Chapter 9Pagmulat ng mga mata ni Jessa, agad niyang napansin ang maputing kisame at agad na napapikit ulit nang tumama ang tingin niya sa liwanag ng ilaw. Umawang ang labi ni Jessa nang naamoy nito ang amoy ng ospital. Alam ni Jessa na nasa ospital siya dahil sa amoy, dahil doon siya nagtatrabaho.Ramdam ni Jessa ang matinding sakit, pisikal at emosyonal. Kahit na hinang-hina, hinawakan ni Jessa ang kanyang tiyan, ngunit napapikit siyang muli dahil sa takot at kabang nararamdaman niya. Natatakoy siyang wala na ang anak niya sa sinapupunan dahil sa raming dugo ang nawala sa kanya at sa panghihina ng katawan niya.Sinusubukan ng isip ni Jessa na buuin ang mga nangyari bago siya mawalan ng malay, ngunit ang mga alaala ng dining room, ni Harvey, ni Kianne, at ang dugong dumaloy sa kanya ay unti-unting pumapatay sa loob loob ni Jessa.Nilibot niya ang tingin at sinubukang maghanap ng ibang tao sa kanyang silid, ngunit wala siyang nakita; mag-isa lang siya. Lumaylay ang balikat niya dahil
Read more