Pulang-pula ang pisngi ni Maecy hindi lang dahil sa lakas ng sampal ni Bella kundi pati na din sa kahihiyan dahil sa dami ng tao sa gym na nakakita sa ginawa niya. Ngunit walang siyang pagsisising naramdaman tutal ay madami na din itong atraso sa kanya. At ibang usapan na dahil asawa na niya ang inaagaw nito. Nakahanda na siya sa ganting ibibigay nito ngunit laking gulat niya dahil umiyak lamang ito at yumakap kay Jace na animo aping-api. Mukhang nag-iba na ito ng strategy. Tuso talaga. Gusto sana niyang bigyan ng trophy para sa best actress award.
“Bella, umalis ka na! Huwag mo kaming guluhin. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi kita gusto? Si Maecy ang mahal ko! Tigilan mo na ako!” bulyaw ni Jace sa kanya. At madaming nakakarinig na kapwa nila studyante. Tila sila nasa eksena sa pelikula. Siya nga lang ang kontrabida.
Nakita niya pagtaas ng sulok ng labi ni Maecy na tila nag-uuyam. Muli niya itong sinugod ngunit agad siyang inawat ni Jace at itinulak. Napaupo siya sahig. Natungkod niya ang siko. Napaaray siya ngunit balewala sa asawa.
“Saktan mo pa uli si Maecy at ako ang makakalaban mo! Umalis ka na!” anang binata.
Hindi na kailangang ulitin pa nito ang sinabi dahil hindi niya matanggap na siya ang itataboy ng asawa. Awtomatikong humakbang ang kanyang mga paa habang hawak niya ang siko palabas ng gym. Pakiramdam niya ay talo siya. At hindi niya alam kung hangang kailan siya tatagal gayong ilang araw pa lang silang kasal. Ang buong akala niya ay matitigil na ang relasyon ng dalawa kapag nakasal na si Jace sa kanya ngunit mukhang kahit maging kabit ay papayag si Maecy.
Kung ilang oras na siyang nakatulalang nakaupo sa ilalim ng punong talisay sa gawing likod ng unibersidad at pilit iniisip ang mabuting gawin para sa relasyon nila ni Jace.
Unti - unting bumabalik ang kanyang alaala noong una niyang makita si Jace. Parang isang pelikulang ine-rewind.
She was just fifteen years old. Lumaki siya sa probinsya sa pangangalaga ng kanyang lola. Biglang nalipat siya sa siyudad ng namatay ito. Walang nagawa ang kanyang ama kundi ang kupkupin siya. Nagpapadala naman ito ng sustento sa kanya sa probinsya ngunit hindi siya nito dinadalaw. Madalas niya itong tawagan ngunit madalas din na hindi ito sumasagot. Kung sumagot man ay sandali lang siya kakausapin.
Bago sa kanya ang ingay at polusyon sa syudad. Para siyang isdang inalis sa tubig. Wala din siyang kaibigan. Boring ang buhay niya. Hanggang makita niya uli si Jace. Nakikita na niya ito noong mga bata pa lamang sila. Madalas niya itong sinisilip sa mansyon. Kapag naman nasa eskwelahan ay naglalagay siya ng love letters sa locker nito. Mga sulat na walang pangalan kung kanino galing.
Namula ang kanyang pisngi ng biglang sumulpot ang binatilyo sa kanyang likod.
"Hello Jace! I'm Isabella. Ninong ko ang father mo,” pilit niyang nilabanan ang hiya at ilang inhale at exhale bago magsalita.
Kakagaling lang nito sa pagbibisikleta na araw-araw nitong ginagawa. Naka-jogging pants ito at t-shirt na puti. Kahit pawis na pawis ay talagang gwapo ang binata. Madami siyang nakikitang gwapo at ang ilan ay mga nanligaw pa sa kanya sa probinsya ngunit iba ang lalaking ito na nasa kanyang harapan.
Isang matalim na tingin ang pinukol nito sa kanya na para bang sinasabi na umalis na siya at huwag ng mang-abala pa.
Ngunit determinado siyang makilala at maging kaibigan ang supladong binatilyong bumihag sa kanyang puso. Ilang buwan na silang magkapit-bahay pero hindi siya nito pinapansin. Mas gwapo ito sa malapitan, matangos ang ilong, mapula ang labi at ang mata na kahit matalim tumingin ay mapungay na tila nanghihipnotismo na binagayan ng makapal na kilay na ngayon ay magkasalubong sa pagkakatitig sa kanya. Halata ang inis nito ngunit binalewala niya.
Patuloy ang pagtitig niya dito na tila isang specimen sa laboratory. Malakrema ang kutis nito, mas makinis pa sa kanya. Young version ng ama nito na balitang madaming pinaiyak na babae at natitiyak niyang madami din ang luluha sa binatilyong nasa kanyang harapan ngayon.
“O ano? pumasa ba ako?" medyo mataas ang tono nito. Halata ang iritasyon sa mukha nito. Napaigtad siya sa sinabi ng binata.
“Ikaw ang hindi pumasa sa standard ko, hindi kita type.” Sabay titig nito sa kanya mula ulo hanggang paa na para ba siyang mumurahing paninda sa bangketa.
Natameme siya. At na-concious dahil maluwang na t-shirt at shorts na mahaba ang suot niya. Wala ngang lalaki ang magtatapon ng pangalawang tingin sa kanya. At naiinis siya sa sarili, bakit nga ba hindi niya pinaghandaan ang paghaharap nilang ito.
Humugot muna siya ng lakas ng loob bago magsalita, “Gusto ko lang sana na makipagkaibigan sa’yo.”
“Akala mo ba hindi ko napapansin, araw-araw kang nag-aabang sa akin.”
“Gusto ko lang makipagkilala sa iyo at makipagkaibigan. Pareho tayo ng probinsya. Taga- San Roque din kami. Magkaibigan ang mga Daddy natin. Ninong ko pa nga ang Daddy mo. Minsan noong bata ka pa ay isinasama ka ng Daddy mo sa lumang bahay namin. Kung natatandaan mo pa,” mahabang kwento niya sa binatilyo upang maging palagay ang loob sa kanya.
“Kung may gusto ka sa'kin, kalimutan mo na. May girlfriend na ako,” sa halip ay sagot nito at sabay talikod at pumasok na ng gate ng mga Malvar.
Ngunit bago tuluyang pumasok, “At please lang tigilan mo na ang paglalagay ng basura sa locker ko. Nilagyan ko ng hidden camera. Ikaw lang pala ang secret admirer ko!” puno ng disgustong sabi nito.
Nawalan ng kulay ang kanyang mukha sa labis na pagkapahiya. Alam na pala nito na siya ang nagpapadala ng love letters. Kung ano-ano pa naman ang mga isinusulat niya. Ang hirap naman kasing itago ang nararamdaman. Kaya naghanap siya ng paraan para maiparating dito ang kanyang damdamin. Masakit palang mabasted. First heartbreak.
Nagpalipas muna siya ng ilang araw at umiwas kay Jace sa school. Dahil transferee lang siya, kaya nahirapan siyang mag-adjust. May mga kani-kaniya ng kabarkada at grupo sa loob ng classroom. Mabuti na lang at nakilala niya si Cristy na isang transferee ding kagaya niya. Nauna lang siya dito ng isang linggo. Maganda ang pisikal na kaanyuan at kalooban ni Crissy. Mabilis silang nagkasundo at naging magkaibigan.
Lalo niyang nakita ang layo ng agwat nila ni Jace. Marami itong kaibigan at hindi lang siya ang may crush dito, lahat yata ng kababaihan sa campus ay umaasang mabibihag ito. Lumiliit ang tsansa niyang mapansin ng binatilyo.
Gagawin niya ang lahat upang mapansin ni Jace. Pangako niya ‘yan sa sarili na umabot na nga sa pamimikot niya sa binata. Ngunit wala siyang pagsisisi. Maghihintay siyang mahalin din nito. Magiging mabuting asawa siya. Pagsisilbihan niya ito. Nagdesisyon na siyang umuwi sa condo.
Wala pa si Jace. Kumirot ang puso niya sa isiping magkasama pa din sina Jace at Maecy. Naupo siya sa sofa at bumuntung hininga.
Nang may narinig siyang katok, malamang ay ang binata na ito. Pagbukas niya ng pinto ay nasa labas si Jace at kasama si Maecy na magka-holding hands pa. Anong klaseng mga tao ito at sa harap pa niya. Kusang pumasok ang mga ito kahit hindi niya inaanyayahan.
“Gusto lang naming ipaalam na ipagpapatuloy pa din namin ang aming relasyon. Ipinagtapat ko kay Maecy ang sitwasyon na buntis ka kaya mo ako pinikot ngunit hindi ako ang ama. Siguro naman ay hindi mo ipagkakait iyon sa amin. May kikilalaning ama ang anak mo at maliligtas ka sa kahihiyan pero hindi mo kami mapipigil ni Maecy,” mahabang paliwanag ng binata.
Duguan ang puso niya sa nadinig.
“No! Hindi ako payag na maging katawa-tawa at kaawa-awa sa paningin ng iba,” angil ni Bella kina Jace at Maecy. Ramdam niyang unti-unting tumutubo ang mga sungay sa ulo niya. Hindi siya papayag na maapi at matapakan ang kanyang pagkatao lalo at siya ang nasa tama.Napabuntunghininga na lang ang binata. “Well, we just inform you, hindi naming kailangan ng permiso mo do to whatever we want. Ginusto mo ang sitwasyong ito. Kung hindi ka nakialam sana ay masaya kami ni Maecy na nagsasama bilang mag-asawa.”Pagkadinig niya ay sinugod niya ang babae sa harapan. Sinabunutan niya ng matindi baka sakaling magising sa katotohanan. At kagaya kanina hindi ito lumaban, umiyak lang at nagpa-awa sa asawa niya. Kagaya ng inaasahan, umawat si Jace at muli itong kinampihan.Nagdilim na talaga ang paningin niya. Muli niyang sinugod ang babae at this time may kasama ng sipa at tadyak. Never in her life, has she imagined she can do this violence. At isang malakas na tulak ang nagpagising sa kanya galing sa
Damn! Ang kalaguyo ng asawa niya ay ang kanyang ama! Anong moral meron ang daddy niya para gawin siyang tagasalo ng anak nito! At pagtaksilan ang ina niya! May ilang mga isyu siyang nadidinig tungkol sa ama sa pagiging malapit nito sa ibang babae ngunit hindi niya pinaniwalaan dahil saksi siya sa pagmamahalan ng mga magulang.Pabalya niyang binuksan ang pinto ng opisina ng ama. Gusto niya itong sugurin at suntukin ngunit pinigil niya ang sarili. Mataas ang tingin at respeto niya para sa ama. Napakasakit ng natuklasan niya. Mas higit para sa kanyang ina na nakita niya kung paano mahalin at pagsilbihan ito.“Nagtapat na sa akin si Bella,” sumandal siya sa pinto. Pakiramdam niya ay kailangan niya ng mapaghuhugutan ng lakas upang kumprontahin ang ama.Kumunot ang noo ng Don. Bakas ang pagkalito sa mukha nito.“Look son, let me explain,” kalmado nitong sabi.“Explain? Hindi na kailangan. Hindi ba at lagi kang tama, kahit mali ay kaya mong ituwid! The high and mighty Ricardo! Noon ka pa gan
Pilit ipinikit ni Bella ang mga mata ngunit nanatiling mailap ang antok kahit pagod siya galing sa conference sa kabilang bayan. Tinanghali siya ng gising dahil sa puyat kagabi. It was her free day. Humingi siya ng isang araw na pahinga kay Don Ricardo. Siya ang tumatayong Chief Operations Officer. Pangalawa siya sa mataas ang position sa kumpanyang pag-aari ng mga Malvar. Ayaw niyang tanggappin noong una pero napilit na din siya ng ninong sa pangakong sa pagbabalik ni Jace ay maaari na siyang magresign at tutukan ang kanyang maliit na negosyo. Alam niyang ngayon ang unang araw ni Jace bilang CEO ng Land Sheperd Corporation. Umiiwas ba siya?Akala nga niya ay last day na din niya ngunit nanghingi pa ng palugit ang Don na hintayin muna niyang maging stable ang kumpanya sa pamumuno ni Jace bago siya umalis. Naunawaan naman niya ito. At wala naman sigurong magiging problema. Matured na sila pareho, hindi kagaya noon na mga isip bata pa.She will go to the nearest shopping mall. Matagal n
“Ms. Bella, good morning. Nakapagpahinga po ba kayo?” masiglang bati ni Lyneth pagdating niya sa kumpanya.Ngumiti siya sa kanyang secretary na may pagka-madaldal ngunit magaling ito sa trabaho at maaasahan.“Okay naman. May importante bang dapat malaman na nangyari sa kumpanya habang wala ako? Tatlong araw din akong nawala.”Lumapit itong kinikilig. “Ms. Bella, dumating na po kahapon ang CEO ng Land Sheperd Corporation. Napakagwapo po pala. Grabe, daig pa ang artista sa kapogian.”Tumalim ang tingin niya sa kaharap. “Lyneth, ang sabi ko ay importante hindi mga ganyang balita.”Napakamot sa ulo ang secretary. “Wala naman pong naging problema. Pero madami pong contract and deals na kailangan ninyong pag-aralan at pirmahan.”Sinimulan na niya ang pagtatrabaho at inisa-isa ang mga dokumentong nasa harapan.Dumating si Anthony. Magaling itong abogado ng Land Sheperd Corporation.“Oh, may maipaglilingkod ba ako sa’yo?” bungad niyang nakangiti.“Ah, alam mo namang dumating na si Jace.”Tuma
“Gusto kitang maging bed partner, payag ka ba?” tanong ni Jace."Ano?!" manghang sagot ni Bella.“Anong nakakagulat? Kasal tayo,” sabi ng binata at dinampot ang juice sa mesa upang uminom.“Kelan mo pa kinilala ang kasal na nangyari? You hated that day so much as far as I remember."“Well, not anymore when I look at you right now, so gorgeous.” Tumayo at lumapit ito at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.Parang nagbabaga ang kamay nito at tila siya napaso ngunit hindi siya makagalaw para umiwas.“Madali lang hinihiling ko sa'yo. I know you will give me what I want. Kagaya noon na kahit ano ang sabihin ko ay sinusunod mo,” sabi ni Jace na mas lalo pang lumapit sa kanya at isang galaw na lang ay magkadikit na ang kanilang katawan.“I’m sorry to disappoint you, Mark Jace Malvar. Hindi na ako ang babaeng kilala mo noon."Inipon niyang mabuti ang lakas ng loob na meron siya upang mahimasmasan at makawala sa mahikang taglay ng binata.“Yeah, I know." Tinignan siya nito mula ulo hanggang p
Naabutan ni Bella na naghihintay si Jace sa kanyang opisina. Lumilinga ito sa paligid.“Ano ang kailangan mo?” Singhal niya dito na nadinig ng secretary niyang si Lyneth kaya napaangat ang ulo nito para tignan sila.“I’m here for the training. Ipinagmamalaki ka ng dating CEO at ng halos lahat ng tao dito na magaling ka daw. Kaya naman madami daw akong matututunan sa’yo. Sana lang dahil ayokong magsayang ng oras.”“Okay, let’s proceed to the meeting room,” seryoso niyang sagot.Nakahanda siya sa training. Binuksan niya ang laptop. Magkalapit sila ng upuan. Medyo asiwa siyang halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Naamoy din niya ang mabangong binata. Umabot ng walong oras ang pagtuturo niya kay Jace. As expected madali itong matuto. Anyway, matalino at madiskarte naman talaga ito noon pa mang nasa high school at kolehiyo sila.“Okay, that’s the end of the training session today. Remind ko lang na two weeks ‘tong theories and approaches na dapat mong matutunan tsaka tayo pupunta sa
Mabilis na pumasok sa loob ng kotse si Bella. Malakas pa din ang kabog ng kanyang dibdib. Bakit siya nakipaghalikan kay Jace? Napahawak siya sa ulo. Nais niyang sabunutan ang sarili. Ano na lang ang iisipin nito? Agad siyang lumabas ng parking area. Hindi maiwasang bumalik ang ilang alaala ng mga katangahang ginawa niya para sa binata. At wala siyang planong ulitin ang mga kagagahan niya. Matindi ang traffic dahil rush hour. Hindi na siya makaiwas na bumalik sa nakaraan noong high school sila ni Jace. Natatawa na nailing siya ng magbalik ang ilang memories.Foundation week sa paaralan nila. Madaming pakulo ang kanilang eskwelahan para makalikom ng pondo para sa ilang proyekto ng paaralan. May marriage booth, blind date, jail booth, kissmark booth, at kung anu-anong booth. Pero pinaka-intresado siya sa marriage booth. Agad siyang bumili ng ticket, hindi lang isa kundi lima. Para siguruhing makakasal siya kay Jace. Matapos ibigay ang ticket sa mga officer ng booth ay nasa labas siya ng
Nagulat pa si Bella ng madatnan si Jace sa harap ng kanyang bahay na naghihintay. Gabi na at naabutan niyang pinatay nito ang lamok na dumapo sa braso nito. Dumaan pa siya kay Dra. Crissy at napasarap ang kwentuhan nila na umabot ng halos dalawang oras. Nasiraan siya ng kotse. Buti na lang at sa bahay na ng kaibigan ayaw umandar ng sasakyan. Kaya inihatid siya ng boyfriend nitong si Jeremy. Maginoo ito at pinagbuksan pa siya ng pinto ng kotse. May inabot din itong cake na bi-nake ni Crissy.Nakamasid lamang si Jace sa pagbaba niya. Masama ang tingin nito kay Jeremy.“Maraming salamat, Jeremy!” aniya na may kasamang matamis na ngiti dahil sa abalang ginawa niya.Ipinakilala niya ang dalawang lalaki sa isa't-isa. Magalang na inabot ni Jeremy ang kamay na hindi inabot ni Jace. Siya ang nahiya sa inasal ng binata.“Sige, Jeremy gabi na. Ingat ka sa byahe!” aniya at sinundan ng tanaw ang palayong kotse.“Bakit hindi mo pinapasok ang boyfriend mo?” ani Jace.Ayaw na niyang makipag-argumento
“Honey, kumain ka na,” malambing na sabi ni Bethany kay Jace.“Bethany, I will send your last allowance and additional bonus. Ayaw na kitang makita,” sabi ni Jace.“Nagkabalikan na ba kayo? Imposible naman ‘yan. May asawa na ang ex-wife mo.”“Makakaalis ka na.”“Well, you can use me to make her jealous. Kaming mga babae, selos ang ikakamatay namin. Hindi namin kayang makitang ang lalaking mahal namin ay nagbibigay ng atensyon sa iba.”Napatingin siya sa babae. May punto ito. “Sige, tatawagan kita kapag kailangan.”Dumating si Donya Carmelita.“Kumusta ka anak? Ano ba ang nangyari?” nag-aalalang sabi nito.Naikwento niya sa ina ang tangkang pagkidnap kay Bella.“Jace, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganyang bagay. Dapat tumawag ka ng pulis. Paano kung napahamak ka? Naospital ka pa dahil sa babaeng iyon.”“Hindi ko papabayaan si Bella.”Huminga ng malalim ang kanyang ina.“Jace, bakit nabawasan ang parte ko sa kita ng Land Sheperd Corporation this month? May pagkakamali sa accounting.”
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, naging busy lang. Tinignan ko ang kumpanya at hindi maganda ang sitwasyon, so I decided to go back.”Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Matthew. “Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo kailangang bumalik sa trabaho.”“Hindi naman ako mahihirapan. Mag-momonitor lang ako. Importante sa akin ang Land Sheperd Corporation.”“Okay, I’m just worried. Ihahatid na kita pauwi.”“Hey, madami pa kaming dapat pag-usapan ni Bella,” singit ni Jace.“Mr. Malvar, mag-uumpisa ako ng trabaho bukas. Uuwi na ako,” aniyang humawak sa braso ni Matthew.Nasa parking na sila ng magsalita si Matt.“Bella, sigurado ka ba sa desisyon mo? Parang bumalik ka sa umpisa. Makikita mo si Jace at guguluhin ka niya.”“Malaki ang kai
“Okay, mananatili ako as long as tutulungan mo ako. Nakakapanghinayang talaga kung babagsak ang Land Sheperd Corporation. Hindi ito magugustuhan ni daddy sa langit,” sabi ni Jace.“Deal! Pagtulungan nating iahon ang kumpanya,” sagot ni Bella. Nahuli niya ang ngiti sa labi ng dating asawa.“Mr. Malvar, this is purely business. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa akin.”Itinaas ni Jace ang dalawang kamay. “Of course. I have already moved on. May asawa ka na at ako naman ay may Bethany na. Magpapakasal na din kami soon.”Hindi niya mawari na tila may pumana sa puso niya na may lason at unti-unting kumakalat sa kanyang puso. Inawat niya ang sarili sa nararamdaman. Mainam at titigil na ito sa paghabol sa kanya. At isa pa, gusto din niya itong makitang masaya at magkaroon ng sariling pamilya.Niyaya siya nito sa dati niyang opisina na mukhang pina-renovate at bago ang interior design. Maganda ang bagong opisina niya.“Wow, hindi ka naman ready sa pagbabalik ko.”“Matagal ko ng ipinagawa ito. Y
Kasabay ng lagabag ni Jace sa lapag ang pagbangon ni Bella kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng kama.Nakita niya ang mga paa ni Bella na bumaba sa kama. Masikip sa ilalim. Para siyang maso-soffucate ngunit tiniis niya. Humiga ulit si Bella sa kama. Naghintay siya ng ilang minuto bago lumabas at pagmasdan ang natutulog na dating asawa.She fell in love first but he fell in love harder. Parang sasabog ang puso niya sa labis na pagmamahal sa asawa. At hindi siya papayag na hindi niya ito mabawi.Binili niya ang isang bahay na nasa compound kung saan nakatira si Bella. Nakita niya itong naglalakad. Ibinigay ni Lyneth ang schedule sa buong araw ni Bella. Nag-mask siya at nagsuot ng jacket na may hoodie. Susundan niya lang ito mula sa malayo. Sapat na sa ngayon na matanaw niya ito. Lumiko ito sa kanto at bigla itong sumulpot na may dalang malaking sanga ng puno na inihampas sa kanya.“Sino ka?! Bakit mo ako sinsusundan?”Inawat niya ito. “Sino nagsabing sinusundan kita? Hindi
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth