“No! Hindi ako payag na maging katawa-tawa at kaawa-awa sa paningin ng iba,” angil ni Bella kina Jace at Maecy. Ramdam niyang unti-unting tumutubo ang mga sungay sa ulo niya. Hindi siya papayag na maapi at matapakan ang kanyang pagkatao lalo at siya ang nasa tama.
Napabuntunghininga na lang ang binata. “Well, we just inform you, hindi naming kailangan ng permiso mo do to whatever we want. Ginusto mo ang sitwasyong ito. Kung hindi ka nakialam sana ay masaya kami ni Maecy na nagsasama bilang mag-asawa.”
Pagkadinig niya ay sinugod niya ang babae sa harapan. Sinabunutan niya ng matindi baka sakaling magising sa katotohanan. At kagaya kanina hindi ito lumaban, umiyak lang at nagpa-awa sa asawa niya. Kagaya ng inaasahan, umawat si Jace at muli itong kinampihan.
Nagdilim na talaga ang paningin niya. Muli niyang sinugod ang babae at this time may kasama ng sipa at tadyak. Never in her life, has she imagined she can do this violence. At isang malakas na tulak ang nagpagising sa kanya galing sa lalaking wala siyang ginawa kundi ang mahalin. Bumalandra ang katawan niya sa matigas na sofa at tumama ang ulo niya sa arm rest ng upuan. Nagkabukol yata siya. Sapo niya ang ulo at tarantang lumayo sa dalawa at pumasok sa loob ng kwarto.
Napaupo siya sa likod ng pinto. Hindi niya namalayan na kusang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Kusang umalis ang dalawa. Labis ang galit niya. Galit kay Jace at Maecy at sa kanyang sarili. Mas lamang ang galit niya sa sarili. Siya ang may kasalanan. Isinisiksik niya ang sarili sa lalaking hindi siya iniibig.
Ang pangarap niya ay mauuwi yata sa bangungot! But she’s willing to wait and do everything to win his heart. Hindi siya susuko. Asawa na niya ito.
Nagulat pa siya ng pagbangon niya kinabukasan ay nadatnan ang binatang nagkakape sa kusina. Madalas paggising niya ay wala na ito. Pumasok na sa unibersidad. Habang siya ay hindi muna pumapasok. At ngayon ay iniisip niya kung tama ba ang ginawa niyang pamimikot kay Jace kapalit ng kinabukasan niya.
“Dapat malaki na tiyan mo, three months had passed. Anong ibig sabihin niyan?" nakatunghay ito sa tiyan niya.
Kinabahan siya sa tanong nito. Minabuti niyang huwag kumibo. Ayaw niyang mabisto na hindi talaga siya buntis, baka iwan siya nito ng tuluyan at sumama kay Maecy.
Hinawakan siya nito sa braso ng madiin ng hindi siya nagsasalita.
“Tapatin mo ako! Buntis ka ba talaga?” Halos mabali ang buto niya sa higpit ng hawak ng asawa.
“Maliit lang ako magbuntis,” mahinang sabi niya.
“Kung totoong buntis ka, sino ang ama?!” gigil ang boses nito. Nilamutak nito ang kanyang mukha at pilit inaangat.
Nag-init ang ulo niya. Hindi na niya kayang pakibagayan ang pakikitungo nito sa kanya. Pakiramdam niyang ang sungay niya ay may kasama ng buntot. And anytime the beast of her will come out and eat him alive.
“Wala ka ng pakialam kagaya ng hindi ko pakikialam sa inyo ni Maecy! " pabulyaw niyang sagot. Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito.
Tumakbo sa banyo upang makaiwas na. Ayaw niyang makipag-away. Gusto niyang unawain ang binata. May gahiblang pasensya pa siyang natitira.
Ngunit napigil siya nito at muling nahawakan sa pulsuhan. “Oh, I get it, patuloy pa din ang relasyon mo sa gagong ama ng anak mo!” nagngangalit ang mga ngipin nito.
Napangiwi siya sa sakit, pilit nitong hinaharap ang kanyang mukha. Leeg na niya ang hawak nito.
Gusto na niyang bumunghalit ng iyak. Punong-puno ng sama ng loob ang dibdib niya. She didn’t deserve this treatment. But this was all her choice. Siya ang may kasalanan kung bakit siya nalagay sa ganitong sitwasyon. Kaya wala siyang karapatang magreklamo. Pero may karapatan siyang ipagtanggol ang sarili.
“Oo! patuloy kaming nagkikita at nagsisiping, kagaya ng ginagawa ninyo ng kabit mo!” Bumitaw na ang bait niya sa sarili. Gusto niyang makaganti sa sakit na nararamdaman.
Agad siyang nagsisi. Nakita niyang nagdilim ang paningin ni Jace ng marinig ang sinabi niya.
Nilabanan niya ang takot sa nakikitang galit sa anyo ng binata. Gusto niyang makaganti kahit sa ganitong paraan.
“At dito, sa sarili mong condo namin ginagawa ang pagtataksil dahil lagi kang wala! Pinagtatawanan ka ng ibang tao!” animo na siya baliw.
Iyak at tawa. Masarap pala ang manakit ng taong nananakit sa iyo. She felt better.
Pulang pula ang mukha ng binata sa galit. Alam niyang hindi ito nananakit ng babae. Mukhang ito ang sa kauna-unahang pagkakataon. Halos madurog ang mga ngipin nito sa pagtitimpi. Ngunit hindi na nito kinayang awatin ang sarili. Dumiin ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg!
Hindi ipinahalata ni Bella ang takot na gumagapang sa katawan. “Bitawan mo ako!”
Ibinalibag siya nito sa kama. Tumalbog ang katawan niya at nahulog siya sa sahig.
“Yes, pinikot kita hindi dahil mahal kita kundi dahil ayoko lang mabuhay sa hirap! Tignan mo naman I don't have to work, my allowance ako and I can buy everything! Nakatali ka sa akin, at ang pakasalan si Maecy ay sa panaganip mo na lamang mangyayari. Hinding hindi kita papakawalan kahit ano ang mangyari!” nakangiti niyang sabi sa binatang nagbubuga ng apoy ang mga mata.
Muli siya nitong nilapitan at pilit itinatayo. Hinila nito ang kanyang braso. Hindi niya alam kung saan galing ang kanyang lakas. Itinulak niya ito. Pakiramdam niya ay kaya niyang bumuhat ng isang malaking refrigerator ng mga sandaling iyon.
“Yes, oportunista ako, kapag naging asawa kita, ang lahat ng iyo ay akin na din!” dugtong pa niya.
Naging isang linya ang mga labi ni Jace sa tindi ng pagpipigil na muli siyang saktan.
“Magpasalamat ka at may bata sa sinapupunan mo! Kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa ko sa’yo!”
“Sige lang, saktan mo ako. Sanay na ako. Palagi mo naman akong sinasaktan. Ngayon lang ang pisikal, pero ang damdamin ko, manhid na sa pananakit mo! Pero hindi kita papakawalan. Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo ni Maecy!”
Binitawan siya ng binata ang itinulak. Pinagsusuntok na lamang nito ang pinto at doon ibinuhos ang galit. Nagdudugo na ang kamay nito ng tumigil. Lumabas ng condo at ibinalibag ang pinto.
Tsaka niya mas lalong pinagsisihan ang lahat ng sinabi niya. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Sana ay hindi na lamang niya ginalit ang binata. Sana.
***
Nagmamadali sa paghakbang si Jace ng tawagin siya ng receptionist ng condo. Itinago niya ang kamay na may dugo dahil sa sugat sa pagsuntok niya sa pinto.
“Sir, naiwan po ng Daddy ninyo ng huli siyang nagpunta dito,” sabay abot nito sa isang maliit na notebook na tila planner.
Isang hinala ang nabuo sa kanyang isip. Hinalang lalong nagpatindi sa galit na nararamdaman. Never in his life na dinalaw siya ng ama sa condo unit niya kahit pa noong nagkasakit siya.
“Kailan huling nagpunta si Daddy?" aniya sa kaharap.
“Kahapon lang po,” nakangiting sagot nito na halatang kinikilig sa atensyong ibinigay niya.
