Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Huling Na-update : 2024-11-24 Magbasa pa