“Bakit hindi ka pa bihis?” bungad ni Daddy Alfredo ng pumasok ito sa kwarto ni Isabella. Nagulat pa siya dahil ito ang unang pagkakataon na sinilip siya ng ama sa kwarto niya. Hanggang ngayon ay hindi pa din nito nakakalimutan na siya ang dahilan ng pagkamatay ng ina. Kaya malamig pa din ang pakikitungo nito sa kanya. Kung minsan nga ay sumasagi sa isip niya kung anak nga ba siya ng ama. Ngunit hindi maipagkakaila dahil kuha niya ang hugis almond nitong mata. Ang matangos na ilong at mapulang labi ay namana niya sa ina na tanging sa larawan lang niya nakita dahil namatay ito sa panganganak sa kanya. Hindi niya masisi ang ama dahil alam niyang sobrang sakit ang pinagdaanan nito sa pagkawala ng ina.
"Dad, parang ayokong umatend sa birthday party ni Jace,” mahinang sabi niya.
“Huwag ng madaming arte, kaya kita binili ng mamahaling damit at alahas ay para maakit mo ang tagapagmana ng mga Malvar. Hihintayin kita sa labas,” matatag at pinal nitong sabi.
Wala siyang nagawa kundi mag-ayos at sumunod sa ama. Ayaw niya itong magalit. Ngayon nga lang siya kinausap at ibinili nito ng gamit kaya masaya siya.
Maraming tao sa bakuran ng mansion ng mga Malvar. Bigla siyang naalangan. Puro mayayaman at nasa alta sosyedad ang mga bisita. Pinilit niyang tumayo ng deretso. Alam niyang mamahalin ang suot niya mula ulo hanggang paa. Na pawang binili ng ama na ikinagulat niya dahil alam niyang lubog ito sa utang mula ng nalulong sa casino. Maging ang sinabi nitong akitin niya si Jace ay palaisipan sa kanya. Desperado na ba ang ama at pati siya ay balak nitong gamitin para sa pansariling kapakanan?
Hindi naman siguro magagawa ng ama niya ang ganoong bagay. Kahit pa alam niyang may malaking utang ang ama kay Don Ricardo. Ito ang tumubos sa bahay at lupa nila bago pa mailit ng bangko. Magkaibigan ang dalawa mga bata pa lang at magka-klase mula elementary hanggang kolehiyo. May mga pinasukang negosyo ang ama na nalugi hanggang malulong sa sugal at nalubog na nga sa utang. Nanatiling magkaibigan ang dalawa.
Sinalubong sila ni Don Ricardo na makisig pa din sa kabila ng edad nito at ni Donya Carmelita na ang angking ganda ay hindi kumukupas. Ang mag-asawa ay larawan ng isang masayang pagsasama.
“Alfredo, pumasok kayo sa loob. Napakaganda ng inaanak ko,” bati ng Don sabay halik sa kanyang pisngi. Maging ang Donya ay yumakap at humalik din sa kanya.
Isang kiming ngiti ang iginanti niya sa mag-asawa na parehong maganda ang pakitungo sa kanya. Madalas siyang anyayahan ng mag-asawa na pumasyal sa mansyon. Marahil ay naiinip din ang Donya dahil nasa bahay lamang ito at tanging ang garden sa maluwang na bakuran ang pinagkakaabalahan. Tinutulungan niya ito sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga roses and orchids. Talagang madalas siya sa mansyon para na din makita si Jace, ang kanyang first love.
Maraming nagsasabing maganda siya, namana daw niya sa kanyang ina. Hugis puso ang kanyang mukha, makipot at mapula ang kanyang labi at expressive ang kanyang mga mata na may mahaba at makapal na pilik-mata. Kailangan lang niya ng konting diet. At dapat daw hindi puro t-shirt at maong ang isinusuot niya. Ngunit sa ganoong damit siya kumportableng kumilos. Kaya nga ngayon ay asiwang asiwa siya sa suot na off-shoulder dress at five-inch stiletto na tila anumang oras ay matutumba siya dahil puro rubber shoes ang madalas niyang gamitin. Gayunpaman, bago siya umalis ng bahay kanina ay kuntento siya sa nakitang repleksyon sa salamin.
At eto na nga ang eksenang ayaw niyang makita. Si Maecy, nakayakap sa mga braso ni Jace na animo sawang nakalingkis sa puno ng mangga. At napangiwi siya sa suot nitong red dress na masyadong maiksi na kitang kita ang mga hindi dapat makita.
“Batiin mo si Jace,” bulong ng ama sabay tulak sa kanya palapit sa binata.
"Jace, happy birthday."
Araw-araw niyang nakikita ang binata ngunit palaging kumakabog pa din ang dibdib niya. Lalo ngayon na sobrang gwapo nito sa suot na coat and tie. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito.
"Thank you,” sabay halik sa kanyang pisngi.
Muntik siyang himatayin sa kilig, pisngi lang yun, edi lalo na kung sa labi. Sinaway niya ang sarili sa naisip. At si Maecy ay nakasimangot ng todo at panay ang irap sa kanya. Hindi siya nagpaapekto.
"Kumain na po kayo,” anyaya ng binata.
"Sige Hijo, harapin mo na ang na mga bagong dating. Huwag mo kaming intindihin,” nakangiting sabi ng kanyang ama.
Umalis na ito upang asikasuhin ang mga bisitang nagsisidating.
Naging kabagot-bagot ang gabi. Pasulyap sulyap lang siya sa mga bisita. Nagsimula na ang sayawan ng mga kabataan. Sumasakit na ang ulo niya sa ingay. Mas gusto niya ang tahimik. Kundi lang dahil sa ama ay malamang umakyat na siya ng bakod at umuwi na. May ilang binatang nagtangkang yayain siyang sumayaw ngunit magalang niyang tinanggihan. She’s not interested. Buti kung si Jace ang magyayaya sa kanya. Pero malabong mangyari ang nasa isip niya. Grabe magbantay si Maecy. Daig pa ang guardiya sibil sa panahon ni Jose Rizal. Kulang na lang ay ikadena si Jace para hindi makawala.
Lumapit si Don Ricardo sa kanya at niyaya siyang sumayaw. Pinagbigyan niya ang Don para na din hindi maging kainip-inip ang gabi. Habang sumasayaw ay panay ang kwento ng Don tungkol sa kanyang unico hijo. At madalas siyang natatawa sa mga kwento nito lalo at puro kalokohan ni Jace ang ibinibida nito. Maswerte si Jace sa pagkakaroon ng amang kagaya nito. Hindi niya maiwasang mainggit. Wala siyang naalalang my bonding moment silang mag-ama o marahil ay hindi lamang expressive ang ama sa pagmamahal sa kanya o talagang hindi siya mahal. Kung hindi pa namatay ang kanyang lola ay hindi siya kukupkupin ng kanyang ama.
Pumailanlang ang isang love song. Binitiwan siya ng Don upang ibigay kay Jace. Isang ngiti ang pinakawalan nito bago siya tuluyang iwan sa anak. The old man is playing cupid. Tumigil ang mundo. Tila siya idinuduyan sa langit.
Tila may mahika ang paligid. Ipinikit niya ang mga mata. She‘s just feeling his heart against hers…praying that someday they will beat as one. Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay niya.
Nang imulat niya ang mata ay nakatunghay si Jace sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Sa sobrang saya ay hindi mawala ang kanyang ngiti.
“Happy Birthday!” tanging nasambit niya. At muling niyakap ang binata. She wishes this dance will last for a lifetime. She felt his arms around her waist. Awtomatikong isiniksik niya ang sarili sa binata dahil pakiramdam niya ay iyon ang pinakatamang gawin.
Hinalikan ng binata ang punong tenga niya. Napasinghap siya sa hindi inaasahang ginawa nito. Tumayo ang balahibo niya. Nilinga niya ang paligid, madilim sa bulwagan. Halos mga anino lang ng mga pares na nagsasayaw ang nakikita niya. He was gently kissing her bare shoulders. Hindi niya alam ang gagawin, itutulak ba niya o kakabigin si Jace. Naglalakbay ang kamay nito sa kanyang katawan. The kiss went up to her neck. At para na siyang mapaparalisa. Her bones were slowly melting under his spell. Lumapat ang labi nito sa gilid ng kanyang labi.
Nang pumailanlang ang isang rock music breaking the spell. At nagliwanag sa paligid dahil sa ilaw mula sa disco ball. Huminga siya ng malalim. Gusto niyang tumakbo palayo. Bumitaw siya sa binata na siyang-siya sa sindak na makikita sa kanyang mga mata.
Hinanap niya ang comfort room sa likod ng bakuran. Ayaw na niyang pumasok sa loob, nahihirapan siyang lumakad ng maraming nakatingin. Na hindi niya alam kung humahanga o nanunuya. Napakababa talaga ng self-confidence niya. Palibhasa ay laking probinsya. Ang pakiramdam niya sa sarili ay marami siyang kulang. Kahit ang sariling ama ay hindi siya pinuri sa mga nakamit na karangalan sa pag-aaral o kahit ang pumunta man lang sa kanyang recognition day. Itinigil na niya ang pag-iisip. Ayaw niyang makulong sa nakaraan. At baka unti-unting magbago ang pakikitungo ng ama sa kanya. Hindi siya nagkukulang sa pagdarasal para sa araw na iyon. Nakahanda siyang maghintay. Dalawang lalaki ang hinihintay niyang mahalin siya, si Jace at ang daddy niya.May narinig siyang mahinang tawanan sa loob ng maliit na stock room na katabi ng comfort room. Saglit siyang natigilan sa paglakad sa pasilyong makipot. Nakaawang ng bahagya ang pinto kaya sinilip niya ang pinagmumulan ng ingay. Natutop niya ng bibig. Si
Nagkukukot ang damdamin niya para kay Jace. Kung may dala lang siyang gasolina at posporo malamang sinunog na niya ang classroom nila o kaya ay kahit granada. Kapag siguro nagtamo ng third degree burn ang dalawang iyon ay titigil na sa ginagawang panloloko ng kapwa.“Babe, don’t be jealous, ikaw ang talagang mahal ko,” boses ni Maecy na parang pusang naglalambing sa itaas ng bubong.“Paanong hindi ako magseselos, lagi kayo magkasama, at alam ko may nangyayari din sa inyo,” medyo matigas ang boses ng lalaki.“Ilang beses ko ba sasabihin, business lang iyon, seguridad ng negosyo. Alam mong magkasosyo sa negosyo ang mga pamilya namin.”“Eh hindi ba at basa na ang papel mo sa matanda. Tiyak na tututol sa relasyon ninyo si Don Ricardo."“Well, hanggang hawak ko sa leeg si Jace Malvar, ang nag-iisang tagapagmana, I don't need to worry,” kampanteng sabi nito.Sabay dinig niya sa mahinang boses nito na animo umuungol.Nanginginig siya sa galit. Napakawalanghiya nito. Lalayo na sana siya ng ma
