Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, hubu’t hubad na katawan ni Everett ang bumungad sa akin at ang napakagandang tanawin sa labas. Kung ganito ba naman ang tanawin mo sa umaga, napakasarap gumising ng umaga.“Good morning, Honey,” bati ni Everett habang ngiting-ngiti ngayong umaga. Palibhasa’t nakadalawang round kami kagabi. Iba kasi ang saya ko kaya pinagbigyan ko kahit may jetlag ako.“Good morning,” sagot ko sabay bangon na. “Ang ganda dito, Everett. Hindi pa tayo nagsisimula, pero pakiramdam ko, sulit na agad ang bakasyon na ito.”Nakangiti siyang umupo sa tabi ko. “Just wait. Today will be unforgettable.”Pinagayak ko na siya agad para maaga kaming umalis, siya na ang naunang maligo, habang ako naman ay inasikaso muna si Everisha. Ganoon talaga, nanay na ako kaya ako ang huling gagayak.**Paglabas namin ng mansyon, nandoon na ang aming luxury van na magdadala sa amin sa unang destinasyon—ang Gyeongbokgung Palace. Habang nasa biyahe, masaya naming pinapanood si Everisha na abala
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, naririnig ko na ang mahinang halakhak ni Everisha mula sa kabilang kuwarto. Napakagandang simula ng araw, naisip ko, habang unti-unting dumilat ang mga mata ko. Napansin kong wala na pala si Everett sa tabi ko, kaya tumayo ako at sumilip sa veranda ng kuwarto namin.Nasa hardin si Everett, masaya niyang hinihilera ang mga makukulay na rosas na tinanim ng mga hardinero kahapon. Si Everisha naman ay agad nakababa at nasa tabi niya, naglalaro ng mga petals na nahuhulog sa damuhan.“Good morning, honey!” sigaw ni Everett nang makita niya ako.“Good morning!” sagot ko habang pababa sa hagdan. “What are you two up to this early?”“We’re just preparing the garden for today. Alam mo namang espesyal ang bawat araw na nandito tayo,” sagot niya habang binigyan ako ng halik sa noo.“I’m hungry, mommy!” sigaw ni Everisha habang yumayakap sa akin.“Let’s eat breakfast, baby. Ang dami nating pupuntahan today,” sagot ko sabay haplos sa kaniyang buhok.Matapos ang ma
Misha’s POVSanay na sanay na kami na sa tuwing umaga, ganito, para kaming nasa palasyo. Nakaupo kami sa dining area ng mansyon namin habang naghahanda ng agahan ang private chef naming Koreano. Sa harapan namin ay may isang lamesa ng mga Korean dishes tulad ng samgyeopsal, kimchi pancakes, at mainit na soybean soup.“This looks delicious!” sabi ko habang inaabot ang chopsticks. Gets ko na kung bakit kapag nanunuod ako ng korean drama ay sarap na sarap kumain ang mga koreano ng mga pagkain nila, totoo naman pala kasing masasarap ang pagkain nila dito.“Kain lang nang kain, wala akong pakelam kahit tumaba ka pa,” sagot ni Everett, sabay ngiti.“Mommy, can I have more of this egg roll?” tanong ni Everisha habanghawak ang kaniyang plato.“Of course, baby. Eat as much as you like,” sagot ko habang iniabot ang isang bagong hiwa ng tamagoyaki.**Matapos kumain, pumunta kami sa Nami Island, isa itong sikat na lugar sa South Korea na kilala sa mala-postcard nitong tanawin. Habang papasok kami
Everisha’s POVNakapila na ang lahat ng gamit ko sa tapat ng pintuan ng kuwarto ko—malinis na maleta, camping gear, at kahit ang maliliit na bagay na maaaring magamit sa isang adventure. Kompletong-kompleto na, ready na akong sumama sa camping trip namin ng mga kaibigan ko. Kaya lang, kailangan ko nang magmadaling umalis sa manisyon at may trabaho muna ako bago ang adventure.Mula pa kanina, nasa conference room ako ng opisina ng M&E Makeup Company ko, pinapakinggan ko ang huling report ng marketing team para sa susunod na launch. Bilang CEO, kailangang tutok ako sa lahat, ngunit ang totoo, ang isip ko ay nasa tahimik na beach at sa kampo kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko. Alam kong mahuhuli na ako sa biyahe dahil sa meeting na ito. Pero hindi na problema ‘yon, kayang-kaya ko nang solusyunan ito.Pagkatapos ng meeting, nagmamadali akong lumabas ng opisina, dala ang malaking bag na nilagay ko sa trunk ng kotse. Sa private island kasi gaganapin ang camping namin, kaya ang pinili
Everisha’s POVPagbagsak ko sa lupa, halos mawalan ako ng ulirat. Pero kahit nanlalambot ang buong katawan ko, mabilis kong tinanggal ang parachute na nakabalot sa likod ko. Ang dami kong gasgas sa braso at binti, dahil sa pagtama ko rin sa ilang puno kanina, pero salamat na lang at walang buto ang nabali. Napalingon ako sa paligid. Ang liwanag ng araw ay bahagyang naitago ng makakapal na dahon ng mga puno, kaya’t kahit pa paano ay hindi ito masakit sa balat. Ang hangin din ay malamig at sariwa, pero may halong amoy ng basa at putik. Siguro kakaulan lang dito kanina. Nang tumingin ako sa malayo, nakita kong ang binagsakan ng piloto ay mukhang nasa kabilang bundok pa. At kung titignan, halos hindi na siya humihinga o gumagalaw kaya mukhang wala na siya.“Paano ko siya pupuntahan?” bulong ko sa sarili ko, habang tinatantiya kung kaya ko bang lakarin ang distansyang iyon. Mukhang imposible talaga. Walang malinaw na landas, at ang bundok sa pagitan namin ay puno ng matatarik na bato at ma
Everisha’s POVNakanganga lang ako habang nakatitig sa estranghero sa harapan ko. Kahit gusto kong tumakbo, parang napako ang mga paa ko sa lupa. Napakabigat ng hangin sa paligid. Kahit na may kasama na akong tao ngayon, hindi pa rin mawala ang kaba ko. Naisip ko kasi, paano kung masamang tao ito?“Relax,” sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay para ipakita na wala siyang dalang armas. “I’m not here to hurt you.”English-ero talaga siya kaya mukhang mayaman. Kung ganoon, bakit ganito siya? Anong nangyari sa kaniya? Nabaliw kaya siya kaya nandito sa bundok?Naglakad siya papalapit, pero nanatili akong nakatayo sa lugar ko, pilit kong nilalabanan ang takot. Napansin siguro niya ang tensyon sa katawan ko kaya huminto siya ng ilang metro mula sa akin.“I saw what happened to your helicopter,” sabi niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. “Are you okay? Nakaligtas ka nang buhay—impressive.”Sa tono nang pananalita niya, halatang mayaman siya.Napalunok ako at napayuko. Hindi k
Everisha’s POVTahimik kong sinundan ng tingin si Czedric habang abala siya sa paghahanda ng kung anong tila pagkain. Ang kubo niya ay simpleng-simple, walang anumang modernong bagay na makikita. Kahit na parang imposible, mukhang kaya niyang mabuhay mag-isa rito sa bundok. Pero paano niya kinaya?“So…” bungad ko habang nakaupo sa sahig ng kubo niya. Hindi ko na natiis ang tanong na kanina ko pa gustong itanong. “How do you survive here? Like, what do you eat? How do you… bathe? And—” napatigil ako, napaisip kung paano ko sasabihin ang susunod.Nakita kong napangiti siya habang hinihiwa ang isang piraso ng prutas gamit ang kutsilyo. “You mean, how do I poop?” tanong niya, diretsahan pero may halong biro sa boses.Napalunok ako at napangiwi. “Yeah… that too,” sagot ko nang mahina.Umupo siya sa harapan ko, hawak ang hiwa-hiwang prutas na inilahad niya sa akin. Tumanggi ako, pero nilapag niya ito sa lamesa sa pagitan namin bago sumagot.“It’s not as bad as you think,” sabi niya nang kal
Everisha’s POVHabang naglalakad kami ni Czedric papunta sa kung saan man niya ako balak dalhin, hindi ko maiwasang mapansin ang kabuuan ng paligid. Ang hangin ay malamig talaga, sariwa, at may kakaibang halimuyak ng mga dahon at lupa. Ang mga puno ay napakataas, ang mga ugat nito ay tila lumalabas sa lupa na parang sinasabi sa akin na ito ang kanilang teritoryo. Ang plano ay camping, pero tila ang plano ni Lord sa akin ay mahaba-habang camping dito sa Abula-bula mountain.“Where are we going?” tanong ko habang nililingon ang likuran ko, umaasang baka bigla akong makakita ng helicopter na dumarating para sagipin na ako.“To the stream,” sagot niya nang walang alinlangan sa boses. “You’ll need water, and I’ll show you where to get it.”Wala akong nasabi. Napilitan na lang akong sumunod sa kaniya habang ang ingay ng mga dahon sa ilalim ng sapatos ko ay parang tumatambol sa pandinig ko. Sa bawat paglalakad, nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Ang lahat ng alam kong paraan ng pamumuha
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala