Fatima’s Point of View Kinabukasan, ang unang naramdaman ko ay ang mga braso ni Giovanni na mahigpit na nakayakap sa akin. Sunod nito ang mga nakaw na halik sa aking balikat, pababa sa aking leeg. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, natatawa sa kiliting dulot ng kaniyang mga labi. “Hmmm… Giovanni, baka kung saan na naman mapunta 'to.” biro ko habang nakangiti, sabay paglingon sa kaniya. Napangiti rin si Giovanni at bumulong, “Sorry na kagabi, hindi ko napigilan ang sarili ko.” “Okay lang,” sagot ko, pero bago pa man ako makapagtuloy, nagsalita ulit siya. “Okay sa 'yo, kasi ikaw ang nakaranas ng sarap. Pero ako? Itinulog ko na lang ang tigas ng alaga ko.” Bigla akong napatawa. “Talaga? Gano'n pala ha?” bawi ko, sabay palo ng mahina sa kaniyang braso. “Para naman sa amin ng anak natin ang sakripisyo mo kagabi, eh.” Nagpatuloy sa pagtawa si Giovanni at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin. “Bawi na lang ako mamaya.” aniya habang naglalaro ang ngiti sa kaniyang mga labi, sabay kinda
Huling Na-update : 2024-10-16 Magbasa pa