“Dad, nagkakamali kayo, yung nakita ninyo is just a kiss.” Pinagpapawisan ng malapot ang binata.“Jace, hindi ako bulag.”“Ipapaliwanag ni Bella ang lahat,” sagot ni Jace sabay turo sa kanya.Nakatunghay ang lahat sa kanya at naghihintay ng anumang sasabihin niya.“Buntis po ako. At si Jace ang ama,” halos barado ang lalamunan niya at ayaw lumabas ng kasinungalingang iyon.“Damn you, Bella! Sinungaling ka!” sigaw ng binata.Alam niyang gusto siyang durugin ni Jace gamit ang mga kamay sa galit. Puno ng poot ang mga mata nito.“You should be responsible for your actions,” malumanay na wika ng Don.“Dad, wala kaming relasyon ni Bella. Nagpapanggap lang kami. Kami pa din ni Maecy.”“Stop this non sense, Jace! Magpapakasal kayo bago pa mahalata ang tiyan Bella,” determinado ang Don. Walang tao na naroon ang ibig kumontra dahil alam ng lahat na masama itong magalit.“Kung buntis man siya, I'm sure na hindi ako ang ama!" malakas na ang boses ni Jace. Ayaw nitong mapikot.Isang suntok sa pang
Pulang-pula ang pisngi ni Maecy hindi lang dahil sa lakas ng sampal ni Bella kundi pati na din sa kahihiyan dahil sa dami ng tao sa gym na nakakita sa ginawa niya. Ngunit walang siyang pagsisising naramdaman tutal ay madami na din itong atraso sa kanya. At ibang usapan na dahil asawa na niya ang inaagaw nito. Nakahanda na siya sa ganting ibibigay nito ngunit laking gulat niya dahil umiyak lamang ito at yumakap kay Jace na animo aping-api. Mukhang nag-iba na ito ng strategy. Tuso talaga. Gusto sana niyang bigyan ng trophy para sa best actress award.“Bella, umalis ka na! Huwag mo kaming guluhin. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi kita gusto? Si Maecy ang mahal ko! Tigilan mo na ako!” bulyaw ni Jace sa kanya. At madaming nakakarinig na kapwa nila studyante. Tila sila nasa eksena sa pelikula. Siya nga lang ang kontrabida.Nakita niya pagtaas ng sulok ng labi ni Maecy na tila nag-uuyam. Muli niya itong sinugod ngunit agad siyang inawat ni Jace at itinulak. Napaupo siya sahig. Na
“No! Hindi ako payag na maging katawa-tawa at kaawa-awa sa paningin ng iba,” angil ni Bella kina Jace at Maecy. Ramdam niyang unti-unting tumutubo ang mga sungay sa ulo niya. Hindi siya papayag na maapi at matapakan ang kanyang pagkatao lalo at siya ang nasa tama.Napabuntunghininga na lang ang binata. “Well, we just inform you, hindi naming kailangan ng permiso mo do to whatever we want. Ginusto mo ang sitwasyong ito. Kung hindi ka nakialam sana ay masaya kami ni Maecy na nagsasama bilang mag-asawa.”Pagkadinig niya ay sinugod niya ang babae sa harapan. Sinabunutan niya ng matindi baka sakaling magising sa katotohanan. At kagaya kanina hindi ito lumaban, umiyak lang at nagpa-awa sa asawa niya. Kagaya ng inaasahan, umawat si Jace at muli itong kinampihan.Nagdilim na talaga ang paningin niya. Muli niyang sinugod ang babae at this time may kasama ng sipa at tadyak. Never in her life, has she imagined she can do this violence. At isang malakas na tulak ang nagpagising sa kanya galing sa
Damn! Ang kalaguyo ng asawa niya ay ang kanyang ama! Anong moral meron ang daddy niya para gawin siyang tagasalo ng anak nito! At pagtaksilan ang ina niya! May ilang mga isyu siyang nadidinig tungkol sa ama sa pagiging malapit nito sa ibang babae ngunit hindi niya pinaniwalaan dahil saksi siya sa pagmamahalan ng mga magulang.Pabalya niyang binuksan ang pinto ng opisina ng ama. Gusto niya itong sugurin at suntukin ngunit pinigil niya ang sarili. Mataas ang tingin at respeto niya para sa ama. Napakasakit ng natuklasan niya. Mas higit para sa kanyang ina na nakita niya kung paano mahalin at pagsilbihan ito.“Nagtapat na sa akin si Bella,” sumandal siya sa pinto. Pakiramdam niya ay kailangan niya ng mapaghuhugutan ng lakas upang kumprontahin ang ama.Kumunot ang noo ng Don. Bakas ang pagkalito sa mukha nito.“Look son, let me explain,” kalmado nitong sabi.“Explain? Hindi na kailangan. Hindi ba at lagi kang tama, kahit mali ay kaya mong ituwid! The high and mighty Ricardo! Noon ka pa gan
