“Ang layo pala ng nilipatan mo. Medyo naligaw pa nga ako sa paghahanap ng daan,” sa halip ay sagot ni Jace na umiwas sa sinabi ni Bella.“Uulitin ko lang, sana ay tigilan mo na ako sa plano mong maghiganti. Pinagsisihan ko ang ginawa kong pamimikot sa’yo. Pangako kong hindi na din kita guguluhin. Hangad ko ang kaligayan ninyo ni Maecy.”“Matagal na kaming wala ni ---.”“Sige na, busy ako. Mauuna na akong umuwi,” aniya at humakbang ng malaki. Sa totoo lang ay ayaw n aniyang makadinig ng kahit ano tungkol dito. Tahimik na buhay na lamang ang gusto niya.“Ihahatid na kita,” ani Jace.“Hindi na, may kotse akong dala.”“Convoy na lang kita.”Hindi na niya ito pinansin. Mukhang matindi ang pagnanais nitong gumanti at gusto siyang inisin. Napailing na lamang siya. Hindi din niya ito masisi. Matindi din ang ginawa niyang pagsisinungaling dito.Nagdrive siya pauwi. Napagod siya. Iba na ang katawan niya. Dumadalas na din ang pagkirot ng kanyang tiyan. Maya-maya ay may napansin siyang sasakyang
Naisip ni Bella na lumabas uli ng madinig niyang nagpaalam na si Jace kay Jenny. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago bumalik sa sala. Nadinig niya ang tunog ng palayong kotse nito.Sinita niya si Jenny. “Bakit ini-entertain mo ang lalaking ‘yon? Parang awa mo na, next time ay huwag mo ng papasukin dito at sabihin mong wala ako.”“Sabi kasi niya boyfriend mo daw siya. Nakakahiya naman kung papauwiin ko. Mabait naman ‘yung tao at libre pa dinner natin may pam-breakfast pa nga,” pabirong sabi ni Jenny.Nakuha na ng binata ang loob ng kaibigan. Magaling talaga mambola si Jace.“Basta sa susunod huwag mo ng papasukin dito. Magdahilan ka na lang na wala ako.”“Sige, pasensya ka na.” Medyo nakunsensya siya ng pagsabihan ang kaibigan. Hindi nito alam ang kanyang sitwasyon kahit ang sakit niya. Si Crissy at ang sekretarya lamang niya ang nakakaalam.May tumatawag sa labas ng bahay. “Tao po, tulungan po ninyo ‘yung bisita po ninyo, binubugbog po sa kanto.”Nagulantang siya sa balita. Humahan
Marahan niya itong itinulak. “Makakaalis ka na, Jace.”Baka kapag nagtagal pang magkapat ang kanilang mga labi ay mabura lahat ng agam agam at pag-aalinlangan niya. Tahimik namang sumunod ang binata.Pag-akyat at pagpasok sa kwarto ay tsaka pumatak ang luhang kanina pa niya pinipigil. Mahal niya si Jace. Mahal na mahal. Noon at hangang kabilang buhay. Ngunit ayaw na niyang masaktan at ayaw din niya itong masaktan. May mga taong hindi talaga para sa isa’t isa. At isa pa’y ilang panahon na lamang ang nalalabi sa kanya.Kinabukasan ay nagulat pa siya ng makita ito sa labas ng coffee shop niya.“Anong ginagawa mo dito? Makulit ka din ano?”“Nag-aaply akong waiter. Hiring ka, oh?” sabay turo nito sa nakapost na vacancy. Inaabot nito sa kanya ng folder na may lamang CV. May nakadikit pang picture.“Jace, hindi ako nakikipaglokohan sa’yo,” mataray niyang sabi.“Seryoso ako, I need a job. Sa tingin ko magandang training na magsimula sa mababang posisyon at para maranasan ko din ang nararanasa
Pilit inaagaw ni Bella ang cellphone sa kamay ni Jace. Kaso ay 6 feet tall ang binata kaya matangkad itong di hamak sa kanya.Napasubsob na siya sa mukha nito kakahabol sa cellphone niyang itinaas nito. Para tuloy hinalikan niya ito sa pisngi. Nagkatitigan sila.Tumigil na sa pagtunog ang cellphone niya. Nakahinga siya ng maluwag ng ibigay na nito ang kanyang phone.“Pakialamero ka din!” aniya sabay irap sa lalaking nakangisi pa.Dumating ang limang lalaking gagawa ng signage. Mainam na lamang at tumila na ang ulan. Naupo sa isang upuan si Jace. Nakatutok ito sa laptop. Alam niyang madami itong ginagawa kaya nagtataka siya at tumatambay ito sa Love Café. Kahit nga bumili ng isangdaang coffee shop ay kaya nito.Tutok ito sa ginagawa kaya naman malaya niya itong napagmasdan. Tila mas lumaki ang pangangatawan nito. Bakat ang malaking biceps sa T-shirt na suot. Inawat niya ang sarili. Nahuhumaling na naman siya sa taglay nitong karisma.Natapos ang manggagawa. Nagmamadaling isinara ni Jac
Nagtalukbong si Bella ng kumot ng bumalik na si Jace. Nakunwari siyang natutulog. Naramdaman niya ang paghiga nito sa kabilang side ng kama.“Bella,” mahinang tawag nito. Hindi siya kumibo.Naramdaman niya ang pag-usad nito palapit sa kanya. Inalis nito ang unan na nakaharang. Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang mainit nitong katawan sa kanyang likuran. Inilagay ng binata ang braso sa kanyang beywang at niyapos siya. Hindi siya makapalag. Pasimple siyang umusog ng bahagya kaso ay mas humigpit ang yakap nito. Maginaw ang panahon. Tamang tama ang init ng katawan nito.Masikat na ang araw ang magmulat siya ng mata. At nakayakap siya sa lalaking tulog pa. Medyo gumalaw ito. Agad niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niya ang pagsayad ng labi nito sa kanyang noo. Hinihintay niyang bitawan siya ng lalaki. Ilang minuto na ang nakakalipas ay nakayakap pa din ito. Hinawi nito ang kanyang buhok.Dumilat na siya at nabungaran niya ang gwapong mukha na nakatunghay sa kanya. Naglapat ang
Nakahanda na naman si Bella na buong tapang na harapin ang buhay at kamatayan dahil kay Jace. Ninamnam niya ang matamis na halik nito. Lasing naman ito. Tiyak na wala itong maaalala paggising. Ikinawit niya ang kamay sa leeg nito.Naging mapangahas ang halik ng binata. Naghahanap ng katugon. Ginagad niya ang galaw ng labi nito. He’s kissing her passionately. Hindi ito nakuntento at tila may hinahanap sa loob ng kanyang bibig. Ipinasok nito ang dila sa loob at nilaro ang dila niya. Marahan nitong kinagat ang kanyang labi. Umalon ang puson niya sa sarap ng halik. Ramdam niya ang pag-iinit ng katawan.Naramdaman niya ang pagsapo nito sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata niya na ipasok nito ang kamay sa loob ng kanyang suot na blouse. Marahan nitong pinipiga ang kanyang dibdib. Nilalapirot nito ang kanyang nipples.Niyaya siya ni Jace sa likod ng kotse. Hindi naghihiwalay ang kanilang labi. Tumayo siya ay umalis sa driver’s seat. Kinandong siya nito. Inalis nito ang mga butones sa kany
Nagising siya sa ingay mula sa kusina. Napabalikwas siya at agad napalabas upang silipin ang pinagmulan ng ingay at baka may nakapasok na masamang loob sa bahay niya. Nakamanipis siyang pantulog at hindi na nakapagbihis sa pagmamadali.Naabutan niya si Jace na naghahanda ng agahan. Nakalimutan niyang dito nga pala natulog ang lalaki matapos na may mangyari sa kanila ng tatlong beses kagabi. Namula ang kanyang pisngi ng maalala ang naganap. Napatakip siya sa dibdib, wala siyang suot na bra.“Breakfast is ready, my queen,” masiglang bungad nito.Nanlaki ang mata niya ng lumapit si Jace at buhatin siya. Nababaliw na yata ito. Nakaharang ang kamay niya sa dibdib. Teka, naalala kaya nito ang nangyari kagabi? Sana ay hindi.Nasamid siya bago magsalita ng ibaba siya nito sa upuan. “May naalala ka ba kagabi?”Nag-isip ang binata. “Nakipag-inuman ako kina Marlon. Napadami ang inom ko. Ang tagal ko ng hindi nakakainom kaya tinamaan talaga ako kagabi. Tapos----”“Tapos?” aniyang hinihintay ang s
Pero mas magiging masaya siyang lilisan sa mundong ibabaw kung makakatagpo si Jace ng babaeng tunay na magmamahal dito. Magaling kumilatis si Don Ricardo ng tao, alam niyang mabuting babae ang napili nito para sa anak.Sabay na silang pumasok sa Love Café. Hindi pa sila bukas ay may pila na agad sa labas. Masigla lahat ng employee niya sa trabaho. Iba din kasi ang energy na dala ni Jace. Nakakahawa ang good vibes nito. Ito din ang nakaisip ng post it section kung saan pwede mag-post ng messages o pictures ang mga costumer nila. May proposal pa ito na mag-extend daw sila ng area para sa may mga bata at magpatayo ng playground para pwedeng magrelax at magkape ang mga nanay.As usual, madaming nagpapa-picture kay Jace. Gwapo kasi talaga ito. Noon at ngayon. Masaya na siya na nakalapit niya ito. Akala niya ay makakamatayan na lamang niya ang galit nito. Bakit nga ba hindi niya i-enjoy ang nalalabing panahon na kasama niya ang binata? Para ano? Para masaktan si Jace kung sakaling mapalapit
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth
Bakas ang kalituhan sa mukha ni Lyneth.“Sumagot ka! Buntis si Bella?” ani Jace na hindi alam kung ano ang mararamdaman.“Ano ang nakakapagtaka kung buntis man siya? May asawa siya.”Tila may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. “Ilang months na? At sino ang ama?”Bakit may bahagi ng puso niya na naiisip na baka siya ang ama pero imposible dahil matagal na nung huling may nangyari sa kanila.“Sir Jace, aalis na po ako.”“Nasaan si Bella? Gusto ko siyang makausap.”“Sir Jace, tama na po at huwag ninyong bigyan ng stress si Ms. Bella. At isa pa hindi ko din po alam kung nasaan siya. Iaabot ko lang po ito kay Sir Matt.”“Binabalaan kita, tigilan mo ang pakikipareglasyon mo sa asawa ng kaibigan mo. Masasaktan si Bella kapag nalaman niya,” babala niya kay Lyneth.“Huwag kang mag-alala. Mahal ni Matthew si Bella. Hindi naman ako magtatagal bilang secretary ni Sir Matthew.”“Kumusta si Bella? Okay lang ba siya? Gawan mo ng paraan para malaman ko kung nasaan siya. Magbabayad ako. Work for m
Hindi matanggap ni Jace na nagpakasal si Bella sa iba! Bakit parang dinurog ang puso niya ng ilang libong beses?Tinawagan niya si Anthony. “Pinsan, pagalawin mo ang tao mo. Saan ang kasal nila Matthew at Bella?”“Wala kong ideya. Napaka-private ng wedding. Talagang nagpakasal lang sila at susunod na lang daw magpapakasal ng engrande at ayaw pumayag ng pamilya ni Matthew sa simpleng kasal.”“Gawaan mo ng paraan na malaman. Nasaan sila ngayon? Hindi pwedeng matuloy ang kasal!”“Pinsan, tama na ‘yan. Hayaan mo na si Bella. Ibinalik na niya ang kumpanya hindi ba? Ano pa ang hinahabol mo?”“I will not let her go. Gagantihan ko siya sa mga kasalanan niya.”“Pinsan, para sa katahimikan mo. Forgive and forget.”“Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Kailangan ko ang impormasyon. Madami kang kilala hindi ba? At isa pa ay kapwa mo lawyer si Matthew. Bibigyan kita ng isang oras upang alamin ang detalye sa kasal.”“Pamilya ng lawyer ang mga Sandoval. Imposible maging peke ang kasal ng dalawa. Ano pa
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na