HINDI tiyak ni Anthony kung sinusungitan ba siya ni Selena sa pinadalang message nito kaya hindi na siya nang abala pa. Pero kahit anong pwesto ang gawin niya ay hindi talaga siya makatulog.Mukhang tinamaan siyang talaga kay Selena. Idagdag pang na-cha-challenge siya dito dahil ngayon lang may babaeng hindi nagpapakita ng interes sa kanya. Kadalasan ay mga babae ang hindi magkandaugagang makuha ang atensyon niya. For the first time, may isang babaeng mukhang hindi tinatalaban ng charm niya.Umaga na yata ng dapuan siya ng antok. Kaya naman mainit ang ulo niya nang ipagising siya ng ama para sumalong mag-lunch sa mga ito kasama nina Governor Racelis at ng anak nitong si Christine. Napansin ni Christine na wala siya sa mood habang nagla-lunch. Ni hindi nga gumagawi ang paningin sa dako niya kahit na panay ang sulyap niya rito. Nagulat pa siya nang mabilis itong natapos at nagpaalam kaagad.“Iho, alam mong may mga bisita pa tayo at. . .”“I’m sorry Pa. . .sorry Gov, I’ll go ahea
“TALAGA bang hindi mo ako titigilan?” Iritado nang sabi ni Selena nang tawagan siya ni Anthony, “Nagiging dahilan ka na ng galit ng mga kapatid ko kaya pwede ba. . .”“I heard kailangan mo ng trabaho?” Bigla ay sabi nito sa kanya.Bahagya siyang natigilan. Talagang kailangan niya ng maayos na trabaho sa ngayon.“Bibigyan kita ng trabaho!” dinig niyang sabi nito. “At malaki ang sweldong ibibigay ko saiyo. Thirty five thousand a month! Ayos na ba iyon? At hindi mo kailangang lumuwas ng Maynila. Walang magbibigay saiyo ng ganun kalaking sweldo dito sa probinsya, Selena. That means after work, maalagaan mo pa ang tatay mo. Alam kong siya ang inaalala mo kaya di ka makaalis dito.”Napalunok siya. Masyadong mahirap tanggihan ang offer na iyon. “A-anong trabaho?”“Be my secretary. Hindi naman mahirap ang gagawin mo dahil hindi naman ako masungit na boss.” Sabi pa ni Anthony sa kanya. “Pag-isipan mo. Bibigyan kita ng two days para makapagdesisyon!” anito saka nawala na sa ere bago
NAGTAKA SI SELENA nang sa halip na sa opisina nito ay sa isang mamahaling restaurant sa tabing dagat siya dinala ni Anthony.First time niyang makatuntong duon dahil puros mayayaman lang ang nakaka-afford ng mga mamahaling pagkain sa restaurant na iyon. Tanda niya, dito nagpakain si Yvone nang mag-eigtheen birthday ito pero hindi siya kasali. Ang madrasta, mga kapatid at piling mga kaibigan lang nito ang invited. Maski ang Papa niya ay hindi rin pinapunta ng madrasta niya dahil fifteen na katao lang daw ang afford ng budget.Sikat ang restaurant na ito sa seafoods kaya maraming foreigners ang dumadayo sa lugar na ito.“Sir, anong ginagawa natin dito?” Tanong niya kay Anthony, sinadya niyang tawagin itong ‘sir’ para ipaalala ditong trabaho ang dahilan kung bakit siya sumama dito at hindi ang makipag-date. Kahit ang totoo ay natatakam siya sa amoy ng masasarap na niluluto duon.“Nagugutom na ako kaya kumain muna tayo. Part ng trabaho mo bilang sekretarya ko ang samahan ako sa mga
NAPAPAILING na lamang si Anthony nang makita kung gaano kalakas kumain si Selena. Nawawala ang inhibitions nito basta pagkain na ang kaharap. Pero kahit paano ay masaya siyang hindi ito maarteng gaya ng ibang babae na mahilig mag-aksaya ng mga pagkain dahil masyadong conscious sa figure.“May paglalagyan ka pa ba for dessert?” Tanong niya rito.“Oo naman,” anitong biglang pinamulahan ng mukha, “Baka sabihin nyong sobrang takaw ko. Ayoko lang talagang may nasasayang na mga pagkain kaya inubos ko ng lahat ito.”“Wala naman akong sinasabi ah,” aniya, tinawag na ang waiter para sa bill out. Pagkatapos magbayad ay dinala niya ito sa pinakasikat na hotel sa bayan nila para matikman nito ang isa sa pinakamasarap na dessert na natikman niya.“Sir, kung ganito araw-araw ang trabaho ko, paniguradong tataba ako,” sabi ni Selena na unti-unti nang nagiging komportable sa kanya.Sige lang, basta mahulog ang loob mo sa akin, sa loob-loob niya habang pumapasok na sila sa mamahaling hotel.Siya an
NAGTAKA SI SELENA nang matapos silang kumain ay inihatid na siyang pauwi ni Anthony. Bakit parang hindi work ang nangyari ngayong araw na ito kundi date with Anthony? “Lilinawin ko lang sir, kasama ang araw na ito sa first day of work ko, di ba?” Pagkla-klaro niya rito.“Don’t worry, counted na ang araw na ito sa start of work mo, okay?” Pagbibigay assurance nito sa kanya.“Gusto ko lang makasigurado,” aniya dito. Nakita niyang napatawa ito at waring aliw na aliw habang nakatingin sa kanya. In fairness, sino ba naman ang hindi magwagwapuhan sa lalaking ito? Naisip niya habang nakatingin dito ngunit kaagad rin niyang pinawi ang tumatakbo sa kanyang utak.Work mode lang siya dapat sa tuwing kasama niya ang lalaking ito at hindi siya dapat na ma-fall in love.“Sige na, pumasok ka na sa loob. Masaya akong makasama ka ngayong araw na ito,” halos paanas lamang na sabi nito sa kanya. Napalunok siya. May sasabihin sana siya kay Anthony ngunit nawala na iyon sa isip niya nang makita ang m
“GUSTO ko lang pong ipaalala sa inyo na hindi na ako menor de edad kaya pwede na akong magdesisyon para sa sarili ko. Besides nagpaalam ako kay Papa at alam naman niyang kailangan ko na rin ng trabaho. Hindi ho ba dapat magpasalamat pa kayo na kahit paano makakatulong na ako sa pagpapagamot ni Papa?”“Sinasagot-sagot mo na ako,” Singhal ni Erlinda, hinila nito ang kanyang buhok, “Ang sabihin mo, gusto mo lang landiin si Anthony!”Pikon na pikon siya, napilitan siyang itulak ito palayo saka matapang na tumingin dito, “Ang dumi talaga ng isip niyo. Hindi ko alam kung nagagalit lang kayo dahil naunahan ko pang makahanap ng trabaho si Yvone. O baka naman naiinis kayo dahil ramdam ninyong gusto ako ni Anthony habang kahit anong pilit ang gawin ninyo, hindi mapansin-pansin ng mga binata dito ang mga anak nyo!” May sarcasm sa tonong sabi niya saka mabilis na niya itong pinagsarhan ng pinto bago pa siya nito masampiga.First time niyang sagutin ito dahil napupuno na siya rito. Ngunit sa
MAAGANG GUMISING SI SELENA para magluto ng almusal at magplantsa ng damit na isusuot niya sa trabaho. Habang nagsasaing ay inihanda niya ang kanyang susuotin. Nagulat na lang siya nang makitang lahat ng damit niya na nakasalansan sa aparador ay binuhusan ng ketsup.Si Yvone kaagad ang sumagi sa isip niya dahil nakita niya itong may hawak na ketsup kagabi habang nagpapakain siya sa Papa niya. Napasugod siya sa kwarto nito at halos magising ang lahat sa lakas ng kalampag niya sa kwarto ni Yvone.Ngunit hindi siya nito pinagbubuksan ng pinto. Sa halip ay ang Tiya Erlinda niya ang bumangon at hinarap siya.“Anong kalokohan ito?” Mabagsik ang mga matanong tanong ng madrasta niya sa kanya, “Ke aga-aga nambubulahaw ka.”“Iyong mga damit ko sa cabinet, tinapunan lahat ng ketsup. Wala namang ibang gagawa nun kundi isa sa mga anak ninyo!” Parang maiiyak na sagot niya dito.“Aba’t pinagbibintangan mo ang mga anak ko?”“Kung hindi sila, kayo!” matapang na sagot niya rito.“Walang hiya ka! A
KINILIG SI ANTHONY nang matanawan ang pagdating ni Selena. Ang ganda-ganda nitong lalo sa ayos nito.Inalalayan ito ng isa sa mga tauhan niya para sa scope ng trabaho nito. Hindi na muna niya ito ginulo dahil baka isipin nitong napaka-unprofessional niya. Pero manaka-naka ay napapasulyap siya sa kinaroroonan nito. Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso niya. Nang hindi na makatiis ay tumayo siya at nilapitan ito.“Samahan mo akong magkape!” Tila nag-uutos ang boses na sabi nya rito.Nag-angat ng mukha si Selena na waring nagproprotesta, “Sir marami ho akong trabahong kailangang tapusin,” paalala niya rito.“I don’t care. Kaya na ng ibang gawin yan. Gusto kong samahan mo akong mag-coffee, okay?” May authority sa tonong sabi niya rito.Napatingin sa kanya si Selena. Namula ang mukha niya dahil kulang na lang ay isigaw nito sa kanya na napaka-childish niya.“Gusto kong magtrabaho ng maayos at ayokong mapag-isipan ng kahit na ano ng mga empleyado ninyo Sir,” paliwanag nito sa kany
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya