Share

CHAPTER 031

Author: Michelle Vito
last update Huling Na-update: 2024-11-15 12:38:08

MABILIS na sinundan ni Selena ang tricycle na sinakyan ni Karla. Gamay na gamay na niya ang kotse ni Becka dahil kahit nuong nasa Pilipinas ito ay madalas nitong ipahiram sa kanya ng kaibigan kapag dinadala niya sa doctor si Anika. At ngayong nasa London na ito ay ibinigay na nito ang ginagamit na sasakyan sa kanya. Ipinara niya ang sasakyan sa tabi nang makitang bumaba si Karla sa tricycle at pumasok sa isang fastfood restaurant. Mabilis niya itong sinundan.

Nag-aayos ng mga mesa si Karla nang matigilan ito pagkakita sa kanya. “S-Selena,” ramdam niya ang takot sa mga mata nito, ni hindi malaman kung ngingitian ba siya or tatakbo itong palayo sa kanya.

“Bakit parang nakakita ka ng multo?” Tanong niya rito, may sarcasm sa mga labing ngumiti siya, “Hindi ka ba masayang makita ako, ha bff?” Sinadya niyang idiin ang salitang bff habang palapit ng palapit dito.

“A-Ang tagal mong nawala. . .” iyon lamang ang tanging nasabi ni Karla habang umaatras palayo sa kanya, siya naman ay palapi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 032

    “NASAAN KA NA NAMAN BANG WALANG HIYA KA?” Sita ni Christine kay Anthony nang tawagan niya ito sa telepono nito.Ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay pinagpatayan lamang siya ng telepono ni Anthony. Yamot na ibinato niya ang kanyang phone. Simula nang mamatay ang batang ipinagbubuntis niya ay mas lalo nang naging matabang ang pakikitungo sa kanya ng asawa.Ilang beses niyang sinubukang mabuntis muli ngunit palagi na ay nakukunan siya. Idagdag pang ayaw namang makipag-cooperate sa kanya ni Anthony na pumunta sila sa Singapore para mag-kaanak sila.Hindi naman niya ito tuluyang masisi dahil sa umpisa pa lang naman ng kanilang pagsasama ay malinaw naman sa kanya na hindi siya nito mahal. Napilitan nga lang itong pakasalan siya dahil sa ipinagbubuntis niya. Kaya umasa siyang magbabago ang pakikitungo nito sa kanya once maipanganak niya ang bata.Pero maselan ang pagbubuntis niya. Mahina raw ang kapit ng bata kaya patay na ito nang isilang niya.Sa kabila ng pakikitungo

    Huling Na-update : 2024-11-15
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 033

    “S-SELENA?” EWAN KUNG totoong nakita ni Selena ang piping pananabik sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. O nakatitig sa mas tamang kahulugan ng salita. Ngunit maya-maya ay tila bumakas ang galit sa mga mata nito, “Iniwan ka na ba ng mayaman mong sugar Daddy kaya nagbabalik ka dito sa Sta. Isabel?”Pinagtatakahan niya kung paano nito naisip na may sugar daddy siya ngunit hindi na niya ipinagtanggol pa ang sarili. Isipin na nito ang gusto nitong isipin tungkol sa kanya. Wala na siyang pakialam. Nagbabalik siya para sa kanyang pakay at gagamitin niya si Anthony this time para makapaghiganti sa lahat ng may atraso sa kanya. Ngumiti siya ng ubod tamis. Talagang pinaghandaan niya ang muli nilang paghaharap. Nagpaganda siya ng husto. Kinulot niya ang hanggang balikat niyang buhok. Naglipstick siya ng kulay pula. Nilagyan niya ng kulay ang kanyang mga pisngi. Isinuot niya ang black dress na ibinigay sa kanya ni Becka pati na rin ang katernong high heels niyon. Ang ganda-g

    Huling Na-update : 2024-11-16
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 034

    LIHIM NA NAPANGITI SI SELENA nang paglabas sa opisina ni Anthony ay marinig ang malakas na boses ni Christine na halos gustong magwala. Alam niyang siya ang dahilan ng galit nito.Naglakad siya patungo sa kanyang sasakyan at nagdrive papunta sa bahay ng kanyang ama. Parang nakakita ng multo ang tatlo niyang kapatid sa ama nang makita siya. “Ang boring naman ng mga buhay nyo.” May sarcasm sa tonong sabi niya sa mga ito, nangungutya ang kanyang mga mata nang isa-isang tingnan ang mga kapatid. Gustuhin man niyang maawa sa kalagayan ng mga ito ay mas nanaig ang galit na nararamdaman niya kapag naalala ang lahat ng kaapihang dinanas niya sa mga ito. “Anong nangyari sa isang paa mo, Yvone? Bakit naputol?”Nanigas ang mga panga ni Yvone. Gustong-gusto nitong labanan ang pang-iinsulto niya ngunit tila nawalan ito ng tapang nang marealize na talunan ito. Wala na nga ang isang binti nito, wala pa itong trabaho ngayon.Natawa si Selena, lumapit siya kay Yvone, “Oh, bakit parang nawala ang

    Huling Na-update : 2024-11-16
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 035

    UNANG ARAW SA TRABAHO ni Selena kung kaya’t maaga siyang pumasok. Naroroon na si Anthony nang dumating siya. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya rito saka buong lambing itong tinanong, “Do you want coffee, Sir?”Tumayo ito at lumapit sa kanya, “Don’t pretend as if wala tayong naging ugnayan, Selena. Marami kang dapat na ipaliwanag sa akin!” matiim na sabi nito, napaatras siya nang sa pakiwari niya ay hahalikan siya nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Hanggang sa makorner na siya nito sa isang sulok. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan. “I deserve an explanation, Selena,” halos paanas na lamang na sambit nito.Umiwas siya ng tingin dito dahil pakiramdam niya ay natatangay siya ng kanyang emosyon. Hindi naman niya ito nagawang burahin sa puso niya kahit paulit-ulit nang sinasabi ng utak niya na kalimutan na niya ito.Ang totoo, habang umuusad ang mga araw ay mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman niya para dito kahit pa nga ginago na siya nito.Hum

    Huling Na-update : 2024-11-17
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 036

    RAMDAM NI SELENA ang paninindig ng kanyang mga balahibo nang malanghap ang pabango ni Archie. Pamilyar sa kanya ang scent na iyon. Ito ang amoy ng lalaking humatak sa kanya sa dilim at naglagay ng panyo sa ilong niya kaya siya nawalan ng malay tao.Kinilabutan siyang bigla ngunit hindi siya dapat na magpahalata lalo pa at hindi naman niya tiyak kung ito nga talaga ang humalay sa kanya. Hindi naman niya pwedeng pagkatiwalaan ang salita ni Karla.“Hindi ko alam na dito ka na pala ulit nagtratrabaho. Long time no see. Ang tagal mong nawala.” Nakangiting sabi ni Archie sa kanya saka tumingin kay Anthony, “Hindi mo nabanggit sa akin na nandito pala siya.”Hindi ito sinagot ni Anthony ngunit halatang hindi nito nagustuhan ang pagdating ni Archie. Naudlot kasi ang kamanyakan nito kaya siguro parang mainit ang ulo. And speaking of Arichie. Habang pinag-aaralan niya ang expression ng mukha nito ay tila parang wala man lang itong ‘nagawang kasalanan sa kanya’. Guilty or not guilty? Ku

    Huling Na-update : 2024-11-17
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 037

    “YES PLEASE,” NAKANGISI SI ARCHIE nang bumaling kay Selena, halos magdilim naman ang paningin ni Anthony nang mapansin ang malalagkit na tingin ng kaibigan sa kanyang dating kasintahan. Kaya naman ng makaalis si Archie ay kaagad niyang sinita si Selena.“Mag-ingat ka kay Archie dahil paglalaruan ka lang nun. Kilala ko ang lalaking iyon!!!”“I know. It takes one to know one, right Sir Anthony Alcala?” Nanunuya ang kanyang mukha nang balingan si Anthony. Ang dami niyang gustong sabihin dito ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Ano kaya ang mararamdaman nito kapag nalaman nitong nagbunga ang isang gabing kapusukan nilang dalawa?“Never kitang pinaglaruan!”Tiningnan niya ito na parang sinasabing; Really? Huminga siya ng malalim. Sumbatan man niya ito ay hindi na niya maibabalik pa ang mga nangyari. Besides, hindi siya kailangang magpadalos-dalos kung hindi’y masisira ang kanyang mga plano. Umayos siya ng upo. Nagulat siya nang lapitan siya ni Anthony.“Hinanap kita. . .gali

    Huling Na-update : 2024-11-18
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 038

    NAPAATRAS SI ANTHONY nang pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay ay salubungin siya ng vase na ibinato sa kanya ni Christine.“Damn, ano na naman bang problema mo, ha?” Singhal niya rito.“Hayup ka, ang babaeng iyon pala ang sekretarya mo ngayon?” sabi nitong lumapit sa kanya at pinagkakalmot siya. Inis na itinulak niya itong palayo.“Naghahanap ka na naman ng away? Iyong HR ang tanungin mo kung bakit si Selena ang kinuha nilang secretary ko,” asar na sabi niya rito saka dumiretso sa kanyang kuwarto para magpalit ng damit. Mahigit apat na buwan na silang magkahiwalay ng kuwarto ni Christine at matagal na rin silang hindi nagsisiping. Sa tuwing magtatangka itong makisiping sa kanya ay palagi niya itong ipinagtatabuyan palayo. Hindi na naman niya kailangang ipagsigawan pa na hindi siya interesado dito. “Kaya pala palagi ka na lang walang gana sa akin dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin siya nakakalimutan, hindi ba?” sumisigaw na sabi nito, muli itong lumapit sa kanya at pinagpa

    Huling Na-update : 2024-11-18
  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 039

    ISANG MALAKING SELEBRASYON ang gaganapin sa mansion ng mga Alcala bilang pagdiriwang sa 80TH birthday ni Don Narciso Alcala. Last year ay nagdesisyon na itong magretiro sa politika at mag-focus na lamang sa hobby nitong pag-aalaga ng mga bonsai. Bumili ng magarang red dress si Selena dahil lahat ng empleyado ay imbitado nito. Pinaghandaan niyang mabuti ang okasyon. Gusto niyang lumuwa ang mga mata ng lahat sa pagsulpot niya.Gusto niyang pagsisihan ni Anthony ang ginawa nitong pag-abandona sa kanya. At kung sakali mang nasa paligid lamang ang taong gumahasa sa kanya, titiyakin niyang maakit niya itong muli.Mahirap ang ganitong nangangapa siya sa dilim. Kaya sa lalong madaling panahon, kailangang malaman niya kung sino talaga ang tumarantado sa kanya. Kailangan niyang mangalap ng matibay na mga ebedensya at hindi puros haka-haka lamang.Sa ngayon ay si Archie pa lamang ang suspect niya. Pero hindi maaring dito lamang nakatutok ang utak niya dahil baka inililigaw lamang siya ni K

    Huling Na-update : 2024-11-20

Pinakabagong kabanata

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 071

    PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 070

    ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 069

    NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 068

    “KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 067

    ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 066

    “KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 065

    HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 064

    HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod

  • The President’s Illiterate Wife   CHAPTER 063

    HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa

DMCA.com Protection Status