Masaya na naming pinagpatuloy ang kainan at kaunting inuman sa dalampasigan. Nang biglang humirit na naman ng kakulitan ang mga kaibigan namin. Hindi sila maka get over sa bilis ng pangyayari sa amin ni Daniel. Napatingin si Chris kay Daniel “Bro, paano nangyari ‘to? Ikaw ‘yung pinakahuling nagseryoso sa barkada, tapos ikaw pa ‘tong unang-engaged! Parang kahapon lang, iniiwasan mo ang usapang commitment, ‘di ba?” Napangiti at napapailing naman si Daniel na sumagot “Ano nga bang magagawa ko? Hindi ko naman kasi kayang pakawalan si Madie baka mamaya kung hahayaan ko pa kung kanino pa mapunta. Hirap tamaan ni kupido bro. hahaha" Sarkastikong bumanat bumanat naman itong si Jeric na pinakamalakas mang asar sa kanilang lahat “Wow, bro, kaya pala sa lahat ng beach dito sa Siargao, ikaw lang ang may ‘catch’ na tulad ni Madie. Teka, Madie, anong mahika ginawa mo sa kanya? kasi baliw na baliw sayo tong kaibigan namin " tawang tawang sabi ni Jeric sinabayan ko naman ang kanilang trip sa t
Huling Na-update : 2024-10-29 Magbasa pa