Home / Romance / The President’s Illiterate Wife / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng The President’s Illiterate Wife: Kabanata 81 - Kabanata 90

146 Kabanata

CHAPTER 016

“GUSTO ko lang pong ipaalala sa inyo na hindi na ako menor de edad kaya pwede na akong magdesisyon para sa sarili ko. Besides nagpaalam ako kay Papa at alam naman niyang kailangan ko na rin ng trabaho. Hindi ho ba dapat magpasalamat pa kayo na kahit paano makakatulong na ako sa pagpapagamot ni Papa?”“Sinasagot-sagot mo na ako,” Singhal ni Erlinda, hinila nito ang kanyang buhok, “Ang sabihin mo, gusto mo lang landiin si Anthony!”Pikon na pikon siya, napilitan siyang itulak ito palayo saka matapang na tumingin dito, “Ang dumi talaga ng isip niyo. Hindi ko alam kung nagagalit lang kayo dahil naunahan ko pang makahanap ng trabaho si Yvone. O baka naman naiinis kayo dahil ramdam ninyong gusto ako ni Anthony habang kahit anong pilit ang gawin ninyo, hindi mapansin-pansin ng mga binata dito ang mga anak nyo!” May sarcasm sa tonong sabi niya saka mabilis na niya itong pinagsarhan ng pinto bago pa siya nito masampiga.First time niyang sagutin ito dahil napupuno na siya rito. Ngunit sa
last updateHuling Na-update : 2024-10-31
Magbasa pa

CHAPTER 017

MAAGANG GUMISING SI SELENA para magluto ng almusal at magplantsa ng damit na isusuot niya sa trabaho. Habang nagsasaing ay inihanda niya ang kanyang susuotin. Nagulat na lang siya nang makitang lahat ng damit niya na nakasalansan sa aparador ay binuhusan ng ketsup.Si Yvone kaagad ang sumagi sa isip niya dahil nakita niya itong may hawak na ketsup kagabi habang nagpapakain siya sa Papa niya. Napasugod siya sa kwarto nito at halos magising ang lahat sa lakas ng kalampag niya sa kwarto ni Yvone.Ngunit hindi siya nito pinagbubuksan ng pinto. Sa halip ay ang Tiya Erlinda niya ang bumangon at hinarap siya.“Anong kalokohan ito?” Mabagsik ang mga matanong tanong ng madrasta niya sa kanya, “Ke aga-aga nambubulahaw ka.”“Iyong mga damit ko sa cabinet, tinapunan lahat ng ketsup. Wala namang ibang gagawa nun kundi isa sa mga anak ninyo!” Parang maiiyak na sagot niya dito.“Aba’t pinagbibintangan mo ang mga anak ko?”“Kung hindi sila, kayo!” matapang na sagot niya rito.“Walang hiya ka! A
last updateHuling Na-update : 2024-11-02
Magbasa pa

CHAPTER 018

KINILIG SI ANTHONY nang matanawan ang pagdating ni Selena. Ang ganda-ganda nitong lalo sa ayos nito.Inalalayan ito ng isa sa mga tauhan niya para sa scope ng trabaho nito. Hindi na muna niya ito ginulo dahil baka isipin nitong napaka-unprofessional niya. Pero manaka-naka ay napapasulyap siya sa kinaroroonan nito. Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso niya. Nang hindi na makatiis ay tumayo siya at nilapitan ito.“Samahan mo akong magkape!” Tila nag-uutos ang boses na sabi nya rito.Nag-angat ng mukha si Selena na waring nagproprotesta, “Sir marami ho akong trabahong kailangang tapusin,” paalala niya rito.“I don’t care. Kaya na ng ibang gawin yan. Gusto kong samahan mo akong mag-coffee, okay?” May authority sa tonong sabi niya rito.Napatingin sa kanya si Selena. Namula ang mukha niya dahil kulang na lang ay isigaw nito sa kanya na napaka-childish niya.“Gusto kong magtrabaho ng maayos at ayokong mapag-isipan ng kahit na ano ng mga empleyado ninyo Sir,” paliwanag nito sa kany
last updateHuling Na-update : 2024-11-02
Magbasa pa

