All Chapters of Carrying the Billionaire's Heir: Chapter 81 - Chapter 90

108 Chapters

Chapter 81

Sabrina’s POVNapuno ng magkahalong saya at pag-asa ang conference room matapos ang speech ni Ryan. Ang bawat palakpak at ngiti mula sa aming mga empleyado ay tila musika sa aking pandinig. Ang lahat ng hirap at pasakit na pinagdaanan namin ay tila nagkaroon ng kabuluhan sa mga sandaling iyon. Ngunit sa isang iglap, tila bumagal ang mundo nang biglang bumukas ang pinto ng conference room.Ang lahat ay napatingin sa direksyon ng pintuan, at doon ko nakita si Shaira Generoso—ang babaeng tumulong kay Ryan noong nawawala siya. Kasama niya ang kaniyang anak na si Maggie na mukhang kasing-edad ni Evara. Nang makita ko ang pagpasok nila, biglang sumikip ang dibdib ko. Alam kong may hindi magandang mangyayari.“Daddy!” sigaw ng bata, na bigla namang tumakbo papunta kay Ryan habang nakangiti. “Daddy!”Napako si Ryan sa kinatatayuan niya. Halata sa kanyang mukha ang pagkalito, pero hindi niya magawang umiwas nang yapusin siya ng bata. Ang conference room ay napuno ng mga bulong mula sa mga emp
last updateLast Updated : 2025-01-24
Read more

Chapter 82

Sabrina’s POVPagkatapos ng matinding emosyon sa conference room, kahit papaano ay humupa ang tensyon dito sa opisina. Ramdam ko ang bigat ng mga pangyayari, pero kahit papaano, pakiramdam ko ay unti-unting bumabalik sa amin ni Ryan ang kontrol sa sitwasyon. Naroon pa rin ang mga alalahanin ko, pero nangako si Ryan na ipaglalaban niya kami, at kahit paano, iyon ay sapat na sa ngayon.Nakatayo siya malapit sa malaking bintana, nakatalikod sa akin habang tila pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Tahimik lang ako, sinusubukan ding ayusin ang sarili matapos ang emosyonal na pag-uusap namin.Biglang bumukas ang pinto ng opisina. Nagulat ako at halos mapalingon agad. Si William. “William?” tanong ko, pilit hinuhugot ang pormalidad sa boses ko kahit pakiramdam ko ay hindi tama ang timing ng kanyang pagdating. “May kailangan ka ba? Alam mo naman ang protocol kapag—”Hindi ko natapos ang sinasabi ko. Sa isang iglap, humarap si Ryan mula sa bintana. Nang makita niya si William, biglang nag-ib
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 83

Sabrina’s POVSa mga araw na nagdaan matapos ang insidente sa opisina, ang buong mundo namin ni Ryan ay tila naging sentro ng kaguluhan. Hindi ko inakalang darating kami sa ganitong sitwasyon—isang laban na hindi lang tungkol sa nakaraan ni Ryan, kundi pati na rin sa katarungan na matagal na niyang ipinaglalaban para sa kanyang pamilya.Umaga pa lang ay nagkakagulo na sa harap ng headquarters ng Jacobs Group. Nakapila ang media, nagkakandaliit sa kakasiksikan upang makunan ng pahayag si Ryan. Sa balita, headline ang kasong isinampa niya laban kay William Frankenstein. Ang pangalan ng pamilya Jacobs at ang pangalan ni William ay laman ng bawat website, bawat social media platform, bawat broadcast. Parang naging malaking teleserye ang kuwento ng aming buhay.Nakatayo ako sa opisina ko, pinagmamasdan ang mga reporter sa ibaba mula sa salamin. Pumasok si Ryan, bitbit ang isang folder na halatang mabigat ang laman. Nakasuot siya ng itim na suit, ngunit bakas sa mukha niya ang bigat ng mga
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 84

Sabrina’s POVAng araw ng pagdinig ay dumating na. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ilang araw na akong naghahanda para rito kasama si Ryan, parang hindi ko pa rin mapigilan ang kaba. Habang papalapit kami sa korte, nararamdaman ko ang malamig na pawis sa aking mga palad. Kahit si Ryan, na kadalasang kalmado sa gitna ng gulo, ay tahimik at seryoso. Ang mga kamao niya ay bahagyang nakatikom, at ang mga mata niya ay nakatuon sa harapan, puno ng determinasyon.Pagdating namin sa harap ng korte, halos hindi na kami makapasok sa dami ng tao. Nandiyan ang media, kumukuha ng litrato at video, at mga tao mula sa iba’t ibang panig na gustong makita ang eksena. Ang usapin ni Ryan at William ay tila naging isang pampublikong palabas na sinusubaybayan ng lahat. Hinawakan ko ang braso ni Ryan, at tumingin siya sa akin.“Handa ka na ba?” tanong ko, kahit alam kong handa siya.Tumango siya. “Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito, Sabrina. Hindi na pwedeng magpatuloy ang kasinungalingan niya
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 85

Sabrina’s POVPagkauwi namin ni Ryan sa loob ng mansion, akala ko ay tapos na ang gulo. Subalit hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko sa hagdan, bigla kong narinig ang malakas na sigaw ni Shaira mula sa labas.“Ryan! Ryan, huwag mo akong talikuran! Kausapin mo ako, please! Mahal kita!”Napahinto kami ni Ryan. Napatingin siya sa akin, bakas sa mukha niya ang halong inis at awa. Pero ako, wala na akong natitirang pasensya para kay Shaira. Lahat ng ginawa niya ay tila isang malaking insulto hindi lang sa amin, kundi sa bawat oras na pilit naming binubuo ang pamilya namin.“Ryan!” patuloy na sigaw ni Shaira, at naririnig kong nagpupumiglas siya mula sa mga guwardiya na pilit siyang inilalayo sa gate.Lumapit si Ryan sa bintana, tumingin sa labas, at mariing huminga. Alam kong gusto niyang tapusin ang eksena, pero halata ring nahihirapan siyang pigilan ang sarili. Hinawakan ko ang braso niya at marahang sinabi, “Hayaan mo na siya. Hindi siya titigil hangga’t binibigyan mo ng atensyo
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 86

Sabrina’s POVHinawakan niya ang pisngi ko, ang init ng kanyang palad ay dumaloy sa malamig kong balat. Tila huminto ang oras sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano niya napapanatili ang ganoong klase ng tingin—isang tingin na parang sinasabi niya ang lahat nang hindi kailangan ng salita.“Hindi na mahalaga kung bumalik man siya. Ang mahalaga, ikaw lang ang pipiliin ko, Sabrina. Lagi,” ulit niya, mas mariin, na parang pinipilit niyang burahin ang lahat ng agam-agam sa isip ko.Hindi ko mapigilang ngumiti, kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng lahat ng nangyari. Si Shaira. Si William. Ang mga sugat ng nakaraan na unti-unti pa naming pinipilit na hilumin. Pero sa sandaling iyon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap—kasiguraduhan.Napakapit ako sa braso niya, parang takot na baka mawala siya ulit. “Alam kong hindi pa tapos ang lahat, Ryan,” sabi ko, mahina ngunit buo. “Pero kakayanin natin. Hangga’t magkasama tayo, kahit ano pa ang harapin natin…”Hindi pa
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 87

Pagkatapos ng masayang gabi namin sa hardin, napuno ang paligid ng katahimikan habang magkahawak-kamay kaming naglakad pabalik sa loob ng bahay. Ang lamig ng gabi ay hindi na nararamdaman dahil sa init ng presensya ni Ryan sa tabi ko. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi dahil sa singsing sa aking daliri, kundi dahil sa pag-asa na muling bumalot sa puso ko.Pagpasok namin sa sala, tumigil siya at hinarap ako. "Sabrina," sabi niya, ang boses niya ay puno ng sinseridad. "Simula ngayong gabi, gusto kong maging malinaw ang lahat. Ayokong may kahit ano pang gumulo sa atin. Ikaw at si Evara lang ang mahalaga sa akin."Tumango ako, ngunit bago pa ako makapagsalita, bigla niyang hinila ang aking kamay at inakay ako papunta sa kusina. "Sandali lang," sabi niya, may ngiti sa kanyang mga labi. "May isa pa akong sorpresa."Naguguluhan ngunit natatawa, sumunod na lang ako. Pagdating namin sa kusina, nakita kong may nakalatag na isang simpleng tray na may dalawang tasa ng ma
last updateLast Updated : 2025-01-25
Read more

Chapter 88

Sabrina’s POVNasa opisina kami ni Ryan nang dumating si Lucas, ang most trusted investigator ni Ryan, na may hawak na maliit na USB drive. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na sa ekspresyon ng mukha ni Ryan. Tumindig siya mula sa kanyang upuan at sinalubong si Lucas. Agad kong napansin ang bahagyang panginginig ng kamay ni Ryan habang inaabot ang USB.Nakapagdesisyon si Ryan na i-broadcast ang mga hawak naming evidence dahil malaki ang kapit ni William sa korte.“Sigurado ka bang ito na ang lahat?” tanong ni Ryan, ang boses niya ay mababa, pero puno ng bigat.“Kompleto na, Sir,” sagot ni Lucas. “Ang lahat ng ebidensiya—mula sa mga transaksiyon ni William, hanggang sa CCTV footage na nakunan noong araw ng krimen, at pati na rin ang ilang mga pag-uusap na na-recover namin mula sa mga lumang devices—nandito na lahat.”Napatingin ako kay Ryan habang pinipihit niya ang maliit na drive sa pagitan ng kanyang mga daliri. Halata sa mukha niya ang pinaghalong galit at determinasyon. Hindi
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Chapter 89

Sabrina’s POVPagkatapos ng matinding gabing iyon, akala ko ay magkakaroon na kami ng kahit kaunting pahinga. Ngunit tila hindi pa tapos ang laro ni William Frankenstein. Umagang-umaga pa lang, nakatanggap kami ng tawag mula kay Lucas. Ang tono ng boses niya ay halatang kinakabahan.“Sir, Ma’am,” aniya, halos pabulong. “May isang impormante na lumapit sa akin kagabi. Mayroon daw malaking plano si William laban sa inyo. Isang matinding pag-atake. Kailangan nating maghanda.”Napatingin ako kay Ryan at halata rin sa kanya ang pagkabahala. “Anong klase ng plano, Lucas?” tanong ni Ryan, ang boses niya ay malamig pero determinado.“Hindi malinaw ang detalye,” sagot ni Lucas, “pero base sa sinabi ng impormante, hindi lang ito simpleng pag-i-intimidate. Mukhang gagamitin niya ang natitira niyang kapangyarihan para magdulot ng malaking eskandalo, o mas malala pa, pisikal na pag-atake.”Napalunok ako, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Ryan, ano ang gagawin natin?”Hinawakan niya ang kamay ko
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more

Chapter 90

Sabrina’s POVTatlong linggo na ang nakalipas, sa wakas, nakulong na si William Frankenstein matapos ang mga ebidensiyang inilabas namin laban sa kanya. Ang buong bansa ay naging saksi sa pagbagsak ng isa sa pinakamakapangyarihang lalaki sa mundo ng negosyo, at ang hustisya ay unti-unting naibabalik sa pamilya ni Ryan.Pero sa kabila ng lahat ng ito, may bahagi sa akin na hindi mapakali. Ramdam kong hindi pa tapos ang lahat. At tama ang pakiramdam ko—ang gulo ay hindi pa talaga natatapos.Isang umaga, nakatanggap kami ng tawag mula sa warden ng kulungan kung saan nakakulong si William. Agad na tumigas ang ekspresyon ni Ryan nang marinig ang balita."Mr. Jacobs, gusto naming malaman ninyo na may insidente sa loob ng kulungan," sabi ng warden. "Si William Frankenstein ay nagtangka umanong magpakamatay kagabi."Napatigil ako sa tabi ni Ryan. Napatingin kami sa isa’t isa, parehong hindi makapaniwala."Tumawag siya sa isang abogado bago nangyari ang insidente," dagdag ng warden. "At may in
last updateLast Updated : 2025-01-26
Read more
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status