“Huwag mong sagutin!” Kaagad na sambit ni Fatima, ramdam ang matinding kaba at takot na bumabalot sa kaniyang dibdib. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Katie, na para bang nanghihingi ng lakas at kapanatagan sa kaibigan. “I-block mo na lang ang number niya, huwag na huwag kang magdalawang-isip.”“S–Sige,” pautal na tugon ni Katie, ramdam din ang takot sa kaniyang boses. Agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone at sinunod ang payo ni Fatima. Halos nanginginig ang kaniyang mga kamay habang ginagawa ito, pilit na isinasantabi ang pangamba.Ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang biglang tumunog naman ang cellphone ni Fatima. Napapitlag siya at mabilis na sinilip ang screen, inaalala kung maaaring si Giovanni na naman ang tumatawag sa kaniya. Pero hindi ito si Giovanni, dahil natitiyak niyang blinock na rin niya ang numero nito.“Sino naman ‘yan?” alalang tanong ni Katie, namumutawi sa mukha ang pagkabalisa.“It’s... Danica…” mahinang sagot ni Fatima, halos binubulong ang pangalan
“Fatima,” mahigpit na hinawakan ni Katie ang kanyang balikat. “Kailangan mong magdesisyon. Kung totoo nga ang mga sinasabi ni Danica, hindi mo dapat palampasin ito. Kailangan mong malaman ang katotohanan.”Napatitig si Fatima kay Katie, ramdam ang pagdadalawang-isip at pangamba.“Pero paano, Katie? Paano kung niloloko lang ako ni Danica para sirain kami ni Giovanni? P–Pero paano kung totoo rin ang mga sinabi niya?”Napayuko si Katie, dama rin ang hirap ng sitwasyon ng kaibigan. “Tanging ikaw lang ang makakapagdesisyon kung ano ang nararapat. Pero tandaan mo, lagi akong nandito sa tabi mo.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Fatima bago siya tumayo. “Kailangang malaman ko ang buong katotohanan,” wika niya na puno ng determinasyon. “Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig mismo mula kay Giovanni ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin.”Sa sandaling iyon, naisip ni Fatima na kung ang lahat ng ito ay panloloko lamang, kailangan niyang tapusin na ang mga
“Ano ba naman kayong mag-asawa, palagi na lang may gulo sa inyo. Palagi na lang may nawawala isa sa inyo.” tila problemadong sambit ni Sander.“But this time it’s different… imposible na si Dad ang may kagagawan kaya nawala si Fatima, dahil busy si Daddy na asikasuhin si Mom sa hospital.”“So, sinasabi mo na umalis kusa si Fatima?”Napailing si Giovanni. “Ewan ko, pero iba ang pakiramdam ko.”“Hindi kaya nakita niya kayo ni Tito William na magkasama? Baka alam na niya na mag-ama kayo?”Tila nagduda si Giovanni sa sinabi ni Sander, ngunit hindi niya rin maialis ang kaba sa kanyang dibdib. May mga bagay na hindi na kayang itago, at alam niyang darating ang araw na malalaman din ni Fatima ang katotohanan.“Hindi ko alam, Sander,” mahinang tugon ni Giovanni. “Pero kung alam na nga ni Fatima, hindi ko rin siya masisisi kung umalis siya. Napakabigat na pasanin nito para sa kanya.”“Alam mong hindi maganda kung magtatago pa rin kayo,” sagot ni Sander, seryosong nakatingin sa kanya. “Kung aya
Sa loob ng madilim na silid, tahimik na naglalakad si Fatima habang dala ang isang maliit na bag. Hindi niya alam kung saan siya tutungo, ngunit isa lang ang sigurado— kailangan na niyang lumayo.Hindi niya puwedeng hayaan na madamay si Katie.Paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan ang mga tagpo sa pagitan nina Giovanni at William na lihim niyang nasaksihan.Lihim na siyang lumabas ng bahay at naglakad sa madilim na kalsada. Nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone.“Unknown Number.” iyon ang nakalagay sa screen.Agad siyang kinabahan, ngunit sinagot niya ito.“H–Hello? Who’s this?”“Fatima, ako ito… si Giovanni. Where are you?”Halos mahulog ang cellphone sa kaniyang kamay. Hindi siya sigurado kung paano magrereaksyon.“A–Anong kailangan mo, Giovanni?” malamig niyang tugon.“I’m fvcking worried about you. Nasaan ka ba?”Umiling si Fatima kahit hindi siya nakikita ni Giovanni.“No, hindi ako magpapakita sa ‘yo. You are a liar!”Hindi mapigilan ni Fatima ang kaniyang emosyon.
