Tumawa si Bella ng hindi alam kung ano ang isasagot kay Jace. Hindi siya nito mahal kaya hindi siya umaasang magiging mabuti ang pakikitungo nito sa kanya. Bumigat ang kanyang kalooban.“Jace, naging mabuti kang asawa,” aniya sabay hawak niya sa kamay nito.“I’ll be a better husband kaysa dati, pangako!” masiglang sabi nito.“Okay, aasahan ko ‘yan.”Pumasok na sila sa kwarto matapos maghapunan at magkwentuhan. Tila hindi na makapaghintay si Jace, pagkalapat ng pinto ay hinalikan siya ng mariin sa labi. Matagal na niyang pinag-isipan at handa na siyang magpaubaya. Gumanti siya ng halik nito, maalab. Tila siya natutupok sa apoy. Nang sinimulang tanggalin ni Jace ang butones sa likod ng kanyang dress ay bahagya siyang gininaw. Nahantad ang kanyang dibdib. Pinagsalikop niya ang mga braso upang takpan ito. Nahihiya siya.“Shhhh, love, they are perfect,” anang asawa habang marahang hinahaplos ang kanyang dibdib na may takip pang bra. Tinulungan niya itong alisin ang strap ng kanyang bra. Ma
Pagkagising ni Jace kinabukasan ay natutulog pa sa tabi niya si Bella. Napansin niya ang pulang mantsa sa bedsheet. Nagsisisi siya sa nagawang kapangahasan kagabi. Siya ang unang lalaki sa buhay ng asawa. Kailangan niyang makausap ang ama. Maraming tanong sa isip niya ang dapat masagot. Hindi niya alam kung paano haharapin si Bella. Hiyang hiya siya sa pananamantala niya dito kaya nagdesisyon siyang iwan muna ito. Napakalaki ng kasalanan niya sa asawa.Dinalaw niya ang ina at ama sa mansyon ng mga Malvar. Walang gaanong nabago sa bahay, maliban sa mas pinalaking garden sa harapan na siyang libangan ng ina. Alam niyang magkikita sila ng ama dito dahil kapag Linggo ay nasa bahay lamang ito. Kailangan niya itong makausap.Halos tumakbo ang Donya sa pagsalubong sa anak. Mahigpit itong yumakap sa kanya. Habang nakamasid lamang sa likod si Don Ricardo. Tila ay sinusukat ang kalooban niya. Malamang ay nakatawag na si Bella o Anthony at sinabing bumalik na ang alaala niya.“Welcome home anak,
Maliwanag pa sa sikat ng araw sa tanghaling tapat na wala talaga kahit kaunting pagtingin sa kanya si Jace.“Good for both of you. Pwede ka ng umalis kung iyon lang ang sasabihin mo,” aniya kay Maecy.“Jace wants an annulment, at hindi ka naman siguro tututol, hindi ba?” paniniguro nito.“Kailan ba kayo huling nag-usap? Hindi ka yata updated. Matagal ng nasa proseso ang annulment ng kasal namin,” nababagot niyang sagot.Nakita niya ang tagumpay sa mga mata nito.“Pinapasabi nga pala niya na huwag na huwag kang lalapit sa kanya matapos mo siyang lokohin ulit. Matindi ka din talaga, ano? Basta makakita ng ng pagkakataon ay susunggaban mo. Desperada ka pa din hanggang ngayon. Hindi ka magugustuhan ni Jace! Ambisyosa ka. Nakakuha ka na ng mataas na posisyon sa kumpanya gusto mo pa na masiguro ang pagbubuhay reyna mo.”“Makakaalis ka na,” tangi na lamang niyang nasabi bago pa tumulo ang luha sa mga mata niya sa harapan ng babae. Hindi na siya lumaban, totoo naman ang mga sinabi nito. At is
Nakaharap sa tambak na papeles si Jace sa opisina at napakadaming kontratang dapat niyang pag-aralan ngunit eto siya at hindi mapakali. Akala niya noong una ay nagbakasyon lamang si Bella. Tuluyan na pala itong nag-resign. Mukhang seryoso itong iwasan siya.Tumawag sa kanya si Anthony at sinabing nag-follow up si Bella tungkol sa annulment. Nais niyang harangin ang proseso. Ayaw niyang mawala ng tuluyan asawa. Tumayo siya at nagdesisyong pupuntahan ito upang makipag-usap. Yayayain niya ito na magsimulang muli. Puro trabaho ang inatupag niya nitong mga nakaraang araw. Gusto niyang makabawi sa pamilya at maipagmalaki kay Bella na kaya na niyang patakbuhin ang kompanya ng pamilya dahil sa mga itinuro nito. Kaya ang buong oras at panahon ay ginugol niya sa negosyo.Sana ay makausap niya si Bella. Hihingi siya ng tawad sa mga maling hinala niya. Sa lahat ng kasalanan niya simula sa umpisa hanggang sa huli. Hindi pa naman siguro huli ang magsisi siya sa lahat ng nagawa niyang kamalian.Ngun
“Ang layo pala ng nilipatan mo. Medyo naligaw pa nga ako sa paghahanap ng daan,” sa halip ay sagot ni Jace na umiwas sa sinabi ni Bella.“Uulitin ko lang, sana ay tigilan mo na ako sa plano mong maghiganti. Pinagsisihan ko ang ginawa kong pamimikot sa’yo. Pangako kong hindi na din kita guguluhin. Hangad ko ang kaligayan ninyo ni Maecy.”“Matagal na kaming wala ni ---.”“Sige na, busy ako. Mauuna na akong umuwi,” aniya at humakbang ng malaki. Sa totoo lang ay ayaw n aniyang makadinig ng kahit ano tungkol dito. Tahimik na buhay na lamang ang gusto niya.“Ihahatid na kita,” ani Jace.“Hindi na, may kotse akong dala.”“Convoy na lang kita.”Hindi na niya ito pinansin. Mukhang matindi ang pagnanais nitong gumanti at gusto siyang inisin. Napailing na lamang siya. Hindi din niya ito masisi. Matindi din ang ginawa niyang pagsisinungaling dito.Nagdrive siya pauwi. Napagod siya. Iba na ang katawan niya. Dumadalas na din ang pagkirot ng kanyang tiyan. Maya-maya ay may napansin siyang sasakyang
Naisip ni Bella na lumabas uli ng madinig niyang nagpaalam na si Jace kay Jenny. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago bumalik sa sala. Nadinig niya ang tunog ng palayong kotse nito.Sinita niya si Jenny. “Bakit ini-entertain mo ang lalaking ‘yon? Parang awa mo na, next time ay huwag mo ng papasukin dito at sabihin mong wala ako.”“Sabi kasi niya boyfriend mo daw siya. Nakakahiya naman kung papauwiin ko. Mabait naman ‘yung tao at libre pa dinner natin may pam-breakfast pa nga,” pabirong sabi ni Jenny.Nakuha na ng binata ang loob ng kaibigan. Magaling talaga mambola si Jace.“Basta sa susunod huwag mo ng papasukin dito. Magdahilan ka na lang na wala ako.”“Sige, pasensya ka na.” Medyo nakunsensya siya ng pagsabihan ang kaibigan. Hindi nito alam ang kanyang sitwasyon kahit ang sakit niya. Si Crissy at ang sekretarya lamang niya ang nakakaalam.May tumatawag sa labas ng bahay. “Tao po, tulungan po ninyo ‘yung bisita po ninyo, binubugbog po sa kanto.”Nagulantang siya sa balita. Humahan
Marahan niya itong itinulak. “Makakaalis ka na, Jace.”Baka kapag nagtagal pang magkapat ang kanilang mga labi ay mabura lahat ng agam agam at pag-aalinlangan niya. Tahimik namang sumunod ang binata.Pag-akyat at pagpasok sa kwarto ay tsaka pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigil. Mahal niya si Jace. Mahal na mahal. Noon at hangang kabilang buhay. Ngunit ayaw na niyang masaktan at ayaw din niya itong masaktan. May mga taong hindi talaga para sa isa’t isa. At isa pa’y ilang panahon na lamang ang nalalabi sa kanya.Kinabukasan ay nagulat pa siya ng makita ito sa labas ng coffee shop niya.“Anong ginagawa mo dito? Makulit ka din ano?”“Nag-aaply akong waiter. Hiring ka, oh?” sabay turo nito sa nakapost na vacancy. Inaabot nito sa kanya ng folder na may lamang CV. May nakadikit pang picture.“Jace, hindi ako nakikipaglokohan sa’yo,” mataray niyang sabi.“Seryoso ako, I need a job. Sa tingin ko magandang training na magsimula sa mababang posisyon at para maranasan ko din ang nararanasa
