Home / Romance / OFW Wife of a Billionaire / Kabanata 301 - Kabanata 310

Lahat ng Kabanata ng OFW Wife of a Billionaire: Kabanata 301 - Kabanata 310

367 Kabanata

Kabanata 300

Tumitig ako sa kanya, at sa kabila ng inis at galit, alam kong nagtagumpay siyang pagtaniman ako ng pagdududa. Ang mga salita niya ay hindi madaling tanggalin, at habang iniisip ko ang lahat, unti-unting sumiksik sa isipan ko ang imahe ni Kayline kasama ang lalaking iyon.At doon ko naramdaman ang galit, ang pagdududa, at ang kirot ng kawalan ng kontrol.Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa mga reports na hawak ko, pero hindi ko mapigilan ang iritasyon habang naririnig ang pagsara ni Mommy sa pinto ng aking opisina pero sinadya niyang hindi ito ilapat ng husto . Hindi pa rin siya natitinag ganun talaga siya, laging may paraan para itulak ang gusto niya, kahit pilit kong tanggihan.“Iha! Sofia, bakit hindi ka muna maghintay sa sala? Hayaan mo si Ethan na siya ang lumapit sa’yo,” malambing niyang sabi, pilit binibigyang diin na nasa labas ang babaeng gusto niyang ipakilala sa akin. Naririnig ko ang bawat salitang binibitawan niya mula sa labas ng pinto, at alam kong naroon si Sofia, n
last updateHuling Na-update : 2024-11-08
Magbasa pa

Kabanata 301

ETHAN POV AFTER FEW MONTHS Dahil sa sobrang ka toxic-an ni Mommy at sa mga maling sinabi niya nuon sakin tungkol kay Kayline ay naisipan kong magpakalayo-layo na muna. Ayokong makinig ulit sa mga kasinungalingang tinatanim niya sa utak ko. Kung sana ay nabubuhay lang si Daddy hindi ko sana tinakbuhan ang responsibilidad ko kay Kayline bilang asawa niya. Kaya naman ako nagtago ng mahabang panahon dahil din sa mga sinabi sa akin ni Mommy nuon, tinanim niya sa utak ko na si Kayline ay isang bayarang babae at higit sa lahat walang galang sa kanila ni Daddy. Kalaunan ay nadiskubre kong lahat ng kaniyang mga pinarating sa akin ay walang katotohanan, in fact si Kayline ay isa sa mga kababata ko nuong nakatira pa kami sa Cebu. Lahat ng pagsisisi ko sa desisyong ginawa ko ay huli na. Hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon ang childhood sweetheart ko na ipakita kung sino siya bagkus ay nagdesisyon na lang ako bigla na mag file ng annulment ng hindi ko siya nakakaharap. Ngayon ko nar
last updateHuling Na-update : 2024-11-09
Magbasa pa

Kabanata 302

“Alam niyang ano, Ethan?” seryosong tanong ni Patrick, nakatingin sa akin. “Alam niya bang masakit sa ‘yo? Eh ikaw nga itong nagpakawala sa kanya, di ba? Huwag mong sabihing nagsisisi ka ngayon.” Napatitig ako sa dagat, pero hindi ko maitago ang paninikip ng dibdib ko. “Alam mo ba, Patrick, sa tingin ko… oo, nagsisisi ako. Tangina, hindi ko nga alam. Bakit ganito? Sobrang pang-iinsulto ang ginawa ko sa kaniya.” “Alam mo , no offense ah kaya ka nagkakaganyan dahil nakita mong masaya na siya, ” biro ni Patrick, pero seryoso ang tono niya. “Ethan, huwag kang magpakatanga. Alam kong nasasaktan ka, pero ikaw mismo ang naglagay sa kanya sa sitwasyong to.” Napalingon ako sa kanya, nanlalalim ang tingin ko. “nakadali naman sa kaniya na ganyang ang gawin niya. Agad agad may kapalit na kagad ako. Nakaka-insulto lang kasi bro na ganun-ganun lang ay nakalimot na siya kagad. I hate this feeling, bakit ba kasi naniwala ako kay Mommy ng sabihin niyang bayarang babae si Kayline. ” “and that's y
last updateHuling Na-update : 2024-11-09
Magbasa pa

Kabanata 303

Lumalim na ang gabi, lasing na lasing na kami ni Patrick, halos hindi na makatayo si Patrick sa kaniyang kinauupuan. Wala na din direksyon ang pinag-uusapan namin. Pero ako ang tuon lang ng utak ko ay nasa aking ex-wife. Hindi ko na kayang tiisin pa. Ibinukas ko ang pintuan ng bar, at ramdam ko ang mainit na galit na kumukulo sa dibdib ko. Ang mga galit na salitang ipinagkait ko sa kanya noon, mga pagkakamali kong hindi ko kayang tanggapin, ang lahat ng iyon, kumawala sa katawan ko nang hindi ko namamalayan. Si Kayline at ang lalaki niya, sa kabila ng liwanag ng bar, parang hindi ko sila makita ng malinaw. May pagnanasa akong makita siyang magalit, makuha ang pansin niya, malaman niyang may natirang pagnanasa pa ako para sa kanya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, ang sakit ,sobrang sakit, ang bumabalot sa akin. Gusto kong magwala. Gusto kong masaktan siya. Dumiretso ako sa kanilang kinauupuan . Sinapak ko ang lalaking kasama niya. "what's wrong with you?!" nagtataka niyang tanong.
last updateHuling Na-update : 2024-11-09
Magbasa pa

Kabanata 304

KAYLINE EDUARDO POV Pagkatapos naming iwan si Ethan sa loob ng bar, tumatawa pa rin kami ni Lander habang naglalakad palayo. Itong si Lander nasapak na at lahat puro kalandian pa rin ang naiisip. Inaasar niya ako tungkol kay Ethan na ngayon lang niya nakita sa personal. Wala na ang bigat sa dibdib ko, at masaya lang akong kasama si Lander, ang kaibigang laging nagpapasaya sa akin. “Girl, kaya ka pala baliw na baliw sa ex-husband mo,” biro niya, at humagikgik. “Ang gwapo naman pala talaga! At ang hunk, grabe! Sh*t, ang sarap niya siguro!” “Tumigil ka nga diyan, Lander!” balik ko habang tumatawa. Napapailing ako, pero alam kong namumula na naman ang pisngi ko. Nakakainis na kinikilig ako, kahit hindi ko dapat maramdaman iyon ngayon. “Aba, hindi mo maitatanggi, girl! Kita ko ‘yung titig mo habang pinagmamasdan mo siya kanina,” dagdag pa ni Lander, nagtatawa na parang nanalo sa asaran. “Tigilan mo na ako! Tama na yang pang aasar mo!” siniko ko siya ng mahina, pero lalo lang siy
last updateHuling Na-update : 2024-11-10
Magbasa pa

Kabanata 305

Habang nag-aayos kami ng mga dala niya sa mesa, napansin kong pasulyap-sulyap si Lander sa akin, at alam ko na kung anong nasa isip niya. Maya-maya lang ay nagsimula na nga siyang magkuwento nang may halong pang-aasar. “Tita, may chismis ako,” bungad ni Lander, kunwari pa ay nag-aalangan pero halatang sabik. “May nakita si Kayline sa bakasyon namin. ‘Di ba, Kayline?” tinutukso niya ako habang may pilit na ngiti. Nilingon ko siya, at napa-roll eyes ako. “Ano na naman yan, Lander?” Pero si Lander, hindi talaga mapipigilan. “Tita Madie, si Ethan! Alam mo ba? Nagkita sila ni Kayline, at naka check in pa sa hotel nila Tito Daniel” sabi niya, parang announcer na may halong drama. Tawang-tawa na siya bago pa man matapos ang kwento. Napatigil si Tita Madie at tinignan ako nang may malalim na ngiti. “Talaga? So nagkita kayo ni Ethan? Aba, parang tadhana na ‘yan, Kayline!” Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo, Tita, pero wala naman..wala naman talagang nangyari. Nagkabanggaan lang
last updateHuling Na-update : 2024-11-10
Magbasa pa

