Everisha’s POVSa wakas, hindi na malamig na lupa ang hinihigaan ko. Hindi na kailangan ng makapal na kumot o makiramdam sa bawat kaluskos ng kalikasan. Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko, sa malambot at malaki kong kama. Naka-aircon, presko ang paligid, at sobrang luwag pa. Para akong nasa ulap habang nakahiga, tulog na tulog, at para bang binubura ng bawat pahinga ko ang lahat ng pagod ko mula sa bundok.“Good morning, Everisha,” bati ng yaya ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng kape at bagong lutong sinangag. Bumaba ako ng hagdan, suot pa ang aking silk na pajama. Nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa—fried rice, tapa, itlog, at mga sariwang prutas. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga masasarap na pagkain na nakahanda.Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. “Wow, I missed this. Kanin at masasarap na ulam. Salamat, Yaya!”Habang kumakain, inisip ko ang mga nakalipas na araw. Hindi ko pa rin makalimutan ang simple ngunit nakakabusog na almusal na niluto ni Czedric—mga nah
Last Updated : 2024-12-05 Read more