Pilit inaagaw ni Bella ang cellphone sa kamay ni Jace. Kaso ay 6 feet tall ang binata kaya matangkad itong di hamak sa kanya.Napasubsob na siya sa mukha nito kakahabol sa cellphone niyang itinaas nito. Para tuloy hinalikan niya ito sa pisngi. Nagkatitigan sila.Tumigil na sa pagtunog ang cellphone niya. Nakahinga siya ng maluwag ng ibigay na nito ang kanyang phone.“Pakialamero ka din!” aniya sabay irap sa lalaking nakangisi pa.Dumating ang limang lalaking gagawa ng signage. Mainam na lamang at tumila na ang ulan. Naupo sa isang upuan si Jace. Nakatutok ito sa laptop. Alam niyang madami itong ginagawa kaya nagtataka siya at tumatambay ito sa Love Café. Kahit nga bumili ng isangdaang coffee shop ay kaya nito.Tutok ito sa ginagawa kaya naman malaya niya itong napagmasdan. Tila mas lumaki ang pangangatawan nito. Bakat ang malaking biceps sa T-shirt na suot. Inawat niya ang sarili. Nahuhumaling na naman siya sa taglay nitong karisma.Natapos ang manggagawa. Nagmamadaling isinara ni Jac
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth
Bakas ang kalituhan sa mukha ni Lyneth.“Sumagot ka! Buntis si Bella?” ani Jace na hindi alam kung ano ang mararamdaman.“Ano ang nakakapagtaka kung buntis man siya? May asawa siya.”Tila may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. “Ilang months na? At sino ang ama?”Bakit may bahagi ng puso niya na naiisip na baka siya ang ama pero imposible dahil matagal na nung huling may nangyari sa kanila.“Sir Jace, aalis na po ako.”“Nasaan si Bella? Gusto ko siyang makausap.”“Sir Jace, tama na po at huwag ninyong bigyan ng stress si Ms. Bella. At isa pa hindi ko din po alam kung nasaan siya. Iaabot ko lang po ito kay Sir Matt.”“Binabalaan kita, tigilan mo ang pakikipareglasyon mo sa asawa ng kaibigan mo. Masasaktan si Bella kapag nalaman niya,” babala niya kay Lyneth.“Huwag kang mag-alala. Mahal ni Matthew si Bella. Hindi naman ako magtatagal bilang secretary ni Sir Matthew.”“Kumusta si Bella? Okay lang ba siya? Gawan mo ng paraan para malaman ko kung nasaan siya. Magbabayad ako. Work for m
Hindi matanggap ni Jace na nagpakasal si Bella sa iba! Bakit parang dinurog ang puso niya ng ilang libong beses?Tinawagan niya si Anthony. “Pinsan, pagalawin mo ang tao mo. Saan ang kasal nila Matthew at Bella?”“Wala kong ideya. Napaka-private ng wedding. Talagang nagpakasal lang sila at susunod na lang daw magpapakasal ng engrande at ayaw pumayag ng pamilya ni Matthew sa simpleng kasal.”“Gawaan mo ng paraan na malaman. Nasaan sila ngayon? Hindi pwedeng matuloy ang kasal!”“Pinsan, tama na ‘yan. Hayaan mo na si Bella. Ibinalik na niya ang kumpanya hindi ba? Ano pa ang hinahabol mo?”“I will not let her go. Gagantihan ko siya sa mga kasalanan niya.”“Pinsan, para sa katahimikan mo. Forgive and forget.”“Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Kailangan ko ang impormasyon. Madami kang kilala hindi ba? At isa pa ay kapwa mo lawyer si Matthew. Bibigyan kita ng isang oras upang alamin ang detalye sa kasal.”“Pamilya ng lawyer ang mga Sandoval. Imposible maging peke ang kasal ng dalawa. Ano pa
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na