Hello, dear readers! 34-35 is still under review. May nagbabasa pa po ba? Sino gusto ng pa-raffle para sa December? Exclusive para sa mga readers ni Giovanni at Fatima! ^.^
Narinig ni Giovanni ang boses mula sa speaker ng nurse station.“Calling, Mr. Samaniego, Mr. Samaniego, please come to your wife’s room. There’s an emergency. Nagwawala po ang asawa mo.”Nagkatinginan si Giovanni at ang kanyang ama na si William. Pareho silang nagulantang at hindi alam kung sino ang tinutukoy ng nurse. Napatingin pa sila sa paligid, tila umaasang may ibang Samaniego sa ospital na iyon.Ngunit naramdaman ni Giovanni ang bigat sa dibdib niya— si Fatima ang una niyang naisip. Kasalukuyang naka-admit si Fatima sa ospital, ngunit hindi ‘yon alam ng Daddy niya. Sa kabila ng kanyang takot at pagkabahala para kay Fatima, nagpigil siya upang hindi mahalata ng kanyang ama ang tunay nilang sitwasyon.Hindi na nakapag-isip nang matino si William at kaagad na nag-react.“Ang mommy mo ‘yon!” bulalas ni William, at bago pa man makapagsalita si Giovanni ay tumakbo na ang ama patungo sa kwarto ng kanyang asawa. Naiwan si Giovanni, naguguluhan, nag-aalangan sa susunod na hakbang.Haban
“Fatima!”Biglang napalingon si Fatima sa pamilyar na boses na tumawag sa kaniyang pangalan. Agad siyang napaluha, hindi niya mapigilan ang emosyon na bumalot sa kaniyang puso. Ramdam niya ang kaba, takot, at pangungulila, ngunit sa kabila ng lahat, may bahid ng pag-asa sa kaniyang mga mata habang hinihintay niyang lumapit ang taong iyon.It was Katie. She called her, when she saw Giovanni qnd William talking. Kita sa mga mata ni Katie ang labis na pag-aalala, at ang kaniyang mga mata ay puno ng katanungan.“Ano bang nangyari?” tanong ni Katie, malumanay ngunit halatang naguguluhan. “Bakit nandito ka sa ospital, Fatima? Ano na naman ang nangyari sa ’yo?” Malalim ang paghinga nito habang hinihintay ang kaniyang sagot, waring handang pakinggan ang lahat ng maaaring ikuwento ng kaibigan.Umiling si Fatima, at sa kaniyang boses ay naroon ang pangungusap ng isang taong wala nang ibang maaasahan. “M–Mahabang kuwento, Katie... pero sa ngayon, kailangan mo akong ilabas dito. Kailangan kong ma
“Huwag mong sagutin!” Kaagad na sambit ni Fatima, ramdam ang matinding kaba at takot na bumabalot sa kaniyang dibdib. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Katie, na para bang nanghihingi ng lakas at kapanatagan sa kaibigan. “I-block mo na lang ang number niya, huwag na huwag kang magdalawang-isip.”“S–Sige,” pautal na tugon ni Katie, ramdam din ang takot sa kaniyang boses. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinunod ang payo ni Fatima. Halos nanginginig ang kaniyang mga kamay habang ginagawa ito, pilit na isinasantabi ang pangamba.Ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang biglang tumunog naman ang cellphone ni Fatima. Napapitlag siya at mabilis na sinilip ang screen, inaalala kung maaaring si Giovanni na naman ang tumatawag sa kaniya. Pero hindi ito si Giovanni, dahil natitiyak niyang blinock na rin niya ang numero nito.“Sino naman ‘yan?” alalang tanong ni Katie, namumutawi sa mukha ang pagkabalisa.“It’s... Danica…” mahinang sagot ni Fatima, halos binubulong ang pangalan
“Fatima,” mahigpit na hinawakan ni Katie ang kanyang balikat. “Kailangan mong magdesisyon. Kung totoo nga ang mga sinasabi ni Danica, hindi mo dapat palampasin ito. Kailangan mong malaman ang katotohanan.”Napatitig si Fatima kay Katie, ramdam ang pagdadalawang-isip at pangamba.“Pero paano, Katie? Paano kung niloloko lang ako ni Danica para sirain kami ni Giovanni? P–Pero paano kung totoo rin ang mga sinabi niya?”Napayuko si Katie, dama rin ang hirap ng sitwasyon ng kaibigan. “Tanging ikaw lang ang makakapagdesisyon kung ano ang nararapat. Pero tandaan mo, lagi akong nandito sa tabi mo.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Fatima bago siya tumayo. “Kailangang malaman ko ang buong katotohanan,” wika niya na puno ng determinasyon. “Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig mismo mula kay Giovanni ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin.”Sa sandaling iyon, naisip ni Fatima na kung ang lahat ng ito ay panloloko lamang, kailangan niyang tapusin na ang mga
“Ano ba naman kayong mag-asawa, palagi na lang may gulo sa inyo. Palagi na lang may nawawala isa sa inyo.” tila problemadong sambit ni Sander.“But this time it’s different… imposible na si Dad ang may kagagawan kaya nawala si Fatima, dahil busy si Daddy na asikasuhin si Mom sa hospital.”“So, sinasabi mo na umalis kusa si Fatima?”Napailing si Giovanni. “Ewan ko, pero iba ang pakiramdam ko.”“Hindi kaya nakita niya kayo ni Tito William na magkasama? Baka alam na niya na mag-ama kayo?”Tila nagduda si Giovanni sa sinabi ni Sander, ngunit hindi niya rin maialis ang kaba sa kanyang dibdib. May mga bagay na hindi na kayang itago, at alam niyang darating ang araw na malalaman din ni Fatima ang katotohanan.“Hindi ko alam, Sander,” mahinang tugon ni Giovanni. “Pero kung alam na nga ni Fatima, hindi ko rin siya masisisi kung umalis siya. Napakabigat na pasanin nito para sa kanya.”“Alam mong hindi maganda kung magtatago pa rin kayo,” sagot ni Sander, seryosong nakatingin sa kanya. “Kung aya
Sa loob ng madilim na silid, tahimik na naglalakad si Fatima habang dala ang isang maliit na bag. Hindi niya alam kung saan siya tutungo, ngunit isa lang ang sigurado— kailangan na niyang lumayo.Hindi niya puwedeng hayaan na madamay si Katie.Paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan ang mga tagpo sa pagitan nina Giovanni at William na lihim niyang nasaksihan.Lihim na siyang lumabas ng bahay at naglakad sa madilim na kalsada. Nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone.“Unknown Number.” iyon ang nakalagay sa screen.Agad siyang kinabahan, ngunit sinagot niya ito.“H–Hello? Who’s this?”“Fatima, ako ito… si Giovanni. Where are you?”Halos mahulog ang cellphone sa kaniyang kamay. Hindi siya sigurado kung paano magrereaksyon.“A–Anong kailangan mo, Giovanni?” malamig niyang tugon.“I’m fvcking worried about you. Nasaan ka ba?”Umiling si Fatima kahit hindi siya nakikita ni Giovanni.“No, hindi ako magpapakita sa ‘yo. You are a liar!”Hindi mapigilan ni Fatima ang kaniyang emosyon.
Habang nakatayo si Fatima at Sander sa gitna ng lumang bodega, nagpatuloy ang usapan nila. Kahit paano rin ay nakaramdam si Fatima ng kalaigtasana sa tabi ni Sander.“Kung si William pa rin ang nasa likod ng lahat ng ito, bakit hindi na lang niya ako harapin? Ano bang gusto niya sa akin?”“Hindi lang ito tungkol sa ‘yo, Fatima. May mga nalaman ako– may mga bagay ka na konektado sa nakaraan ni Giovanni at William. Ang relasyon nila, ang mga sikreto nila... lahat ‘yan ay may kinalaman sa ‘yo ngayon.”Napakunot ng noo si Fatima. “Ano naman ang bagay na ‘yon? Hindi ko pa rin maintindihan, Sander. Ano ba talaga ang gusto nilang itago? And how come na sangkot ako sa mga pagkatao nila?”Nagbuntong-hininga si Sander at tumingin sa pintuan, tila binabantayan ang bawat ingay mula sa labas.“Basta, Fatima. Ang isipin mo na lang muna ay si Tito William, ay hindi lang basta isang businessman. Marami siyang hawak na sikreto. Isa ka sa mga taong alam ang isang bagay na ayaw niyang kumalat. Kaya niya
Habang umaandar ang kotse ni Giovanni sa madilim na daan, bakas sa mukha ni Fatima ang kaba at pagod. Samantalang si Giovanni ay tahimik, hawak ang manibela ngunit kita ang galit sa kaniyang mga mata.“Giovanni, paano na ngayon? Paano mo malalampasan ang Daddy? Parang wala siyang balak pakawalan ako… I’m scared.”“Don’t be scared, dahil hindi ako natatakot kay Daddy. Matagal na akong handang harapin siya. Ang iniisip ko ngayon ay ang kaligtasan mo.” tugon ni Giovanni na may malalim na boses.“Kung ganoon, bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong paraan?”Sandaling tumigil si Giovanni sa pagsagot. Tila may mabigat siyang dinadala.“Because I didn’t know his reason, kung bakit ka niya gustong makuha. As of now, ang alam ko lang ay may kinalaman ka tungkol sa Mommy ko.”“Ano? Anong kinalaman ko? I don’t even know your mother.”Inihinto ni Giovanni ang sasakyan, saka bumuntong-hininga.“I don’t know. Basta ang sinasabi ni Daddy ay ikaw susi
Habang nagmamadali silang lumabas ng bahay, ang mga yabag ng mga kalaban mula sa dilim ay patuloy na lumalapit. Si Giovanni at ang kanyang grupo ay handa nang makipaglaban. Ang mga mata nila ay puno ng determinasyon at takot—alam nilang bawat galaw ay magdudulot ng buhay o kamatayan.Ngunit, bigla na lamang, may mga kalalakihan na sumulpot mula sa dilim. Lahat sila ay nakaitim, ang mga mukha ay tinatakpan ng mga sombrero at bandana. Agad na nagbanta sa kanila ang presensya ng mga lalaki—ang mga kalaban ba ay dumating na nang buo?"Mga kalaban!" sigaw ni Giovanni, sabay hawak sa kanyang baril. "Maghanda kayo!"Ang mga mata ni Fatima, Mariella, at Sander ay naging alerto. Tumigil sila sa kanilang mga hakbang at naghanda ng kanilang mga armas, ngunit hindi pa man sila nakakalapit sa mga kalalakihan, isang pamilyar na tinig ang narinig nila mula sa likod."Giovanni, itigil mo na!" sigaw ng isang lalaki na pumasok mula sa madilim na bahagi ng bahay. "Hindi kami kalaban!"Nagulat si Giovann
Ang malamlam na gabi ay nagbigay daan sa isang hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari. Mabilis na tumakbo si Giovanni at ang kanyang grupo—si Mariella, Fatima, at Sander—pabalik sa kanilang bahay, ang bawat hakbang ay puno ng kaba at tensyon. Iniisip ni Giovanni ang kaligtasan ng kanyang anak na si Marcus, at ang takot na may mangyaring masama sa kanilang pamilya. Kung hindi sila magmamadali, maaaring huli na ang lahat.Habang naglalakad sila, ang malamig na hangin ay sumasabay sa takot na umaabot mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang mga daliri. Minsan lang siyang magmadali, at ngayon, tila ang bawat minuto ay may buhay at kamatayan na nakataya. Hindi maitatanggi, ang galit at pagkabigo ay sabayang sumasabog sa kanyang isipan. Kung hindi siya nagmadali, hindi lang ang buhay niya ang mawawala, kundi pati na ang pamilya niyang matagal na niyang pinangarap protektahan."Giovanni, kailangan nating magmadali," sabi ni Mariella, habang ang mga mata nito ay nagmamasid sa paligid, til
