Home / Romance / The President’s Illiterate Wife / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of The President’s Illiterate Wife: Chapter 71 - Chapter 80

143 Chapters

CHAPTER 006

UNTI-UNTING NAGLAHO ang mga ngiti ni Archie, “Bakit kung magsalita ka, parang nainlab ka na kaagad sa babaeng iyon?” Pabirong tanong nito sa kanya, “Pare, gusto ko lang ipaalala saiyo, oo nga at maganda ang babaeng yan pero hindi maganda ang family background nyan kaya paniguradong hindi yan magugustuhan ni Tito Narciso para saiyo. Pero kung laruan, okay sya,” Tatawa-tawang sabi nito sa kanya.“Salamat sa concern pero hindi ko hinihingi ang advice mo.” May sarcasm na sabi niya rito saka tumayo na at iniwan ito.Napakunot ang nuo ni Archie habang sinusundan siya ng tingin. Sa totoo lang ay lihim na inis si Archie kay Anthony kahit magkaibigan sila mula pa pagkabata. Paano, lahat na lamang ng pabor ay nakukuha ni Anthony. Maski sa mga babae ay palagi silang iisa ng type at halos lahat ng mga babaeng nagugustuhan niya ay si Anthony ang kursunada. Unti-unting napakuyom ang kanyang mga palad.HINAHANAP NI ANTHONY si Selena sa pagtitipon ngunit hindi na niya ito nakita. May kinausap l
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more

CHAPTER 007

HINDI NA NAKAUSAP PA NI ANTHONY SI SELENA dahil hindi siya binigyan ng chance ng tatlong babae na makalapit dito. Isa pa, narinig niyang sunod-sunod ang utos dito ng ina ng tatlong babae. Ngunit kahit paano ay masaya siyang malaman kung saan ito nakatira. Hindi na rin siya nagtagal pa. Nagpaalam na siya sa tatlo kahit pa nga panay ang pigil ng mga ito sa kanya. Hindi siya sigurado kung ano ang relasyon ni Selena sa mga ito ngunit napansin niyang parang isang alila kung ituring ng mga ito si Selena.“Aalis ka na? Why naman? Ngayon pa lang tayo nagkakapalagayang loob, getting to know each other stage. . .” Bago pa ituloy ni Yvone ang sasabihin ay pinutol na niya ito.“I’m sorry but I have to go. Actually napadaan lang ako dahil nakita ko si Selena na bumaba ng tricycle. Kaya lang mukhang hindi ko naman siya makakausap ngayon kaya aalis na lang ako,” prangkang sabi niya rito. Nakita niya ang disappointment sa mukha ng tatlong babae ngunit wala na siyang pakialam. Mabuti na iyo
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 008

NAG-UUNAHAN sina Yvone, Trixie at Bianca sa pagtanggap ng bouquet of roses na dinala ng isa sa mga tao ni Anthony. Nakita iyon ng kapitbahay na si Karla at tatawa-tawang nagpahaging sa tatlo, “Asa pa sila oh. As if naman papadalhan ang isa sa kanila ni Anthony! Pustahan tayo, para kay Selena ang mga bulaklak na yan!”Inis na sinugod ni Yvone si Karla, “Uy pwede ba wag kang panira ng moment ha!” Singhal nito saka padabog na pumasok sa loob at excited na binuksan ang card na nakadikit sa bouquet.Napasigaw ito nang malakas sa galit nang makitang para kay Selena ang mga rosas na padala ni Anthony, “Ahhhh. . .talagang sinisira ng babaeng iyon ang araw ko!”Naningkit naman ang mga mata ni Trixie. Napalabas ng kuwarto ang Mama nila nang marinig ang commotion sa salas, “Bakit, anong nangyayari?” Tanong nito ngunit biglang nangislap ang mga mata nang makita ang mga bulaklak, “Wow, para kanino yan?”“Para kanino pa eh di sa hitad na anak sa labas ni Papa!” Nakasimangot na sagot ni Bianca s
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 009