“Madalas po wala kayo pag dumadating siya, pero nandyan naman po si Ma'am Bella. Minsan po lumalabas sila o kaya sa loob lang nag-stay,” dagdag pa ng babae.
“Thank you,” sabay talikod niya. Ang apoy sa dibdib ay tila binuhusan ng gas upang lalong umalab.
Pupuntahan niya ang ama. He had never been this angry in his whole life! May relasyon si Bella at ang kanyang daddy! Mga walanghiya!
Damn! Ang kalaguyo ng asawa niya ay ang kanyang ama! Anong moral meron ang daddy niya para gawin siyang tagasalo ng anak nito! At pagtaksilan ang ina niya! May ilang mga isyu siyang nadidinig tungkol sa ama sa pagiging malapit nito sa ibang babae ngunit hindi niya pinaniwalaan dahil saksi siya sa pagmamahalan ng mga magulang.Pabalya niyang binuksan ang pinto ng opisina ng ama. Gusto niya itong sugurin at suntukin ngunit pinigil niya ang sarili. Mataas ang tingin at respeto niya para sa ama. Napakasakit ng natuklasan niya. Mas higit para sa kanyang ina na nakita niya kung paano mahalin at pagsilbihan ito.“Nagtapat na sa akin si Bella,” sumandal siya sa pinto. Pakiramdam niya ay kailangan niya ng mapaghuhugutan ng lakas upang kumprontahin ang ama.Kumunot ang noo ng Don. Bakas ang pagkalito sa mukha nito.“Look son, let me explain,” kalmado nitong sabi.“Explain? Hindi na kailangan. Hindi ba at lagi kang tama, kahit mali ay kaya mong ituwid! The high and mighty Ricardo! Noon ka pa gan
Pilit ipinikit ni Bella ang mga mata ngunit nanatiling mailap ang antok kahit pagod siya galing sa conference sa kabilang bayan. Tinanghali siya ng gising dahil sa puyat kagabi. It was her free day. Humingi siya ng isang araw na pahinga kay Don Ricardo. Siya ang tumatayong Chief Operations Officer. Pangalawa siya sa mataas ang position sa kumpanyang pag-aari ng mga Malvar. Ayaw niyang tanggappin noong una pero napilit na din siya ng ninong sa pangakong sa pagbabalik ni Jace ay maaari na siyang magresign at tutukan ang kanyang maliit na negosyo. Alam niyang ngayon ang unang araw ni Jace bilang CEO ng Land Sheperd Corporation. Umiiwas ba siya?Akala nga niya ay last day na din niya ngunit nanghingi pa ng palugit ang Don na hintayin muna niyang maging stable ang kumpanya sa pamumuno ni Jace bago siya umalis. Naunawaan naman niya ito. At wala naman sigurong magiging problema. Matured na sila pareho, hindi kagaya noon na mga isip bata pa.She will go to the nearest shopping mall. Matagal n
“Ms. Bella, good morning. Nakapagpahinga po ba kayo?” masiglang bati ni Lyneth pagdating niya sa kumpanya.Ngumiti siya sa kanyang secretary na may pagka-madaldal ngunit magaling ito sa trabaho at maaasahan.“Okay naman. May importante bang dapat malaman na nangyari sa kumpanya habang wala ako? Tatlong araw din akong nawala.”Lumapit itong kinikilig. “Ms. Bella, dumating na po kahapon ang CEO ng Land Sheperd Corporation. Napakagwapo po pala. Grabe, daig pa ang artista sa kapogian.”Tumalim ang tingin niya sa kaharap. “Lyneth, ang sabi ko ay importante hindi mga ganyang balita.”Napakamot sa ulo ang secretary. “Wala naman pong naging problema. Pero madami pong contract and deals na kailangan ninyong pag-aralan at pirmahan.”Sinimulan na niya ang pagtatrabaho at inisa-isa ang mga dokumentong nasa harapan.Dumating si Anthony. Magaling itong abogado ng Land Sheperd Corporation.“Oh, may maipaglilingkod ba ako sa’yo?” bungad niyang nakangiti.“Ah, alam mo namang dumating na si Jace.”Tuma
“Gusto kitang maging bed partner, payag ka ba?” tanong ni Jace."Ano?!" manghang sagot ni Bella.“Anong nakakagulat? Kasal tayo,” sabi ng binata at dinampot ang juice sa mesa upang uminom.“Kelan mo pa kinilala ang kasal na nangyari? You hated that day so much as far as I remember."“Well, not anymore when I look at you right now, so gorgeous.” Tumayo at lumapit ito at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.Parang nagbabaga ang kamay nito at tila siya napaso ngunit hindi siya makagalaw para umiwas.“Madali lang hinihiling ko sa'yo. I know you will give me what I want. Kagaya noon na kahit ano ang sabihin ko ay sinusunod mo,” sabi ni Jace na mas lalo pang lumapit sa kanya at isang galaw na lang ay magkadikit na ang kanilang katawan.“I’m sorry to disappoint you, Mark Jace Malvar. Hindi na ako ang babaeng kilala mo noon."Inipon niyang mabuti ang lakas ng loob na meron siya upang mahimasmasan at makawala sa mahikang taglay ng binata.“Yeah, I know." Tinignan siya nito mula ulo hanggang p
Naabutan ni Bella na naghihintay si Jace sa kanyang opisina. Lumilinga ito sa paligid.“Ano ang kailangan mo?” Singhal niya dito na nadinig ng secretary niyang si Lyneth kaya napaangat ang ulo nito para tignan sila.“I’m here for the training. Ipinagmamalaki ka ng dating CEO at ng halos lahat ng tao dito na magaling ka daw. Kaya naman madami daw akong matututunan sa’yo. Sana lang dahil ayokong magsayang ng oras.”“Okay, let’s proceed to the meeting room,” seryoso niyang sagot.Nakahanda siya sa training. Binuksan niya ang laptop. Magkalapit sila ng upuan. Medyo asiwa siyang halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Naamoy din niya ang mabangong binata. Umabot ng walong oras ang pagtuturo niya kay Jace. As expected madali itong matuto. Anyway, matalino at madiskarte naman talaga ito noon pa mang nasa high school at kolehiyo sila.“Okay, that’s the end of the training session today. Remind ko lang na two weeks ‘tong theories and approaches na dapat mong matutunan tsaka tayo pupunta sa
Mabilis na pumasok sa loob ng kotse si Bella. Malakas pa din ang kabog ng kanyang dibdib. Bakit siya nakipaghalikan kay Jace? Napahawak siya sa ulo. Nais niyang sabunutan ang sarili. Ano na lang ang iisipin nito? Agad siyang lumabas ng parking area. Hindi maiwasang bumalik ang ilang alaala ng mga katangahang ginawa niya para sa binata. At wala siyang planong ulitin ang mga kagagahan niya. Matindi ang traffic dahil rush hour. Hindi na siya makaiwas na bumalik sa nakaraan noong high school sila ni Jace. Natatawa na nailing siya ng magbalik ang ilang memories.Foundation week sa paaralan nila. Madaming pakulo ang kanilang eskwelahan para makalikom ng pondo para sa ilang proyekto ng paaralan. May marriage booth, blind date, jail booth, kissmark booth, at kung anu-anong booth. Pero pinaka-intresado siya sa marriage booth. Agad siyang bumili ng ticket, hindi lang isa kundi lima. Para siguruhing makakasal siya kay Jace. Matapos ibigay ang ticket sa mga officer ng booth ay nasa labas siya ng
Nagulat pa si Bella ng madatnan si Jace sa harap ng kanyang bahay na naghihintay. Gabi na at naabutan niyang pinatay nito ang lamok na dumapo sa braso nito. Dumaan pa siya kay Dra. Crissy at napasarap ang kwentuhan nila na umabot ng halos dalawang oras. Nasiraan siya ng kotse. Buti na lang at sa bahay na ng kaibigan ayaw umandar ng sasakyan. Kaya inihatid siya ng boyfriend nitong si Jeremy. Maginoo ito at pinagbuksan pa siya ng pinto ng kotse. May inabot din itong cake na bi-nake ni Crissy.Nakamasid lamang si Jace sa pagbaba niya. Masama ang tingin nito kay Jeremy.“Maraming salamat, Jeremy!” aniya na may kasamang matamis na ngiti dahil sa abalang ginawa niya.Ipinakilala niya ang dalawang lalaki sa isa't-isa. Magalang na inabot ni Jeremy ang kamay na hindi inabot ni Jace. Siya ang nahiya sa inasal ng binata.“Sige, Jeremy gabi na. Ingat ka sa byahe!” aniya at sinundan ng tanaw ang palayong kotse.“Bakit hindi mo pinapasok ang boyfriend mo?” ani Jace.Ayaw na niyang makipag-argumento
