MADIE: Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Daniel dahil sa sunod sunod na tunog ng doorbell mula sa aming gate.Napabalikwas ng bangon si Daniel at nagmadaling lumabas upang tignan kung sino ang nasa labas ng aming bahay ng sobrang aga. “Baby, si Abuelo nandito” malakas na sigaw ni Daniel, kahit masakit pa ang ulo ko ay agad akong bumangon para batiin ito. “Good Morning Po, bakit hindi kayo nagpasabing dadating kayo edi sana nasundo namin kayo sa airport” pagbati ko sa matanda, naabutan ko itong nakaupo na at kapit kapit ang isang tasa ng kape. “Maganda umaga iha, Susurpresahin ko sana kasi kayo kaya lang wala pa pala kayo sa mansyon na niregalo ko sa inyo” may pagtatapo sa kaniyang boses na sabi. Nagkatinginan kami ni Daniel, sinalo naman ni Daniel ang pagsagot kay Abuelo. “Sa totoo lang Abuelo napag-usapan na namin ni Madie ang tungkol diyan. Tatapusin lang muna namin ang pag-aasikaso sa aming kasal at pagkatapos nito ay lilipat na kami sa mansyon. Hirap lang kasi kami ngayo
Hinalikan ni Daniel ang ulo ng kaniyang Abuelo " ang sweet talaga ng lolo kong yan. Kaya mahal na mahal ko yan. Kaya kailangan magpalakas ka pa para makita mo pa ang mga susunod na henerasyon" aniya sa kaniyang Abuelo. "Naku, naku! Baka naman masyadong madrama itong si Daniel! Basta, masaya lang ako na magkasama kayong dalawa. Mahalagang parte ng kasal ninyo ang pagmamahalan, pero mas mahalaga ang pamilya na mabubuo ninyo, Madie kapag itong si Daniel ay may ginawang hindi maganda sabihin mo lang sa akin aah. Akong bahalang kumastigo sa kaniya." sabi ni Abuello. Panay ang tawa ni Abuello sa mga biro na pinapakawalan ni Daniel. SObrang close talaga nilang mag-lolo. "ay nako, Madie, Daniel, siguraduhin ninyong may apo na ako sa lalong madaling panahon, ha? matagal na akong naghihintay! " Nagkatawanan naman kaming tatlo dahil hindi tlaaga siya makalimot sa hiling niyang iyon. "Abuelo, magpapakasal po muna kami. Hihinga lang kami at kaming bahalang mag-fulfill ng wish ninyo" pabiro kong
THE WEDDING DAY PROLONGUE: Sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay nina Madie at Daniel. Finally matapos ang ilang buwang pagiging abala sa kanilang kasal , ngayong araw ay magkakasama nila itong i-ce-celebrate. Mababakas ang saya sa kanilang dalawa. Kakaibang ligaya at kaba ang kanilang nararamdaman sa di maipaliwanag na dahilan. Ang mga tao sa kanilang resepsyon ay masayang nagtatawanan. Sa dalampasigan ng Siargao, isang perpektong araw ang bumungad, walang ulap, at ang kalangitan ay tila nakisama para sa araw na ito, madaming bituin indikasyon ng magandang panahon. "ready ka na ba anak?" bulong ni Kate sa anak habang nakatingin sa harapan ng salamin matapos niyang ayusan. Kinapitan naman ni Madie ang kamay ng kanyang Mommy. "ready-ng ready na po Mommy pero medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit." sagot ni Madie sa kaniyang ina. Malakas na natawa si Kate sa nararamdaman ni Madie " normal lang yan anak, basta anak ang tatandaan mo lang, ang pag-aasawa hindi
MADIE POV: Walang katumbas na kaligayahan ang nararamdaman ko ngayong araw, para pa rin akong lumulutang sa sobrang saya. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko sa altar ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi pa man nagsisimulang magsalita si Daniel ay para na akong maiiyak lalo na ng kapitan na niya ang aking kamay at magsimulang ibuka ang kaniyang bibig. "Madie, baby, sa unang pagkikita pa lang natin, alam ko na may kakaibang koneksyon tayo. Ikaw ang nagpakita sa akin na ang tunay na pagmamahal ay hindi kailangang kumplikado. Natutunan kong mas maging bukas, mas maging matatag, at higit sa lahat, mas maging mapagmahal dahil sa iyo. Sa bawat ngiti mo, sa bawat simpleng kilos, pinapaalala mo sa akin ang dahilan kung bakit nagmamahal ang isang tao. Madalas akong mag-isip kung paano ko sinuwerte na ikaw ang nakatadhana para sa akin, at sa bawat pagkakataon, natutulungan mo akong makita ang ganda sa mundo. Pangako ko sa iyo, Madie, na sa bawat araw, ituturing kong espesyal ang bawat sanda
AT THE RECEPTION: DANIEL POV Pagkatapos ng seremonya ay nagtipun-tipon ang lahat ng aming mga bisita sa isang magarang reception na itinayo sa gilid ng dalampasigan. May mga ilaw na nakasabit sa mga puno na lumikha ng isang napaka-romantikong tanawin. Ang mga malalaking bilugang lamesa na natakpan ng puting linen at mga sariwang bulaklak ay nagbigay ng buhay sa paligid. Habang ang mga baso ng alak ay kuminang sa liwanag ng mga kandilang nakalagay sa mga garapong may buhangin. Habang nakakapit si Madie sa aking braso ay hindi niya maitago ang sobrang tuwa sa naging resulta ng pinagsama naming imahinasyon para sa aming reception. “WOW napakaganda naman baby" naluluhang sabi niya ng makita na niya ang set-up "baby thank you dito, napakaganda ng set-up, napaka perfect lang ng lahat. Masayang masaya ako baby. I love you “ “I love you too baby, syempre naman lahat ng the best ang ihahanda ko para sayo. Lahat ng gusto mo nandiyan ” malambing kong sabi kay Madie. Makikita ang ganda
Natawa ako ng malakas at napaharap bigla kay Madie "Mukhang hindi bibitaw si Abuelo hanggang di pa dumadating ang mga ‘future grandkids’ niya." "Naku, sige na nga, Abuelo. Pangako, bibigyan ka namin ng mga apo—pero bigyan mo rin kami ng ilang taon. Mag-eenjoy muna kami ni Daniel, pero hindi kami gagamit ng kahit na ano, kung mabubuo ito ng mas maaga ay tatanggapin namin ng buong buo." "at siyempre kailangan ako ang unang makakaalam." nakangiting sagot ni Abuelo. Nagtawanan na lang kami ng malakas dahil sa hinaba-haba ng aming pagku-kwentuhan ay sa apo pa rin ang aming bagsak. halika na kayo at makisaya na tayo sa mga bisita" pag-aaya ni Abuelo na animo'y kaya pa niyang makipagsabayan sa kabila ng kaniyang katandaan. Dahan-dahan kaming nagtungo sa dance floor, at ng kami ay dumating ay biglang pinalitan ng love song ang kanta. "IKAW" by Yheng Constantino. Nilahad ko ang aking kamay kay Madie "shall we dance Mrs. Miller?" "ofcourse Mr. Miller" nakangiti at mapang akit na sab
1 WEEK AFTER THE WEDDINGMADIE POVMalakas na tili ang palaging umaalingawngaw sa loob ng aming silid. Para kaming mga batang laging nagkikilitian ni Daniel. Masasabi kong ito na ang best time sa buhay ko. Ang matulog katabi ng taong mahal ko. Hindi ko inakalanang matapos ang sobrang dagok na dumating sakin ng lokohin ako ng fiance ko ngayon ay kasama ko naman ang isang taong nagmahal sakin ng wagas at totoo.Si Daniel ang nagbigay ng bagong pag-asa sa akin. ANg sarap lang sa pakiramdam na si Daniel ang huling makikita ng aking mata at sa muling pagmulat nito ay siya din ang una kong nakikita. Halos araw-araw ay honeymoon para samin dalawa ni Daniel. Hindi kami kumuha ng kasambahay sa mansyon para ma enjoy namin ang isa't isa na walang alalahanin na makakarinig sa aming mga kalandian."aah Daniel , hihihi. nakakainis ka!" hinampas ko ng unan si Daniel ng magising akong nakahubad na naman ito at nakatayo ang kaniyang pagkalalake sa aking harapan. Halos
"baby aah.. sh*t sige pa..." hindi ko namamalayang napapalakas na pala ang ungol ko sa ginagawa sa akin ng aking asawa.Kinapitan ko ang balikat ni Daniel. "baby halika!, ako naman ang iilalim" ngayon ay mas komportable na kami ni Daniel sa isa't isa . Wala na ang hiya ko kapag kaming dalawang mag-asawa ang magkasama. Umangat siya at sumandal sa aming headboard. Pumaibabaw ako sa kaniya at nakipagpalitan muli ng halik. Ang aking kamay ay agad na nagtungo sa kanyang pagkalalake. Malumanay kong hinimas ko ito pababa taas. Pumapadusdos na din ako pababa sa kaniyang pagkalalake. Malandi kong pinaikot ang aking dila sa palibot ng pagkalalake. Bawat pagdilang ginawa ko sa ulo nito ay maririnig ko ang mahihinang halinhin ng aking asawa. “Yes baby yes! Aahhh….. d*mn you’re so good….” Lalo kong nilalandian ang aking pagdilang ginagawa dahil mas ginaganahan ako. Humiga ng flat si Daniel sa aming kama. “Baby angat ka dito. “ kinuha niya ang akin
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram