NAPAHAGULHOL SI SELENA nang makumpirmang nag-match sa kanyang anak ang DNA ni Anthony. Kahit paano ay natuwa siya na hindi ito anak ng taong gumahasa sa kanya. Napatingin siya sa kanyang three months old na baby.“At least panatag na ang kalooban natin na hindi yan anak ng criminal,” sabi ni Becka sa kanya, “Kahit paano, may peace of mind na akong iiwan kita dito sa Pilipinas,” anito sa kanya.“Talaga bang wala ng atrasan ang desisyon mong yan?” Tanong niya dito. Sa loob ng panahong pinagsamahan nil ani Becka ay naging malapit na ang loob nila sa isa’t-isa at itinuring na niya itong isang pamilya. Gaya niya ay may mga personal problems rin itong pinagdadaanan at very vocal rin ito sa pagsasabi sa kanya ng mga hinaing nito sa buhay. Maninibago talaga siya sa pag-alis nito ngunit hindi niya ito pipigilan lalo pa at deserve rin naman nitong magkaroon ng magandang buhay.“As much as gusto kong pangigilan si Baby Anika, kailangan ko ring tuparin ang pangarap ko. Saka alam mo naman ku
MABILIS na sinundan ni Selena ang tricycle na sinakyan ni Karla. Gamay na gamay na niya ang kotse ni Becka dahil kahit nuong nasa Pilipinas ito ay madalas nitong ipahiram sa kanya ng kaibigan kapag dinadala niya sa doctor si Anika. At ngayong nasa London na ito ay ibinigay na nito ang ginagamit na sasakyan sa kanya. Ipinara niya ang sasakyan sa tabi nang makitang bumaba si Karla sa tricycle at pumasok sa isang fastfood restaurant. Mabilis niya itong sinundan.Nag-aayos ng mga mesa si Karla nang matigilan ito pagkakita sa kanya. “S-Selena,” ramdam niya ang takot sa mga mata nito, ni hindi malaman kung ngingitian ba siya or tatakbo itong palayo sa kanya.“Bakit parang nakakita ka ng multo?” Tanong niya rito, may sarcasm sa mga labing ngumiti siya, “Hindi ka ba masayang makita ako, ha bff?” Sinadya niyang idiin ang salitang bff habang palapit ng palapit dito.“A-Ang tagal mong nawala. . .” iyon lamang ang tanging nasabi ni Karla habang umaatras palayo sa kanya, siya naman ay palapi
“NASAAN KA NA NAMAN BANG WALANG HIYA KA?” Sita ni Christine kay Anthony nang tawagan niya ito sa telepono nito.Ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay pinagpatayan lamang siya ng telepono ni Anthony. Yamot na ibinato niya ang kanyang phone. Simula nang mamatay ang batang ipinagbubuntis niya ay mas lalo nang naging matabang ang pakikitungo sa kanya ng asawa.Ilang beses niyang sinubukang mabuntis muli ngunit palagi na ay nakukunan siya. Idagdag pang ayaw namang makipag-cooperate sa kanya ni Anthony na pumunta sila sa Singapore para mag-kaanak sila.Hindi naman niya ito tuluyang masisi dahil sa umpisa pa lang naman ng kanilang pagsasama ay malinaw naman sa kanya na hindi siya nito mahal. Napilitan nga lang itong pakasalan siya dahil sa ipinagbubuntis niya. Kaya umasa siyang magbabago ang pakikitungo nito sa kanya once maipanganak niya ang bata.Pero maselan ang pagbubuntis niya. Mahina raw ang kapit ng bata kaya patay na ito nang isilang niya.Sa kabila ng pakikitungo
“S-SELENA?” EWAN KUNG totoong nakita ni Selena ang piping pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. O nakatitig sa mas tamang kahulugan ng salita. Ngunit maya-maya ay tila bumakas ang galit sa mga mata nito, “Iniwan ka na ba ng mayaman mong sugar Daddy kaya nagbabalik ka dito sa Sta. Isabel?”Pinagtatakahan niya kung paano nito naisip na may sugar daddy siya ngunit hindi na niya ipinagtanggol pa ang sarili. Isipin na nito ang gusto nitong isipin tungkol sa kanya. Wala na siyang pakialam. Nagbabalik siya para sa kanyang pakay at gagamitin niya si Anthony this time para makapaghiganti sa lahat ng may atraso sa kanya. Ngumiti siya ng ubod tamis. Talagang pinaghandaan niya ang muli nilang paghaharap. Nagpaganda siya ng husto. Kinulot niya ang hanggang balikat niyang buhok. Naglipstick siya ng kulay pula. Nilagyan niya ng kulay ang kanyang mga pisngi. Isinuot niya ang black dress na ibinigay sa kanya ni Becka pati na rin ang katernong high heels niyon. Ang ganda-g
LIHIM NA NAPANGITI SI SELENA nang paglabas sa opisina ni Anthony ay marinig ang malakas na boses ni Christine na halos gustong magwala. Alam niyang siya ang dahilan ng galit nito.Naglakad siya patungo sa kanyang sasakyan at nagdrive papunta sa bahay ng kanyang ama. Parang nakakita ng multo ang tatlo niyang kapatid sa ama nang makita siya. “Ang boring naman ng mga buhay nyo.” May sarcasm sa tonong sabi niya sa mga ito, nangungutya ang kanyang mga mata nang isa-isang tingnan ang mga kapatid. Gustuhin man niyang maawa sa kalagayan ng mga ito ay mas nanaig ang galit na nararamdaman niya kapag naalala ang lahat ng kaapihang dinanas niya sa mga ito. “Anong nangyari sa isang paa mo, Yvone? Bakit naputol?”Nanigas ang mga panga ni Yvone. Gustong-gusto nitong labanan ang pang-iinsulto niya ngunit tila nawalan ito ng tapang nang marealize na talunan ito. Wala na nga ang isang binti nito, wala pa itong trabaho ngayon.Natawa si Selena, lumapit siya kay Yvone, “Oh, bakit parang nawala ang
UNANG ARAW SA TRABAHO ni Selena kung kaya’t maaga siyang pumasok. Naroroon na si Anthony nang dumating siya. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya rito saka buong lambing itong tinanong, “Do you want coffee, Sir?”Tumayo ito at lumapit sa kanya, “Don’t pretend as if wala tayong naging ugnayan, Selena. Marami kang dapat na ipaliwanag sa akin!” matiim na sabi nito, napaatras siya nang sa pakiwari niya ay hahalikan siya nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Hanggang sa makorner na siya nito sa isang sulok. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan. “I deserve an explanation, Selena,” halos paanas na lamang na sambit nito.Umiwas siya ng tingin dito dahil pakiramdam niya ay natatangay siya ng kanyang emosyon. Hindi naman niya ito nagawang burahin sa puso niya kahit paulit-ulit nang sinasabi ng utak niya na kalimutan na niya ito.Ang totoo, habang umuusad ang mga araw ay mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman niya para dito kahit pa nga ginago na siya nito.Hum
RAMDAM NI SELENA ang paninindig ng kanyang mga balahibo nang malanghap ang pabango ni Archie. Pamilyar sa kanya ang scent na iyon. Ito ang amoy ng lalaking humatak sa kanya sa dilim at naglagay ng panyo sa ilong niya kaya siya nawalan ng malay tao.Kinilabutan siyang bigla ngunit hindi siya dapat na magpahalata lalo pa at hindi naman niya tiyak kung ito nga talaga ang humalay sa kanya. Hindi naman niya pwedeng pagkatiwalaan ang salita ni Karla.“Hindi ko alam na dito ka na pala ulit nagtratrabaho. Long time no see. Ang tagal mong nawala.” Nakangiting sabi ni Archie sa kanya saka tumingin kay Anthony, “Hindi mo nabanggit sa akin na nandito pala siya.”Hindi ito sinagot ni Anthony ngunit halatang hindi nito nagustuhan ang pagdating ni Archie. Naudlot kasi ang kamanyakan nito kaya siguro parang mainit ang ulo. And speaking of Arichie. Habang pinag-aaralan niya ang expression ng mukha nito ay tila parang wala man lang itong ‘nagawang kasalanan sa kanya’. Guilty or not guilty? Ku
“YES PLEASE,” NAKANGISI SI ARCHIE nang bumaling kay Selena, halos magdilim naman ang paningin ni Anthony nang mapansin ang malalagkit na tingin ng kaibigan sa kanyang dating kasintahan. Kaya naman ng makaalis si Archie ay kaagad niyang sinita si Selena.“Mag-ingat ka kay Archie dahil paglalaruan ka lang nun. Kilala ko ang lalaking iyon!!!”“I know. It takes one to know one, right Sir Anthony Alcala?” Nanunuya ang kanyang mukha nang balingan si Anthony. Ang dami niyang gustong sabihin dito ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ano kaya ang mararamdaman nito kapag nalaman nitong nagbunga ang isang gabing kapusukan nilang dalawa?“Never kitang pinaglaruan!”Tiningnan niya ito na parang sinasabing; Really? Huminga siya ng malalim. Sumbatan man niya ito ay hindi na niya maibabalik pa ang mga nangyari. Besides, hindi siya kailangang magpadalos-dalos kung hindi’y masisira ang kanyang mga plano. Umayos siya ng upo. Nagulat siya nang lapitan siya ni Anthony.“Hinanap kita. . .gali
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya