"MOM, mommmy....!" Napabalikwas ng bangon si Zarah. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib nang mapanaginipan ang ina. Masama ang laman ng kanyang panaginip. Umalis raw ito at iniwan siya. Tinawag niya ito ngunit hindi ito lumingon, patuloy lang ito sa paglakad. Nagpapasalamat siyang panaginip lang pala iyon dahil ramdam niyang tila totoo ang pangyayaring iyon. Malinaw na malinaw sa kanyang isipan ang bawat eksena. Dali-dali siyang bumangon at tinungo ang kuwarto nang ina na malapit lang sa kusina. Ang akala niyang panaginip lang ay tila nagkakatotoo. Gulat na gulat siya nang mabuksan ang kuwarto nito. Wala na roon ang mga gamit ng ina, ang mga damit nito at iba pang mga personal na gamit. 'Iniwanan na ba ako ni mommy?' anas niya. "No! hindi totoo yon, hindi totoo yon! Mom!... mom!" patuloy niyang sambit sa pangalan nito habang kinalkal ang laman ng maliit nitong cabinet. Wala na ang maliit nitong maleta. Nanlumo siyang napaupo sa kama nito.Napahagulhol na lang si Zarah nang m
Read more