Pilit ipinikit ni Bella ang mga mata ngunit nanatiling mailap ang antok kahit pagod siya galing sa conference sa kabilang bayan. Tinanghali siya ng gising dahil sa puyat kagabi. It was her free day. Humingi siya ng isang araw na pahinga kay Don Ricardo. Siya ang tumatayong Chief Operations Officer. Pangalawa siya sa mataas ang position sa kumpanyang pag-aari ng mga Malvar. Ayaw niyang tanggappin noong una pero napilit na din siya ng ninong sa pangakong sa pagbabalik ni Jace ay maaari na siyang magresign at tutukan ang kanyang maliit na negosyo. Alam niyang ngayon ang unang araw ni Jace bilang CEO ng Land Sheperd Corporation. Umiiwas ba siya?Akala nga niya ay last day na din niya ngunit nanghingi pa ng palugit ang Don na hintayin muna niyang maging stable ang kumpanya sa pamumuno ni Jace bago siya umalis. Naunawaan naman niya ito. At wala naman sigurong magiging problema. Matured na sila pareho, hindi kagaya noon na mga isip bata pa.She will go to the nearest shopping mall. Matagal n
“Ms. Bella, good morning. Nakapagpahinga po ba kayo?” masiglang bati ni Lyneth pagdating niya sa kumpanya.Ngumiti siya sa kanyang secretary na may pagka-madaldal ngunit magaling ito sa trabaho at maaasahan.“Okay naman. May importante bang dapat malaman na nangyari sa kumpanya habang wala ako? Tatlong araw din akong nawala.”Lumapit itong kinikilig. “Ms. Bella, dumating na po kahapon ang CEO ng Land Sheperd Corporation. Napakagwapo po pala. Grabe, daig pa ang artista sa kapogian.”Tumalim ang tingin niya sa kaharap. “Lyneth, ang sabi ko ay importante hindi mga ganyang balita.”Napakamot sa ulo ang secretary. “Wala naman pong naging problema. Pero madami pong contract and deals na kailangan ninyong pag-aralan at pirmahan.”Sinimulan na niya ang pagtatrabaho at inisa-isa ang mga dokumentong nasa harapan.Dumating si Anthony. Magaling itong abogado ng Land Sheperd Corporation.“Oh, may maipaglilingkod ba ako sa’yo?” bungad niyang nakangiti.“Ah, alam mo namang dumating na si Jace.”Tuma
“Honey, kumain ka na,” malambing na sabi ni Bethany kay Jace.“Bethany, I will send your last allowance and additional bonus. Ayaw na kitang makita,” sabi ni Jace.“Nagkabalikan na ba kayo? Imposible naman ‘yan. May asawa na ang ex-wife mo.”“Makakaalis ka na.”“Well, you can use me to make her jealous. Kaming mga babae, selos ang ikakamatay namin. Hindi namin kayang makitang ang lalaking mahal namin ay nagbibigay ng atensyon sa iba.”Napatingin siya sa babae. May punto ito. “Sige, tatawagan kita kapag kailangan.”Dumating si Donya Carmelita.“Kumusta ka anak? Ano ba ang nangyari?” nag-aalalang sabi nito.Naikwento niya sa ina ang tangkang pagkidnap kay Bella.“Jace, hindi ka dapat nakikialam sa mga ganyang bagay. Dapat tumawag ka ng pulis. Paano kung napahamak ka? Naospital ka pa dahil sa babaeng iyon.”“Hindi ko papabayaan si Bella.”Huminga ng malalim ang kanyang ina.“Jace, bakit nabawasan ang parte ko sa kita ng Land Sheperd Corporation this month? May pagkakamali sa accounting.”