CHAPTER 019

HINDI MAINTINDIHAN NI SELENA kung bakit kumikirot ang dibdib niya habang nakikita si Anthony na waring nag-eenoy sa company ng babaeng kasama nito?Actually, nagmamaktol ang kalooban niya. Ganito ba ang lalaking nagpapakita ng interes sa kanya? Nililigawan siya pagkatapos sa isang iglap lang, may iba na kaagad babaeng pinopormahan?Hindi tuloy siya makapagconcetrate sa kanyang trabaho. Umayos siya ng upo. Ayaw man niyang gawin pero hindi siya makatiis na manaka-nakang sumulyap sa kinaroroonan ni Anthony at ng babaeng kasama nito.In fairness, maganda ang babae at halatang mayaman sa bihis at kutis nito. Maya-maya ay natigilan siya nang maalala kung sino ito. Si Christine Racelis, iyong anak ni Governor! Paano nga ba niya ito makakalimutan, may masamang karanasan siya sa babaeng iyon!NAPUKAW ang atensyon ni Christine ng isa sa mga empleyado ni Anthony kung kaya’t bahagya siyang natahimik habang nakatingin dito. Maganda ang babae. Iyong gandang hindi pangkaraniwan kaya imposib
last updateHuling Na-update : 2024-11-02
Magbasa pa

CHAPTER 020

DUMILIM ang mukha ni Anthony nang matanawan ang isa sa mga empleyado niyang lalaki na kausap si Selena. Kaagad niyang nilapitan ang mga ito. “Mr. Remulla, pwede bang bumalik ka sa table mo? Hindi kita pinapasweldo dito para lang makiaghuntahan!” Utos niya rito.Napapahiyang bumalik sa mesa nito ang binata. Hindi maitago ang inis nang tingnan niya si Selena, “Ke bago mo lang dito, nagpapa-cute ka na kagad? Hindi ba dapat yong trabaho mo ang inaasikaso mo?”Napahumindig si Selena sa sinabi niya, “Napaka-inconsistent ninyo Sir. Kanina ay niyayaya ninyo akong magkape. Pinagagawa nyo pa nga ang trabaho ko sa iba. Ngayon naman. . ..and FYI sir, hindi po ako nagpapa-cute kay Johny. May nililinaw lang sya sa mga ini-encode ko.” Paglilinaw nito sa kanya.“Whatever! Kung may gusto kamo syang linawin sa trabaho mo, sa akin kamo sya magtanong!” Very unreasonable na sagot niya rito. Maging siya ay nagugulat sa kanyang sarili sa pagiging makitid ng utak niya. Pero hindi niya gustong nakiki
last updateHuling Na-update : 2024-11-04
Magbasa pa

CHAPTER 021

“I KNOW. MAGDI-DINNER MUNA TAYO bago kita ihatid sa inyo,” kalmadong sabi ni Anthony sa kanya.“At ni hindi nyo man lang ako tinanong kung gusto kong magdinner kasama nyo?” reklamo niya, “Papakainin ko pa si Papa at. . .”“Pwede bang this time, sarili mo naman ang intindihin mo? Alam kong gutom ka na kaya gusto muna kitang pakainin bago kita ihatid sa inyo. Don’t worry, ioorder ko na lang ang Papa mo ng makakain niya. Iyong apat na elepanteng kasama nyo, hayaan mong sila ang magluto ng hapunan nila.”Natahimik siya at palihim na napatawa sa sinabi nito. Sabagay, pagod siya sa maghapong pagtratrabaho at masarap sa pakiramdam na hindi na niya iisipin pang magprepare ng dinner pagdating sa bahay.At least ay kinonsider naman nito ang Papa niya. Dinala siya ni Anthony sa isang mamahaling restaurant. Ang dami nitong in-order para sa kanila. Nawala ang iniisip niya nang dumating na ang mga pagkain sa harapan nila.Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Paminsan-minsan lang siyang kum
last updateHuling Na-update : 2024-11-04
Magbasa pa

CHAPTER 022

HINDI NA NAGULAT PA SI SELENA nang kinabuksan ay nasa tapat na ng bahay nila si Anthony para sunduin siya. Hindi niya alam kung matutuwa siya or maiilang sa ginagawa nito ngunit hindi naman niya ito mapigilan. Makulit talaga ito at pursigido, kung seryoso ito sa kanya, hindi niya tiyak.“Baka kainisan na ako ng mga empleyado ninyo sa ginagawa ninyong ito, Sir.” Aniya rito nang makasakay na sa kotse nito, “Empleyado ninyo ako at. . .”“Pwede ba Selena, magpasalamat ka na lang dahil ikaw lang ang pinagseserbisyuhan ko ng ganito! At uulitin ko, interesado ako saiyo.”Natahimik siya. Habang tumatagal ay parang nagugustuhan na rin niya si Anthony ngunit pilit niya iyong inaalis sa utak niya. Besides sa gusto niyang magfocus sa kanyang mga pangarap, natatakot siya na baka kapag nalaman nito ang tungkol sa ina niya, maglaho na lamang itong parang bula gaya ng ibang manliligaw niya.Hindi siya pamilyar sa pakiramdam na inihahatid sa kanya ni Anthony, ang tanging alam lang niya, unti-unti
last updateHuling Na-update : 2024-11-05
Magbasa pa

CHAPTER 023

“MARAMING SALAMAT AT PINA-ADVANCE mo ako ng sweldo, Anthony,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Selena sa binata nang dalawin nito sa ospital ang Papa niya, “Hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha ng perang pampa-opera sa kanya kung hind imo ako tinulungan,” aniya.“Kailangan bang ulit-ulitin mo pa iyon, ha Selena? Iyong isang beses na pasasalamat, sapat na malaman kong naappreciate mo ang ginagawa ko. At saka sinong me sabing advance sweldo mo iyon? Tulong ko na iyon sa. . .”“Utang ko iyon at babayaran ko iyon sa pamamagitan ng pagtratrabaho sa kompanya mo. Ayoko namang abusuhin ka.” Giit niya rito. Hindi na nakipagtalo pa sa kanya si Anthony. Alam kasi nitong kapag may napagdesisyunan siyang isang bagay ay pinaninidigan niya. Sa loob ng mga panahong nagkalapit sila ay nakilala na nito ang ugali niya.Unti-unti rin ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito ngunit natatakot siyang ibigay ang hundred percent ng pagmamahal niya para dito sa takot na baka kapag nalaman ni
last updateHuling Na-update : 2024-11-10
Magbasa pa

CHAPTER 024

“GANYAN PA ANG IGAGANTI mo sa amin ngayon, ha?” Muntikan nang sumalpok ang mukha ni Selena sa semento nang itulak siya ng kanyang madrasta. Itinapon nito ang lahat ng gamit niya sa labas. “Lumayas ka dito, wala kang utang na loob hayup ka!!!”Umiiyak na dinampot ni Selena ang mga nagkalat niyang damit sa labas. Inihabilin niya iyon sa bahay nina Karla saka dumiretso sa ospital para duon magpalipas ng gabi. Nakita kaagad ng Papa niya ang mga pasa niya sa mukha at katawan. Kahit hindi niya ikwento ay nahulaan na nito kung ano ang nangyari sa kanya.Naiiyak ang Papa niya habang nakatingin sa kanya. Awang-awa ito ngunit hindi nito alam kung ano ang gagawin. Masyado na itong mahina para maipagtanggol pa siya sa madrasta ang mga kapatid.“Anak, paano ka na kapag namatay ako?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya, “Ako na lang ang kaisa-isang kakampi mo, hindi pa kita maipagtanggol. Sa halip ay pasanin mo pa ako ngayon.”“Pa, ang isipin nyo ay ang pagpapalakas ninyo. Huwag nyo akong a
last updateHuling Na-update : 2024-11-10
Magbasa pa

CHAPTER 025

INIANGAT NI ANTHONY ang kanyang balakang at binuhat siya paupo sa lamesa. Kinakabahang pinigilan ni Selena si Anthony nang akmang huhubarin nito ang suot niyang bestida.“B-baka may makakita sa atin dito. . .” Nag-aalalang sabi niya sa lalaki bagama’t hindi maipagkakaila ang pananabik sa kanyang mga mata sa sensasyong inihahatid ng nakakakiliting ginagawa nito.Huminga ng malalim si Anthony saka inilock ang pinto sa pribadong opisina nito. Muli itong bumalik sa kanya, this time, mas mapusok na ang ginagawa nitong paghalik. Hindi na siya pumalag.Sa katunayan, nang mga oras na iyon ay wala siyang nasa isip kundi ang nakakabaliw, nakakapanghina at nakakatarantang ibinibigay ng mga halik nito sa kanyang katawan.“Anthony. . .” halos paanas lamang na sambit niya, napasabunot siya sa buhok nito sabay pikit ng kanyang mga mata. Bago sa kanya ang ganitong uri ng pakiramdam at ewan ba niya kung bakit tila nawawala siya sa wisyo ng mga sandaling iyon.Parang kahit na anong gawin sa kanya n
last updateHuling Na-update : 2024-11-10
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
15
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status