Ada POVHindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang hinihintay na mag-play ang music video. Nakaupo kami ni Mishon sa malaking couch sa entertainment room ng mansiyon niya habang nakaharap sa malawak na TV screen. Kanina pa namin hinihintay ang official release ng music video ni Czedric Borromeo, kung saan kami ni Mishon ang partners sa kuwentong ginawa doon.Habang naglo-load pa ang video, sinilip ko si Mishon sa tabi ko. Mukhang kalmado siya, pero kita ko ang excitement sa mga mata niya. Hawak-hawak niya ang remote habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa hita ko, hindi ko alam kung sinasadya niya o hindi.“Ready?” tanong niya nang nakangiti habang tinatapik ang hita ko gamit ang daliri niya.“Of course!” sagot ko pero ewan ko, kinakabahan ako nang hindi ko maintindihan. First ko kasing masama sa mga music video kaya hindi ko alam kung bagay ba sa akin ang mag-aarte na ganoon. Pero may tiwala ako sa sarili ko.At nang magsimula nang tumugtog ang kanta, parang tumigi
Ada POV Paghiga ni Mishon sa akin sa kama at tumayo muna siya sa harap ng kama. Nakangisi siya sa akin habang dahan-dahang nagtatanggal ng saplot niya. Nakakatawa siyang panuorin pero hindi ko maiwasang matakam dahil may pagiling-giling pa siyang ginagawa. Una niyang tinanggal ang damit pang itaas. Ang ganda talaga ng bycep niya, dibdïb at pati na rin ang mga abs niyang namumutok. Samahan pa ang mga mababalahibong kilikili niya na lumalabas habang parang nagla-live show siya sa harap ko. Nagpe-flex siya ng mga muscle niya kaya lalo siyang nagiging hot sa paningin ko. “Ayos ba? Ngayon ko lang ginawa ‘to. First time kong nagmala-stripper. Sa iyo lang ‘to,” sabi niya sabay kindat pa sa akin. Putek, ang cute lang kapag kikindat siya. Hindi ko na nga alam kung ilang beses akong napalunok ng laway dahil sa panunuod ko sa kaniya. Hanggang sa mapangiwi na ako kasi tinatanggal na niya ang butones ng pantalon niya. Habang dahan-dahang binababa ang zipper nun ay pangisi-ngisi pa siya. “H
Ada POV Ang tigas. Ang sarap himasin. Lalo pa atang humahaba ang laki ng ari niya habang patuloy ko itong hinihimas. Tinitignan ko paminsan-minsan si Mishon. Napapanganga siya. Minsan pa ay napapakagat-labi. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko na ito ngayon. Pulang-pula na rin ang ulo ng pagkalalakë niya. Pakiramdam ko ay natatakam na akong tikman ito. “Ano, love, gusto mo rin bang ma-try na tikman? Handa ka na ba o hindi mo pa kaya? Again, hindi ako mamimilit. Kung ayaw mong gawin ay ayos lang,” sabi niya habang nakahiga na sa kama. Nangawit na ata siya sa pag-upo. Pinag-isipan ko. Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, gusto ko na ng bagong experience. Kaya hindi na ako sumagot sa kaniya. Pumikit ako at saka ko dahan-dahan na sinubo ang titë niya. Kalahati lang ang kinaya ko. “Oh shït. Ang init ng bibig mo, love,” sabi niya at sa tingin ko ay agad siyang napaungöl. Binabad ko muna ang ari niya sa bibig ko. Akala ko ay mapait, maalat o maasim ang lasa ng ganito, pero pa
Ada POV Pagpasok ko pa lang sa mansiyon, sinalubong na ako ng malalakas na sigawan mula sa loob. Napapailing agad ako kasi ang toxic na talaga sa bahay. Hindi na ako natutuwa."Where are my jewelry, Sora?!" Sigaw ni Papa habang galit na galit kay mama. Mga alahas naman ngayon. Grabe na si mama. Sobra na talaga.Napahinto ako sa may pinto ng saglit na naguguluhan bago ko naintindihan ang pinag-aawayan nila. Madami kayang kinuha si mama? Nakaka-stress siya, ano bang nangyayari sa kaniya?“Ronan, please! Let me explain!” sagot naman ni Mama na halos desperado ang tono ng boses niya.Napabuntong-hininga ako. Kakauwi ko lang mula sa photoshoot ng shampoo endorsement ko at heto na naman ang gulo sa bahay. Hindi na bago ang mga sigawang ganito, pero ngayon, may kung anong bigat sa pakiramdam ko. Dahan-dahan akong lumapit sa sala at nakita kong nakatayo sa gitna si Papa, pulang-pula ang mukha, habang si Mama naman ay hawak-hawak ang braso niya na pilit siyang pinapakalma. Sa gilid, nakatayo
Mishon POVMatagal ko nang iniisip ang posibilidad na ito, pero hindi ko kayang sabihin kay Ada hangga’t hindi ako sigurado. Ang tanging paraan para malaman ang totoo ay makuha ang buhok ni Aling Franceska at ipa-test ito laban sa buhok ni Ada.Kahapon, habang magkasama kami ni Ada, nagawa kong makuha ang isang hibla ng kanyang buhok nang hindi niya namamalayan. Mabilis lang iyon—isang simpleng galaw ng kamay habang nagbibiro kami at nakuha ko na ang isang hibla na agad kong itinago sa maliit na plastic pouch.Ngayon naman, nandito ako sa flower shop ni Aling Franceska.“Ano nga ulit ang order mo, Mishon?” tanong ni Aling Franceska habang abala sa pag-aayos ng bouquet ng tulips. Ang dami na naman niyang fresh na flower na galing sa flower farm niya.“Two dozen white tulips, Aling Franceska,” sagot ko habang pilit na pinapanatili ang normal na tono ng boses ko.Napatingin ako sa mesa kung saan nakapatong ang isang suklay na halatang gamit na gamit na . Doon pa lang, alam ko na—ito na a
Ada POV Handa na ako para sa photoshoot ngayon. Isa itong malaking project—luxury hats na bagong labas sa market kaya masasabi kong malaki na naman ang kikitain ko. Napili ako bilang isa sa mga ambassador, at hindi ko hahayaang masira ang momentum ko, lalo na ngayong nagiging mas kilala na ako sa industriya ng husto. Nasa loob ako ng walk-in closet ko, tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Makinis ang ayos ng aking buhok, simple lang pero elegante naman ang makeup, at naka-casual yet classy outfit para sa biyahe ko papunta sa shoot. Napansin ko na ang fresh ko ngayon. Ganito pala kapag nadidiligan na. Natatawa ako, parang gusto ko na ulit magpakama kay Mishon. Nami-miss ko na agad marinig ang mga ungöl niya. Ngayon, gets ko na kung bakit ang ibang tao ay adïk na adïk sa pakikipag-sëx, masarap naman pala. Pagkatapos ay lumabas ako at bumaba patungo sa dining area para mag-almusal. Alam kong mahaba ang araw na ito, kaya sinigurado kong hindi ako aalis nang gutom. Wala akong ganang m
Ada POV Pagod man ako sa buong araw ng photoshoot, hindi ko maitatangging nag-enjoy ako. Kahit paano, nakapagpahinga rin ako sa bigat ng drama sa bahay. Pero pagdating ko sa mansion ulit, agad akong napahinto sa tapat ng pinto. May naririnig akong paghikbi mula sa loob.Pagpasok ko sa sala, nadatnan kong umiiyak ang mama ko habang yakap-yakap ni Verena. Tumulo ang luha niya nang makita niya ako, pero hindi ko alam kung totoo ba o parte lang ng drama niya.Nagtama ang tingin namin ni Verena. She scoffed and rolled her eyes. “Oh look, the queen has arrived,” aniya na may sarkasmo ang boses. Buwisit talaga.Tinaasan ko siya ng kilay. “What’s going on?” tanong ko at saka hinubad ang coat ko at nilapag iyon sa armrest ng sofa.Biglang tumigil sa pag-iyak ang mama ko. Halos sabay silang nagtinginan ni Verena bago ako nilapitan ng mama ko nang mabilis. Bago pa ako makagalaw, hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.Napairap ako sa sakit. “Mom, what the hell—”“Listen to me, Ada.” Lumalim
Ada POVWalang hangin na pumapasok sa silid ko. Pakiramdam ko, kahit may bintana, kahit nakabukas ang ilaw, kahit may espasyo para huminga—parang hinihigpitan ang leeg ko ng isang invisible na tanikala. Mula nang magsimula akong magmodelo, ito ang unang beses na hindi ako pinayagang lumabas. Hindi dahil may sakit ako, hindi dahil may emergency. Kundi dahil ayaw ng mama ko.At hindi ko alam kung kailan ako makakalaya ngayon. Masama pa na nawala na si Papa rito sa bahay kasi lalong lumala. Akala ko pa naman ay ako na ang maghahari-harian sa sarili kong pamamahay, pero baliktad kasi talagang demonyita na itong ina at kapatid ko. Ginagawa nila akong tangan.Kagabi, sinubukan kong magpaalam. Sa mall lang, saglit lang. Pero diretsong tumanggi ang mama ko. Akala ko, kagaya lang ito ng dati, na may mood swings lang siya. Pero hindi. Nang sabihin niyang hindi na ako puwedeng lumabas, hindi niya ako binibigyan ng rason. Parang gusto niya na lang akong ikulong dito habang buhay.At ngayong gabi,
Miro POVNasa loob ako ng kuwarto ko at nakaupo sa harap ng computer habang nakatitig sa profile picture ni Samira Gomez. Hanggang ngayon ay hangang-hanga ako sa dalagang babae na ito na alaga ng mga tito-tito-an ko. Ayon sa kanila, magaling daw itong assassin. Gusto kong makita kung gaano siya kagaling.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin para makipagtulungan siya sa akin. Hindi ko gusto ang ideyang wala pa akong ginagawa, habang siya ay tila nag-uumpisa nang lumalim ang kaalaman sa buhay ng Mafia boss na si Vito Monteverde. Nakakainggit na nakakasama na niya ito sa bahay na iyon. Sa totoo lang, tanga rin si Don Vito. Wala siyang ingat. Talagang sa bahay pa niya nakapasok si Samira Gomez na hindi niya alam na papatay sa kanila. Ano kayang pinaplano ni Samira? Nakakainggit talaga. Gusto ko na ring may magawa. Gusto kong tumulong sa kaniya.Kaya nang dumating ang hapon, nagpaalam ako kay Mama Ada at Papa Mishon na may project kaming dapat gawin sa bahay ng kaklase ko. Pero ang
Samira POVUmagang-umaga pa lang, abala na sa kusina ang mga kasambahay ng pamilya Monteverde. Kanya-kanya sila ng gawain at sa akin napunta ang pagkuha ng order na karne sa farm na matagal nang supplier ng pamilyang ito. Nakasalansan na ang mga kahon sa gilid, at tila ba alam na ng lahat kung anong mangyayari.“Samira, ikaw na ang kumuha ng order. Wala pang isang oras, dapat nakabalik ka na,” seryosong utos ni Manang Luz. Ramdam ko sa boses niya ang babala. “Kapag lumagpas ka sa oras na ‘yan, baka may tumagos na lang na bala ng baril sa ‘yo.”Hindi biro ang sinabi niya. Kaya mukhang totoo na wala na akong kawala rito. Alam kong seryoso siya. Ganoon din si Manang Cora na kanina lang ay sinabihan akong mag-ingat bago ako lumabas ng mansiyon. Sabi nila, ako lang talaga ang maaaring makalabas dahil mas bata ako kaya lang ay may oras lang talaga at hindi puwedeng magtagal, kundi ay talagang papatayin ako ng mga tauhan ni Don Vito. Ang dating batang kasambahay ay kaya lang nakakauwi ay dah
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n
Samira POVTangina ni Manang Luz, hinila ba naman ako sa tenga habang palabas sa kuwarto ni Via. Sa inis ko, sinadya kong bitawan ang tasa ng kape sa paanan niya. Kaya pagkatapos magsisigaw ni Via, siya ang sunod na sumigaw kasi napaso ng mainit na kape ang paa niya. Akala niya, maiisahan niya rin ako. Iyon nga lang, pinarusahan niya ako. Sinabi niya na pumunta ako sa garden at magbilad sa araw ng isang oras.Ang araw pa naman ay tirik na tirik, nagbabaga ang sikat nito sa balat ko. Nandoon ako sa part na kung saan ay walang masisilungan. Parusa raw sa kasalanang hindi ko naman sadya. For me, okay lang ang parusa. Mas nakakatawa kasi ang nangyari kay Via at pati na rin kay Manang Luz.Sa totoo lang, ayos nga ito. Makakapahinga pa ako ng isang oras sa trabaho ko. Kung ganito naman pala ang parusa, masarap gumawa ng maraming pagkakamali para marami akong pahinga pala. Hindi nila kasi alam, easy lang ito para sa akin. Noong nagte-training ako sa pakikipaglaban, tatlo o hanggang limang or
Miro POVAng hangin ng dagat ay malamig habang nakasandal ako sa railings ng private yatch ni Zaven. Nasa tabi ko ang mismong may-ari ng yate na si Zaven Montenegro, naka-suot ng designer sunglasses at nakahawak sa baso ng whiskey. Sa kabilang dulo ng deck, si Dristan at Lysander ay abala naman sa pag-aasaran habang nagbibiruan tungkol sa kung sino ang may pinakamaraming babaeng naiuwi sa kanilang mga party nung nakaraang magpunta sila sa La union.Kami ang mga itinuturing na hari ng campus, mga anak-mayaman, mga hinahangaan, mga hinahangad na masungit ng mga babaeng student sa school namin. Ngunit sa kanilang lahat, ako lang ang may lihim na plano, isang planong hindi ko kailanman ipapaalam sa pamilya ko. Hindi nila kailangang malaman na ang tahimik at mapagkumbabang si Miro Tani ay may mas matinding mission sa buhay at ito ay ang paghihiganti ko sa pagpatay sa Mama Raya ko.“Are you serious about this, Miro?” tanong ni Dristan nang inilapag ang kanyang baso sa mesa. “You’re talking
Samira POVHabang hinihiwa ko ang mga gulay sa lamesa, nakilala ko na rin doon ang iba pang matagal ng kasambahay dito sa manisyon ni Don Vito.Sina Manang Josie, Manang Cora, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Halos lahat sila ay may edad na pala kaya nagulat din ako. Parang dito na sila nagtandaan. Napansin ko kasi na ako lang ang nag-iisang dalaga sa grupo, naalala ko tuloy ang kasambahay na sinagasaan ko. Siya lang pala ang natitirang dalaga dito noon. Ngayon, ako na ang pumalit sa puwesto niya.Napansin kong nakatingin sa akin si Manang Cora. “Hija, you should not have come here. Wala ka nang kawala. Habang buhay ka nang magiging kasambahay dito,” aniya habang patuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nagtaka ako, bakit kaya nasabi niya ‘yon?“She’s right,” sabat ni Manang Luciana. “You might end up just like the others... as one of Don Vito’s toys.”Manang Rowena smirked. “Or worse, you’ll be Via’s new plaything. That brat will make your life a living hell.”Tumawa si Manang
Samira POVSa wakas, sa isang taon kong paghihintay, sa dami ng beses na halos mawalan na ako ng pag-asa, natanggap rin ako bilang kasambahay sa mansiyon ni Don Vito Monteverde. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang matanggap ko ang message ng mayordoma doon na si Manang Luz.Ang dami kong pinagdaanan para lang makapasok dito, at ngayon, heto na ako sa mismong gate ng engrandeng bahay ng lalaking may kasalanan sa pagkamatay ng pamilya ko. Pero hindi ko rin maiwasang mapabuntong-hininga.Dahil para makuha ko ang trabahong ito, may isang taong nadamay. Isang linggo na ang nakalipas, ngunit ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin nang gabing iyon, ang tunog ng makina ng motor ko, ang malakas na sigaw ng babaeng kasambahay na sinadya kong sagasaan. Hindi ko siya pinatay, pero sinigurado kong hindi siya makakabalik agad sa trabaho rito. Isang pilay lang ang kailangan para mapuwersa siyang magpahinga at isang linggo lang ang lumipas bago ko natanggap ang balitang may bakanteng puwest