All Chapters of Montevallo Series 1: Twisted Betrayal: Chapter 71 - Chapter 80

100 Chapters

Chapter 71

Emily’s POVIsang buwan na ang lumipas mula nang mawala si Marco ng parang bula, at parang ang mundo ko’y nagpatuloy lang, ngunit walang buhay. Ang mga araw ay dumaan, pero hindi ko alam kung paano ko tinanggap ang lahat ng ito. Parang ang lahat ng nakaraan, ang lahat ng pangako, ang lahat ng pagmamahal—lahat iyon ay naglaho sa isang iglap, tulad ng mga ulap na tinangay ng hangin.Ang ospital, ang pagkakabasag ng mga plano, ang sakit na dulot ng pagkawala niya—lahat iyon ay pabalik-balik sa isip ko, araw-araw. Habang ako'y nagpapatuloy sa araw-araw, pilit kong inaayos ang sarili ko. Pero paano ko magpapatuloy kung ang puso ko'y tuluyan nang nawalan ng direksyon?Hindi ko siya kayang kalimutan. Hindi ko kayang tanggalin ang mga alaala niya sa bawat sulok ng buhay ko. Sa kabila ng galit, sa kabila ng pagkadurog ng puso ko, hindi ko maiwasang maghanap ng kahit anong bakas ng kanyang presensiya. Kung titignan ko ang bawat detalye, kung ididikit ko ang aking mga mata sa bawat bagay na naiw
last updateLast Updated : 2025-02-01
Read more

Chapter 72

Emily's POVHabang nakaupo ako sa silid ng clinic, pakiramdam ko ay ang bigat ng bawat hakbang ko, parang ang buong mundo ay nababalot ng kadiliman. Hindi ko matanggap ang mga nararamdaman ko, ang mga tanong na patuloy na naglalaro sa aking isipan. Hindi ko kayang tanggapin. Ang ama ng anak ko ang naging dahilan kung bakit ako maagang naulila kay Papa.Ang puso ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ang sakit ng katawan ko, ng mga emosyon ko, ang lahat ay parang bumangga at nagkabasag-basag. Hindi ko kayang isipin na may kaugnayan ang anak ko kay Marco, sa lalaking nagbigay ng sakit pamilya ko. Na siya ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang ama ko. Hindi ko matanggap ang lahat ng ito.Hinawakan ko ang tiyan ko, parang may kakaibang init na dumaan mula sa aking mga palad. Ang sakit, hindi lang pisikal kung 'di emosyonal. Parang may matinding pagkasuklam na nararamdaman sa mga salitang “anak ni Marco.” Saan ako pupunta mula rito? Kung ito nga ang mangyari, kung sakali, anong klas
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 73

Emily's POVHindi ko kayang tanggapin na wala akong balita mula kay Marco. Isang buwan na ang lumipas mula nang nalaman kong buntis ako—isang buwan na tila walang katapusan. Ako ay nagsisisi at ang puso ko ay puno ng mga saloobin na hindi ko na kayang isalaysay. Gabi-gabi, naiisip ko ang lahat ng mga salitang binitiwan ko sa kanya, ang mga galit na hindi ko kayang kontrolin, ang mga sakit na pinatong ko sa kanya. Lahat ng iyon, kasabay ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Kung may pagkakataon lang na bumalik ang lahat, kung may paraan lang na maibalik ang mga sandaling iyon.Gusto kong magpatawad, ngunit ang mga salitang binitiwan ko—ang mga salitang sinadyang ipinukol ko sa kanya na nagdulot ng sakit—ay tila gumugugol sa aking kaluluwa. Bawat gabi, habang nakahiga ako at ang mga anino ng nakaraan ay nagbabalik, halos maramdaman ko ang mga hinagpis na dulot ng sariling mga desisyon ko. Nagbalik sa aking isipan ang lahat ng masakit na salitang binitiwan ko, pati na ang mga pag-aa
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 74