Habang nakatayo si Fatima at Sander sa gitna ng lumang bodega, nagpatuloy ang usapan nila. Kahit paano rin ay nakaramdam si Fatima ng kalaigtasana sa tabi ni Sander.“Kung si William pa rin ang nasa likod ng lahat ng ito, bakit hindi na lang niya ako harapin? Ano bang gusto niya sa akin?”“Hindi lang ito tungkol sa ‘yo, Fatima. May mga nalaman ako– may mga bagay ka na konektado sa nakaraan ni Giovanni at William. Ang relasyon nila, ang mga sikreto nila... lahat ‘yan ay may kinalaman sa ‘yo ngayon.”Napakunot ng noo si Fatima. “Ano naman ang bagay na ‘yon? Hindi ko pa rin maintindihan, Sander. Ano ba talaga ang gusto nilang itago? And how come na sangkot ako sa mga pagkatao nila?”Nagbuntong-hininga si Sander at tumingin sa pintuan, tila binabantayan ang bawat ingay mula sa labas.“Basta, Fatima. Ang isipin mo na lang muna ay si Tito William, ay hindi lang basta isang businessman. Marami siyang hawak na sikreto. Isa ka sa mga taong alam ang isang bagay na ayaw niyang kumalat. Kaya niya
Habang umaandar ang kotse ni Giovanni sa madilim na daan, bakas sa mukha ni Fatima ang kaba at pagod. Samantalang si Giovanni ay tahimik, hawak ang manibela ngunit kita ang galit sa kaniyang mga mata.“Giovanni, paano na ngayon? Paano mo malalampasan ang Daddy? Parang wala siyang balak pakawalan ako… I’m scared.”“Don’t be scared, dahil hindi ako natatakot kay Daddy. Matagal na akong handang harapin siya. Ang iniisip ko ngayon ay ang kaligtasan mo.” tugon ni Giovanni na may malalim na boses.“Kung ganoon, bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang totoo? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong paraan?”Sandaling tumigil si Giovanni sa pagsagot. Tila may mabigat siyang dinadala.“Because I didn’t know his reason, kung bakit ka niya gustong makuha. As of now, ang alam ko lang ay may kinalaman ka tungkol sa Mommy ko.”“Ano? Anong kinalaman ko? I don’t even know your mother.”Inihinto ni Giovanni ang sasakyan, saka bumuntong-hininga.“I don’t know. Basta ang sinasabi ni Daddy ay ikaw susi
Nagpatuloy ang habulan sa makipot na daan, at lalong lumakas ang ugong ng makina ng humahabol na sasakyan. Ang dilim ng paligid ay tila naging mas nakakatakot, ngunit si Giovanni ay nanatiling kalmado, nakatutok sa kaniyang ginagawa.Napalingon siya kay Giovanni, na tahimik ngunit halata ang lalim ng iniisip.“Giovanni, hindi na ako mapakali. Anong plano mo? Hindi tayo puwedeng tumakbo nang ganito habang-buhay.”“Hindi tayo tatakbo nang habang-buhay. Pero hindi rin ako papayag na mahuli nila tayo ngayon.”Inilingon niya ang SUV sa mas masikip na daan, nag-iiwan ng alikabok sa likuran.“Sigurado ka bang alam mo ang ginagawa mo?!” ang boses niya’y nanginginig habang mahigpit na nakakapit sa upuan.“Fatima, maniwala ka sa akin. I have my own ways!”Sa likod nila, mabilis na sumulpot ang dalawang itim na SUV, mas malapit na kaysa kanina. Tumunog ang cellphone ni Giovanni.Si Sander muli ang tumawag.“Giovanni, nasa likuran nila ako. Na-contact ko na ang back up sa likuran ko. Kailangang m
Sa isang liblib na bahagi ng gubat, ang kotse na sinasakyan ni Giovanni at Fatima ay pumarada malapit sa isang abandonadong kubo. Sa paligid, tanging ang huni ng mga kuliglig at ihip ng malamig na hangin ang maririnig. Binuksan ni Giovanni ang pinto, mabilis na ini-assess ang paligid habang si Fatima ay nanatili sa loob, tahimik ngunit bakas ang kaba sa mukha.“Giovanni, ito ba ang safehouse na sinasabi mo? P–Para kasing hindi safe dito.”“Hindi ito ang tunay na safehouse. Diversion lang ito. Kailangan nating maghintay dito saglit bago tayo magpatuloy.”Hinila niya mula sa compartment ang isang bag na puno ng mga armas at gamit.“Omg. A–Ano ‘yan, Giovanni? Hindi mo sinabi na may dala kang ganito.” gulat na tanong ni Fatima habang nakatitig sa mga armas.Bumuntong-hininga si Giovanni. “This is for our safety. We need this to protect ourselves. Ngayon, kailangan mo nang malaman kung gaano kaseryoso ang sitwasyon natin. Kakailanganin ko ang tulong mo.”“W–What kind of help?”Biglang nag-
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F