Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Misha’s POVTahimik ang buong bahay nang biglang may kumatok sa pintuan. Napatingin ako mula sa aking puwesto sa sala, hawak ang isang tasa ng kape habang nagbabasa ng mga ulan mula sa mga investigator na kinuha ni Everett.“Misha,” tawag ni Everett mula sa kusina. “Someone’s at the door. Should I get it?”Umiling ako at tumayo. “No, I’ll go. Baka si Marie lang.”Pagbukas ko ng pintuan, tama nga ang hinala ko. Si Marie nga iyon. Ang pinagtataka ko lang, kapag nagkikita kami dito sa bahay, kadalasan ay nakangiti siya, pero ngayon ay iba, parang may hatid itong masamang balita. Kita ko sa mukha niya ang pagod at ang tensyon na para bang may mahalaga siyang sasabihin sa akin.“Marie,” bati ko sa kaniya sabay hakbang paharap para yakapin siya. “Come in.”Hindi muna siya nagsalita. Pumasok siya nang tahimik, at agad na tumingin sa paligid, parang naghahanap ng kung sino. Nang masiguradong kami lang ni Everett ang nandoon, bumuntong-hininga siya at tumingin nang diretso sa akin.“Misha, I ca
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang ay nasa sasakyan na kami ni Everett. Kahit madilim pa ang kalangitan, gising na gising ang diwa ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—halo-halong kaba, pananabik, at takot. Sa wakas, makikita ko na ulit ang anak ko. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang mga nakaraang buwan nang hindi siya kasama.“Misha,” tawag ni Everett mula sa tabi ko, hawak ang kamay ko habang nagmamaneho ng sasakyan. “Are you okay?”Tumango ako habang pilit na ngumingiti. “I’m fine. Just... I just want to see her.”Ngumiti lang din siya. “Pareho siguro tayong excited nang makita ang anak natin. Grabe, halos matagal din ang ilang buwan na hindi natin siya nakapiling, ngayon, sa wakas ay makikita na natin siya at makakasamang muli,” bakas sa tono nang pananalita niya ang saya nang nararamdaman niya.“Sisiguraduhin kong magiging safe si Everisha, Everett. Hindi na muna ako papasok sa work, kaya ko naman na sa bahay mag-work at online meeting, si Everisha ang tututukan k
Misha’s POVSa araw na ito, parang buong mundo ay nagkaisa para hanapin ang taong naging dahilan ng lahat ng gulo sa buhay namin—si Teff, o mas kilala ngayon bilang si Gillius. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa ni Everett. Naglabas kami ng wanted posters sa lahat ng sulok ng bansa.Ang dating mukha ni Teff at ang bago niyang hitsura bilang Gillius ay sabay na inilathala sa mga diyaryo, ipinaskil sa social media, at ipinalabas sa mga balita sa telebisyon. Bawat detalye ng kaniyang pagkakakilanlan ay isinapubliko namin. Ang layunin? Lumiit ang mundo niya. Gusto naming maramdaman niya na wala na siyang ligtas na taguan.Nasa opisina kami ni Everett nang matapos ang huling ulat mula sa aming mga tauhan. Naka-sandal siya sa kaniyang upuan, hawak ang isang tasa ng kape habang nakatingin sa screen ng laptop.“Do you think this will work?” tanong ko habang may halong pag-aalala sa boses ko.“Yes,” sagot niya nang walang alinlangan. “We’ve covered every angle. If he’s out there, someone will
Misha’s POVMaaga kaming nagising ni Everett dahil maagang nanggising si Everisha. Nagtatatalon ito sa kama namin kaya hindi puwedeng hindi kami magising. Natawa na lang kami pareho ni Everett, kahit na ang totoo ay inaantok pa kami dahil napuyat kami kagabi dahil sa kabayuhan naming mag-asawa, nasingit pa namin ‘yung kahit tulog na si Everisha.Habang nagkakape kami ni Everett sa terrace, biglang tumunog ang telepono niya. Sinagot niya iyon nang mabilis, at kahit hindi ko naririnig ang kabilang linya, kita ko sa mukha niya na may seryosong bagay siyang nalaman.“Misha, honey,” tumingin siya sa akin matapos ibaba ang telepono. “They’ve spotted him.”“Him?” tanong ko, kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.“Yes, it’s Teff,” sagot niya habang mabigat ang boses niya. “He was seen in an old hotel in Manila. He’s armed and disguised. Nobody dared to approach him.”Tumigil ang oras para sa akin sa mga sandaling iyon. Parang biglang bumalik lahat ng takot, galit, at sakit na idinulo
Everett’s POV“Misha!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.Kitang-kita ko kung paano siya bumagsak sa lupa, hawak ang dibdib. Ang dugong dumaloy mula sa tama ng bala ay kumalat sa kaniyang damit at sa semento. Parang tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon.“Stay with me!” halos pasigaw kong sabi habang niyakap ko siya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya, pero mas matindi ang takot ko. Takot na baka mawala siya sa akin.“Don’t close your eyes, Misha,” bulong ko, pilit na nilalabanan ang panginginig ng boses ko. “You’re going to be okay.”Ngunit mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko ang maputlang mukha niya. Para akong sinasakal sa bawat segundo na hindi ako makagawa ng paraan.“Call an ambulance!” sigaw ko kay Conrad na mukhang natulala pa sa nangyayari.“On it!” sagot niya habang nanginginig na dinukot ang telepono sa kaniyang bulsa.Habang hinihintay ang ambulansya, pilit kong pinipigil ang pagdurugo gamit ang punit na bahagi ng damit ko. Nang magmulat si Misha
Everett’s POVHabang nakaupo kami sa matigas na bangko sa labas ng operating room, halos hindi na gumagana ang utak ko. Isang salita lang ang umiikot sa isipan ko—Misha. Pilit kong tinatanggal ang imahe ng duguan niyang katawan sa kalsada, pero parang pilit itong bumabalik sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko. Kanina, inalok ako ng kape ng mga kasama ko, pero tumanggi ako dahil baka lalo lang akong kabahan.“Everett, you should rest,” sabi ni Conrad na nakaupo sa tabi ko. Siya ‘yung kanina pa inom nang inom ng kape para lang hindi antukin.“I can’t,” sagot ko. Hindi ko na kayang ngumiti o magkunwari. “Not until I know she’s okay.”Hindi ko matiis ang lungkot at pag-aalala sa mukha ng mga magulang ni Misha. Sa kabila ng sitwasyon, kailangan kong maging matatag para sa kanila. Si Everisha naman, kahit tahimik, ay halatang namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Sir Everett,” bungad ng isa sa mga bodyguard namin na nasa tabi ko. “May room na po para
Everisha POVPagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa.Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin.“Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.”Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos.Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hinaham
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POVIsang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay.Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami.Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak ko
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. Hindi sa naduduwag kami, ayaw lang namin na magkaroon ng gulo sa airport.“Stay close,” bulong ni papa Everett, habang inayos niya ang kanyang sumbrero. Naka-disguise kami lahat—sumbrero, sunglasses, at mask ang suot naming apat. Si mama Misha ay nakasuot ng plain na hoodie at naka-cap, habang si Edric naman ay halos hindi na makilala sa balbas at faux glasses na suot niya.Tiningnan ko si Edric. Halata sa kanya ang pagod pero nananatili siyang alerto. Excited na talaga siyang makita ang kapatid niya. Pati tuloy ako ay nae-excite na kung anong magiging reaction kapag nagkita na sila.Paglabas namin ng airport, huminga ako nang malalim kahit natatakpan ng mask ang mukha ko.“Saan na po tayo pu
Czedric POVTahimik ang gabi nang magsimula kaming magplano ni Marco. Galit na galit pa rin ako sa paninira ni Raegan sa Pamilyang Tani kaya lalo akong gagawa ng ingay para matakot na siya.Ang liwanag ng buwan ay bahagyang naglalagos sa makapal na ulap, tila isang paalala na kahit gaano kadilim ang paligid, may pag-asa pa rin. Nasa harapan namin ang isang mapa ng Batangas, nilalatagan ng mga marka ni Marco gamit ang pulang tinta.“This is the hacienda,” sabi niya habang tinuturo ang isang lugar sa mapa. “Raegan’s men are training here. Most of them are ex-convicts. He paid their way out of prison.”Napakuyom ako ng kamao. Ang galit ko kay Raegan ay mas lalong lumalim kasi naghahakot pa talaga siya ng mga kapwa niya criminal. “We need to stop them. They’re a danger to everyone.”“Exactly,” sagot ni Marco habang nag-aayos ng kanyang mga gamit. “We’ll hit them hard and fast. No one gets out.”Tumingin ako sa kanya. “Sigurado ka bang handa ka para dito?”Ngumiti siya ng bahagya. “Czedric
Everisha POVNakatanaw ako sa malawak na tanawin ng South Korea mula sa isang maliit na burol. Ang hangin ay malamig at malinis tulad ng dati, puno ng sariwang amoy ng mga puno at damo. Kasama ko si Edric, ang kapatid ni Czedric, na ngayo’y tumuturo sa maliliit na kabahayan sa paanan ng burol.“This place,” sabi niya habang nakangiti, “was one of my favorite spots when I first moved here. Quiet, hidden, and away from the crowd.”Napangiti ako. “I can see why you love it here. It's beautiful and peaceful.”“South Korea has so many hidden gems,” sagot niya. “Places like this remind me of home, in a way. Simple, but meaningful.”Habang binabaybay namin ang maliliit na daanan sa likod ng burol, nakarating kami sa isang maliit na nayon na halos wala ni isang turista. Ang mga bahay ay tradisyunal, gawa sa kahoy at may mga palamuti sa harap ng bawat pinto.“Everisha, this is one of the places tourists never visit,” sabi ni Edric. “They’re too busy with the big cities and popular spots. But