Parang gusto niyang maglahong parang bula ng magbukas ang elevator. At muntik siyang himatayin ng makilala kung sino ang isa sa taong naghihintay sa labas. Si Don Ricardo na ang mukha ay nanunukso. Tila masayang masaya ito sa eksenang naabutan. Baka akalain nito ay nagkakamabutihan na sila ni Jace.Sana naman ay hindi kumalat ang halikan nila ni Jace sa elevator. Mga investor naman ang kasama ni Don Ricardo at hindi sila kilala. Ngunit ipinakilala sila nito sa tatlong Japanese investors bilang mag-asawa at sinabi din nito ang posiyon nila sa Land Sheperd Corporation. At isa pa ay aattend sila ng meeting ni Jace kasama si Don Ricrado at ang mga ito.Dahil successful ang meeting nila sa partnership, inimbitahan sila ng isa sa investor sa pag-aari nitong beach house sa kanilang lugar. Dahil may flight si Don Ricardo kinabukasan ay silang dalawa ni Jace ang isinangkalan nito upang pagpunta. Wala siyang nagawa kundi ang sumama kay Jace upang palawakin ang kanilang network. Posibleng may mg
Iniangat ni Bella ang tingin. Nagkasalubong ang mga mata nila ni Jace. Kulay brown ang mata ng binata na binagayan ng makapal na kilay. Boom! She’s lost. There’s something in his eyes that she couldn’t explain. Bakit nakikita niya sa mga mata nito ang sarili niya? Bakit pakiramdam niya ay kakampi niya ito sa anumang laban at kahit anong mangyari ay safe siya. She felt home? Imposible! Wala silang magandang pinagsamahan para makaramdam siya ng ganito.Bahagyang itinulak niya si Jace bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan dahil sa sensasyong hatid ng haplos ng binata. Nagglalakbay ang kamay nito sa kanyang likod at beywang. Halos wala na ding hangin na makakadaan sa kanilang pagitan. Ilang hibla na lang at magdidikit na ang kanilang mga labi. Langhap niya ang mabangong hininga nito na may kahalong alak. Naliliyo siya at tila jelly ang kanyang tuhod.Kumalas siya sa pagkakahawak nito at malalaki ang hakbang na natungo sa rest room. Dumaan siya sa likuran upang umuwi na. Natatakot siya
Hinaplos ng babae ang kanyang mukha. “Hmmm, Jace ang pangalan mo. Ako si Bella. Yes, mag-asawa tayo,” sabi ng kaharap.Kunot ang noo nito. “Nasaan ang mga magulang ko? May kapatid ba ako?”“Yes, palagi andito ang mga magulang mo noong wala ka pang malay. Tinawagan ko na sila at pabalik na sila dito sa ospital. May naging problema lang sa negosyo. Wala kang kapatid, nag-iisang anak ka ng mga Malvar.”Tumango tango siya.“Magpagaling ka at babalik din ang alaala mo kaya don’t force yourself to remember anything. I’m here. I will never leave you.” Ngumiti ang asawa sa kanya.Her words were comforting. Simpleng ngiti but has the power to remove all his worries away.“Kumain ka muna. Ano ang gusto mong kainin? You are in a deep sleep for seven days,” anang babae na nagpakilalang si Bella.“Hindi ako nagugutom. Matagal na ba tayo mag-asawa? Saan tayo nagkakilala?”Muling ngumiti ng matamis ang babae at masuyong hinawakan ang kanyang kamay.“Madami tayong panahon para pag-usapan ang nakaraan
Nakatulugan na niya ang paghihintay kay Bella. Hindi ito umuwi ng maaga para sabayan siyang kumain ng dinner. Lumabas siya ng kwarto at nakita niyang kumakain na ito ng breakfast. Pinigil niya ang sariling kwestyunin ito. Ayaw niyang mag-away sila.“Gising ka na pala. Kumain ka na. Ano ang gusto mo? Nagluto si Aling Isay ng sopas. Pero if my iba kang gusto magsabi ka lang,” nakangiti si Bella sa kanya kaya nabawasan ang inis niya.Mas lalong wawala ang inis niya ng makita ang mainit na sopas sa mesa. Mukha itong masarap. Creamy at madaming chicken. Ipinagsandok siya ng asawa.Umupo siya katabi nito. Ngunit nanatili siyang hindi gumagalaw.Maang itong napatingin sa kanya. “Oh, kumain ka na. Sabi ni Aling Isay, hindi ka kumain ng dinner.”Syempre, hinihintay kita. Ngunit hindi niya naisatinig.Ibinuka niya ang bibig. “Subuan mo ako.”Sumunod naman ang asawa. Hinipan muna nito ang sopas bago isubo sa kanya.“Masakit pa ba ang braso at kamay mo?”“Medyo masakit pa. Kaya dapat palagi ka sa
Kumaway si Jace sa camera kay Don Ricardo. Natutuwa si Bella na close na ulit ang mag-ama ngunit nangangamba siya na posibleng reaksyon ni Jace kapag nalaman nito ang katotohanan. Natitiyak niyang mas magiging matindi ang pagkamuhi nito sa kanya.Nag-uusap ang mag-ama habang nakayakap sa kanyang likuran si Jace. Nakahinga siya ng maluwag ng ibaba na ng Don ang cellphone. Kumawala siya sa pagkakayakap ng asawa. Ngunit ayaw siyang bitawan ng binata. Kinabig siya nito ay hinalikan sa labi. Tila siya yelong natutunaw sa init ng halik nito.“Wait, hindi pa magaling ang singaw ko.”“I don’t care!” anang lalaki at muling sinakop ang kanyang bibig. Malalim nag halik ng binata at naghahanap ng katugon. Napakapit siya sa biceps nito. Nag-aaway ang puso at utak niya kung itutulak o kakabigin pa lalo palapit sa kanya ang lalaki.Sinunod niya ang huli. Isiniksik siya ang katawan kay Jace at ginagad niya ang galaw ng labi nito.Bahagya niya itong itinulak. “Tama na baka may makakita sa atin dito,”
Kinabukasan ay kinailangan niyang pumasok sa Land Sheperd Corporation upang pumirma ng ilang deals ng kumpanya. Nakangiti siya habang nagbabasa ng mga papeles at napapakanta pa.“Ms. Bella, mukhang good mood po kayo ngayon ah. Ano po ang ganap?” bati ni Lyneth.“Ha? Wala naman.”“Kasi ngayon ko lang po kayo nakitang nakangiti ng tunay. Ngiting in love po kayo eh. Sino po ang maswerteng lalaki?”Naiiling na ibinalik niya ang atensyon sa kanyang ginagawa. Kailangan nga pala niyang bilisan upang makauwi agad. At nangiti siyang muli ng maalala si Jace. Nababaliw na yata siya. Umattend pa siya ng meeting kasama si Don Ricardo kaya gabi na din siya nakauwi. Hinatid na siya ng Don sa farm upang makasama din nito si Jace. Nagkwentuhan ang mag-ama habang nag-iinuman. Masaya siya na nagkasundo na muli ang dalawa. Dinig pa niya ang tawanan ng mga ito.Biglang tinawag siya ng Don. Humahangos niyang pinuntahan ang dalawa. Nadatnan niyang sapo ni Jace ang ulo.“Bakit? Ano ang masakit? Tatawag ako n
Tumawa si Bella ng hindi alam kung ano ang isasagot kay Jace. Hindi siya nito mahal kaya hindi siya umaasang magiging mabuti ang pakikitungo nito sa kanya. Bumigat ang kanyang kalooban.“Jace, naging mabuti kang asawa,” aniya sabay hawak niya sa kamay nito.“I’ll be a better husband kaysa dati, pangako!” masiglang sabi nito.“Okay, aasahan ko ‘yan.”Pumasok na sila sa kwarto matapos maghapunan at magkwentuhan. Tila hindi na makapaghintay si Jace, pagkalapat ng pinto ay hinalikan siya ng mariin sa labi. Matagal na niyang pinag-isipan at handa na siyang magpaubaya. Gumanti siya ng halik nito, maalab. Tila siya natutupok sa apoy. Nang sinimulang tanggalin ni Jace ang butones sa likod ng kanyang dress ay bahagya siyang gininaw. Nahantad ang kanyang dibdib. Pinagsalikop niya ang mga braso upang takpan ito. Nahihiya siya.“Shhhh, love, they are perfect,” anang asawa habang marahang hinahaplos ang kanyang dibdib na may takip pang bra. Tinulungan niya itong alisin ang strap ng kanyang bra. Ma
Pagkagising ni Jace kinabukasan ay natutulog pa sa tabi niya si Bella. Napansin niya ang pulang mantsa sa bedsheet. Nagsisisi siya sa nagawang kapangahasan kagabi. Siya ang unang lalaki sa buhay ng asawa. Kailangan niyang makausap ang ama. Maraming tanong sa isip niya ang dapat masagot. Hindi niya alam kung paano haharapin si Bella. Hiyang hiya siya sa pananamantala niya dito kaya nagdesisyon siyang iwan muna ito. Napakalaki ng kasalanan niya sa asawa.Dinalaw niya ang ina at ama sa mansyon ng mga Malvar. Walang gaanong nabago sa bahay, maliban sa mas pinalaking garden sa harapan na siyang libangan ng ina. Alam niyang magkikita sila ng ama dito dahil kapag Linggo ay nasa bahay lamang ito. Kailangan niya itong makausap.Halos tumakbo ang Donya sa pagsalubong sa anak. Mahigpit itong yumakap sa kanya. Habang nakamasid lamang sa likod si Don Ricardo. Tila ay sinusukat ang kalooban niya. Malamang ay nakatawag na si Bella o Anthony at sinabing bumalik na ang alaala niya.“Welcome home anak,