Kabanata 306

ETHAN POV Simula pa lang ng araw pero hindi na ako mapakali. Ilang araw na rin simula noong nagkita kami ni Kayline sa bar, at simula noon, parang wala nang ibang laman ang isip ko kundi siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa katangahang nagawa ko para kay Kayline. Ang pag-iisip na may ibang lalake siya. Balisang balisa ako dahil nagu-guilty ako sa mga tinapon kong akusasyon sa kaniya na hindi naman niya ginawa. Pumunta ako sa silid ni Patrick at bigla akong humiga sa kaniyang tabi “Patrick, tulungan mo naman ako,” pero hindi siya sumagot sa akin, nagmamaang-maangan at kunyaring natutulog siya. “Patrick! Huwag ka nang magpanggap na natutulog dyan!” hiyaw ko at hinila ko siya sa kanyang pagkakahiga. Hindi niya natuloy ang pagpapanggap at napabuntong-hininga bago umupo nang tamad. “Ethan, ang aga-aga, hindi mo ba ako pagbibigyan ng konting pahinga?” reklamo niya, pero may halong biro ang tono. “Alam mo, bro, daig mo pa baliw ngayon. Wala ka ng bukang
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 307

Nanatiling malamig ang kanyang mga mata, halatang hindi madaling magpapaniwala. “Tawad? Para saan, Ethan? Para sa lahat ng iniwan mong sugat? Para sa lahat ng mga pagkakataon na hindi mo ako pinahalagahan? ni hindi mo man lang pinakinggan ang side ko! hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat. " Wala akong masabi, at bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang isang matalim na kutsilyo sa puso ko. Alam kong wala akong karapatan magreklamo, kaya hinayaan ko lang siyang magsalita. “Sana noon mo pa naisip lahat ng ‘yan,” sabi niya, may halong lungkot at galit. “Pero ano na nga ba magagawa ng mga ‘sorry’ mo ngayon, Ethan?” Nagpatuloy ako, kahit alam kong baka wala rin itong mapapala. “Kayline, handa akong gawin ang lahat para maipakita sa’yo na nagbago na ako. Gusto ko lang malaman mo na lahat ng sinabi ko at nagawa ko sayo ay pinagsisisihan ko na. Kahit pa ang pag iisip ko sayo ng hindi maganda. Nang pumunta ako dito sa Siargao, gusto ko talagang makalimot dahil kahit isang segundo
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 308

“Mommy, hindi naman ganun. Hindi ko siya sinundan dito. It just so happened na pareho lang kaming nandito ngayon.” Sinubukan kong gawing kalmado ang boses ko, ngunit ramdam ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. “Iyon ba talaga, Ethan?” Sinabi niya ito nang may halong pagdududa. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam mo namang hindi ko siya gusto para sa’yo, tapos andiyan ka ngayon na parang bata! Para kang walang sariling desisyon.” Napanganga ako. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa sinabi niya. Ang tono niya ay para bang ako pa ang may kasalanan sa lahat ng ito. Kailangan ko na bang palaging magpaalam sa kanya sa bawat hakbang na gagawin ko? Pero ayokong bastusin ang magulang ko. Kaya pilit kong magpakahinahon sa pagsagot sa kaniya. “Mommy, alam kong mahalaga sa’yo ang mga desisyon ko, pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong kontrolin lahat ng ginagawa ko.” Sinabi ko ito nang may buong paggalang, pero may diin ang bawat salita. Tahimik ang kabilang linya. Siguro nagulat siya sa
last updateHuling Na-update : 2024-11-11
Magbasa pa

Kabanata 309

KAYLINE POV Makalipas ang sampung araw na napakasayang bakasyon namin ni Lander sa Siargao, kahit bitin ay kailangan na naming bumalik ni Lander sa Manila para sa mga trabahong naiwan namin. Madami na din kasi akong meeting na kinsel. Paglapag na paglapag pa lang ng eroplano, naramdaman ko na ang halo-halong emosyon may halong saya at kaba. Masaya dahil sa bagong alaala kasama si Lander, pero may kaba rin na hindi ko maintindihan, lalo na sa pagbalik sa realidad kung saan nandiyan pa rin si Ethan. Sinadya ko ding hindi makipagkita kay Ethan bago bumalik dahil ayokong mag expect ng mas higit pa sa panahong magbalik na ako dito sa Manila lalo na ang isiping nandito na din ang Mommy ni Ethan na siyang numero unong kontra sa relasyong meron kami ng kaniyang anak. Hindi ko maintindihin kung bakit ganun na lang ang galit niya sa pamilya namin. Pagdating namin sa airport, tumigil kami ni Lander para magpaalaman. Nang aasar ang bawat ngiting binitawan niya sa akin.
last updateHuling Na-update : 2024-11-12
Magbasa pa
PREV
1
...
2930313233
...
37
DMCA.com Protection Status