Emily’s POV Fiv years later... "Mommy, gusto ko po 'yung may dinosaur!" Masiglang itinuro ni Frost ang isang school bag na may printed na malaking T-Rex. Napangiti ako habang tinitingnan ang anak ko. Sa edad na limang taon, punong-puno siya ng energy at pagkasabik sa kahit anong bago. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, nasa sinapupunan ko pa siya, at ngayon, heto na siya—maliksi, masayahin, at matalino. "Okay, baby. Kunin na natin 'yan," sagot ko, kinuha ang bag sa shelf at inilagay sa cart. Patuloy akong naglakad sa loob ng mall, namimili ng iba pang gamit ni Frost. Isa itong ordinaryong araw para sa amin—isang araw na puno ng ingay at excitement ng anak kong likas na makulit. Isang araw na akala ko ay magiging simple lang… pero nagkamali ako. Dahil isang iglap lang, biglang bumagal ang paligid ko. Parang lumabo ang tunog ng mall. Ang mga tao, naging malalabong anino. Ang mundo ko, unti-unting huminto. Sa gitna ng lahat ng ito, may isang pigura na biglang lumutang
last updateLast Updated : 2025-02-02
Read more

Chapter 75

Emily’s POVPakiramdam ko, kahit saan ako tumingin, nakatingin sa akin ang nakaraan.Si Marco.Nasa harapan ko siya, buhay at humihinga, pero wala nang kahit anong alaala tungkol sa akin—sa amin. Wala nang init sa titig niya, walang bahid ng emosyon o pagkilala. Para akong isang estrangherong nakatayo sa harapan niya, isang babaeng wala lang sa buhay niya.Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil hindi niya alam ang totoo. Na siya ang ama ng batang masayang nakangiti sa kanya ngayon.Napahawak ako sa maliit na kamay ni Frost, na walang kamalay-malay sa tensiyon sa pagitan namin ni Marco.“Tito Marco, alam n’yo po ba, pareho tayo ng pangalan?” masiglang sabi ni Frost habang hinahawakan ang laruang hawak niya. “Sabi ni Mommy, Marco rin ang second name ko!”Nakita ko kung paano nagdilim ang mga mata ni Marco. Halos hindi siya gumagalaw, pero halatang nag-iisip siya nang malalim."Marco...?" tila inulit niya sa sarili, pilit inaalala ang isang bagay.Nag-aalalang napalunok ako. Hindi
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

Chapter 76

Emily’s POVParang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang nakatitig kay Morgan. Hindi ko alam kung matatakot ako o magagalit. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong umasa na baka may balita siya tungkol kay Marco."Why now?" malamig kong tanong.Napangiti si Morgan, pero may bahid ng pagkapilyo ang mga mata niya. "Let’s just say… I’ve been watching from afar."Napakunot ang noo ko. "Watching?"Tumawa siya nang mahina, tila nagugustuhan ang pagdududa sa mukha ko. "Hindi naman literal, Emily. Pero may alam ako tungkol sa’yo. Sa anak mo."Halos matumba ako sa sinabi niya.Napalunok ako, agad na hinahanap si Frost sa paligid. Nakita ko siyang abala sa paglalaro ng stuffed toy na binili ko para sa kaniya."Anong ibig mong sabihin?" mas naninigas ang boses ko ngayon.Morgan shoved his hands into his pockets at bahagyang yumuko, na para bang tinatantiya kung dapat ba niyang ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Alam kong si Frost ay anak ni Marco."Parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya.
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

Chapter 77

Emily’s POVParang bumagal ang oras habang nasa loob ako ng sasakyan ni Morgan. Tahimik lang siya habang nagmamaneho, pero ako, hindi mapigilan ang paninikip ng dibdib ko.Buhay si Marco.Buhay siya… pero hindi niya ako naaalala.Hindi ko alam kung paano ko haharapin ‘yon. Ilang beses ko siyang pinagdasal, inasam na makita muli—pero ngayon, paano kung hindi ko na siya kilala? Paano kung hindi na siya ang dating Marco na minahal ko?Huminto ang sasakyan sa harap ng isang eleganteng bahay sa isang private subdivision. Malayo sa Montevallo estate, malayo sa lahat ng pamilyar."Siya ba ang nakatira rito?" mahinang tanong ko.Tumango si Morgan. "Yes. Hindi siya nag-stay sa Montevallo mansion after the accident. Dito siya nagsimulang muli."Muling nanikip ang dibdib ko. "Gusto mo bang maghintay muna?" tanong niya.Umiling ako. "No. Kailangan ko siyang makita."Bumaba ako ng sasakyan, pero pakiramdam ko parang mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa pintuan. Hindi ko alam kung anong mararam
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

Chapter 78

Emily’s POVParang hindi ko marinig ang ingay sa paligid. Ang mga boses ng mga tao, ang tunog ng mga sasakyan sa kalye—lahat ay naglaho. Ang natitira na lang sa mundo ko ngayon ay ang lalaking nakatayo sa harapan ko.Si Marco.Pero hindi na siya ang Marco na kilala ko.Nakatitig siya kay Frost, tahimik, pero bakas sa mga mata niya ang pagtataka. Kitang-kita ko kung paano niya iniisa-isa ang mukha ng anak ko, na para bang may hinahanap siyang pamilyar dito.Napalunok ako, pilit nilalamon ang kaba at takot na nagsisimulang bumalot sa akin.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo.Gusto kong isigaw sa kanya na anak niya si Frost, na may iniwan siyang parte ng sarili niya sa akin, kahit pa iniwan niya ako.Pero paano kung hindi niya ako paniwalaan?Paano kung lalo lang siyang lumayo?Paano kung… hindi na siya ang Marco na minahal ko noon?"Emily," isang pamilyar na boses ang pumunit sa katahimikan.Morgan.Napatingin ako sa kanya, at doon ko n
last updateLast Updated : 2025-02-03
Read more

Chapter 79

Emily’s POVTahimik akong nakaupo sa gilid ng kama ni Frost, pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog. Ang mukha niya ay payapa, walang kamalay-malay sa kaguluhang bumabalot sa akin ngayon. Napabuntong-hininga ako, pinagmasdan ang maliliit niyang daliri na bahagyang nakayakap sa unan niya."Anak..." Mahina kong bulong, hinaplos ang buhok niya.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kung tama ba na ipagkait ko sa kanya ang katotohanan—na buhay ang ama niya, at narito lang, ilang hakbang lang mula sa amin. Ngunit paano kung hindi niya na kami kilala? Paano kung hindi na niya kami gusto sa buhay niya?Napapikit ako, pilit nilulunok ang bigat sa dibdib ko.Kanina, matapos kong ibaba ang tawag ni Morgan, ilang minuto lang akong nakaupo, nakatulala, sinusubukang intindihin ang lahat. Ngunit kahit anong pilit kong itanggi, isang bagay lang ang malinaw—hindi ko na maitatanggi ang nararamdaman kong pangungulila.Limang taon.Limang taon mula nang huli kam
last updateLast Updated : 2025-02-04
Read more

Chapter 80

Emily’s POVTatlong araw. Tatlong araw akong hindi mapakali, hindi makatulog nang maayos. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung tama bang pumunta sa bahay ng Montevallo. Hindi pa kasi ako nakapunta roon noon.Pero hindi ko rin kayang palampasin ang pagkakataong ito. Kaya narito ako ngayon, nakatayo sa harap ng napakalaking mansyon ng Montevallo. Huminga ako nang malalim bago pinindot ang doorbell. Ilang saglit pa, bumukas ang gate at sinalubong ako ng isang matandang babae. Napalunok ako nang makita ang lungkot sa kaniyang mga mata."Señorita Emily," mahina niyang bati. Nagulat ako dahil kilala niya ako, pero hindi ko na lang pinahalata."Manang," sagot ko, pilit pinapanatag ang sarili. "Nandito ba si Marco?"Saglit siyang nag-alinlangan bago tumango. "Nasa likod, sa garden."Alam kong hindi ko na dapat pag-isipan pa. Kailangan ko siyang makita."Pwede n'yo po ba akong ihatid sa kaniya? Hindi ko kasi kabisado ang lugar." Tahimik akong pumasok, dahan-dahang tinatahak ang da
last updateLast Updated : 2025-02-05
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status