Dalawang update na po iyan. Saka na po ako mag-update ng marami kapag natapos na po ang exam ko. I hope you understand 🫶 Babawi po sa December. After exam. Thank you for reading!🧡
“Nababaliw ka na ba?!” Iyak niya habang namumula sa galit.Dumalo siya kay Alhaj at niyakap ito. Masyado siyang nasasaktan, lalo pa’t walang ginawang masama sa kaniya si Alhaj. Purong kabutihan lamang ang pinakita nito sa kaniya, walang hiniling na kapalit sa lahat ng tulong na natanggap niya, at ngayon ay binubugbog pa ni Greig.“I’m sorry, A-alj.”“I’m f-fine, Ysabela.” Nahihirapan nitong saad dahil sa sugatang bibig.Mas lalong humagulhol sa iyak si Ysabela. Naalala niya na naman ang gabing iyon kung saan pinagkaisahan siya’t walang nagawa.Ngayon ay kay Alhaj naman ito nangyayari… pero dahil sa kaniya.Nag-angat siya ng tingin kay Greig. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito sa galit.“Bakit palagi nalang karahasan ang dala mo?!”Matigas ang naging ekspresyon ng mukha ni Greig. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya si Ysabela at yakap-yakap si Alhaj. Puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata nito habang tinitingnan siya.Halos mabaliw siya kakahanap kay Ysabela pero ito ang ma
Pero matapang ang lalaki, kahit buhay ay itataya para kay Alhaj.“My boss has nothing to do with your wife, Mr. Ramos.” Malamig na sagot ni Mike.Sa gigil na nararamdaman, gusto niya itong sapakin, pero hindi niya ginawa.Ayaw niyang gumamit ng dahas kung kinakailangan. Ayaw niyang maging halimaw para lang makuha ang gusto niya.Ngunit tumunog ang cellphone nito.Nakatanggap sila ng tawag galing kay Alhaj.Saka niya napagtanto na kasama ni Alhaj si Ysabela.Lalong nagdilim ang kaniyang paningin nang marinig ang boses ng kaniyang asawa sa kabilang linya.Habang masayang tumugon si Alhaj. What the f*ck is that?“Where are they?!” Tiningnan niya mariin ang sekretaryo ni Alhaj.Mariin ang pagtikom ng bibig nito.Binalingan niya ng tingin ang isang tauhan, mabilis itong naglabas ng patalim. Walang pag-aalinlangan niya iyon itinutok sa leeg ni Mike.“I would ask for the last time. Where is my wife?”Napalunok si Mike, alam nitong desperado na siyang mahanap si Ysabela.“Archie has a private
Pulang-pula ang mga mata ni Greig nang magmulat ito. Tiningnan siya nito at nagdilim ang ekspresyon ng mukha. Parang may bagyong namumuo sa mga mata nito, at ngayo'y nangangaon siyang humagupit iyon. “Is he better now, Ysabela?!” Dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng suite. “What did he do to you that I cannot do better, huh? Did he f*ck*ng kiss you? Did he f*ck*ng touch you? Did you f*ck*ng f*ck each other? Tell me—” Natigilan ito nang dumapo ang kaniyang palad sa pisngi nito. Malakas ang sampal na iyon dahilan para mapabaling sa kabilang direksyon ang mukha nito. Nagtagis ang kaniyang bagang at muling binalak na sampalin ang lalaki pero nahuli na ni Greig ang kaniyang pulsuhan. “D*mn you Greig Ramos.” Mariin niyang saad, puno ng hinanakit ang bawat salita. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Walang pagsidlan ang galit at pagkamuhi sa kaniyang puso. Parang sasabog ang kaniyang dibdib dahil sa pag-ahon ng matinding galit. “I hate you! I hate you! I hate you!” Nagin
Ipinikit saglit ni Ysabela ang kaniyang mga mata. Hindi na siya makatulog, alas dos palang ng madaling araw at dapat ay pinipilit niya ang sarili na makaidlip man lang kahit ilang oras bago sumikat ang araw.Ngunit hindi niya magawa.Pagkatapos ng nangyari kanina, umalis si Greig, iniwan siyang mag-isa sa suite.Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa puso niya’y umaasa siyang hindi na nito babalikan si Alhaj kagaya ng nakapagsunduan nila. Sana nga ay hindi.Hindi niya maunawaan kung bakit ganito nalang si Greig sa kaniya, masyadong mapang-angkin samantalang halata naman na hindi na pareho nang dati ang kanilang relasyon.Marami na ang nagbago.Hindi na ganoon kalalim ang kaniyang pagmamahal.Naging mababaw na iyon pagkatapos ng lahat ng sakit na kaniyang naramdaman. Ngayon niya napagtanto na may nagbago rin pala sa kaniyang nararamdaman.Nariyan pa rin ang pagmamahal, nararamdaman niya pa rin iyon sa tuwing nakikita niya si Greig, pero hindi niya masabing pareho pa rin iyon ng dat
“Hindi ka pa natutulog?” Kumunot ang noo ni Greig, naiwala na sa kaniyang isip ang mga problema. Natawa si Katherine, muli ay hinaplos ang bilugan nitong tiyan. “Hindi, nagising lang ako dahil sa pagsipa ni baby. I didn't know you were here, huli nang naibalita sa akin ni Kuya Patrick, kung hindi ko pa nakita ang pangalan mo sa guestlist.” Ngumiti sa kaniya ang babae. Huli niya itong makita nang birthday ni Patrick, pero hindi pa naman ito buntis ng mga panahon na ‘yon. “I wasn't informed that you were already married.” Sa wakas ay naisatinig na niya ang bagay na iyon. Matipid na ngumiti ang babae. “Well, we are not yet married. Pero nauna na ang honeymoon.” Pabirong sabi ni Katherine. Naupo ito sa isang sun lounger kaya sumunod na rin siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na buntis na ito’t may… kinakasama na. That’s d*mn fast. Parang dati lang ay hindi ito nagboboyfriend dahil ayaw sa commitment. “Pagkatapos ko nang manganak kami magpapakasal, sa ngayon, si baby mu
“Ysabela.” Sinalubong siya ng yakap ni Gretchen nang makapasok siya ng bahay.Mahigpit ang yakap nito na tila isang taon siyang nawala. Hindi niya nasuklian ang yakap ng ginang.“H-how are you?” Lumayo si Gretchen.Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya diretso sa mga mata.“I’m fine, Tita. I'm sorry for making you worry.” Puno ng sensiridad niyang saad.Matipid na ngumiti si Gretchen sa kaniya. Nasa mga mata nito ang pag-aalala at ganoon din ang pangungulila.“You don't need to say sorry, Ysabela.” Masuyo nitong saad. “Just don't leave us like that, okay? Nag-alala kami ng sobra. Lalo pa’t nahirapan kaming hanapin ka.”Parang kinakain ng hiya ang puso ni Ysabela dahil sa sinabi nito. Wala man lang makikitang galit sa magandang mukha ni Gretchen, purong pag-aalala lang para sa kaniya.Marahan siyang tumango.Isa rin siguro sa pagkakamali niya ay masyado siyang naging makasarili. Nakalimutan niyang hindi lang si Greig ang tatakbuhan niya palayo kung maglalaho nala
Parang lumubog ang puso ni Gretchen. Seryoso na talaga ang babae na iwanan ang lahat sa kanilang pamilya. Malungkot siyang ngumiti at marahan na tumango. “I will try to convince him too, Ysabela.” Pangako niya. Iyon na lamang ang magagawa niya para sa babae. May pakiramdam siyang hinding-hindi papayag ang kaniyang ama na pakawalan si Ysabela. Lalo pa’t maselan ang kalusugan nito. Nag-aalala siya sa maaaring maging reaksyon kaniyang ama pero kung buo na ang loob ni Ysabela, kailangan niyang tulungan ito. Gagawin niya ang makakaya para lang maayos na ang gulong ito. “Thank you for everything, Tita.” Buong pusong saad ni Ysabela. Hindi na niya napigilan. Napapikit siya’t niyapos ito, saka naman tumulo ang kaniyang mga luha. Pinunasan niya iyon bago lumayo kay Ysabela. “You’re so brave, Ysa. Thank you for putting up with Greig, for all the things you did for Papa… and for saving me.” Umalis si Gretchen at sa wakas ay napag-isa si Ysabela sa dating kuwarto. Kinuha niya ang cellpho
“Greig!”Pagkatapos na hablutin ang cellphone ay pwersahan naman siyang itinayo ni Greig.“Let me go!”“Ysabela?”Narinig ni Alhaj na tila nagkakagulo sa kabilang linya. Umahon ang kaba sa kaniyang dibdib at naisip na baka saktan ni Greig si Ysabela.“Ysa—”“Hmmm.” Then there’s a muffled sound.Kumunot ang noo ni Alhaj.“Ysabela!” Sigaw niya.D*mn. I have to save her.“You want this, huh?” Narinig niya ang boses ni Greig.Kasabay ng pagkapunit ng damit.Another muffled sound. Parang may gustong magsalita pero pinipigilan lamang.“G-greig, t-tama na.”Tumayo si Alhaj sa kaniyang kinauupuan, medyo sumakit ang gilid ng kaniyang tiyan at dibdib dahil sa biglaang pagtayo. Ang g*g*ng Greig na iyon, nang umalis sila ni Ysabela ay naiwan ang ilang tauhan nito para ipabugbog siya.“Akin ka lang, naiintindihan mo?”Nagtagis ang kaniyang bagang nang marinig ang paos na boses ni Greig sa kabilang linya.“No one could have you.”Kumuyom ang kaniyang kamay.Nasa panganib nga ang buhay ni Ysabela.N
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy