INIANGAT NI ANTHONY ang kanyang balakang at binuhat siya paupo sa lamesa. Kinakabahang pinigilan ni Selena si Anthony nang akmang huhubarin nito ang suot niyang bestida.“B-baka may makakita sa atin dito. . .” Nag-aalalang sabi niya sa lalaki bagama’t hindi maipagkakaila ang pananabik sa kanyang mga mata sa sensasyong inihahatid ng nakakakiliting ginagawa nito.Huminga ng malalim si Anthony saka inilock ang pinto sa pribadong opisina nito. Muli itong bumalik sa kanya, this time, mas mapusok na ang ginagawa nitong paghalik. Hindi na siya pumalag.Sa katunayan, nang mga oras na iyon ay wala siyang nasa isip kundi ang nakakabaliw, nakakapanghina at nakakatarantang ibinibigay ng mga halik nito sa kanyang katawan.“Anthony. . .” halos paanas lamang na sambit niya, napasabunot siya sa buhok nito sabay pikit ng kanyang mga mata. Bago sa kanya ang ganitong uri ng pakiramdam at ewan ba niya kung bakit tila nawawala siya sa wisyo ng mga sandaling iyon.Parang kahit na anong gawin sa kanya n
DUMILIM ang mukha ni Mayor Narciso Alcala nang makita ang mga larawang ibinigay sa kanya ni Christine.“Tito, nag-aalala lang ako, masyado naman yatang nahuhumaling si Anthony sa babaeng iyon. Pina-back ground check ko na ang Selena na iyon, Gosh Tito Narciso, I can’t believe nap ag-aaksayahan ng oras ni Anthony ang ganuong klase ng babae.”Hindi umimik ang mayor. Tahimik lamang ito habang nag-iisip. Ang totoo ay naalarma na rin siya dahil napapansin niyang napapalapit na ang loob ng kanyang anak sa isa sa mga empleyado nito. Nuon ay pinagbibigyan lamang niya ito dahil akala niya ay past time lamang it oni Anthony. Besides, malaking tulong rin ang pakikipaglapit nito sa masa bilang paghahanda sa papasukin nitong poitical career.Ngunit lately ay napapansin niyang masyado na itong nagiging abala sa babaeng iyon. Kaya nga naghire na siya ng private investigator upang ma-back ground chek ito. Hindi niya alam na ganuon rin pala ang ginagawa ni Christine.“Tito, wala ho ba kayong gag
MATAPOS ANG LIBING ay kaagad siyang pinalayas ng madrasta ang mga kapatid sa kanilang bahay. Ni hindi niya alam kung saan pupunta dahil maging si Karla ay ayaw siyang harapin. Ang dami niyang gustong itanong dito. Hindi niya iyon nagawa kaagad dahil nga sa pagkamatay sa kanyang Papa.Pinagtatakhan rin niyang hindi man lang nagpakita si Anthony sa burol ng kanyang Papa. Hindi naman niya ito makontak dahil nawala ang phone niya. Kaya laking pagkagulat niya nang pumasok siya sa opisina ay malamang wala na siyang trabaho duon. Ngunit mas lalong ikinagulat niya na nasa Amerika na si Anthony.Lutang ang isipan niya habang naglalakad at walang malinaw na patutunguhan. Hindi siya makapaniwala na maging si Anthony ay basta na lamang siya iniwan ng walang paalam.Ang tanging natira na lamang sa kanya ay ang regalo nitong kwintas at bracelet. Napahagulhol siya. Hinubad niya ang kwintas at bracelet at nagtungo sa pawnshop. Ayaw sana niya iyong ibenta ngunit napilitan siya. Lumuwas siya
HINANAP NI SELENA ang tinitirhan ng naging kaibigan ng Mommy niya sa loob ng selda, si Aling Lory. Nalungkot siya nang malalamang namatay na ito last year pero buong puso naman siyang pinatuloy ng anak nitong si Becka. Mabuti na lamang at natatandaan siya nito sa tuwing dumadalaw ito kay Aling Lory nuon kasama ng tatay nito. Ang kwento sa kanya ni Becka, nang mamatay si Aling Lory ay tuluyan nang nakisama ang tatay nito sa ibang babae kaya naiwan itong mag-isa sa bahay.“Ituring mong parang saiyo ang bahay na ito. Kapag nakahanap ka ng trabaho, saka ka na lang maki-share sa mga gastusin dito. But for the meantime, ako na munang bahala saiyo. Natatandaan ko kung gaano kabait ang Mommy mo kay Nanay nuong pareho pa silang nakakulong. Kaya sa ganitong paraan man lang makabawi ako.”“Salamat Becka. Nakakahiya pero kinakapalan ko na ang mukha ko. Hamo at hindi naman magtatagal, makakahanap rin ako ng trabaho.”Huminga ito ng malalim at tumingin ng matiim sa kanya, “Parang pareho tayo
“NAKU, AKALA ko sa isang araw pa ako dadatnan. Napaaga yata ang mens ko. May extra sanitary napkin ka ba dyan?” Tanong ni Becka habang nanunuod sila ng tv pagkarating niya mula sa pinagtratrabahuhang factory.Para siyang namutla sa sinabing iyon ni Becka. Ngayon lang niya narealize na two months na siyang hindi dinadatnan.“Oh, bakit ganyan ang itsura mo? May masama ba akong nasabi?” Takang tanong ni Becka sa kanya.“T-two months na akong delayed,” halos paanas lamang na sabi niya rito habang pinagpapawisan.“Ha? Hindi ko alam na may boyfriend ka. . .” Gulat na sabi nito sa kanya.“D-dati p-pero parang bula siyang naglaho,” nangingilid ang mga luhang sabi niya kay Becka. Napilitan siyang ikwento ang lahat pati na rin ang mga masaklap na nangyari sa kanya.“So, posibleng iyong gumahasa saiyo ang ama ng dinadala mo?” Tila kinikilabutang tanong nito sa kanya matapos niyang magkwento.Napatingin siya rito. Ramdam niya ang paninindig ng kanyang mga balahibo iniisip pa lamang na naana
NAPAHAGULHOL SI SELENA nang makumpirmang nag-match sa kanyang anak ang DNA ni Anthony. Kahit paano ay natuwa siya na hindi ito anak ng taong gumahasa sa kanya. Napatingin siya sa kanyang three months old na baby.“At least panatag na ang kalooban natin na hindi yan anak ng criminal,” sabi ni Becka sa kanya, “Kahit paano, may peace of mind na akong iiwan kita dito sa Pilipinas,” anito sa kanya.“Talaga bang wala ng atrasan ang desisyon mong yan?” Tanong niya dito. Sa loob ng panahong pinagsamahan nil ani Becka ay naging malapit na ang loob nila sa isa’t-isa at itinuring na niya itong isang pamilya. Gaya niya ay may mga personal problems rin itong pinagdadaanan at very vocal rin ito sa pagsasabi sa kanya ng mga hinaing nito sa buhay. Maninibago talaga siya sa pag-alis nito ngunit hindi niya ito pipigilan lalo pa at deserve rin naman nitong magkaroon ng magandang buhay.“As much as gusto kong pangigilan si Baby Anika, kailangan ko ring tuparin ang pangarap ko. Saka alam mo naman ku
MABILIS na sinundan ni Selena ang tricycle na sinakyan ni Karla. Gamay na gamay na niya ang kotse ni Becka dahil kahit nuong nasa Pilipinas ito ay madalas nitong ipahiram sa kanya ng kaibigan kapag dinadala niya sa doctor si Anika. At ngayong nasa London na ito ay ibinigay na nito ang ginagamit na sasakyan sa kanya. Ipinara niya ang sasakyan sa tabi nang makitang bumaba si Karla sa tricycle at pumasok sa isang fastfood restaurant. Mabilis niya itong sinundan.Nag-aayos ng mga mesa si Karla nang matigilan ito pagkakita sa kanya. “S-Selena,” ramdam niya ang takot sa mga mata nito, ni hindi malaman kung ngingitian ba siya or tatakbo itong palayo sa kanya.“Bakit parang nakakita ka ng multo?” Tanong niya rito, may sarcasm sa mga labing ngumiti siya, “Hindi ka ba masayang makita ako, ha bff?” Sinadya niyang idiin ang salitang bff habang palapit ng palapit dito.“A-Ang tagal mong nawala. . .” iyon lamang ang tanging nasabi ni Karla habang umaatras palayo sa kanya, siya naman ay palapi
“NASAAN KA NA NAMAN BANG WALANG HIYA KA?” Sita ni Christine kay Anthony nang tawagan niya ito sa telepono nito.Ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay pinagpatayan lamang siya ng telepono ni Anthony. Yamot na ibinato niya ang kanyang phone. Simula nang mamatay ang batang ipinagbubuntis niya ay mas lalo nang naging matabang ang pakikitungo sa kanya ng asawa.Ilang beses niyang sinubukang mabuntis muli ngunit palagi na ay nakukunan siya. Idagdag pang ayaw namang makipag-cooperate sa kanya ni Anthony na pumunta sila sa Singapore para mag-kaanak sila.Hindi naman niya ito tuluyang masisi dahil sa umpisa pa lang naman ng kanilang pagsasama ay malinaw naman sa kanya na hindi siya nito mahal. Napilitan nga lang itong pakasalan siya dahil sa ipinagbubuntis niya. Kaya umasa siyang magbabago ang pakikitungo nito sa kanya once maipanganak niya ang bata.Pero maselan ang pagbubuntis niya. Mahina raw ang kapit ng bata kaya patay na ito nang isilang niya.Sa kabila ng pakikitungo
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya
HINDI lang nagpapahalata si Becka, syempre pa ay ayaw naman niyang agawin ang moment na ito para sa kanyang kaibigang si Selena. But deep inside she is hurting. Kung maari nga lamang ay ayaw na niyang umuwi pa ng Pilipinas dahil nabalitaan niyang nagpakasal na sa pinsan niya ang kanyang ex-boyfriend.Kaya lang ay paano ba naman niya iisnabin ang kasal ng kanyang kaibigan. Hindi na lamang kaibigan ang turing niya kay Selena kundi isang pamilya at gusto niya, present siya sa lahat ng mahahalagang kabanata sa buhay nito. Kaya kahit umiiyak ang puso niya, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas.Hindi man maganda ang sinapit ng kanyang love life, at least ay happy naman si Selena. Kitang-kita niya ang kakaibang glow sa mga mata nito. Bagay na ngayon lamang niya nakita dito. At masayang-masaya siya para kay Selena.Natigilan siya nang pumatak sa kanya ang bouquet na inihagis ni Selena. Sa dinami-dami ng mga nakikipag-agawan ay sa mga kamay pa talaga niya iyon pumatak. Tawa nang tawa s
HINDI NAPIGILAN NI SELENA ang mapahagulhol nang sa wakas ay mahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sina Christine, ang ama nito at si Rigor. Para siyang nabunutan ng tinik nang matanggap ang hinahanap na hustisya.Habang siya ay nagdiriwang, para namang mababaliw si Christine at hindi matanggap ang naging sentensya sa kanilang tatlo. Feeling nito ay napaka-unfair ng naging hatol sa kanya. Hindi ba dapat si Rigor lang ang hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo without bail?Bakit pati siya?Ngunit ipinapangako niya sa sariling hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakabawi. Hindi pa tapos ang laban nila ni Selena. Isinusumpa niyang nasa kanya pa rin ang huling halakhak.Samantala, pagkatapos ng hearing ay nagcelebrate sila ni Anthony kasama ang buong pamilya. Nagulat na lamang siya nang biglang lumitaw si Becka. Ni hindi niya alam na kinausap pala ito ni Anthony para sa gagawing pagpro-propose sa kanya.Iyak siya nang iyak.Lumuhod pa si Anthony sa harapan niya habang
NAPAPIKIT SI SELENA nang maramdaman ang mga labi ni Anthony na bumaba sa kanyang kaliwanag dibdib habang ang isang kamay naman nito ay pinaglalaruan ang kaumbukan ng kanyang kanan. Para siyang nakikiliti, naliliyo na hindi mapakali sa sensasyong idinudulot ng ginagawang iyon sa kanya ni Anthony.“Anthony,” sambit niya sa pagitan ng paghalinghing, basang-basa na siya at handang-handa nang tanggapin ang naghuhumiyaw na pagkalalaki nito ngunit tila gusto muna nitong paglaruan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.“I love you, Selena,” narinig pa niyang sambit nito sa pagitan ng ibayong pagroromansa sa kanya.Hinagod niya ang buhok nito at sandaling nagmulat ng mga mata upang tingnan ito, “I love you more, Anthony. . .” buong pagmamahal na sabi niya rito. Umakyat ang ulo nito at hinagip ang kanyang mga labi para siilin ng halik.Ramdam niya ang buong-buo nitong pagmamahal sa kanya, buong kaluluwa, buong puso niyang tinugon ang nag-aalab nitong mga halik. This time ay wala na siyang
“PATAWARIN mo ako. Pinagsisihan kong pinairal ko ang takot ko. Miss na miss ko na ang friendship natin, Selena,” umiiyak na sabi ni Karla sa kanya. Nakatingin siya rito habang tahimik na tahimik.Kahit siya ay nanghihinayang sa pinagsamahan nilang dalawa pero alam niyang hindi na niya muli pang maibabalik ang tiwala niya dito. Siguro kaya na niya itong patawarin pero never na siyang makakalimot pa.Akmang yayakapin nga siya nito ngunit mabilis siyang napaatras palayo dito. Ewan ba niya ngunit hindi na niya makakalimutan pa ang araw na ipinagkanulo siya nito. “I’m sorry kung hindi ko na kayang maibalik pa iyong dati,” aniya dito, “Hindi ko rin alam kung tuluyan na nga ba kitang napatawad, Karla. Hindi pa siguro hundred percent. . .”“Naiintindihan ko naman iyon.” Mahinang sabi nito sa kanya, “P-pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya akong malamang nakuha mo na ang hustisya.”May pait sa mga labing napangiti siya, “Oo, nakuha ko na ang hustisya pero hindi na maibabalik pa ang mga
INAGAW NI CHRISTINE SA AMA ANG HAWAK NITONG baril at itinutok iyon kay Selena ngunit bago pa nito maiputok iyon ay inunahan na ito ni Anthony. Binaril nito ang binti ni Christine na labis nitong ikinagulat kung kaya’t nabitiwan nito ang hawak na baril. Mabilis na tinakbo ni Selena ang kinaroroonan ng baril, pinulot niya iyon at nanggigigil sa galit na itinutok iyon kay Christine.“Hayup ka. Ipinagahasa mo ako, anong klaseng nilalang ka?” Nagpupuyos sa galit na sigaw niya kay Christine. Narinig niyang umungol si Rigor, dito naman niya itinutok ang hawak niyang baril, “Demonyo ka! Ang dapat saiyo ay mamatay!!!” Sa sobrang galit ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili, binaril niya si Rigor. Natigilan ang mag-ama sa ginawa niya.Iyak siya ng iyak habang nakatingin sa nag-aagaw buhay na lalaki. Hindi niya alam kung masaya ba siyang makitang unti-unting namamatay sa harapan niya ang lalaking gumahasa sa kanya. Isa lang ang tiyak niya, hindi siya nakakaramdam ng awa habang na