“Honey, kumain ka na,” malambing na sabi ni Bethany kay Jace.“Bethany, I will send your last allowance and additional bonus. Ayaw na kitang makita,” sabi ni Jace.“Nagkabalikan na ba kayo? Imposible naman ‘yan. May asawa na ang ex-wife mo.”“Makakaalis ka na.”“Well, you can use me to make her jealous. Kaming mga babae, selos ang ikakamatay namin. Hindi namin kayang makitang ang lalaking mahal namin ay nagbibigay ng atensyon sa iba.”Napatingin siya sa babae. May punto ito. “Sige, tatawagan kita kapag kailangan.”Dumating si Donya Carmelita.“Kumusta ka anak? Ano ba ang nangyari?” nag-aalalang sabi nito.Naikwento niya sa ina ang tangkang pagkidnap kay Bella.“Jace, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganyang bagay. Dapat tumawag ka ng pulis. Paano kung napahamak ka? Naospital ka pa dahil sa babaeng iyon.”“Hindi ko papabayaan si Bella.”Huminga ng malalim ang kanyang ina.“Jace, bakit nabawasan ang parte ko sa kita ng Land Sheperd Corporation this month? May pagkakamali sa accounting.”
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, naging busy lang. Tinignan ko ang kumpanya at hindi maganda ang sitwasyon, so I decided to go back.”Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Matthew. “Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo kailangang bumalik sa trabaho.”“Hindi naman ako mahihirapan. Mag-momonitor lang ako. Importante sa akin ang Land Sheperd Corporation.”“Okay, I’m just worried. Ihahatid na kita pauwi.”“Hey, madami pa kaming dapat pag-usapan ni Bella,” singit ni Jace.“Mr. Malvar, mag-uumpisa ako ng trabaho bukas. Uuwi na ako,” aniyang humawak sa braso ni Matthew.Nasa parking na sila ng magsalita si Matt.“Bella, sigurado ka ba sa desisyon mo? Parang bumalik ka sa umpisa. Makikita mo si Jace at guguluhin ka niya.”“Malaki ang kai
“Okay, mananatili ako as long as tutulungan mo ako. Nakakapanghinayang talaga kung babagsak ang Land Sheperd Corporation. Hindi ito magugustuhan ni daddy sa langit,” sabi ni Jace.“Deal! Pagtulungan nating iahon ang kumpanya,” sagot ni Bella. Nahuli niya ang ngiti sa labi ng dating asawa.“Mr. Malvar, this is purely business. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa akin.”Itinaas ni Jace ang dalawang kamay. “Of course. I have already moved on. May asawa ka na at ako naman ay may Bethany na. Magpapakasal na din kami soon.”Hindi niya mawari na tila may pumana sa puso niya na may lason at unti-unting kumakalat sa kanyang puso. Inawat niya ang sarili sa nararamdaman. Mainam at titigil na ito sa paghabol sa kanya. At isa pa, gusto din niya itong makitang masaya at magkaroon ng sariling pamilya.Niyaya siya nito sa dati niyang opisina na mukhang pina-renovate at bago ang interior design. Maganda ang bagong opisina niya.“Wow, hindi ka naman ready sa pagbabalik ko.”“Matagal ko ng ipinagawa ito. Y
Kasabay ng lagabag ni Jace sa lapag ang pagbangon ni Bella kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng kama.Nakita niya ang mga paa ni Bella na bumaba sa kama. Masikip sa ilalim. Para siyang maso-soffucate ngunit tiniis niya. Humiga ulit si Bella sa kama. Naghintay siya ng ilang minuto bago lumabas at pagmasdan ang natutulog na dating asawa.She fell in love first but he fell in love harder. Parang sasabog ang puso niya sa labis na pagmamahal sa asawa. At hindi siya papayag na hindi niya ito mabawi.Binili niya ang isang bahay na nasa compound kung saan nakatira si Bella. Nakita niya itong naglalakad. Ibinigay ni Lyneth ang schedule sa buong araw ni Bella. Nag-mask siya at nagsuot ng jacket na may hoodie. Susundan niya lang ito mula sa malayo. Sapat na sa ngayon na matanaw niya ito. Lumiko ito sa kanto at bigla itong sumulpot na may dalang malaking sanga ng puno na inihampas sa kanya.“Sino ka?! Bakit mo ako sinsusundan?”Inawat niya ito. “Sino nagsabing sinusundan kita? Hindi
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth