Ada POV Nakatanaw ako sa malawak na hardin ng mansiyon mula sa terrace, habang dinadama ang malamig na hangin dito sa Paris. Ang ilaw mula sa mansion ay nagbibigay ng mainit na glow sa paligid, pero hindi nito matabunan ang lamig na nararamdaman ko sa loob. Mahigit isang oras na akong nakatayo rito, nag-iisip, tinatanong ang sarili kung paano haharapin ang lahat ng kaguluhan sa pamilya ko. Mula sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Papa na papalapit sa akin. May hawak siyang isang wine glass, at sa kilos niya, alam kong may gusto siyang sabihin. Hindi siya ang tipo ng taong lumalapit lang nang walang dahilan. "You should come inside, Ada. It's getting cold," sabi niya, ngunit nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Dama ko ang lungkot sa mukha niya, lalo na sa mga mata niya parang galing sa iyak? Wait, umiyak ba si Papa? "I'm fine, Papa," sagot ko na hindi inalis ang tingin sa mga nagliliwanag na street lamps sa malayo. Pero hindi ko rin maiwasang mapatingin kay papa, lalo na sa m
Last Updated : 2025-02-03 Read more