Hindi sumagot si Bella. Mukhang masama pa din ang loob nito sa kanya. “Bella, bigyan mo ako ng pagkakataong itama ang mga mali kong nagawa. Pinagsisisihan ko ang lahat ng pananakit ko sa’yo. Pwede bang mahalin mo ako ulit? Ayokong mabuhay ng wala ka. Maging tayo na ulit.”Dinampian niya ito ng halik sa noo. Hinagod niya ang likod ng dalaga. Hinigpitan niya ang yakap dito. Tsaka lamang niya napansin na tulog na pala ito sa kanyang dibdib. Binuhat niya ito upang iuwi. Maingat niya itong ipinasok sa sasakyan. Inihiga niya ito sa kama pagdating sa bahay nito. Kumuha siya ng bimpo at tubig upang punasan ang mukha nito. Inalis din niya ang sapatos nito.Napakaganda talaga ni Bella. Kahit noon pang naiinis siya dito. Alam niyang maganda ito at napakabait. Palagi itong nasa kanyang tabi. Isa siyang hangal na hindi pinahalagahan ang pagmamahal nito sa kanya.Nagising ang dalaga. “A-anong gi-ginagawa mo?” utal na sabi nito.“Pinupunasan lang kita ng basang bimpo para maginhawahan ka.”“Tigilan
“Huwag ninyong sasabihin kay Bella na alam ko na. Irespeto natin ang kagustuhan niya kung gusto niyang magpanggap na may boyfriend. Ayoko siyang mapahiya.”Tumango ang magkasintahan.Bumalik siya sa loob ng theme park. Sinabihan niya si Juliana na umuwi na para makapagsolo sila ni Bella.“Tara, sakay tayo ng rides.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga.“Ayaw ko. Wala akong hilig sa rides. Nakakatakot. Si Juliana ang yayain mo.”“Kasama mo ako, bakit ka matatakot?”Hindi lang siya sa rides takot kundi pati sa pagkakasama nilang dalawa. Kaso ay wala na siyang nagawa ng hilahin nito. Sumakay sila sa Ferris Wheel. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Takot siya sa heights.“Huwag kang matakot,” anitong mahigpit ang hawak sa kamay niya. Umupo na sila sa loob at unti-unti silang tumataas.“Close your eyes habang pataas tayo para hindi ka matakot,” anang binata na sinunod naman niya. Umusod ito sa kanyang tabi.“Buksan mo na ang mga mata mo.” Namangha siya sa ganda ng ilaw ng buong kabayanan nil
Maagang nagising si Bella. Binuksan niya ang kurtina at sinalubong ang haring araw. Parang may kakaibang pag-asa ang hatid ng tama ng sinag ng araw sa kanyang mukha. Tulog pa si Jace. Nagulat siya ng bigla itong yumakap mula sa kaniyang likuran.“Bitawan mo ako,” aniyang nagpupumiglas. Hindi siya sanay sa yakap nito.“Matulog pa tayo. Maaga pa.”“Masikat na ang araw. Bumangon na tayo. Baka ma-late tayo sa coffee shop.”“Magagaling ang mga tauhan mo. Kaya na nila ‘yun.”Binuhat siya nito at dinala sa kama. “Higa muna tayo, kahit saglit lang.”Wala na siyang nagawa ang daganan siya nito at ipasok sa loob ng kumot. Pinupog siya ni Jace ng halik sa mukha at leeg.“Araw araw na tayong magkasama magmula ngayon,” anito.Nakatawa ang binata sa kanya. Nakatitig lamang siya dito. Gusto niyang maalala ang ngiting ito sa huling sandali ng kanyang buhay.Natakot siyang masanay sa mainit na yakap nito. Bigla siyang napatayo mula sa pagkakayakap nito kaso ay naipit ang buhok niya sa butones ng pandya
Hinawakan ni Jace ang kanyang kamay na nanlalamig. Tila nais niyang maluha ng makita ito. Pinigil niya ang sarili. Hindi nito dapat malaman ang tunay niyang kalagayan. Hindi muna siya lalayo. Bibigyan niya ang sarili ng ilang araw para makasama ang binata.“Wala, nanghingi lang ako ng reseta kay Crissy, alam mo naman na duktor siya.”“Bukas ay pupunta tayo sa ospital. Dapat ay matignan kang mabuti.”“Tara, umuwi na tayo.”“Umuwi na tayo? Ibig sabihin ay uuwi tayo sa bahay mo?”“Kung ayaw mo ay hindi kita pinipilit.”“Gusto ko. Tara, pero kumain muna tayo bago umuwi.”Tumango siya. Hanggat maaari ay gusto niya itong makasama bago pa siya tuluyang igupo ng sakit.“Naalala mo ‘yun lugawan noong nasa kolehiyo tayo? Bukas pa pala, tara kain tayo.”“Bakit bigla mong naisipang kumain ng lugaw?”“Kasi gusto kong ibalik ang mga araw na sinayang ko noon na dapat sana ay kasama kita. Naalala mo madalas akong mag-almusal doon tapos pinupuntahan mo ako para ibigay ang assignment na ipinagawa ko.”
