Home / Romance / Carrying the Billionaire's Heir / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Carrying the Billionaire's Heir: Chapter 71 - Chapter 80

108 Chapters

Chapter 71

Sabrina’s POV Pagkatapos kong ilapag ang tablet sa mesa, agad kong kinuha ang telepono at tinawagan si Roscoe. Ang mga daliri ko ay bahagyang nanginginig habang hinahanap ang numero niya sa contacts ko. Alam kong hindi ito madali, pero wala akong ibang magagawa kundi harapin ito. Kailangan kong malaman kung paano niya ipapaliwanag ang lahat ng ito. Habang nagri-ring ang telepono, ang bawat segundo ay parang isang mahabang paghihintay. Naiisip ko ang galit at kahihiyan na kinakaharap ko ngayon, lahat dulot ng isang litrato na hindi ko naman ginusto. Pagkatapos ng ilang ring, sumagot siya. “Hello, Sabrina,” ang boses niya, mababa at parang hindi alintana ang kaguluhang nangyayari. “Roscoe,” mariin kong sagot, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Kailangan nating mag-usap. Ngayon na.” Tumahimik siya ng ilang segundo bago sumagot. “Bakit? May nangyari ba?” Halos mabingi ako sa tanong niya. *May nangyari ba?* Parang hindi niya alam na ang buong social media ay nagsisigawan tun
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 72

Sabrina’s POV Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Ang mga mata niya, madilim at punong-puno ng galit, nakatingin nang diretso kay Shaira. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang lahat ng atensyon ko ay nasa kaniya, at ang bigat ng sinabi niya ay parang tumama sa akin nang buong lakas. Ang mga salitang iyon, ang boses niyang puno ng galit at determinasyon, ay tila nagdulot ng bagyo sa aking dibdib. “Roscoe…” mahina kong tawag sa pangalan niya, pero hindi niya ako nilingon. Napaatras si Shaira, pero agad rin siyang nakabawi. Ang mga mata niya ay namula sa galit at ang labi niya ay mahigpit na nakatikom bago siya sumabog. “Anong pinagsasasabi mo, Roscoe?!” singhal ni Shaira. “Wala ka nang karapatan na sabihin ‘yan! Ako ang asawa mo ngayon! Ako ang nasa tabi mo nang maaksidente ka! Ako ang nag-aalaga sa’ yo!” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Shaira. Ang utak ko ay parang sumasabog sa dami ng tanong. “Shaira, you lied to me!” galit na sigaw ni Ro
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 73

Sabrina’s POV Pagdating namin sa kotse, tinulungan ako ng driver na maiakyat si Ryan sa likod. Umupo ako sa tabi niya, hawak ang kamay niya, habang tinatakpan ng jacket ang katawan niya. Ang init niya—sobrang taas ng lagnat. “Sa pinakamalapit na ospital, bilis!” utos ko sa driver. Habang tumatakbo ang sasakyan, hinawakan ko ang mukha ni Ryan at dahan-dahang tinapik ito. “Ryan, please, gumising ka. Kailangan mo akong marinig. Huwag kang susuko.” Biglang umungol siya nang mahina, at bumukas ang mga mata niya ng bahagya. “Sabrina…” mahinang tawag niya sa pangalan ko, na halos hindi ko narinig. “Yes, Ryan! Nandito ako!” Napalapit ako sa mukha niya at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. “Ano bang nangyayari sa ’yo? Ano bang nararamdaman mo?” “Huwag… mag-alala…” bulong niya, pero nakita ko sa mga mata niya ang pagod at sakit. “I’m fine… just…” “Hindi ka okay, Ryan! Huwag kang magsalita. Dadalhin kita sa ospital.” Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, na parang doon ko k
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 74

Sabrina’s POV Parang tumigil ang paghinga ko sa narinig ko mula kay Ryan. Ang pangalan ni William, na matagal ko nang itinuturing na kaibigan at kasangga, ay biglang nagkaroon ng ibang kulay. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Tumitig ako kay Ryan, ang mga mata niya ay puno ng galit at sakit. “Ryan…” mahinang sambit ko, pero parang hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin. “Si William? Paano? Bakit? Ano ang dahilan niya? Imposible ang sinasabi mo.” Tumayo siya mula sa kama, halatang nahihirapan pero determinado. Nilapitan niya ako, ang mga mata niya nakatitig sa akin, punung-puno ng determinasyon. “I trusted him, Sabrina. I trusted him like a brother, but he wanted everything I had. My company. My life. And you.” Parang hinampas ako ng malakas sa sinabi niya. “What? Ako? Ryan, hindi—hindi iyon totoo. Si William? Bakit siya gagawa ng gano’n? Parang magkapatid lang kaming dalawa –” Saglit akong napahinto nang maalalang nililigawan niya ako ngayon. Napakagat-labi a
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Chapter 75

Sabrina’s POV Tahimik ang buong opisina, ang tunog lamang ng paglipat ko ng mga pahina ng dokumento ang umaalingawngaw sa paligid. Ilang araw na akong hindi nakapasok, at ngayon, pilit kong binabawi ang mga naipong trabaho. Mahalaga ang bawat sandali, lalo’t alam kong maraming kailangang ayusin sa Jacobs Group. Ngunit ang katahimikan ay biglang naputol nang bumukas ang pinto. Napatingala ako mula sa mga papeles na hawak ko, at doon ko nakita si William Frankenstein na pumasok nang walang paalam, na para bang siya ang may-ari ng opisina ko. Ang presensya niya ay parang biglang nagpapabigat sa paligid. Nagkunwari akong walang nararamdaman, kahit pa mabilis na tumibok ang puso ko. Alam ko ang totoo. Alam ko na isa siya sa mga taong nagtatangkang sirain st patayin si Ryan—at ngayon, narito siya sa harapan ko, nagkukunwaring inosente. “Sabrina,” bati niya, ang tinig niya ay puno ng pormalidad, pero may halong pangingilag. “I heard you’ve been absent for a few days. Naisip kong kaila
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Chapter 76

Sabrina's POV Tinitigan ko ang larawan sa mesa. Halos tumigil ang paghinga ko habang inuulit-ulit ng utak ko ang nakasulat na mensahe sa likod: [Be careful, Sabrina. You’re next.] Sino ang nagpadala nito? At paano nila nakuha ang larawang iyon? Tumayo ako, hinawakan ang envelope at tumingin sa bintana ng opisina ko, ang mga mata ko ay nagmamasid sa bawat sulok ng paligid. Sa isip ko, sino ang nagmamatyag? “S-Sabrina?” putol ni Irene sa iniisip ko. Ang boses niya ay may halong kaba at pag-aalala. “Okay ka lang po?” Nilingon ko siya, pilit na nagkukubli ng takot na bumabalot sa akin. “Irene, gawin mo ito para sa akin. Kunin mo ang security footage sa buong opisina mula kaninang umaga. Hanapin mo kung sino ang nagdala ng sulat na ito.” Tumango siya agad. “Yes, Ma’am. Agad ko pong aasikasuhin.” Habang nagmamadali siyang lumabas ng opisina, nilingon ko ulit ang larawan. Ang mga kamay ko ay nanginginig sa galit at takot. Itinapon ko ang larawan sa drawer ng mesa at huminga
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Chapter 77

Sabrina’s POVTahimik ang buong paligid habang nakaupo ako sa isang lumang sofa sa loob ng safehouse. Tanging ang tunog ng wall clock at mahinang ihip ng hangin mula sa lumang bentilador ang naririnig. Katatapos ko lang panuorin ang mga video footages ng Jacobs Group. Mahigpit kong hinawakan ang isang USB drive na napulot ko kanina sa opisina ko. Kanina pa ako nag-iisip kung dapat ko ba talagang buksan ito. Ngunit sa dulo, ang kuryosidad para malaman kung kanino ito at kung ano ang laman ng USB drive ang nag-udyok sa akin. Sinaksak ko ang USB drive sa lumang laptop na nasa mesa. Huminga ako nang malalim, pinipilit kalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Isa-isang nagpop up ang mga folder na may mga pangalan at petsa. Mga file na tila nagsusumigaw ng sikreto na matagal nang nakabaon. Binuksan ko ang unang folder. Mga larawan ang bumungad sa akin—mga larawan nina Ryan kasama si William. Sa umpisa ay tila mga business meeting lamang ang mga ito, ngunit habang nag-scroll ako, na
last updateLast Updated : 2025-01-23
Read more

Chapter 78

Sabrina’s POVIlang oras din kaming nanatilinsa ganoong posisyon ni Ryan – napuno ng iyakan ang buong silid. Halos sirain niya ang laptop, hindi matanggap ang nangyari sa kaniyang pamilya noon.Nang kumalma na ang sarili ko, tumayo ako upang lapitan si Ryan. Pinunasan ko ang walang tigil na pag-agos ng kaniyang mga luha. Hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao at pinunasan ang kaunting dugo matapos niyang suntokin ng malakas ang dingding.Niyakap ko si Ryan – hoping na sana ay makatulong iyon sa pagpapakalma ng sarili niya. “Ipaghigante natin ang pamilya mo. Okay?” bulong ko habang hinahaplos ang kaniyang likod. “Bakit kasi ngayon ka lang bumalik?” Pinunasan ko ang namumuong luha sa aking mga mata. “Hinding-hindi ako papayag na makuha niya ang mga bagay na pagmamay-ari ko,” matigas niyang sabi. “Ibabalik ko sa kaniya ang ginawa niya sa pamilya ko.”Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Ryan.“Ano ang gagawin mo?” nag-aalalang tanong ko. “Madali lang. Ipaparanas ko sa kaniyang kapatid
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

Chapter 79

Sabrina’s POV Nagdesisyon kaming tatlo na sa iisang kwarto matulog noong gabing iyon. Parang walang may gustong mawalay sa isa’t isa kahit saglit. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit kami naging ganito—magkasama, magkadikit na isang pamilya. Nasa gitna si Evara, nakahiga sa malambot na kutson, habang si Ryan ay nasa kaliwa niya, at ako naman sa kanan. Tahimik ang kwarto, pero ramdam ko ang bigat ng bawat hininga, bawat pintig ng puso namin. Ang ilaw mula sa maliit na lampshade ay nagbibigay ng malumanay na liwanag, sapat para makita ko ang mga mata ni Ryan. Nakapako ang tingin niya kay Evara. Hindi siya kumikilos. Para siyang natatakot na baka kapag pumikit siya o tumingin sa iba, maglaho ang lahat ng ito. Parang pinagmamasdan niya ang bawat hibla ng buhok ni Evara, ang bawat pilikmata, ang banayad na pagtaas-baba ng dibdib nito habang natutulog. “Hindi ako makapaniwala…” mahina niyang bulong, halos isang buntong-hininga na lang. Tumingin ako sa kanya, pero hindi siya
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

Chapter 80

Sabrina’s POVPagkatapos ng gabing iyon sa kusina, natagpuan namin ang mga sarili naming magkasama sa sala. Tahimik na ang bahay, at tanging ang malambot na liwanag mula sa lampshade ang nagbibigay ng init sa paligid. Nakaupo ako sa sofa habang si Ryan ay nasa tabi ko, ang braso niya ay nakapatong sa likuran ng upuan, bahagyang nakayakap sa akin.Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat, pero tila ang simpleng tawanan namin ay nauwi sa mas malalim na koneksyon. Nagsimula sa biro, hanggang sa nagkasalubong ang mga mata namin. May kung anong tensyon sa pagitan namin, pero hindi ito nakakailang—ito ay mas magaan, mas natural.“Ang dami mong tinatago, ah,” sabi niya, nakangiti habang bahagyang inaabot ang isang hibla ng buhok ko na nalaglag sa mukha ko. “Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang mata mo kapag natatamaan ng ilaw.”“Ryan, ano ba,” sabi ko, pilit na iniiwas ang mukha ko sa kanya, pero ramdam kong namumula ang pisngi ko. “Huwag mo akong gawing biro, ha.”“Biro?” tano
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more
PREV
1
...
67891011
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status