Nagkukukot ang damdamin niya para kay Jace. Kung may dala lang siyang gasolina at posporo malamang sinunog na niya ang classroom nila o kaya ay kahit granada. Kapag siguro nagtamo ng third degree burn ang dalawang iyon ay titigil na sa ginagawang panloloko ng kapwa.“Babe, don’t be jealous, ikaw ang talagang mahal ko,” boses ni Maecy na parang pusang naglalambing sa itaas ng bubong.“Paanong hindi ako magseselos, lagi kayo magkasama, at alam ko may nangyayari din sa inyo,” medyo matigas ang boses ng lalaki.“Ilang beses ko ba sasabihin, business lang iyon, seguridad ng negosyo. Alam mong magkasosyo sa negosyo ang mga pamilya namin.”“Eh hindi ba at basa na ang papel mo sa matanda. Tiyak na tututol sa relasyon ninyo si Don Ricardo."“Well, hanggang hawak ko sa leeg si Jace Malvar, ang nag-iisang tagapagmana, I don't need to worry,” kampanteng sabi nito.Sabay dinig niya sa mahinang boses nito na animo umuungol.Nanginginig siya sa galit. Napakawalanghiya nito. Lalayo na sana siya ng ma
Last Updated : 2024-06-06 Read more