Mishon POVTatlong araw na ah. Anong nangyari?Tatlong araw na simula noong huling beses akong nakatanggap ng message mula kay Ada.Tatlong araw na rin akong nagtataka kung bakit bigla siyang nawala na parang bula.Sinubukan ko siyang tawagan pero wala naman siyang sagot.Nagpadala ako ng messages—walang reply.Ilang beses na rin akong nagpunta sa mansiyon nila, pero sa tuwing makakaharap ko ang mama niya, iisa lang ang sinasabi nito:“She’s on a five-day shoot for a music video.”Bullshit. Ganito si Ada. Hindi siya magkakaligta ng update niya sa akin sa mga nangyayari sa kaniya.Isa pa, hindi rin aabot na tatlong araw na hindi siya magpapakita sa akin. Minsan nga, kapag galing sa trabaho ay tutuloy pa siya sa mansiyon ko para mag-ayang kumain sa labas, pero ngayon ay wala.Wala rin naman akong natatandaan na pinag-awayan namin. Hindi siya galit sa akin at hindi rin ako galit sa kaniya kaya nagtataka na talaga ako sa nangyayari.Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong klaseng proyekto na
Ada POVIsang mahinang katok ang gumising sa akin mula sa malalim kong iniisip.Ilang araw na akong nakakulong sa kwartong ito at ang tanging hudyat na buhay pa ako sa mundong ito ay ang pagpasok ng kasambahay namin para dalhan ako ng pagkain.Pinakinggan ko ang paggalaw sa labas. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga kasambahay namin, bitbit ang isang tray ng pagkain. Walang imik itong lumapit sa lamesa at marahang inilapag ang tray. Tumango lang siya sa akin bago mabilis na lumabas muli, iniwang naka-lock ang pinto. Maging ang mga kasambahay namin ay takot kay mama. Kahit anong pakiusap ko na tulungan nila ako ay wala rin silang magawa.Napatingin ako sa tray. Cake na naman, buwisit. Umaga, tanghali, hapon at gabi ay paulit-ulit na lang na cake ang pinapakain sa akin. Nakakabuwisit na rin talaga.Napangiwi ako sa inis. Hindi na ba sila naubusan ng cake? Ilang araw na akong puro cake ang pinapakain nila, parang sinasadya nilang patabain ako para hindi na ako
Mishon POV Maaga akong dumating sa coffee shop. Sinadya kong piliin ang lugar na ito dahil tahimik at malayo sa mata ng publiko. Alam kong magiging mabigat ang pag-uusapan namin at mas mabuti nang walang makialam. Umupo ako sa isang mesa malapit sa bintana, pinagmasdan ang pag-agos ng mga tao sa labas at hinintay ang unang darating. Hindi nagtagal, nakita kong pumasok sa pintuan si Tito Ronan, ang papa ni Ada. Matangkad siya, maayos ang tindig at mukhang palaging composed kahit sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Agad niya akong napansin at lumapit sa mesa ko. “Mishon, good to see you, son.” Nakangiti siyang bumati at iniabot ang kamay niya. Mahigpit ko itong tinanggap. “Good to see you too, sir. Please, have a seat.” Umupo siya sa tapat ko at bahagyang inayos ang manggas ng coat niya. Napatingin siya sa akin na tila may gustong itanong. “So, what’s this about? You sounded serious on the phone.” Ngumiti lang ako. “You might want to order coffee first. We’re waiting for one more
Ada POVMabigat ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Desidido na akong tumakas ngayon. Oo, isu-sure kong makakatakas na ako ngayon at hindi ko na kaya na puro cake na lang ang kinakain ko, magkakasakit pa ako sa diabetes kapag nagpatuloy ito.Mahigpit ang hawak ko sa baril na nakuha ko sa kwarto ni Papa. Pakiramdam ko, kahit malamig ang metal sa palad ko, parang nag-aapoy ang buong katawan ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa ibaba. Pero isa lang ang sigurado ko—kailangan kong makaalis.Tahimik sa ibaba.Napahinto ako sandali at pinakinggan ang paligid. Walang ingay, walang galaw.Lumingon ako sa kaliwa at kanan, tinatantiya kung may ibang tao sa paligid. Nang masiguro kong wala, mabilis akong gumalaw, dumaan sa gilid ng sofa at tuluyang nakalapit sa pinto.Kailangan ko na lang itong buksan.Pero bago ko pa magawa iyon—"Where do you think you’re going, sweetheart?"Nanlaki ang mga mata ko. Mula sa lapas ng pinto, lumitaw ang Mama ko. Kasama niya si Verena at pareho
Ada POVNanginginig pa rin ang buong katawan ko.Para akong lumulutang, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ilang saglit lang ang lumipas mula nang bumagsak ako sa sahig, sugatan at halos wala nang lakas, pero ngayon…Yakap-yakap na ako ni Mishon. Mahigpit. Mainit. Para akong sinagip mula sa isang bangungot.“Ada, I’m here,” bulong niya sa akin. “You’re safe now.”Kasunod noon, lumapit sa akin si Papa at si Aling Franceska. Pareho nila akong niyakap, walang pakialam kahit gusot at duguan ang suot ko. Hindi nila inalintana ang pawis at luha sa mukha ko—ang mahalaga sa kanila ay nandito ako at ligtas.Halos matulala lang ako habang nakayakap sa kanila. Ang daming nangyari. Ang bilis. Para pa rin akong nasa panaginip.Pero hindi pa tapos ang lahat.Biglang…“Aray! Ang sakit, tulungan ninyo ako!"Napalingon ako.Si Mama Sora—nakaluhod sa sahig, umiiyak nang parang kawawa. Nanginginig siya habang tinuturo ako na parang ako pa ang kumawawa sa kaniya.“Napakawalangya mo, Ada, paano mo nag
Ada POVAng araw na ito ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ko. Wala na akong dapat ikatakot. Nasa akin na ang hustisya.Kahapon, dahil duguan sina Sora at Verena, dinala sila sa ospital, pero hindi sila hinayaang makatakas dahil hindi pa kami tapos sa kanila. Pagkagamot sa kanila, dinala ulit sila sa bahay at doon kinulong sa guest room, pasalamat sila at sa guest room sila mag-stay at hindi sa yaya area.Kapatid ko pa rin sa ama si Verena kaya kahit siya na lang ang tignan ko ng kahit kaunti, kung magbabago pa siya, pero kung hindi, magagaya lang siya sa demonyitang ina niya.Si Mama Franceska—ang tunay kong ina—ay opisyal nang lumipat sa mansiyon ko. Hindi na siya magpapanggap bilang isang estranghera sa buhay ko. Wala nang distansiya, wala nang paghihiwalay. Makakasama ko na siya, sa wakas.Ang galing lang talaga ng boyfriend kong si Mishon. Hulog siya ng langit sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka habang buhay na akong mabuhay sa kasinungaling mayroon ang buhay ko hab
Mishon POVSa bawat pagbubuhat ng lupa, sa bawat hakbang na may dalang mga sako ng bulaklak, kitang-kita ko ang bigat sa parusa namin kay Oliver.Bilog ang araw sa langit, at ang init ay parang apoy na bumaba mula sa langit para tupukin ang bawat patak ng pawis niya. Nakayuko siya, hawak ang isang mabigat na kahon na puno ng mga bouquet na ide-deliver sa city ng Paris. Sa tabi niya, may isang tumpok ng mga paso at kailangan niyang buhatin ang lahat ng iyon sa kabilang dulo ng flower farm.Alam kong hindi madali ang ginagawa niya—pero iyon ang punto ng lahat ng ito. Ang mahirapan siya ng mahabang taon matapos magpakasarap sa ginagawa niyang pang-scam sa mga ginang na gaya ng pekeng mama ni Ada na halos pera ni Ada ang nakuha niya."Faster, Oliver!" sigaw ng isa sa mga tagapamahala ng farm. "You're too slow!"Napangiwi si Oliver pero hindi siya sumagot. Wala siyang karapatan. Ito ang pinili niyang kapalaran, at wala siyang ibang magagawa kundi lunukin ito.Nagpalit siya ng trabaho pagka
Ada POVNapakaganda ng gabi. Ang Paris ay punong-puno ng ilaw at sa pinakamagandang ballroom ng isang sikat na five-star hotel, nagsama-sama ang ilan sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.Tonight is not just about celebrating a homecoming. Tonight is about revealing the truth.Sa loob ng ballroom, kumikinang ang mga chandelier at sa bawat sulok ay makikita ang ginto at kristal na dekorasyon na pinaayos kong mabuti kasi gusto ko ay bongga ang magaganap ngayon dito. Ang mga bilugang mesa ay natatakpan ng pinakamamahaling tablecloths, bawat isa may centerpiece na gawa sa mga sariwang bulaklak mula sa flower farm ng mama ko. Ang champagne ay umaapaw sa bawat baso, at ang pagkain—isang kombinasyon ng French haute cuisine at ilang paborito kong pagkain mula sa Pilipinas—ay inihain ng pinakamagagaling na chef sa Paris.Umubos ako ng malaking pera ngayong gabi kasi gusto kong maramdaman ni mama na sobrang saya ko na makakasama ko na siya sa buhay namin ni Papa Ronan.Ang mga bisita? Mga sikat
Miro POVNasa loob ako ng kuwarto ko at nakaupo sa harap ng computer habang nakatitig sa profile picture ni Samira Gomez. Hanggang ngayon ay hangang-hanga ako sa dalagang babae na ito na alaga ng mga tito-tito-an ko. Ayon sa kanila, magaling daw itong assassin. Gusto kong makita kung gaano siya kagaling.Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin para makipagtulungan siya sa akin. Hindi ko gusto ang ideyang wala pa akong ginagawa, habang siya ay tila nag-uumpisa nang lumalim ang kaalaman sa buhay ng Mafia boss na si Vito Monteverde. Nakakainggit na nakakasama na niya ito sa bahay na iyon. Sa totoo lang, tanga rin si Don Vito. Wala siyang ingat. Talagang sa bahay pa niya nakapasok si Samira Gomez na hindi niya alam na papatay sa kanila. Ano kayang pinaplano ni Samira? Nakakainggit talaga. Gusto ko na ring may magawa. Gusto kong tumulong sa kaniya.Kaya nang dumating ang hapon, nagpaalam ako kay Mama Ada at Papa Mishon na may project kaming dapat gawin sa bahay ng kaklase ko. Pero ang
Samira POVUmagang-umaga pa lang, abala na sa kusina ang mga kasambahay ng pamilya Monteverde. Kanya-kanya sila ng gawain at sa akin napunta ang pagkuha ng order na karne sa farm na matagal nang supplier ng pamilyang ito. Nakasalansan na ang mga kahon sa gilid, at tila ba alam na ng lahat kung anong mangyayari.“Samira, ikaw na ang kumuha ng order. Wala pang isang oras, dapat nakabalik ka na,” seryosong utos ni Manang Luz. Ramdam ko sa boses niya ang babala. “Kapag lumagpas ka sa oras na ‘yan, baka may tumagos na lang na bala ng baril sa ‘yo.”Hindi biro ang sinabi niya. Kaya mukhang totoo na wala na akong kawala rito. Alam kong seryoso siya. Ganoon din si Manang Cora na kanina lang ay sinabihan akong mag-ingat bago ako lumabas ng mansiyon. Sabi nila, ako lang talaga ang maaaring makalabas dahil mas bata ako kaya lang ay may oras lang talaga at hindi puwedeng magtagal, kundi ay talagang papatayin ako ng mga tauhan ni Don Vito. Ang dating batang kasambahay ay kaya lang nakakauwi ay dah
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n
Samira POVTangina ni Manang Luz, hinila ba naman ako sa tenga habang palabas sa kuwarto ni Via. Sa inis ko, sinadya kong bitawan ang tasa ng kape sa paanan niya. Kaya pagkatapos magsisigaw ni Via, siya ang sunod na sumigaw kasi napaso ng mainit na kape ang paa niya. Akala niya, maiisahan niya rin ako. Iyon nga lang, pinarusahan niya ako. Sinabi niya na pumunta ako sa garden at magbilad sa araw ng isang oras.Ang araw pa naman ay tirik na tirik, nagbabaga ang sikat nito sa balat ko. Nandoon ako sa part na kung saan ay walang masisilungan. Parusa raw sa kasalanang hindi ko naman sadya. For me, okay lang ang parusa. Mas nakakatawa kasi ang nangyari kay Via at pati na rin kay Manang Luz.Sa totoo lang, ayos nga ito. Makakapahinga pa ako ng isang oras sa trabaho ko. Kung ganito naman pala ang parusa, masarap gumawa ng maraming pagkakamali para marami akong pahinga pala. Hindi nila kasi alam, easy lang ito para sa akin. Noong nagte-training ako sa pakikipaglaban, tatlo o hanggang limang or
Miro POVAng hangin ng dagat ay malamig habang nakasandal ako sa railings ng private yatch ni Zaven. Nasa tabi ko ang mismong may-ari ng yate na si Zaven Montenegro, naka-suot ng designer sunglasses at nakahawak sa baso ng whiskey. Sa kabilang dulo ng deck, si Dristan at Lysander ay abala naman sa pag-aasaran habang nagbibiruan tungkol sa kung sino ang may pinakamaraming babaeng naiuwi sa kanilang mga party nung nakaraang magpunta sila sa La union.Kami ang mga itinuturing na hari ng campus, mga anak-mayaman, mga hinahangaan, mga hinahangad na masungit ng mga babaeng student sa school namin. Ngunit sa kanilang lahat, ako lang ang may lihim na plano, isang planong hindi ko kailanman ipapaalam sa pamilya ko. Hindi nila kailangang malaman na ang tahimik at mapagkumbabang si Miro Tani ay may mas matinding mission sa buhay at ito ay ang paghihiganti ko sa pagpatay sa Mama Raya ko.“Are you serious about this, Miro?” tanong ni Dristan nang inilapag ang kanyang baso sa mesa. “You’re talking
Samira POVHabang hinihiwa ko ang mga gulay sa lamesa, nakilala ko na rin doon ang iba pang matagal ng kasambahay dito sa manisyon ni Don Vito.Sina Manang Josie, Manang Cora, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Halos lahat sila ay may edad na pala kaya nagulat din ako. Parang dito na sila nagtandaan. Napansin ko kasi na ako lang ang nag-iisang dalaga sa grupo, naalala ko tuloy ang kasambahay na sinagasaan ko. Siya lang pala ang natitirang dalaga dito noon. Ngayon, ako na ang pumalit sa puwesto niya.Napansin kong nakatingin sa akin si Manang Cora. “Hija, you should not have come here. Wala ka nang kawala. Habang buhay ka nang magiging kasambahay dito,” aniya habang patuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nagtaka ako, bakit kaya nasabi niya ‘yon?“She’s right,” sabat ni Manang Luciana. “You might end up just like the others... as one of Don Vito’s toys.”Manang Rowena smirked. “Or worse, you’ll be Via’s new plaything. That brat will make your life a living hell.”Tumawa si Manang
Samira POVSa wakas, sa isang taon kong paghihintay, sa dami ng beses na halos mawalan na ako ng pag-asa, natanggap rin ako bilang kasambahay sa mansiyon ni Don Vito Monteverde. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang matanggap ko ang message ng mayordoma doon na si Manang Luz.Ang dami kong pinagdaanan para lang makapasok dito, at ngayon, heto na ako sa mismong gate ng engrandeng bahay ng lalaking may kasalanan sa pagkamatay ng pamilya ko. Pero hindi ko rin maiwasang mapabuntong-hininga.Dahil para makuha ko ang trabahong ito, may isang taong nadamay. Isang linggo na ang nakalipas, ngunit ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin nang gabing iyon, ang tunog ng makina ng motor ko, ang malakas na sigaw ng babaeng kasambahay na sinadya kong sagasaan. Hindi ko siya pinatay, pero sinigurado kong hindi siya makakabalik agad sa trabaho rito. Isang pilay lang ang kailangan para mapuwersa siyang magpahinga at isang linggo lang ang lumipas bago ko natanggap ang balitang may bakanteng puwest