Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / Chapter 291 - Chapter 300

All Chapters of Seducing My Hot Ninong Everett: Chapter 291 - Chapter 300

499 Chapters

0291: I’ll do everything to make sure you’re okay.

Misha’s POVPaglabas ko ng ospital, sobrang excited ko kasi sa wakas, makakauwi na ako sa manisyon. Sobrang miss ko na rin kasi ang higaan namin ni Everett.Ang init ng araw na sumasalubong sa akin sa labas ng ospital ay tila yakap ng buhay na matagal kong hindi naramdaman. Isang sikat ng araw na parang nagsasabi na tapos na ang dilim, tapos na ang mga gulo, tapos na ang mga problema dahil nakakulong na ngayon si Teff.Sa tabi ko, hawak-hawak ni Everett ang kamay ko habang nakaalalay siya sa bawat hakbang ko. Si Everisha naman ay masayang tumatakbo paikot sa amin, parang hindi mauubusan ng enerhiya. Isa rin siya sa masaya na uuwi na ako kasi araw-araw at oras-oras na raw niya akong makakasama. Halatang miss na miss na rin niya. Saglit lang kasi siya palagi sa ospital, bawal siyang magtagal at ayoko namang makasagap siya ng sakit doon.“Mommy, you’re finally out!” masiglang sigaw ni Everisha, halos sumayaw pa habang hawak ang laruang teddy bear na binigay ng isang bisita sa ospital.“Y
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

0292: The world is healing!

Everett’s POVHabang minamaneho ko ang kotse papunta sa bahay nina Tito Gerald at Tita Maloi, hindi ko mapigilang mag-isip-isip. Hindi naging madali ang relasyon namin. May mga hindi pagkakaunawaan, tampo, at sama ng loob na tumagal ng mga taon. Pero ngayong anibersaryo ng kasal namin ni Misha, gusto kong gawing espesyal hindi lang para sa kaniya kundi para sa aming pamilya. Wala nang natitira ngayon kina Tita Maloi at Tito Gerald, wala na silang mga anak na kasama kaya hindi naman siguro masama kung makipag-close na kami sa kanila, baka sakaling ito na rin ang tamang oras para maging maayos na ang lahat.Pagdating ko sa harap ng bahay nila, huminga muna ako nang malalim bago bumaba ng sasakyan.“Oh, Everett!” Bungad ni Tita Maloi habang binubuksan ang pinto ng bahay nila. Kita ko sa mukha niya ang gulat at tuwa. “Anong ginagawa mo rito?”“Hi, Tita at Tito Gerald,” bati ko sa kanya at sa asawa niyang sumilip mula sa sala. “May gusto lang sana akong sabihin sa inyo.”Lumapit sila pareh
last updateLast Updated : 2024-11-26
Read more

0293: Welcome to South Korea, Mr. and Mrs. Tani

Misha’s POVPuno ng excitement ang dibdib ko habang nakaupo sa business class seat ng eroplano. Katabi ko si Everett, abalang nakikinig sa isang podcast tungkol sa negosyo. Sa kabilang banda naman, si Everisha ay masiglang nanonood ng cartoon sa kaniyang tablet. Sa wakas, matutupad na rin ang isa sa mga pangarap kong makapagbakasyon kasama ang pamilya ko sa South Korea.“Are you excited, babe?” tanong ni Everett habang tinatanggal ang earphones niya.“Excited is an understatement,” sagot ko nang nakangiti. “I feel like I’m dreaming.”Ngumiti siya, hinawakan ang kamay ko, at sinabing, “This is just the beginning. You deserve this, love.”Paglapag namin sa Incheon International Airport, sinalubong kami ng malamig na hangin at kakaibang amoy ng bagong lugar. Sa kabila ng pagod namin sa biyahe, hindi ko maikakaila ang saya at pagkasabik kong makalapag dito. Puno ng mga turista ang paliparan, at kahit saan ako lumingon, may mga bagong tanawin at karanasang naghihintay. Pagkalabas namin, a
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

0294: Welcome to South Korea, Mr. and Mrs. Tani II

Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, hubu’t hubad na katawan ni Everett ang bumungad sa akin at ang napakagandang tanawin sa labas. Kung ganito ba naman ang tanawin mo sa umaga, napakasarap gumising ng umaga.“Good morning, Honey,” bati ni Everett habang ngiting-ngiti ngayong umaga. Palibhasa’t nakadalawang round kami kagabi. Iba kasi ang saya ko kaya pinagbigyan ko kahit may jetlag ako.“Good morning,” sagot ko sabay bangon na. “Ang ganda dito, Everett. Hindi pa tayo nagsisimula, pero pakiramdam ko, sulit na agad ang bakasyon na ito.”Nakangiti siyang umupo sa tabi ko. “Just wait. Today will be unforgettable.”Pinagayak ko na siya agad para maaga kaming umalis, siya na ang naunang maligo, habang ako naman ay inasikaso muna si Everisha. Ganoon talaga, nanay na ako kaya ako ang huling gagayak.**Paglabas namin ng mansyon, nandoon na ang aming luxury van na magdadala sa amin sa unang destinasyon—ang Gyeongbokgung Palace. Habang nasa biyahe, masaya naming pinapanood si Everisha na abala
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

0295: Welcome to South Korea, Mr. and Mrs. Tani III

Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, naririnig ko na ang mahinang halakhak ni Everisha mula sa kabilang kuwarto. Napakagandang simula ng araw, naisip ko, habang unti-unting dumilat ang mga mata ko. Napansin kong wala na pala si Everett sa tabi ko, kaya tumayo ako at sumilip sa veranda ng kuwarto namin.Nasa hardin si Everett, masaya niyang hinihilera ang mga makukulay na rosas na tinanim ng mga hardinero kahapon. Si Everisha naman ay agad nakababa at nasa tabi niya, naglalaro ng mga petals na nahuhulog sa damuhan.“Good morning, honey!” sigaw ni Everett nang makita niya ako.“Good morning!” sagot ko habang pababa sa hagdan. “What are you two up to this early?”“We’re just preparing the garden for today. Alam mo namang espesyal ang bawat araw na nandito tayo,” sagot niya habang binigyan ako ng halik sa noo.“I’m hungry, mommy!” sigaw ni Everisha habang yumayakap sa akin.“Let’s eat breakfast, baby. Ang dami nating pupuntahan today,” sagot ko sabay haplos sa kaniyang buhok.Matapos ang ma
last updateLast Updated : 2024-11-27
Read more

0296: EPILOGUE

Misha’s POVSanay na sanay na kami na sa tuwing umaga, ganito, para kaming nasa palasyo. Nakaupo kami sa dining area ng mansyon namin habang naghahanda ng agahan ang private chef naming Koreano. Sa harapan namin ay may isang lamesa ng mga Korean dishes tulad ng samgyeopsal, kimchi pancakes, at mainit na soybean soup.“This looks delicious!” sabi ko habang inaabot ang chopsticks. Gets ko na kung bakit kapag nanunuod ako ng korean drama ay sarap na sarap kumain ang mga koreano ng mga pagkain nila, totoo naman pala kasing masasarap ang pagkain nila dito.“Kain lang nang kain, wala akong pakelam kahit tumaba ka pa,” sagot ni Everett, sabay ngiti.“Mommy, can I have more of this egg roll?” tanong ni Everisha habanghawak ang kaniyang plato.“Of course, baby. Eat as much as you like,” sagot ko habang iniabot ang isang bagong hiwa ng tamagoyaki.**Matapos kumain, pumunta kami sa Nami Island, isa itong sikat na lugar sa South Korea na kilala sa mala-postcard nitong tanawin. Habang papasok kami
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

0297: Season 2 (Chapter 1)

Everisha’s POVNakapila na ang lahat ng gamit ko sa tapat ng pintuan ng kuwarto ko—malinis na maleta, camping gear, at kahit ang maliliit na bagay na maaaring magamit sa isang adventure. Kompletong-kompleto na, ready na akong sumama sa camping trip namin ng mga kaibigan ko. Kaya lang, kailangan ko nang magmadaling umalis sa manisyon at may trabaho muna ako bago ang adventure.Mula pa kanina, nasa conference room ako ng opisina ng M&E Makeup Company ko, pinapakinggan ko ang huling report ng marketing team para sa susunod na launch. Bilang CEO, kailangang tutok ako sa lahat, ngunit ang totoo, ang isip ko ay nasa tahimik na beach at sa kampo kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko. Alam kong mahuhuli na ako sa biyahe dahil sa meeting na ito. Pero hindi na problema ‘yon, kayang-kaya ko nang solusyunan ito.Pagkatapos ng meeting, nagmamadali akong lumabas ng opisina, dala ang malaking bag na nilagay ko sa trunk ng kotse. Sa private island kasi gaganapin ang camping namin, kaya ang pinili
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

0298: Season 2 (Chapter 2)

Everisha’s POVPagbagsak ko sa lupa, halos mawalan ako ng ulirat. Pero kahit nanlalambot ang buong katawan ko, mabilis kong tinanggal ang parachute na nakabalot sa likod ko. Ang dami kong gasgas sa braso at binti, dahil sa pagtama ko rin sa ilang puno kanina, pero salamat na lang at walang buto ang nabali. Napalingon ako sa paligid. Ang liwanag ng araw ay bahagyang naitago ng makakapal na dahon ng mga puno, kaya’t kahit pa paano ay hindi ito masakit sa balat. Ang hangin din ay malamig at sariwa, pero may halong amoy ng basa at putik. Siguro kakaulan lang dito kanina. Nang tumingin ako sa malayo, nakita kong ang binagsakan ng piloto ay mukhang nasa kabilang bundok pa. At kung titignan, halos hindi na siya humihinga o gumagalaw kaya mukhang wala na siya.“Paano ko siya pupuntahan?” bulong ko sa sarili ko, habang tinatantiya kung kaya ko bang lakarin ang distansyang iyon. Mukhang imposible talaga. Walang malinaw na landas, at ang bundok sa pagitan namin ay puno ng matatarik na bato at ma
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

0299: Season 2 (Chapter 3)

Everisha’s POVNakanganga lang ako habang nakatitig sa estranghero sa harapan ko. Kahit gusto kong tumakbo, parang napako ang mga paa ko sa lupa. Napakabigat ng hangin sa paligid. Kahit na may kasama na akong tao ngayon, hindi pa rin mawala ang kaba ko. Naisip ko kasi, paano kung masamang tao ito?“Relax,” sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay para ipakita na wala siyang dalang armas. “I’m not here to hurt you.”English-ero talaga siya kaya mukhang mayaman. Kung ganoon, bakit ganito siya? Anong nangyari sa kaniya? Nabaliw kaya siya kaya nandito sa bundok?Naglakad siya papalapit, pero nanatili akong nakatayo sa lugar ko, pilit kong nilalabanan ang takot. Napansin siguro niya ang tensyon sa katawan ko kaya huminto siya ng ilang metro mula sa akin.“I saw what happened to your helicopter,” sabi niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. “Are you okay? Nakaligtas ka nang buhay—impressive.”Sa tono nang pananalita niya, halatang mayaman siya.Napalunok ako at napayuko. Hindi k
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

0300: Season 2 (Chapter 4)

Everisha’s POVTahimik kong sinundan ng tingin si Czedric habang abala siya sa paghahanda ng kung anong tila pagkain. Ang kubo niya ay simpleng-simple, walang anumang modernong bagay na makikita. Kahit na parang imposible, mukhang kaya niyang mabuhay mag-isa rito sa bundok. Pero paano niya kinaya?“So…” bungad ko habang nakaupo sa sahig ng kubo niya. Hindi ko na natiis ang tanong na kanina ko pa gustong itanong. “How do you survive here? Like, what do you eat? How do you… bathe? And—” napatigil ako, napaisip kung paano ko sasabihin ang susunod.Nakita kong napangiti siya habang hinihiwa ang isang piraso ng prutas gamit ang kutsilyo. “You mean, how do I poop?” tanong niya, diretsahan pero may halong biro sa boses.Napalunok ako at napangiwi. “Yeah… that too,” sagot ko nang mahina.Umupo siya sa harapan ko, hawak ang hiwa-hiwang prutas na inilahad niya sa akin. Tumanggi ako, pero nilapag niya ito sa lamesa sa pagitan namin bago sumagot.“It’s not as bad as you think,” sabi niya nang kal
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more
PREV
1
...
2829303132
...
50
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status