Parang gusto niyang maglahong parang bula ng magbukas ang elevator. At muntik siyang himatayin ng makilala kung sino ang isa sa taong naghihintay sa labas. Si Don Ricardo na ang mukha ay nanunukso. Tila masayang masaya ito sa eksenang naabutan. Baka akalain nito ay nagkakamabutihan na sila ni Jace.Sana naman ay hindi kumalat ang halikan nila ni Jace sa elevator. Mga investor naman ang kasama ni Don Ricardo at hindi sila kilala. Ngunit ipinakilala sila nito sa tatlong Japanese investors bilang mag-asawa at sinabi din nito ang posiyon nila sa Land Sheperd Corporation. At isa pa ay aattend sila ng meeting ni Jace kasama si Don Ricrado at ang mga ito.Dahil successful ang meeting nila sa partnership, inimbitahan sila ng isa sa investor sa pag-aari nitong beach house sa kanilang lugar. Dahil may flight si Don Ricardo kinabukasan ay silang dalawa ni Jace ang isinangkalan nito upang pagpunta. Wala siyang nagawa kundi ang sumama kay Jace upang palawakin ang kanilang network. Posibleng may mg
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth
Bakas ang kalituhan sa mukha ni Lyneth.“Sumagot ka! Buntis si Bella?” ani Jace na hindi alam kung ano ang mararamdaman.“Ano ang nakakapagtaka kung buntis man siya? May asawa siya.”Tila may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. “Ilang months na? At sino ang ama?”Bakit may bahagi ng puso niya na naiisip na baka siya ang ama pero imposible dahil matagal na nung huling may nangyari sa kanila.“Sir Jace, aalis na po ako.”“Nasaan si Bella? Gusto ko siyang makausap.”“Sir Jace, tama na po at huwag ninyong bigyan ng stress si Ms. Bella. At isa pa hindi ko din po alam kung nasaan siya. Iaabot ko lang po ito kay Sir Matt.”“Binabalaan kita, tigilan mo ang pakikipareglasyon mo sa asawa ng kaibigan mo. Masasaktan si Bella kapag nalaman niya,” babala niya kay Lyneth.“Huwag kang mag-alala. Mahal ni Matthew si Bella. Hindi naman ako magtatagal bilang secretary ni Sir Matthew.”“Kumusta si Bella? Okay lang ba siya? Gawan mo ng paraan para malaman ko kung nasaan siya. Magbabayad ako. Work for m
Hindi matanggap ni Jace na nagpakasal si Bella sa iba! Bakit parang dinurog ang puso niya ng ilang libong beses?Tinawagan niya si Anthony. “Pinsan, pagalawin mo ang tao mo. Saan ang kasal nila Matthew at Bella?”“Wala kong ideya. Napaka-private ng wedding. Talagang nagpakasal lang sila at susunod na lang daw magpapakasal ng engrande at ayaw pumayag ng pamilya ni Matthew sa simpleng kasal.”“Gawaan mo ng paraan na malaman. Nasaan sila ngayon? Hindi pwedeng matuloy ang kasal!”“Pinsan, tama na ‘yan. Hayaan mo na si Bella. Ibinalik na niya ang kumpanya hindi ba? Ano pa ang hinahabol mo?”“I will not let her go. Gagantihan ko siya sa mga kasalanan niya.”“Pinsan, para sa katahimikan mo. Forgive and forget.”“Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Kailangan ko ang impormasyon. Madami kang kilala hindi ba? At isa pa ay kapwa mo lawyer si Matthew. Bibigyan kita ng isang oras upang alamin ang detalye sa kasal.”“Pamilya ng lawyer ang mga Sandoval. Imposible maging peke ang kasal ng dalawa. Ano pa
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na