Tila may bara ang lalamunan ni Bella. “Pag-usapan natin ‘yan sa ibang pagkakataon. Tumila na ang ulan. Tara, umuwi na tayo.”Magkahawak kamay silang tumakbo papunta sa sasakyan. Madaming kwento si Jace kaso ay hindi siya makapag-pokus dahil kumikirot ang kanyang tiyan.Pagdating sa bahay ay tumatakbo siyang nagtungo sa kwarto upang uminom ng gamot. Kumakatok si Jace.“Bella, okay ka lang ba?”Binuksan niya ang pinto. Hindi pa tumatalab ang gamot kaya makirot pa din. Pinilit niyang maging normal sa harap ni Jace. Pinagpapawisan siya ng butil butil sa noo.“Bakit pinagpapawisan ka?”“Wala, tara matulog na tayo. Alam kong pagod ka,” aniya.Tulog na si Jace sa kanyang tabi. Nananatiling gising ang kanyang diwa. Nakatitig siya sa gwapong mukha ng lalaking pinakamamahal. Akala niya ay suntok sa buwan ang magustuhan nito. Matagal na siyang nagdarasal. Natanggap din niya sa katagalan na walang pag-asa na magustuhan siya nito.Kapag kaya patay na siya at maging kaluluwa ay maalala kaya niya si
Huminga ng malalim si Crissy bago sumagot. “Tatlo hanggang limang buwan ang pinakamatagal. Hindi ko masabi. Kumalat na ang cancer cells sa ibang parte ng katawan mo. Pero susubukan natin ang lahat para madugtungan ang buhay mo.”Tumango si Bella. “Tulungan mo ako. Pero ayoko munang ipagsabi ang kalagayan ko lalo kay Jace.”“Bella, mas mainam na may karamay ka sa paglaban mo sa sakit. Kailangan mo ng suporta.”“Sasabihin ko din pero hindi pa ngayon.”Nadinig niya ang usapan ng magkaibigan. Nanatili siyang nakakubli sa pinto ng clinic.Nang madinig niyang nagpaalam na ito kay Crissy ay nagmamadali siyang bumalik sa sasakyan.Hindi siya nagpakita sa dalaga. Bumalik siya kay Dra. Crissy. Parehas silang hindi makapagsalita.“Ngayong alam mo na, tulungan mo ang kaibigan ko.”“Ano ang pwede nating gawin para gumaling si Bella? Handa akong magbayad ng kahit magkano,” desperadong sabi niya.“Susubukan kong kumbinsihin siyang magpagamot sa ibang bansa. May modern technology din tayo dito ngunit
“Mahal na mahal din kita, Jace,” tinakpan niya ng ngiti ang luhang sumusungaw sa mga mata.Agad niya itong hinalikan sa labi upang itago ang luhang papatak na. Ayaw pa niyang mamatay. Gusto pa niyang makasama si Jace ng matagal.Naging malalim ang halik na kanilang pinagsaluhan. Naglaro ang kanilang mga dila. Gumapang ang halik ni Jace sa kanyang mukha pababa sa leeg at balikat. Sinapo nito ang kanyang dibdib mula sa loob ng kanyang blouse. Muli siya nitong hinalikan sa labi na parang katapusan na ng mundo.Inawat niya ito ng naghubad ng t-shirt. “Jace, teka lang. Pumasok tayo sa loob ng van. Doon natin ituloy,” aniyang lumilinga sa paligid at baka may ibang tao.“Ah makulit ka, honey o hon ang itatawag mo sa akin! Dahil diyan, paparusahan kita!”Tawa siya ng tawa. Pinaibabawan siya ni Jace. “Ano ang nakakatawa?” anito sabay kagat sa pang-ibabang labi niya at dilaan ito. My umalon sa kanyang puson sa ginawa ng binata.Itinaas nito ang kanyang blouse at inalis ang hook ng kanyang bra. N
Nanlamig ang katawan ni Bella. Kailan nalaman ni Jace na may sakit siya? Paano nito nalaman? Ayaw niyang masaktan ito. Pumasok si Jace at nakitang hawak niya ang tablet.“Kailan mo pa nalaman na may sakit ako? Kaya ka ba naging mabait sa akin ay dahil mamamatay na ako? Naawa ka lang ba sa akin?” naghihisteryang sigaw niya.“Bakit hindi ka makasagot! Sumagot ka!” aniyang lumuluha.Niyakap siya ni Jace. “Hindi. Nalaman ko lang noong nagpunta ka kay Dra. Crissy, hindi ko sinasadyang madinig ang lahat.”Pinahid nito ang luha niya. “Lalaban tayo sa sakit mo. Tutulungan kita. Maghanap tayo ng best doctors at hospitals na pwedeng makatulong.”“Jace, I’m dying. Mamamatay na ako. Iiwan lang kita. Habang maaga pa at hindi pa ganoon kalalim ang pinagsamahan natin. Lumayo ka na.”Nakita niya ang luhang pumatak mula sa mga mata ng binata. “I’m sorry. Hindi kita susundin. I’ll be here for you. Hindi ako lalayo o aalis. Mananatili ako.”Nagyakap sila ng mahigpit. Napuno ng pag-asa ang puso niya. Napa
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth
Bakas ang kalituhan sa mukha ni Lyneth.“Sumagot ka! Buntis si Bella?” ani Jace na hindi alam kung ano ang mararamdaman.“Ano ang nakakapagtaka kung buntis man siya? May asawa siya.”Tila may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. “Ilang months na? At sino ang ama?”Bakit may bahagi ng puso niya na naiisip na baka siya ang ama pero imposible dahil matagal na nung huling may nangyari sa kanila.“Sir Jace, aalis na po ako.”“Nasaan si Bella? Gusto ko siyang makausap.”“Sir Jace, tama na po at huwag ninyong bigyan ng stress si Ms. Bella. At isa pa hindi ko din po alam kung nasaan siya. Iaabot ko lang po ito kay Sir Matt.”“Binabalaan kita, tigilan mo ang pakikipareglasyon mo sa asawa ng kaibigan mo. Masasaktan si Bella kapag nalaman niya,” babala niya kay Lyneth.“Huwag kang mag-alala. Mahal ni Matthew si Bella. Hindi naman ako magtatagal bilang secretary ni Sir Matthew.”“Kumusta si Bella? Okay lang ba siya? Gawan mo ng paraan para malaman ko kung nasaan siya. Magbabayad ako. Work for m
Hindi matanggap ni Jace na nagpakasal si Bella sa iba! Bakit parang dinurog ang puso niya ng ilang libong beses?Tinawagan niya si Anthony. “Pinsan, pagalawin mo ang tao mo. Saan ang kasal nila Matthew at Bella?”“Wala kong ideya. Napaka-private ng wedding. Talagang nagpakasal lang sila at susunod na lang daw magpapakasal ng engrande at ayaw pumayag ng pamilya ni Matthew sa simpleng kasal.”“Gawaan mo ng paraan na malaman. Nasaan sila ngayon? Hindi pwedeng matuloy ang kasal!”“Pinsan, tama na ‘yan. Hayaan mo na si Bella. Ibinalik na niya ang kumpanya hindi ba? Ano pa ang hinahabol mo?”“I will not let her go. Gagantihan ko siya sa mga kasalanan niya.”“Pinsan, para sa katahimikan mo. Forgive and forget.”“Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Kailangan ko ang impormasyon. Madami kang kilala hindi ba? At isa pa ay kapwa mo lawyer si Matthew. Bibigyan kita ng isang oras upang alamin ang detalye sa kasal.”“Pamilya ng lawyer ang mga Sandoval. Imposible maging peke ang kasal ng dalawa. Ano pa
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na