KAYLINE EDUARDO POV Pagkatapos naming iwan si Ethan sa loob ng bar, tumatawa pa rin kami ni Lander habang naglalakad palayo. Itong si Lander nasapak na at lahat puro kalandian pa rin ang naiisip. Inaasar niya ako tungkol kay Ethan na ngayon lang niya nakita sa personal. Wala na ang bigat sa dibdib ko, at masaya lang akong kasama si Lander, ang kaibigang laging nagpapasaya sa akin. “Girl, kaya ka pala baliw na baliw sa ex-husband mo,” biro niya, at humagikgik. “Ang gwapo naman pala talaga! At ang hunk, grabe! Sh*t, ang sarap niya siguro!” “Tumigil ka nga diyan, Lander!” balik ko habang tumatawa. Napapailing ako, pero alam kong namumula na naman ang pisngi ko. Nakakainis na kinikilig ako, kahit hindi ko dapat maramdaman iyon ngayon. “Aba, hindi mo maitatanggi, girl! Kita ko ‘yung titig mo habang pinagmamasdan mo siya kanina,” dagdag pa ni Lander, nagtatawa na parang nanalo sa asaran. “Tigilan mo na ako! Tama na yang pang aasar mo!” siniko ko siya ng mahina, pero lalo lang siy
Habang nag-aayos kami ng mga dala niya sa mesa, napansin kong pasulyap-sulyap si Lander sa akin, at alam ko na kung anong nasa isip niya. Maya-maya lang ay nagsimula na nga siyang magkuwento nang may halong pang-aasar. “Tita, may chismis ako,” bungad ni Lander, kunwari pa ay nag-aalangan pero halatang sabik. “May nakita si Kayline sa bakasyon namin. ‘Di ba, Kayline?” tinutukso niya ako habang may pilit na ngiti. Nilingon ko siya, at napa-roll eyes ako. “Ano na naman yan, Lander?” Pero si Lander, hindi talaga mapipigilan. “Tita Madie, si Ethan! Alam mo ba? Nagkita sila ni Kayline, at naka check in pa sa hotel nila Tito Daniel” sabi niya, parang announcer na may halong drama. Tawang-tawa na siya bago pa man matapos ang kwento. Napatigil si Tita Madie at tinignan ako nang may malalim na ngiti. “Talaga? So nagkita kayo ni Ethan? Aba, parang tadhana na ‘yan, Kayline!” Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo, Tita, pero wala naman..wala naman talagang nangyari. Nagkabanggaan lang
ETHAN POV Simula pa lang ng araw pero hindi na ako mapakali. Ilang araw na rin simula noong nagkita kami ni Kayline sa bar, at simula noon, parang wala nang ibang laman ang isip ko kundi siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa katangahang nagawa ko para kay Kayline. Ang pag-iisip na may ibang lalake siya. Balisang balisa ako dahil nagu-guilty ako sa mga tinapon kong akusasyon sa kaniya na hindi naman niya ginawa. Pumunta ako sa silid ni Patrick at bigla akong humiga sa kaniyang tabi “Patrick, tulungan mo naman ako,” pero hindi siya sumagot sa akin, nagmamaang-maangan at kunyaring natutulog siya. “Patrick! Huwag ka nang magpanggap na natutulog dyan!” hiyaw ko at hinila ko siya sa kanyang pagkakahiga. Hindi niya natuloy ang pagpapanggap at napabuntong-hininga bago umupo nang tamad. “Ethan, ang aga-aga, hindi mo ba ako pagbibigyan ng konting pahinga?” reklamo niya, pero may halong biro ang tono. “Alam mo, bro, daig mo pa baliw ngayon. Wala ka ng bukang
Nanatiling malamig ang kanyang mga mata, halatang hindi madaling magpapaniwala. “Tawad? Para saan, Ethan? Para sa lahat ng iniwan mong sugat? Para sa lahat ng mga pagkakataon na hindi mo ako pinahalagahan? ni hindi mo man lang pinakinggan ang side ko! hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat. " Wala akong masabi, at bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang isang matalim na kutsilyo sa puso ko. Alam kong wala akong karapatan magreklamo, kaya hinayaan ko lang siyang magsalita. “Sana noon mo pa naisip lahat ng ‘yan,” sabi niya, may halong lungkot at galit. “Pero ano na nga ba magagawa ng mga ‘sorry’ mo ngayon, Ethan?” Nagpatuloy ako, kahit alam kong baka wala rin itong mapapala. “Kayline, handa akong gawin ang lahat para maipakita sa’yo na nagbago na ako. Gusto ko lang malaman mo na lahat ng sinabi ko at nagawa ko sayo ay pinagsisisihan ko na. Kahit pa ang pag iisip ko sayo ng hindi maganda. Nang pumunta ako dito sa Siargao, gusto ko talagang makalimot dahil kahit isang segundo
“Mommy, hindi naman ganun. Hindi ko siya sinundan dito. It just so happened na pareho lang kaming nandito ngayon.” Sinubukan kong gawing kalmado ang boses ko, ngunit ramdam ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. “Iyon ba talaga, Ethan?” Sinabi niya ito nang may halong pagdududa. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam mo namang hindi ko siya gusto para sa’yo, tapos andiyan ka ngayon na parang bata! Para kang walang sariling desisyon.” Napanganga ako. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa sinabi niya. Ang tono niya ay para bang ako pa ang may kasalanan sa lahat ng ito. Kailangan ko na bang palaging magpaalam sa kanya sa bawat hakbang na gagawin ko? Pero ayokong bastusin ang magulang ko. Kaya pilit kong magpakahinahon sa pagsagot sa kaniya. “Mommy, alam kong mahalaga sa’yo ang mga desisyon ko, pero hindi ibig sabihin noon na kailangan mong kontrolin lahat ng ginagawa ko.” Sinabi ko ito nang may buong paggalang, pero may diin ang bawat salita. Tahimik ang kabilang linya. Siguro nagulat siya sa
KAYLINE POV Makalipas ang sampung araw na napakasayang bakasyon namin ni Lander sa Siargao, kahit bitin ay kailangan na naming bumalik ni Lander sa Manila para sa mga trabahong naiwan namin. Madami na din kasi akong meeting na kinsel. Paglapag na paglapag pa lang ng eroplano, naramdaman ko na ang halo-halong emosyon may halong saya at kaba. Masaya dahil sa bagong alaala kasama si Lander, pero may kaba rin na hindi ko maintindihan, lalo na sa pagbalik sa realidad kung saan nandiyan pa rin si Ethan. Sinadya ko ding hindi makipagkita kay Ethan bago bumalik dahil ayokong mag expect ng mas higit pa sa panahong magbalik na ako dito sa Manila lalo na ang isiping nandito na din ang Mommy ni Ethan na siyang numero unong kontra sa relasyong meron kami ng kaniyang anak. Hindi ko maintindihin kung bakit ganun na lang ang galit niya sa pamilya namin. Pagdating namin sa airport, tumigil kami ni Lander para magpaalaman. Nang aasar ang bawat ngiting binitawan niya sa akin.
Tinignan ko siya nang seryoso. “Ethan, hindi naman porke’t nagdadala ka ng bulaklak at pagkain, magbabago na lahat. Wag mo kong daan-daanin sa suhol mo. Sinasabi ko sayo ngayon pa lang na hindi ako madadaan sa kahit na anong suhol.”Kinabukasan, dumating ulit si Ethan, pero this time may dala siyang mas espesyal na regalo isang maliit na gold bracelet na may nakakabit na maliit na heart charm. Hindi ko maiwasang mamangha dahil alam niyang mahilig ako sa simpleng accessories.“Kayline,” sabi niya, sabay abot ng bracelet, “I know this might not mean much, but I wanted to give you something special.”“Ethan, ang sabi ko, hindi ko kailangan ng mga regalo” sagot ko habang tinitingnan ang bracelet na hawak niya. “Alam kong nag-effort ka, pero hindi naman dito nabubuo ang tiwala.”Tumango siya at ngumiti “Alam ko, Kayline. Nakita ko kasi yan at naalala ko nung bata tayo, yung
Sa mga sumunod na araw, mas naging bukas ako kay Ethan. Unti-unti niyang nababalik ang tiwala ko. Sa bawat pagdalaw niya sa opisina, sa bawat bulaklak at pagkain na dala niya, hindi ko maiwasang kiligin at isipin na siguro nga ay may pagbabago sa kanya. Tama si Tita Madie, hindi naman porket nagkamali noong una ay mananatili ng ganun. Tama siya na muli kong buksan ang pintuan sa pagitan naming dalawa.Nang tumawag si Ethan isang gabi at nag-ayang lumabas sa paborito kong Chinese restaurant, hindi ko maiwasang mapaisip. Inisip ko, “Ito na naman ba? Masyado na naman akong nahuhulog sa kaniya” Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, may parte ng puso ko na kinikilig pa rin ako. Napangiti ako sa sarili ko at naisip ako na hindi naman siguro masamang makipagkita. “Sige, Ethan,” sabi ko sa kanya sa telepono, “Pero tandaan mo, friends lang ito ha.”Pagdating ko sa restaurant, nagulat ako dahil siya na pala ang nauna. Umupo ako sa tapat niya
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram