Ysabela, nang magising naman siya, ang puting kisame ng ospital ang bumati sa kaniya. Noong una, iniisip niyang nasa clinic pa rin siya ni Patrick. Kaya muli niyang ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang sarili at hinaplos ang kaniyang tiyan. “Ysabela?” Nang buksan niyang muli ang mga mata, ang nag-aalalang mukha ni Alhaj ang bumungad sa kaniya. Tiningnan niya ng matagal ang lalaki. Nakalimutan na niyang kumurap, kung hindi lang kumilos si Alhaj at hinaplos ang kaniyang buhok, baka naisip na niyang kathang-isip lang ito. Napabangon siya sa gulat. Inilibot niya ang tingin at napansin na hindi siya pamilyar sa silid. “Alhaj?” Nang makita ang kaniyang naging reaksyon, hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay para kalmahin siya. “Hey,” he said softly. “N-nasaan ako?” Medyo kumunot ang noo ng lalaki habang tinitingnan siya ng mataman. “Nasa ospital ka. Hindi mo maalala?” Dahan-dahan siyang umiling. Huli niyang naaalala… ay ang pagtakbo pa
last updateHuling Na-update : 2024-11-26
Magbasa pa

Chapter 113: My Wife Is My Responsibility

Tahimik na pinagmasdan ni Greig ang paglalagay ng benda sa ulo ni Natasha. Pinalitan na nito ang kaninang benda dahil may bahid na iyon ng dugo. Pinapahiran ulit ng ointment ang mga sugat at pasa nito. Tahimik din ang mga nurse habang ginagawa iyon, tila alam na may namumuong tensyon. Nang matapos, saka lamang lumabas ang dalawang babae. Gabi na at saka pa lamang nagising si Natasha. Kanina pa siya nagbabantay at naghihintay na magising ito. Si Patrick ay umuwi na para magpahinga kaya hindi na nito nagamot ang sugat ni Natasha, ang mga nurse na lamang ang gumawa. Mas pabor iyon kay Natasha, ayaw niyang si Patrick ang tumingin sa kaniya lalo na’t magaling ito pagdating sa pagtingin ng mga sugat at pasa. Baka mamaya ay mabuko siya ng lalaki. Ayaw niyang mangyari iyon. Umayos siya ng upo at hindi matingnan si Greig. Nakatayo ito malapit sa pinto at tinitingnan siya. Hindi man lang kumilos para lapitan siya kahit na wala nang ibang tao kung hindi sila nalang dalawa. Simula kanina
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

Chapter 113.2: My Wife Is My Responsibility

Alam niyang imposible na sampahan ng kaso si Ysabela. Mahabang proseso pa iyon at malalagay lamang sa alanganin si Natasha kung sakali. Gusto niyang mabilis na makuha ni Natasha ang hustisya na para sa kaniya. “In my opinion, at least Ysabela should be slapped by Natasha, kung ilang beses niya iyon ginawa ay iyon din ang igaganti ni Natasha, so they’d be even.” Suhestyon niya. Napaawang ang labi ni Natasha. Hindi niya naisip na matapang nitong sasabihin kay Greig ang ganoong bagay. Ngunit hindi siya nagsalita, kung iyon ang tanging paraan na makabawi siya kay Ysabela ay tatanggapin niya. Palagi siyang susuportahan ni Ada kaya hindi na siya dapat matakot kay Ysabela. “No.” Malamig na tugon ni Greig. Natigilan silang pareho ni Ada. Hindi inaasahan na iyon ang magiging tugon ni Greig. “A-ano?” Utal na saad ni Ada. Maging siya ay hindi napigilan ang pagguhit ng gulat sa kaniyang mukha. Tinitigan niya ang madilim na anyo ni Greig, kita niya ang pagtutol sa mukha nito. Hi
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

Chapter 114: Take Away

“Hindi po umuwi si Ysabela.” Balita ni Manang Lora. Inilibot niya ang tingin at nagtagis ang bagang. Gabi na at wala pa rin matinong report sa kaniya si Christoff. Umakyat siya sa kwarto at mabilisan na nagbihis. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at napansin na bumukas muli ang sugat sa kaniyang ulo. Ang benda ay puno ng dugo, pero hinayaan niya iyon. Itinipa niya ang numero ni Christoff ngunit hindi pa man nagriring ay narinig na niya ang katok sa pinto ng silid. Lumapit siya’t binuksan ito. “Nasa baba po ang assistant ninyo, Sir.” Imporma ng isang katulong. Lumabas siya't agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Christoff. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Nang makita siya nitong pababa ng hagdan, tumayo ang lalaki at inayos ang salamin na suot. “I didn’t find your wife, Sir.” Ani Christoff sa matigas na tono. Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang relo. Pasado alas otso na. “You’ve been looking for her more than 12 hours.” Medyo may diin na sabi ni Greig. “Have you already chec
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Chapter 114.2: Take Away

“I already sent the ticket to your email, Sir.” Imporma ni Mike. Tiningnan niya ang email at nakitang naroon na ang ticket nila ni Ysabela. Maghahating-gabi na at hindi pa rin siya nakakatulog. Kailangan niyang makaalis ng Manila nang walang nakakaalam. Ang kaniyang sasakyan ay pinakuha na niya kay Mike at pinalitan ito ng bago, sa paraang iyon hindi sila masusundan ni Greig. Nagpapahinga pa rin si Ysabela, hindi niya alam kung paano sasabihin ang kaniyang plano at kung papayag ba ito. Huminga siya ng malalim. Ayaw niyang palabasin na kini-kidnap niya si Ysabela… pero mukhang iyon nalang ang paraan. Madaling araw nang makaidlip siya. Nang magising siya ay agad niyang binasa ang mga mensahe ni Mike at ng security team na nakabantay sa kanilang bahay. Ayaw umalis ng mga tauhan ni Greig sa labas ng kanilang bahay. Nanatili rin itong nagbabantay at inaalam kung nasa loob lamang siya. Nagbabanta na rin si Greig kay Mike dahilan para mapressure na ang kaniyang sekretaryo. Lumapit s
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Chapter 115: Rest House

“Where’s Ysabela now?” Sumunod si Gretchen sa kaniyang anak nang maglakad ito papunta sa kuwarto.“Where's Ysabela, Greig?” Ulit nito.“Mom.” Humarap ng tuluyan ang lalaki sa kaniyang ina.Hindi maitatago ang pagod na kaniyang nararamdaman. Huminga siya ng malalim at pumikit saglit.“Ysabela’s gone for 48 hours and I've been looking for her like my entire life! Don’t you give me a little time for myself to rest?”Namewang si Gretchen at bahagyang nagtaas ng kilay. Tiningnan niya ng matalim si Greig.“Alam mo kung bakit mas gustong umalis nalang ni Ysabela? Dahil hindi mo kayang ipagtabuyan si Natasha! Alam ko, nasabi sa akin ng nurse na naroon kahapon si Natasha sa clinic ni Patrick. Kung alam ko lang na pupunta siya, hindi na dapat ako umalis. Ako na mismo ang sasampal sa babae mo para matauhan siya!”“Mom!” Sigaw niya para patahimikin ito.Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang boses ni Greig. Dalawang gabi na siya na hindi nakakatulog ng maayos, pagod na siya sa maraming ginag
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 115.2: Resthouse

Sinulyapan niya ang lalaki, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito kaya ngumiti na lamang siya. Lingid sa kaalaman ni Ysabela, hindi pa sana gusto ni Alhaj na ibalik siya sa Maynila. Gusto niyang makasama pa nito ng matagal para maalagaan. Kung maaari lang, hindi na nito gustong bumalik sa syudad. Mas payapa ang buhay dito sa probinsya. Mabagal ang paglipas ng oras… mabagal ang kilos ng mga tao. Walang pagmamadali. Walang pressure. Dito dapat si Ysabela… dito nalang dapat sila. Ngunit hindi ni Alhaj kayang sabihin ang desisyong iyon. Pakiramdam niya, kung ipipilit niyang manatili silang dalawa ay hindi magiging masaya si Ysabela. Kaya nang gumabi na, tinawagan niya si Mike. Ito ang unang beses na binuksan niya ang telepono simula nang dumating sila. “Mike.” Tahimik ito sa kabilang linya. “Book us a ticket. Babalik na kami ni Ysabela bukas ng umaga sa Manila.” Balita niya. Natagalan bago sumagot ang kaniyang sekretaryo kaya tiningnan niya kung nasa kabilang linya pa ito. Maayos
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 116: Take Me Back

“Nababaliw ka na ba?!” Iyak niya habang namumula sa galit.Dumalo siya kay Alhaj at niyakap ito. Masyado siyang nasasaktan, lalo pa’t walang ginawang masama sa kaniya si Alhaj. Purong kabutihan lamang ang pinakita nito sa kaniya, walang hiniling na kapalit sa lahat ng tulong na natanggap niya, at ngayon ay binubugbog pa ni Greig.“I’m sorry, A-alj.”“I’m f-fine, Ysabela.” Nahihirapan nitong saad dahil sa sugatang bibig.Mas lalong humagulhol sa iyak si Ysabela. Naalala niya na naman ang gabing iyon kung saan pinagkaisahan siya’t walang nagawa.Ngayon ay kay Alhaj naman ito nangyayari… pero dahil sa kaniya.Nag-angat siya ng tingin kay Greig. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito sa galit.“Bakit palagi nalang karahasan ang dala mo?!”Matigas ang naging ekspresyon ng mukha ni Greig. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya si Ysabela at yakap-yakap si Alhaj. Puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata nito habang tinitingnan siya.Halos mabaliw siya kakahanap kay Ysabela pero ito ang ma
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Chapter 16.2: Take Me Back

Pero matapang ang lalaki, kahit buhay ay itataya para kay Alhaj.“My boss has nothing to do with your wife, Mr. Ramos.” Malamig na sagot ni Mike.Sa gigil na nararamdaman, gusto niya itong sapakin, pero hindi niya ginawa.Ayaw niyang gumamit ng dahas kung kinakailangan. Ayaw niyang maging halimaw para lang makuha ang gusto niya.Ngunit tumunog ang cellphone nito.Nakatanggap sila ng tawag galing kay Alhaj.Saka niya napagtanto na kasama ni Alhaj si Ysabela.Lalong nagdilim ang kaniyang paningin nang marinig ang boses ng kaniyang asawa sa kabilang linya.Habang masayang tumugon si Alhaj. What the f*ck is that?“Where are they?!” Tiningnan niya mariin ang sekretaryo ni Alhaj.Mariin ang pagtikom ng bibig nito.Binalingan niya ng tingin ang isang tauhan, mabilis itong naglabas ng patalim. Walang pag-aalinlangan niya iyon itinutok sa leeg ni Mike.“I would ask for the last time. Where is my wife?”Napalunok si Mike, alam nitong desperado na siyang mahanap si Ysabela.“Archie has a private
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa
PREV
1
...
1011121314
...
24
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status