Samantala si Mariella ay aksidenteng narinig ang pinag-uusapan ng mga taong na utos sa kaniya na patayin si Giovanni. Ang totoo pa lang motibo nito ay para makuha ang kompanya ng Samniego, at patayin pati na rin siya.Habang naglalakad si Mariella sa madilim na kalsada, ang mga saloobin niya ay gumugulo sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig—ang mga plano ng mga tao na nag-utos sa kanya na patayin si Giovanni. Hindi lang siya ang target nila. Gamit ang kanyang mga alyado, ang layunin nila ay ang kunin ang buong kompanya ng Samniego, at pagkatapos, tiyak na siya na rin ang kanilang tatapusin. Ang mga mata ni Mariella ay sumabog sa galit at takot. Paano niya nalaman ang mga lihim na ito? Bakit kailangan nilang gawin ito sa kanya at kay Giovanni?"Ang plano mo, Giovanni... hindi ko na kayang maging bahagi nito," bulong niya sa sarili habang mabilis na naglalakad, ang puso ay kumakalampag sa kaba.Naisip niyang kailangan niyang makita si Giovanni, para maipaliwanag
Habang iniisip ni Giovanni ang mga saloobin, nagpatuloy si Mariella sa pagtayo, hindi alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin. Nang biglang may narinig silang tunog ng mga yabag sa labas ng kwarto. Isang seryosong tinig ang dumaan sa silid, at napansin nilang may mga anino na dumadaan sa bintana.Giovanni ay mabilis na tumayo at naglakad papunta sa pinto, pinansin ang tensyon sa hangin. “Nandiyan sila,” ang sabi niya, boses na may kalakip na galit. “I’m sure they’ve been watching us the whole time.”Mariella, na nagsimulang makaramdam ng kaba, ay sumunod kay Giovanni. "Sino sila? Anong gagawin natin?"Giovanni ay nakatingin sa bintana, ngunit hindi tumugon agad. Habang ang ingay sa labas ay lumalakas, natanaw niyang may mga armado na sumusugod sa gusali. "Hindi na nila tayo papakawalan, Mariella," sagot niya sa tono ng kalmado ngunit puno ng determination.Habang ang mga yabag ay naging mas malapit, napansin ni Mariella na ang mga armas ng mga pumasok ay hindi basta-basta. "Mas
Lumipas ang ilang araw, at natagpuan ni Mariella ang sarili niyang nakatayo sa harap ng isang lumang gusali sa downtown, ang unang lokasyon na ibinigay sa kanya ng grupo ni Valderama. Sa loob ng gusali, isang grupo ng mga tauhan ang naghihintay—mga operatiba na gagabay sa kanya para sa pagbabalik niya sa mundo ni Giovanni.Pagpasok niya, sinalubong siya ni Mr. Cortez, may hawak na isang itim na bag. “Dito nakalagay ang lahat ng kailangan mo—damit, pera, at isang bagong phone na may direktang koneksyon sa amin.”Kinuha ni Mariella ang bag at binuksan ito, tinitingnan ang laman. “At ano ang unang gagawin ko?”Ngumiti si Mr. Cortez. “Ang una mong hakbang? Sisiguraduhin mong makikita ka ni Giovanni sa isang sitwasyon kung saan wala siyang choice kundi tulungan ka.”Mariella ay ngumiti nang mapanukso. “At anong klaseng sitwasyon ‘yan?”"Isang pekeng ambush," sagot ni Mr. Cortez habang nag-abot ng isa pang folder. "Isang senaryo kung saan para kang target ng isang assassination attempt. Per
Samantala sa loob ng madilim at mabahong kulungan, nakaupo si Mariella sa isang sulok, nakataas ang isang paa sa bakal na kama habang abala sa pagtalim ng isang maliit na piraso ng kahoy gamit ang isang bato. Ang kanyang mukha ay puno ng inis at pagod. Matagal-tagal na rin siyang nakakulong, ngunit imbes na makisama sa iba, mas pinili niyang makipag-away."Hoy, Mariella," sigaw ng isang matabang preso na si Liza, ang lider ng grupo ng mga babae sa loob ng kulungan. "Balita ko, sinubukan mo na namang bumangga sa mga bantay kanina. Anong akala mo, ikaw ang reyna dito?"Mariella ay nagtaas ng tingin at sinamaan ng tingin si Liza. "At ano naman kung totoo? Mas gusto ko pang mabulok dito nang mag-isa kaysa makisama sa mga katulad niyo."Biglang tumawa si Liza, ngunit ito'y may halong panunuya. "Talaga? Eh, paano kung dumating ang araw na wala kang kakampi rito? Alam mo naman kung anong nangyayari sa mga walang proteksyon sa loob ng kulungan, di ba?"Napangisi si Mariella, itinapon ang pina
Back to normal na ang buhay ni Giovanni, balik siya sa kaniyang pagpapatakbo ng kompanya niya, habang si Fatima ay isang butihing housewife, at nag-aaral na ang kanilang anak na si MarcusIsang tahimik na umaga sa bahay nila. Sa likod ng malalaking bintana ng kanilang sala, kitang-kita ang masilayan ng araw na tumatama sa berdeng hardin. Si Giovanni ay nakaupo sa isang maluwang na mesa, nag-audit ng mga reports ng kompanyang patuloy niyang pinapalago. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ngunit may mga pagkakataon na ang kanyang mga mata ay napapadako kay Fatima, na abala sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina.Si Fatima, suot ang kanyang simpleng puting damit, ay naglalakad mula sa isang sulok ng kusina patungo sa isa, naghahanda ng agahan para kay Marcus. Naisip ni Giovanni kung gaano siya nagpapasalamat sa mga simpleng bagay sa buhay. Sa kabila ng mga komplikasyon ng nakaraan, nakatagpo siya ng kapayapaan sa simpleng buhay na mayroon sila ngayon.Habang abala si Fatima, biglang narinig
Habang patuloy na umiikot ang kasiyahan sa paligid nila, nakatayo si Giovanni sa tabi ni Fatima, ang kanyang braso ay nakayakap sa kanya, at ang kanilang anak na si Marcus ay nasa kanilang gilid. Ang hindi inaasahang pagdating ni William ay patuloy na gumugulo sa isipan ni Giovanni, ngunit alam niyang kailangan nilang magpatuloy. Mas malakas sila ngayon, magkasama.Luminga si Fatima kay Giovanni, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" tanong niya nang malumanay, habang ang mga daliri niya ay dahan-dahang dumampi sa kanya.Tumango si Giovanni, kahit na may bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib. "Oo, Fatima. Kailangan kong maging ayos. Para sa iyo, para kay Marcus... para sa ating hinaharap."Si Sander, na matagal nang nanonood mula sa malayo, ay lumapit sa kanila na may tahimik na ngiti. "Giovanni, Fatima, alam kong hindi madali ang bitawan ang nakaraan, pero ngayong gabi... ngayong gabi ay para sa inyo at sa inyong pamilya. Huwag ninyong hayaang mawalan ng liwanag
Dalawang taon ang nakalipas, at ang araw ng kasal ni Giovanni at Fatima ay muling sumik, puno ng pag-asa at pagmamahal. Ang simbahan ay napakaganda, puno ng mga bulaklak at dekorasyong sumasalamin sa kanilang paglalakbay. Ang mga kaibigan at pamilya, pati na rin ang mga taong tumulong at nagsuporta sa kanila, ay naroroon upang makiisa sa pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan.Si Giovanni, na nakatayo sa harap ng altar, ay malalim ang pag-iisip. Ang bawat hakbang na ginawa nila ni Fatima ay nagsilbing hakbang patungo sa isang bagong simula, at ngayon, narito siya, handang maglaan ng kanyang buong buhay para sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.Habang hinihintay nila ang pagdating ni Fatima, naramdaman ni Giovanni ang isang malalim na kaligayahan. Kasama ang kanilang anak na si Marcus, nakatayo siya sa harap ng simbahan, tinitingnan ang mga mata ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Tiningnan ni Giovanni si Sander, na nakangiti at tumango bilang tanda ng suporta."Giovanni, mal