Habang tinitimpla ni Daniel ang aming kape, hindi ko maiwasan na hindi tingnan siya, nakangiti ako naiisip ko kung gaano ako kaswerte kay Daniel sa mga sandaling iyon. Hindi ko akalaing magiging ganito kasaya ang aking umaga, at ang kaba na nararamdaman kanina ay napalitan ng sobrang saya at kasiguraduhan. Tinuldukan ng kaniyang mga sinabi ang lahat ng agam agam sa aking isipan. “Kamusta naman ang tulog mo?” tanong ni Daniel, ngunit may halong pang-aasar sa kanyang tono. Natawa ako ng bahagya, alam ko na may ibig sabihin ang tanong niyang iyon. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi , napatingin ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Ang kulit mo,” sagot ko, sabay irap ko kay Daniel ngunit may ngiti sa aking mukha. “Hahaha, nag-ba-blush ka. Alam mo, masarap kasi ang tulog kapag kasama kita,” dagdag pa ni Daniel, at sa tono ng boses niya, ramdam ko naman ang sincerity ng mga salita niya. Nakaramdam ako
Last Updated : 2024-10-24 Read more