Ada POVWalang hangin na pumapasok sa silid ko. Pakiramdam ko, kahit may bintana, kahit nakabukas ang ilaw, kahit may espasyo para huminga—parang hinihigpitan ang leeg ko ng isang invisible na tanikala. Mula nang magsimula akong magmodelo, ito ang unang beses na hindi ako pinayagang lumabas. Hindi dahil may sakit ako, hindi dahil may emergency. Kundi dahil ayaw ng mama ko.At hindi ko alam kung kailan ako makakalaya ngayon. Masama pa na nawala na si Papa rito sa bahay kasi lalong lumala. Akala ko pa naman ay ako na ang maghahari-harian sa sarili kong pamamahay, pero baliktad kasi talagang demonyita na itong ina at kapatid ko. Ginagawa nila akong tangan.Kagabi, sinubukan kong magpaalam. Sa mall lang, saglit lang. Pero diretsong tumanggi ang mama ko. Akala ko, kagaya lang ito ng dati, na may mood swings lang siya. Pero hindi. Nang sabihin niyang hindi na ako puwedeng lumabas, hindi niya ako binibigyan ng rason. Parang gusto niya na lang akong ikulong dito habang buhay.At ngayong gabi,
Mishon POVTatlong araw na ah. Anong nangyari?Tatlong araw na simula noong huling beses akong nakatanggap ng message mula kay Ada.Tatlong araw na rin akong nagtataka kung bakit bigla siyang nawala na parang bula.Sinubukan ko siyang tawagan pero wala naman siyang sagot.Nagpadala ako ng messages—walang reply.Ilang beses na rin akong nagpunta sa mansiyon nila, pero sa tuwing makakaharap ko ang mama niya, iisa lang ang sinasabi nito:“She’s on a five-day shoot for a music video.”Bullshit. Ganito si Ada. Hindi siya magkakaligta ng update niya sa akin sa mga nangyayari sa kaniya.Isa pa, hindi rin aabot na tatlong araw na hindi siya magpapakita sa akin. Minsan nga, kapag galing sa trabaho ay tutuloy pa siya sa mansiyon ko para mag-ayang kumain sa labas, pero ngayon ay wala.Wala rin naman akong natatandaan na pinag-awayan namin. Hindi siya galit sa akin at hindi rin ako galit sa kaniya kaya nagtataka na talaga ako sa nangyayari.Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong klaseng proyekto na
Ada POVIsang mahinang katok ang gumising sa akin mula sa malalim kong iniisip.Ilang araw na akong nakakulong sa kwartong ito at ang tanging hudyat na buhay pa ako sa mundong ito ay ang pagpasok ng kasambahay namin para dalhan ako ng pagkain.Pinakinggan ko ang paggalaw sa labas. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga kasambahay namin, bitbit ang isang tray ng pagkain. Walang imik itong lumapit sa lamesa at marahang inilapag ang tray. Tumango lang siya sa akin bago mabilis na lumabas muli, iniwang naka-lock ang pinto. Maging ang mga kasambahay namin ay takot kay mama. Kahit anong pakiusap ko na tulungan nila ako ay wala rin silang magawa.Napatingin ako sa tray. Cake na naman, buwisit. Umaga, tanghali, hapon at gabi ay paulit-ulit na lang na cake ang pinapakain sa akin. Nakakabuwisit na rin talaga.Napangiwi ako sa inis. Hindi na ba sila naubusan ng cake? Ilang araw na akong puro cake ang pinapakain nila, parang sinasadya nilang patabain ako para hindi na ako
Mishon POV Maaga akong dumating sa coffee shop. Sinadya kong piliin ang lugar na ito dahil tahimik at malayo sa mata ng publiko. Alam kong magiging mabigat ang pag-uusapan namin at mas mabuti nang walang makialam. Umupo ako sa isang mesa malapit sa bintana, pinagmasdan ang pag-agos ng mga tao sa labas at hinintay ang unang darating. Hindi nagtagal, nakita kong pumasok sa pintuan si Tito Ronan, ang papa ni Ada. Matangkad siya, maayos ang tindig at mukhang palaging composed kahit sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Agad niya akong napansin at lumapit sa mesa ko. “Mishon, good to see you, son.” Nakangiti siyang bumati at iniabot ang kamay niya. Mahigpit ko itong tinanggap. “Good to see you too, sir. Please, have a seat.” Umupo siya sa tapat ko at bahagyang inayos ang manggas ng coat niya. Napatingin siya sa akin na tila may gustong itanong. “So, what’s this about? You sounded serious on the phone.” Ngumiti lang ako. “You might want to order coffee first. We’re waiting for one more
Ada POVMabigat ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Desidido na akong tumakas ngayon. Oo, isu-sure kong makakatakas na ako ngayon at hindi ko na kaya na puro cake na lang ang kinakain ko, magkakasakit pa ako sa diabetes kapag nagpatuloy ito.Mahigpit ang hawak ko sa baril na nakuha ko sa kwarto ni Papa. Pakiramdam ko, kahit malamig ang metal sa palad ko, parang nag-aapoy ang buong katawan ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa ibaba. Pero isa lang ang sigurado ko—kailangan kong makaalis.Tahimik sa ibaba.Napahinto ako sandali at pinakinggan ang paligid. Walang ingay, walang galaw.Lumingon ako sa kaliwa at kanan, tinatantiya kung may ibang tao sa paligid. Nang masiguro kong wala, mabilis akong gumalaw, dumaan sa gilid ng sofa at tuluyang nakalapit sa pinto.Kailangan ko na lang itong buksan.Pero bago ko pa magawa iyon—"Where do you think you’re going, sweetheart?"Nanlaki ang mga mata ko. Mula sa lapas ng pinto, lumitaw ang Mama ko. Kasama niya si Verena at pareho
Ada POVNanginginig pa rin ang buong katawan ko.Para akong lumulutang, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ilang saglit lang ang lumipas mula nang bumagsak ako sa sahig, sugatan at halos wala nang lakas, pero ngayon…Yakap-yakap na ako ni Mishon. Mahigpit. Mainit. Para akong sinagip mula sa isang bangungot.“Ada, I’m here,” bulong niya sa akin. “You’re safe now.”Kasunod noon, lumapit sa akin si Papa at si Aling Franceska. Pareho nila akong niyakap, walang pakialam kahit gusot at duguan ang suot ko. Hindi nila inalintana ang pawis at luha sa mukha ko—ang mahalaga sa kanila ay nandito ako at ligtas.Halos matulala lang ako habang nakayakap sa kanila. Ang daming nangyari. Ang bilis. Para pa rin akong nasa panaginip.Pero hindi pa tapos ang lahat.Biglang…“Aray! Ang sakit, tulungan ninyo ako!"Napalingon ako.Si Mama Sora—nakaluhod sa sahig, umiiyak nang parang kawawa. Nanginginig siya habang tinuturo ako na parang ako pa ang kumawawa sa kaniya.“Napakawalangya mo, Ada, paano mo nag
Ada POVAng araw na ito ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ko. Wala na akong dapat ikatakot. Nasa akin na ang hustisya.Kahapon, dahil duguan sina Sora at Verena, dinala sila sa ospital, pero hindi sila hinayaang makatakas dahil hindi pa kami tapos sa kanila. Pagkagamot sa kanila, dinala ulit sila sa bahay at doon kinulong sa guest room, pasalamat sila at sa guest room sila mag-stay at hindi sa yaya area.Kapatid ko pa rin sa ama si Verena kaya kahit siya na lang ang tignan ko ng kahit kaunti, kung magbabago pa siya, pero kung hindi, magagaya lang siya sa demonyitang ina niya.Si Mama Franceska—ang tunay kong ina—ay opisyal nang lumipat sa mansiyon ko. Hindi na siya magpapanggap bilang isang estranghera sa buhay ko. Wala nang distansiya, wala nang paghihiwalay. Makakasama ko na siya, sa wakas.Ang galing lang talaga ng boyfriend kong si Mishon. Hulog siya ng langit sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka habang buhay na akong mabuhay sa kasinungaling mayroon ang buhay ko hab
Mishon POVSa bawat pagbubuhat ng lupa, sa bawat hakbang na may dalang mga sako ng bulaklak, kitang-kita ko ang bigat sa parusa namin kay Oliver.Bilog ang araw sa langit, at ang init ay parang apoy na bumaba mula sa langit para tupukin ang bawat patak ng pawis niya. Nakayuko siya, hawak ang isang mabigat na kahon na puno ng mga bouquet na ide-deliver sa city ng Paris. Sa tabi niya, may isang tumpok ng mga paso at kailangan niyang buhatin ang lahat ng iyon sa kabilang dulo ng flower farm.Alam kong hindi madali ang ginagawa niya—pero iyon ang punto ng lahat ng ito. Ang mahirapan siya ng mahabang taon matapos magpakasarap sa ginagawa niyang pang-scam sa mga ginang na gaya ng pekeng mama ni Ada na halos pera ni Ada ang nakuha niya."Faster, Oliver!" sigaw ng isa sa mga tagapamahala ng farm. "You're too slow!"Napangiwi si Oliver pero hindi siya sumagot. Wala siyang karapatan. Ito ang pinili niyang kapalaran, at wala siyang ibang magagawa kundi lunukin ito.Nagpalit siya ng trabaho pagka
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala