“Giovanni? Ikaw ba 'yan?” tanong niya, habang nanginginig at hawak ang baril.Tumigil ang mga yabag. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan na parang tumigil ang oras. Habang hawak niya ang baril, itinutok niya ito sa direksyon ng tunog, habang nanginginig ang kamay niya.“Fatima, it’s me.”Nagpakawala ng buntong-hininga si Fatima nang marinig ang boses ni Giovanni. Mula sa dilim, lumitaw ang pamilyar na silweta niya, pawisan, may bahagyang dugo sa braso, ngunit buhay.Tumayo si Fatima at mabilis na niyakap “Giovanni! Diyos ko, akala ko... akala ko—”Hindi na natapos ni Fatima ang sasabihin niya nang halikan siya ni Giovanni sa labi.“I told you, susunod ako, ‘di ba?” nakangiting sambit ni Giovanni, dahilan kaya napangiti si Fatima.Ngunit bago pa sila makapagpahinga, narinig nila ang biglaang kaluskos mula sa tunnel. Agad silang nagkatinginan.“M–Mukhang nasundan ka nila hanggang dito. What are we gonna do now?”Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang kaniyang baril.“Looks like Juli
Sabay silang tumalon sa ilog, sa ilalim ng malamig na tubig ng ilog, halos maubusan ng hininga sina Giovanni at Fatima. Lumitaw sila mula sa agos sa isang tahimik na bahagi ng pampang, basang-basa at hingal na hingal.“Giovanni... akala ko... hindi na tayo makakaahon…” hinihingal na sambit ni Fatima. Tumingin sa paligid si Giovanni. “As of now, we are still not safe. Dapat tayong magtago bago sila makarating dito.”Biglang narinig nila ang tunog ng mga aso mula sa malayo— mga asong pang-tracker. Agad tumindig si Giovanni, hinawakan ang kamay ni Fatima, at hinila ito papasok sa kagubatan.Nakaramdam na naman si Fatima ng pag-aalala.“Paano kung mahuli nila tayo? Giovanni, hindi ko na kaya!”“Kaya mo, Fatima. Kakayanin natin ito. Magkasama tayo, right?” Habang tumatakbo, naramdaman nilang papalapit nang papalapit ang tunog ng mga aso. Hanggang sa nakarating sila sa isang lumang abandonadong kubo sa gitna ng kagubatan. Agad silang pumasok at naghanap ng mapagtataguan.“Dito muna tayo.
Sa mas mataas na bahagi ng kagubatan, tahimik si Fatima habang pinapakinggan ang mga yabag at sigawan ng mga tauhan sa ibaba. Pinipilit niyang pigilan ang kaba at takot na bumalot sa kanya.“Giovanni… sana ligtas ka…” bulong niya sa sarili, ang mga kamay niya’y nanginginig habang mahigpit na yakap ang kanyang sarili.Sa malayo, narinig niya ang ilang putok ng baril. Tumigil siya sa paghinga, pilit iniintindi kung sino ang nagpapaputok. Tila bumagal ang oras, bawat segundo ay parang taon. Hindi niya alam kung si Giovanni ba ang nakikipaglaban o kung nahuli na siya.Maya-maya, naramdaman niya ang isang kamay na dumikit sa kanyang balikat. Napabalikwas siya at halos mapasigaw, ngunit mabilis na tinakpan ng kamay ang kanyang bibig.“Shh! Ako ‘to!” pabulong na sabi ni Giovanni, basang-basa at halatang hingal.“Giovanni!” bulong ni Fatima, nanginig ang boses niya. Yumakap siya nang mahigpit sa lalaki, halos bumagsak ang kanyang katawan sa pagod at relief. “Akala ko… akala ko hindi ka na bab
Napahinto sina Giovanni at Fatima sa harap ng kweba. Ramdam nila ang pag-aalangan sa bawat tibok ng kanilang puso habang papalapit ang mga yabag mula sa dalawang direksyon. Alam nilang wala nang atrasan.“Giovanni,” bulong ni Fatima, habang nakatingin sa madilim na kweba. “Paano kung hindi tayo umabot sa loob? Paano kung mahuli nila tayo dito mismo?”Hinawakan ni Giovanni ang kamay niya nang mahigpit, tinitiyak na kalmado ang kanyang tinig. “Walang mangyayari sa atin, Fatima. Basta’t magtiwala ka sa akin.”Mabilis niyang inilibot ang paningin at nakakita ng makitid na daan sa gilid ng kweba, bahagyang natatakpan ng makakapal na halaman. “Doon,” sabi niya, sabay turo. “Magtatago muna tayo. Hindi nila agad mapapansin ang daanang iyon.”Walang sagot si Fatima, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Giovanni habang nagmamadali silang pumasok sa makitid na daan. Napuno ng mga dahon at sanga ang daraanan, ngunit patuloy nilang nilampasan ang bawat hadlang, tahimik at mabilis.Sa liku
Habang papalapit ang yate ni Sander, halos hindi mapigilan nina Giovanni at Fatima ang kanilang mga ngiti. Parang nabunutan sila ng tinik sa dibdib. Ang mga ilaw mula sa yate ay tila nagsisilbing sagisag ng pag-asa sa gitna ng dilim ng kanilang sitwasyon.“Giovanni! Fvck!” sigaw ni Sander, kitang-kita ang tuwa sa kanyang mukha habang kumakaway mula sa yate.Agad na sumagwan si Giovanni nang mas mabilis, habang si Fatima ay nakatingin sa papalapit na kaligtasan.“Hindi ko akalaing makikita ulit natin siya,” sabi ni Fatima, may halong luha sa kanyang mga mata. “Akala ko’y wala nang paraan para makatakas tayo.”“Alam kong darating si Sander,” sagot ni Giovanni, puno ng kumpiyansa. “Isa siyang taong hindi ka basta-basta iiwan.”Pagdating nila malapit sa yate, iniabot ni Sander ang kanyang kamay kay Fatima para tulungan itong umakyat. “Halika, Fatima! Safe na kayo rito!” sabi niya, may ngiti sa kanyang labi.Pag-akyat nila sa yate, agad na niyakap ni Sander si Giovanni. “Buddy, halos mawal
Pagdating nila sa harap ng gusali, nakaramdam sila ng isang malalim na katahimikan. Si Giovanni, nakatingin sa matayog na gusali, ay nagdasal na sana ay maging maingat sila sa bawat hakbang.“Okay, so here's the plan,” sabi ni Marco, muling tinitingnan ang paligid bago magpatuloy. “Papasok kayo sa loob, at kailangan niyong magmukhang karaniwang tao lang na pumunta doon. Maghintay kayo sa lobby, at bibigyan ko kayo ng signal kapag handa nang magsimula. Giovanni, ikaw ang bahala kung paano makakapasok.”“Mayroon akong mga kilala sa loob,” sagot ni Giovanni, bahagyang kinakamot ang kanyang noo. “Alam ko kung paano magsimula. Pero kailangan mabilis tayo. Kung may makakapansin, baka mahirapan tayong makaalis.”Bago pa makapagsalita si Sander, tumingin siya sa paligid, pinaalalahanan ang grupo. “Ilang minuto lang, Giovanni. Dapat magka-cover tayo.”Tumingin si Giovanni kay Fatima. “I’m not doing this alone, Fatima. I need you by my side. Together, we can do this.”Ngumiti si Fatima, kahit n
Habang ang elevator ay bumababa, ang tahimik na paghinga nila Giovanni at Fatima ay mas lalong sumabog sa kaba. Tumigil ang elevator sa bawat palapag, at tila hindi magtatagal bago sila makatagpo ng iba pang mga hadlang.“Ilang segundo na lang, Fatima,” bulong ni Giovanni, ang mga mata ay patuloy na nagsusuri ng bawat kanto at anino sa paligid.“Gusto ko nang huminga nang maayos, ‘yung walang iniisip na takot,” sagot ni Fatima, ang mga palad ay basang-basa ng pawis. “Ligtas pa tayo sa ngayon, pero paglabas natin dito… hindi tayo sigurado.”Tumingin si Giovanni sa kanya, isang tipid na ngiti ang sumik sa kanyang labi. “I know. But we will win this battle, I promise you.”Bago pa nila maramdaman ang kahit anong pag-urong ng elevator, nagsalita muli si Giovanni, “Sa ngayon, stay focused lang tayo.” Walang sino man sa kanila ang nagnanais na magkaroon ng anumang pagkaantala.“Pagkatapos nito,” sambit ni Fatima, “Magiging malaya na tayo.”Isang matalim na tunog ng bell ang umabot sa kanila
William’s Point of ViewNagmumuni-muni ako sa harap ng malaking lamesa sa aking opisina habang ang tunog ng tawag mula sa kabilang linya ay patuloy na bumabalik sa aking tainga. Tumawa ako ng malakas.“Aha, akala nila… akala nila mananalo sila,” sambit ko, ang mga mata ay kumikislap ng kasiyahan at panlilinlang. Ang mga mata ko’y nanlilisik habang iniisip ko ang mga susunod na hakbang.“Boss, ano ang susunod na hakbang?” tanong ng tauhan ko mula sa kabilang linya. Hindi ko siya iniintindi sa unang saglit. Ibinaba ko ang telepono at tiningnan ang mga dokumentong nakalatag sa harap ko.“Nagkamali sila,” bulong ko sa sarili. “It’s almost over, Giovanni. Hindi mo alam na ang lahat ng iyong galaw ay pinaplano ko.”Ilang sandali pa at nagsalita ako muli, medyo malumanay na, pero puno ng poot. “Tell our men to stay put. Let them think they have won. Let them come to us.”“Understood, Boss,” sagot ng tauhan ko. “Papatagilid lang po ba tayo o diretso na?”“Diretso na,” sagot ko nang buo ang lo
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F