“OH, GALING KAY MR. SIGH yan. Mahal yan, mabuti at pumayag na hulug-hulugan ko.” Sabi ni Erlinda sa tatlong anak ng bigyan niya ito ng tig-iisang cream na pampaganda. “Sabi ni Mr. Sigh yan daw ang ginagamit ng mga artista kaya ang gaganda ng mga balat. Baka sakaling kuminis kayo lalo ka na Yvone, baka mawala yang butas-butas sa mukha mo kapag gumamit ka ng cream na yan.”“Ang sakit mo namang magsalita Ma.” Nakasimangot na sabi ni Yvone.“Anak, pasensya ka na pero gusto ko talagang mabago ang buhay ninyo. Kung isa man lang sa inyo makapag-asawa ng mayaman, kahit paano ay mababawasan na ang mga alalahanin ko.” Aniya sa tatlong dalaga. “Magtulungan tayo dahil mukhang kinakabog kayo ng husto ng anak sa labas ng Papa nyo. Syempre hindi ako papayag ‘no. Gagawin ko ang lahat para mahadlangan ang kaligayahan ng babaeng iyon!”“Salamat Ma,” tila maiiyak na sabi ni Bianca sa ina. Hinalikan ni Erlinda sa ulo ang kanyang bunso.“Mabuti at naiintindihan mo ako, anak.”Samantala, habang abal
last updateLast Updated : 2024-10-24
Read more

CHAPTER 010

“SO YOU ARE PART OF THEIR FAMILY AND yet pumapayag kang itrato ka nila ng ganyan,” napapailing na sabi ni Anthony kay Selena nang masaksihan nito kung paano siya itrato ng mga kapatid at madrasta.“Hindi mo alam ang kwento kaya mas mabuti pang umuwi ka na lang, pwede?”“Selena gusto kita. . .”“At Sa ginagawa mong ito, mas lalo mo lang akong ipinapahamak,” giit niya sa binata, “Besides, wala rin namang patutunguhan itong panliligaw mo dahil gaya ng nauna ko ng sinabi, wala sa isip ko ang mga bagay na yan ngayon.” Aniya rito, “At saka hind imo pa ako lubos na kilala.”“Kaya nga kinikilala kita ngayon.”Napahinga siya ng malalim. “Mas lalo lang akong kaiinisan ng mga kapatid ko. Sige na, umuwi ka na at wag ka ng babalik dito. Uulitin ko, sa ngayon, wala sa isip ko ang pakikipagrelasyon.”Ngunit mukhang desidido talaga si Anthony na ligawan siya. Siguro ay dahil mas naging challenging para dito ang pagiging mailap niya. Kung hindi pa nga panay ang parinig ng kanyang mga kapatid at m
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more

CHAPTER 011

HINDI tiyak ni Anthony kung sinusungitan ba siya ni Selena sa pinadalang message nito kaya hindi na siya nang abala pa. Pero kahit anong pwesto ang gawin niya ay hindi talaga siya makatulog.Mukhang tinamaan siyang talaga kay Selena. Idagdag pang na-cha-challenge siya dito dahil ngayon lang may babaeng hindi nagpapakita ng interes sa kanya. Kadalasan ay mga babae ang hindi magkandaugagang makuha ang atensyon niya. For the first time, may isang babaeng mukhang hindi tinatalaban ng charm niya.Umaga na yata ng dapuan siya ng antok. Kaya naman mainit ang ulo niya nang ipagising siya ng ama para sumalong mag-lunch sa mga ito kasama nina Governor Racelis at ng anak nitong si Christine. Napansin ni Christine na wala siya sa mood habang nagla-lunch. Ni hindi nga gumagawi ang paningin sa dako niya kahit na panay ang sulyap niya rito. Nagulat pa siya nang mabilis itong natapos at nagpaalam kaagad.“Iho, alam mong may mga bisita pa tayo at. . .”“I’m sorry Pa. . .sorry Gov, I’ll go ahea
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more

CHAPTER 012

“TALAGA bang hindi mo ako titigilan?” Iritado nang sabi ni Selena nang tawagan siya ni Anthony, “Nagiging dahilan ka na ng galit ng mga kapatid ko kaya pwede ba. . .”“I heard kailangan mo ng trabaho?” Bigla ay sabi nito sa kanya.Bahagya siyang natigilan. Talagang kailangan niya ng maayos na trabaho sa ngayon.“Bibigyan kita ng trabaho!” dinig niyang sabi nito. “At malaki ang sweldong ibibigay ko saiyo. Thirty five thousand a month! Ayos na ba iyon? At hindi mo kailangang lumuwas ng Maynila. Walang magbibigay saiyo ng ganun kalaking sweldo dito sa probinsya, Selena. That means after work, maalagaan mo pa ang tatay mo. Alam kong siya ang inaalala mo kaya di ka makaalis dito.”Napalunok siya. Masyadong mahirap tanggihan ang offer na iyon. “A-anong trabaho?”“Be my secretary. Hindi naman mahirap ang gagawin mo dahil hindi naman ako masungit na boss.” Sabi pa ni Anthony sa kanya. “Pag-isipan mo. Bibigyan kita ng two days para makapagdesisyon!” anito saka nawala na sa ere bago
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

CHAPTER 013

NAGTAKA SI SELENA nang sa halip na sa opisina nito ay sa isang mamahaling restaurant sa tabing dagat siya dinala ni Anthony.First time niyang makatuntong duon dahil puros mayayaman lang ang nakaka-afford ng mga mamahaling pagkain sa restaurant na iyon. Tanda niya, dito nagpakain si Yvone nang mag-eigtheen birthday ito pero hindi siya kasali. Ang madrasta, mga kapatid at piling mga kaibigan lang nito ang invited. Maski ang Papa niya ay hindi rin pinapunta ng madrasta niya dahil fifteen na katao lang daw ang afford ng budget.Sikat ang restaurant na ito sa seafoods kaya maraming foreigners ang dumadayo sa lugar na ito.“Sir, anong ginagawa natin dito?” Tanong niya kay Anthony, sinadya niyang tawagin itong ‘sir’ para ipaalala ditong trabaho ang dahilan kung bakit siya sumama dito at hindi ang makipag-date. Kahit ang totoo ay natatakam siya sa amoy ng masasarap na niluluto duon.“Nagugutom na ako kaya kumain muna tayo. Part ng trabaho mo bilang sekretarya ko ang samahan ako sa mga
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

CHAPTER 014

NAPAPAILING na lamang si Anthony nang makita kung gaano kalakas kumain si Selena. Nawawala ang inhibitions nito basta pagkain na ang kaharap. Pero kahit paano ay masaya siyang hindi ito maarteng gaya ng ibang babae na mahilig mag-aksaya ng mga pagkain dahil masyadong conscious sa figure.“May paglalagyan ka pa ba for dessert?” Tanong niya rito.“Oo naman,” anitong biglang pinamulahan ng mukha, “Baka sabihin nyong sobrang takaw ko. Ayoko lang talagang may nasasayang na mga pagkain kaya inubos ko ng lahat ito.”“Wala naman akong sinasabi ah,” aniya, tinawag na ang waiter para sa bill out. Pagkatapos magbayad ay dinala niya ito sa pinakasikat na hotel sa bayan nila para matikman nito ang isa sa pinakamasarap na dessert na natikman niya.“Sir, kung ganito araw-araw ang trabaho ko, paniguradong tataba ako,” sabi ni Selena na unti-unti nang nagiging komportable sa kanya.Sige lang, basta mahulog ang loob mo sa akin, sa loob-loob niya habang pumapasok na sila sa mamahaling hotel.Siya an
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

CHAPTER 015

NAGTAKA SI SELENA nang matapos silang kumain ay inihatid na siyang pauwi ni Anthony. Bakit parang hindi work ang nangyari ngayong araw na ito kundi date with Anthony? “Lilinawin ko lang sir, kasama ang araw na ito sa first day of work ko, di ba?” Pagkla-klaro niya rito.“Don’t worry, counted na ang araw na ito sa start of work mo, okay?” Pagbibigay assurance nito sa kanya.“Gusto ko lang makasigurado,” aniya dito. Nakita niyang napatawa ito at waring aliw na aliw habang nakatingin sa kanya. In fairness, sino ba naman ang hindi magwagwapuhan sa lalaking ito? Naisip niya habang nakatingin dito ngunit kaagad rin niyang pinawi ang tumatakbo sa kanyang utak.Work mode lang siya dapat sa tuwing kasama niya ang lalaking ito at hindi siya dapat na ma-fall in love.“Sige na, pumasok ka na sa loob. Masaya akong makasama ka ngayong araw na ito,” halos paanas lamang na sabi nito sa kanya. Napalunok siya. May sasabihin sana siya kay Anthony ngunit nawala na iyon sa isip niya nang makita ang m
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more
PREV
1
...
678910
...
15
DMCA.com Protection Status