I wish I have more time to write. Thank you very much po sa patuloy na pagsubaybay, sa comments, at gems! Godbless po!
Huminga ng malalim si Crissy bago sumagot. “Tatlo hanggang limang buwan ang pinakamatagal. Hindi ko masabi. Kumalat na ang cancer cells sa ibang parte ng katawan mo. Pero susubukan natin ang lahat para madugtungan ang buhay mo.”Tumango si Bella. “Tulungan mo ako. Pero ayoko munang ipagsabi ang kalagayan ko lalo kay Jace.”“Bella, mas mainam na may karamay ka sa paglaban mo sa sakit. Kailangan mo ng suporta.”“Sasabihin ko din pero hindi pa ngayon.”Nadinig niya ang usapan ng magkaibigan. Nanatili siyang nakakubli sa pinto ng clinic.Nang madinig niyang nagpaalam na ito kay Crissy ay nagmamadali siyang bumalik sa sasakyan.Hindi siya nagpakita sa dalaga. Bumalik siya kay Dra. Crissy. Parehas silang hindi makapagsalita.“Ngayong alam mo na, tulungan mo ang kaibigan ko.”“Ano ang pwede nating gawin para gumaling si Bella? Handa akong magbayad ng kahit magkano,” desperadong sabi niya.“Susubukan kong kumbinsihin siyang magpagamot sa ibang bansa. May modern technology din tayo dito ngunit
“Mahal na mahal din kita, Jace,” tinakpan niya ng ngiti ang luhang sumusungaw sa mga mata.Agad niya itong hinalikan sa labi upang itago ang luhang papatak na. Ayaw pa niyang mamatay. Gusto pa niyang makasama si Jace ng matagal.Naging malalim ang halik na kanilang pinagsaluhan. Naglaro ang kanilang mga dila. Gumapang ang halik ni Jace sa kanyang mukha pababa sa leeg at balikat. Sinapo nito ang kanyang dibdib mula sa loob ng kanyang blouse. Muli siya nitong hinalikan sa labi na parang katapusan na ng mundo.Inawat niya ito ng naghubad ng t-shirt. “Jace, teka lang. Pumasok tayo sa loob ng van. Doon natin ituloy,” aniyang lumilinga sa paligid at baka may ibang tao.“Ah makulit ka, honey o hon ang itatawag mo sa akin! Dahil diyan, paparusahan kita!”Tawa siya ng tawa. Pinaibabawan siya ni Jace. “Ano ang nakakatawa?” anito sabay kagat sa pang-ibabang labi niya at dilaan ito. My umalon sa kanyang puson sa ginawa ng binata.Itinaas nito ang kanyang blouse at inalis ang hook ng kanyang bra. N
Nanlamig ang katawan ni Bella. Kailan nalaman ni Jace na may sakit siya? Paano nito nalaman? Ayaw niyang masaktan ito. Pumasok si Jace at nakitang hawak niya ang tablet.“Kailan mo pa nalaman na may sakit ako? Kaya ka ba naging mabait sa akin ay dahil mamamatay na ako? Naawa ka lang ba sa akin?” naghihisteryang sigaw niya.“Bakit hindi ka makasagot! Sumagot ka!” aniyang lumuluha.Niyakap siya ni Jace. “Hindi. Nalaman ko lang noong nagpunta ka kay Dra. Crissy, hindi ko sinasadyang madinig ang lahat.”Pinahid nito ang luha niya. “Lalaban tayo sa sakit mo. Tutulungan kita. Maghanap tayo ng best doctors at hospitals na pwedeng makatulong.”“Jace, I’m dying. Mamamatay na ako. Iiwan lang kita. Habang maaga pa at hindi pa ganoon kalalim ang pinagsamahan natin. Lumayo ka na.”Nakita niya ang luhang pumatak mula sa mga mata ng binata. “I’m sorry. Hindi kita susundin. I’ll be here for you. Hindi ako lalayo o aalis. Mananatili ako.”Nagyakap sila ng mahigpit. Napuno ng pag-asa ang puso niya. Napa
Gusto ni Bella ang magkaroon sila ng anak ni Jace ngunit hindi niya kayang magdala ng bata sa kanyang sinapupunan sa ganitong kalagayan.Muli siyang hinila ni Jace kaya napahiga siya sa tabi nito. Nagbigay siya ng matamis na ngiti upang itago ang pag-aalala. Hinaplos ng binata ang kanyang mukha.Nakita niyang tumulo ang luha nito. “Bella, huwag mo akong iiwan. I love you so much. Hindi ko alam kung paano mabuhay ng wala ka.”Tumango siya at hindi na napigil ang muling mapahagulgol. “Mahal na mahal din kita. Lalaban ako para sa’yo.”“Pangako, susuportahan kita sa lahat ng bagay. Nakahanda na ang plane ticket natin. Ang lahat ng kailangan para sa pagpapagamot mo sa Germany.”“Baka mapabayaan mo ang business.”“Bella, wala ng pinakamahalaga sa akin ngayon kundi ikaw.”“I’m sorry kung nagiging pabigat ako sa’yo.”“Shhhhh, huwag mong sabihin ‘yan. Taos puso kong gustong gawin ito para sa’yo. Magkasama tayong lalaban. Hindi tayo susuko.”Sumiksik siya sa matipunong dibdib ni Jace. Nakatulog
Nakita ni Bella ang ngiti ni Jace kay Maecy. Unti-unti niyang inihakbang ang mga paa palabas ng ospital. Mabigat ang kanyang bawat hakbang.Hindi siya ang babaeng mamahalin ni Jace habangbuhay. Dumating lamang siya at naging bahagi ng buhay nito. Hindi siya ang magiging asawa ni Jace. Ang importante ay naipadama niya kung gaano niya kamahal ang binata ng walang hinihintay na anumang kapalit. Jace broke her heart so many times, but still, there’s nothing but love for him. One day, she will move on. Isinara niya ang pinto ng kwarto kasabay ng pagsara ng kwento nila ni Jace. She will fight alone. This time hindi para kay Jcae kundi para sa sarili niya.Nadinig niya ang pagtawag ni Don Ricrado. “Bakit ka aalis? Ngayon ka pa ba susuko kung kailan mahal ka na ni Jace?”“Don Ricrado, pwede ko po ba kayong makausap?” Ipagtatapat niya ang lahat sa ama ni Jace. Niyaya niya ito sa labas ng ospital kung saan may parke para sa mga bisita at pasyente.Ipinagtapat niya ang kanyang sakit. Napahawak
“Dad, andito po pala kayo. I was just about to welcome Bella.”“Yes, heto nga at nagpadala ako ng flowers. Bella is so busy sa maraming bagay kaya naman kalahating araw lang ang pasok niya sa atin as consultant. Paano, maiwan ko na kayo at ng makapag-usap kayo.”“Don Ricardo, maraming salamat po.”“You’re welcome. Nga pala Jace, bukas ang appointment mo sa duktor. We need to find ways para maibalik ang nawalang parte ng alaala mo.”“Kapag hindi busy, I’ll visit the hospital.”“Anak, gusto kong masigurong maging maayos ang lagay mo.”Tumango si Jace. Nagpaalam sa kanila si Don Ricardo.“Kung busy ka, bakit gusto mo pang magtrabaho dito sa kumpanya ng pamilya namin? Umaasa ka bang may makukuha kang mana?”Ibinalik niya ang atensyon sa binabasa. “Isipin mo ang gusto mong isipin. I don’t care. May taong nagpapasaya sa akin dito kaya ako nandito.”Nagkita niyang nagtagis ang bagang ng kausap. “Maswerte ka kung ganoon. Ako kasi naiinis sa mukha mo kapag nakikita kita.”“Kung ganoon, huwag m
“Manong Joey, deretso lang po. Jace, huwag kang makulit,” sabi ni Bella. Mas lalo siyang ninerbyos.Inihatid siya ni Jace hanggang sa pinto ng apartment. Pinilit niyang lumakad ng deretso at ipakitang maayos ang pakiramdam.“Bumalik ka na sa opisina,” aniyang isasara na ang pinto ngunit hinarang ng binata ang katawan.“Hindi mo man lang ba ako papapasukin? May kasama ka ba?”“Mag-isa lang ako. Gusto kong magpahinga,” taboy niya sa binata. Tuluyan niyang isinara ang pinto.Napasandal siya sa pinto. Dali-dali niyang kinuha ang gamot sa kwarto at uminom ng gamot. Humiga siya sa kama. Namimilipit siya sa sakit hangang sa makatulugan niya ang pag-iyak.Maaga siyang pumasok sa opisina kinabukasan. Maganda ang gising niya. Naupo siya sa swivel chair. Napasulyap siya sa kabilang office. Wala pa si Jace. Pumasok siya sa office nito. Inayos niya ang table at naglagay ng fresh flowers sa center table na may sofa para sa mga bisita.Dinampot niya ang isang picture ni Jace noong graduation day ng h
Alipin sila Bella at Jace ng pagnanasa. Tila sila binuhusan ng malamig na tubig ng madinig ang katok sa likod ng pinto at ang pagpihit ng door knob.Iniluwa ng pinto si Maecy na masama ang tingin sa kanya.“Jace, nakita mo ba ang balita sa news? May nakitang ahas sa opisina sa kabilang bayan. Totoo pa lang hindi lahat ng ahas ay nasa gubat,” anitong alam niyang siya ang pinaparinggan.Ngunit hindi niya sasayangin ang lakas upang patulan ito. Lumabas siya ng opisina ni Jace.Naupo siya sa kanyang table. Nakita niya ang pagyakap ni Maecy sa binata. Hindi siya nakatiis kaya isinara niya ang smart curtain.Maya-maya ay may nadinig siyang katok. Masayang bumati si Anthony. May ibinigay itong concert tickets at niyaya siyang manuod. Dahil gusto din niyang maglibang ay pumayag siya.Nagtatawanan sila ng pumasok si Jace at kasunod nito si Maecy na nakasabit sa braso ng binata na tila tarsier.“Pinsan, mukhang nagkakamubutihan kayo ni ex-wife ah,” tukso ni Jace.“Jace, niyaya ko manood ng conc
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth
Bakas ang kalituhan sa mukha ni Lyneth.“Sumagot ka! Buntis si Bella?” ani Jace na hindi alam kung ano ang mararamdaman.“Ano ang nakakapagtaka kung buntis man siya? May asawa siya.”Tila may mabigat na dumagan sa kanyang dibdib. “Ilang months na? At sino ang ama?”Bakit may bahagi ng puso niya na naiisip na baka siya ang ama pero imposible dahil matagal na nung huling may nangyari sa kanila.“Sir Jace, aalis na po ako.”“Nasaan si Bella? Gusto ko siyang makausap.”“Sir Jace, tama na po at huwag ninyong bigyan ng stress si Ms. Bella. At isa pa hindi ko din po alam kung nasaan siya. Iaabot ko lang po ito kay Sir Matt.”“Binabalaan kita, tigilan mo ang pakikipareglasyon mo sa asawa ng kaibigan mo. Masasaktan si Bella kapag nalaman niya,” babala niya kay Lyneth.“Huwag kang mag-alala. Mahal ni Matthew si Bella. Hindi naman ako magtatagal bilang secretary ni Sir Matthew.”“Kumusta si Bella? Okay lang ba siya? Gawan mo ng paraan para malaman ko kung nasaan siya. Magbabayad ako. Work for m
Hindi matanggap ni Jace na nagpakasal si Bella sa iba! Bakit parang dinurog ang puso niya ng ilang libong beses?Tinawagan niya si Anthony. “Pinsan, pagalawin mo ang tao mo. Saan ang kasal nila Matthew at Bella?”“Wala kong ideya. Napaka-private ng wedding. Talagang nagpakasal lang sila at susunod na lang daw magpapakasal ng engrande at ayaw pumayag ng pamilya ni Matthew sa simpleng kasal.”“Gawaan mo ng paraan na malaman. Nasaan sila ngayon? Hindi pwedeng matuloy ang kasal!”“Pinsan, tama na ‘yan. Hayaan mo na si Bella. Ibinalik na niya ang kumpanya hindi ba? Ano pa ang hinahabol mo?”“I will not let her go. Gagantihan ko siya sa mga kasalanan niya.”“Pinsan, para sa katahimikan mo. Forgive and forget.”“Hindi ko kailangan ng pangaral mo. Kailangan ko ang impormasyon. Madami kang kilala hindi ba? At isa pa ay kapwa mo lawyer si Matthew. Bibigyan kita ng isang oras upang alamin ang detalye sa kasal.”“Pamilya ng lawyer ang mga Sandoval. Imposible maging peke ang kasal ng dalawa. Ano pa
“Hindi mo ako kailangang idemanda. Alagaan at pagyamanin mo ang Land Sheperd Corporation.”Nagsalubong ang kilay ni Jace. “Ano ang laro mo? Hindi ako makapaniwala sa gagawin mo. Ibabalik mo ang kumpanya? Bakit? Natakot ka bang makulong at mabulgar ang baho mo?”Hindi niya pinansin ang maanghang nitong salita. Gusto niyang titigan ito dahil wala na siyang balak na makita itong muli.“Ngunit may kapalit.”“Sabi ko na nga ba at tuso kang talaga. Wala kang bagay na gagawin ng walang kapalit.”“Kapag bumaba kahit konti ang net income ang kumpanya ay babawiin ko ito sa’yo,” malumanay ang kanyang pagkakasabi.“Ano ang drama mo ngayon? Kailan lang ay matapang ka na hindi mo ibabalik ang kumpanya.”“This is my last day. Matthew and I will get married and start a family. Hindi maganda na nakakasama ko pa ang ex-husband ko sa isang kumpanya. Para na din sa katahimikan nating lahat.”“Hindi ako naniniwala sa’yo.”“Ikaw ang bahala. This time I will choose peace of mind over anything.”Hinila nito
“Hindi ako ang babae sa panaginip mo. I will never be that girl. Jace, let’s move on. Ituring nating estrangero ang isa’t isa.”“Kung iyan ang gusto mo. Para sa akin, you’re the worst person I have ever known.”“Yeah, masama akong tao. Kaya iwasan mo ako. Stop the car!”Huminto si Jace. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang. Madilim ang bahaging iyon ng kalsada. Nilagpasan siya ng kotse ng binata. Nakita pa niya ang usok ng mabilis nitong andar.Naramdaman niya ang mahinang patak ng ulan na habang tumatagal ay lumalaki ang bawat patak. Bumagal ang paglakad niya. Dinama niya ang ulan. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya kasabay ng buhos ng ulan.Malakas siya. Kahit nga kamatayan nilabanan niya para mabuhay at makabalik. Kaya lang kung minsan ay may dumadating talagang oras ng kahinaan. Igugupo at igugupo talaga ng kalungkutan kahit gaano siya katatag. Kahit nag-iisa siya ay kakayanin niya. Niyakap niya ang sarili. Pumikit siya ng mariin. Buti na