Iniluwa ng pinto si Matthew. Mabuti na lamang at naghiwalay na ang labi nila Jace at Bella. Namula ang kanyang mukha. Hindi siya dapat nagpadala sa silakbo ng damdamin.Agad niyang nilapitan si Matthew. “Bakit ka nandito?”“Hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko kaya nag-alala ako.”“Ah, naging busy lang. Tinignan ko ang kumpanya at hindi maganda ang sitwasyon, so I decided to go back.”Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Matthew. “Maselan ang pagbubuntis mo. Hindi mo kailangang bumalik sa trabaho.”“Hindi naman ako mahihirapan. Mag-momonitor lang ako. Importante sa akin ang Land Sheperd Corporation.”“Okay, I’m just worried. Ihahatid na kita pauwi.”“Hey, madami pa kaming dapat pag-usapan ni Bella,” singit ni Jace.“Mr. Malvar, mag-uumpisa ako ng trabaho bukas. Uuwi na ako,” aniyang humawak sa braso ni Matthew.Nasa parking na sila ng magsalita si Matt.“Bella, sigurado ka ba sa desisyon mo? Parang bumalik ka sa umpisa. Makikita mo si Jace at guguluhin ka niya.”“Malaki ang kai
“Okay, mananatili ako as long as tutulungan mo ako. Nakakapanghinayang talaga kung babagsak ang Land Sheperd Corporation. Hindi ito magugustuhan ni daddy sa langit,” sabi ni Jace.“Deal! Pagtulungan nating iahon ang kumpanya,” sagot ni Bella. Nahuli niya ang ngiti sa labi ng dating asawa.“Mr. Malvar, this is purely business. Kaya ayusin mo ang pakikitungo sa akin.”Itinaas ni Jace ang dalawang kamay. “Of course. I have already moved on. May asawa ka na at ako naman ay may Bethany na. Magpapakasal na din kami soon.”Hindi niya mawari na tila may pumana sa puso niya na may lason at unti-unting kumakalat sa kanyang puso. Inawat niya ang sarili sa nararamdaman. Mainam at titigil na ito sa paghabol sa kanya. At isa pa, gusto din niya itong makitang masaya at magkaroon ng sariling pamilya.Niyaya siya nito sa dati niyang opisina na mukhang pina-renovate at bago ang interior design. Maganda ang bagong opisina niya.“Wow, hindi ka naman ready sa pagbabalik ko.”“Matagal ko ng ipinagawa ito. Y
Kasabay ng lagabag ni Jace sa lapag ang pagbangon ni Bella kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng kama.Nakita niya ang mga paa ni Bella na bumaba sa kama. Masikip sa ilalim. Para siyang maso-soffucate ngunit tiniis niya. Humiga ulit si Bella sa kama. Naghintay siya ng ilang minuto bago lumabas at pagmasdan ang natutulog na dating asawa.She fell in love first but he fell in love harder. Parang sasabog ang puso niya sa labis na pagmamahal sa asawa. At hindi siya papayag na hindi niya ito mabawi.Binili niya ang isang bahay na nasa compound kung saan nakatira si Bella. Nakita niya itong naglalakad. Ibinigay ni Lyneth ang schedule sa buong araw ni Bella. Nag-mask siya at nagsuot ng jacket na may hoodie. Susundan niya lang ito mula sa malayo. Sapat na sa ngayon na matanaw niya ito. Lumiko ito sa kanto at bigla itong sumulpot na may dalang malaking sanga ng puno na inihampas sa kanya.“Sino ka?! Bakit mo ako sinsusundan?”Inawat niya ito. “Sino nagsabing sinusundan kita? Hindi
“Tulungan mo ako Lyneth. Nagsisi ako sa mga kasalanan ko kay Bella. Gusto kong makabawi sa kanya.”“Titignan ko po ang magagawa ko. Pero huwag muna kayong lumapit sa kanya. Sensitive ang pagbubuntis niya.”“Hindi ako lalapit, titignan ko lang siya mula sa malayo. Hayaan mo akong pagsilbihan siya ng hindi niya alam.”Tumango si Lyneth.Umuwi na si Bella at kasunod siya nito. Malalaman niya kung saan ito nakatira. Pero sabi ni Lyneth ay dadaan pa ito sa duktor.Nakasilip siya sa bintana habang kausap si Bella ng OB-gyn. Naka-on ang tawag nila ni Lyneth kaya nadidinig niya ang usapan sa loob. Napatingin ito sa bintana kaya agad siyang nagkubli.Matapos ang checkup ay kinausap niya ang duktor.“Dra. Rosales, if you remember, scholar ka ng Land Sheperd Corporation.”“Nagulat ang duktora ng bigla siyang pumasok sa clinic nito.”“Of course, naaalala ko po. Ano po ang maipaglilingkod ko Mr. Malvar?”“May tsansa ba na maisagawa ang DNA test kahit nasa tiyan pa ng isang ina ang sanggol?”Tumango
Bumalik si Jace sa condo ngunit nakaalis na si Bella. Tikom ang bibig ng mga staff ng building. Nagtungo siya sa kumpanyang pag-aari ni Matthew. Ngunit hinarang din siya. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa opisina.“Anthony, sell our shares. Mag-announce ka sa public.”“What? Bakit? Hindi mo naman kailangang magbenta.”“Make sure na malalaman ni Bella na ibinebenta ang malaking shares ng kumpanya.”“Pinsan, anong ginagawa mo?”“Nagtatago siya, so papalabasin ko siya. For sure hindi niya hahayaang malusaw ang kumpanya ng daddy niya.”Huminga ng malalim si Anthony. “Huminahon ka. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero negosyante ka, hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo ngayon. Tutulungan kitang maghanap sa kanya. Hindi mo pwedeng isakripisyo ang kumpanyang maraming empleyado.”Nawalan ng kibo si Jace. Tumayo at nagsalin ng wine sa baso. Maya-maya ay inihagis ang baso na nabasag.“Nakapagago ko, Anthony! Pinagbintangan ko si Bella na kabit ng daddy ko. Ako ang nagtamasa
“Jace, nagmamakaawa ako sa’yo. Tigilan mo na ako,” naging emosyonal na si Bella at hindi na napigil umiyak.Hinawakan ni Jace ang dalawang kamay nito. “Maging totoo ka sa akin. Masaya ka ba sa piling ni Matthew?”“Oo naman. Napakabait ni Matthew at ibinibigay lahat ng kailangan ko. Wala na akong mahihiling pa. He will be a good father. Una pa lang alam na nating hindi tayo para sa isa’t isa. Huwag na nating ipilit. Nasasaktan lang natin ang isa’t isa.”Umatras ng bahagya si Jace at binitawan ang mga kamay ni Bella. He’s too late. Huli na para mabago pa niya ang desisyon ng dating asawa.“Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang. Nandito lang ako para sa’yo. Naging makasarili ako. Isang malaking pagkakamali ang hindi ko agad nakita ang kahalagahan mo pero siguro nga, hindi tayo para sa isa’t isa.”Mabigat ang mga paa ng ihakbang niyang palayo.Bumalik na siya sa Land Sheperd Corporation. Naupo siya sa kaniyang table. Labis ang panlulumo niya ng tuluyan ng magwakas ang ugnayan niya kay B
Natutop ni Bella ang bibig. Sinadya niyang hindi magpunta sa honeymoon at ipadala si Lyneth para samahan si Matthew. Ngunit hindi niya inaasahan na may mangyayari sa dalawa. Labis ang pag-aalala niya sa kaibigan.Lumabas si Matthew sa banyo. “Mag-empake ka ng damit bukas at lilipat ka ng tirahan. This time sisiguraduhin kong hindi ka magugulo ni Jace.”Knowing Jace, useless ang magtago. Hahanapin din siya nito kung gusto nito. Anyway, bakit nga ba siya magtatago?“Hindi na kailangan. Additional security na lang. At magsampa ng kaso para hindi na siya makalapit sa akin.”“Okay, ikaw ang masusunod, mahal ko.”***Dumating si Anthony sa Land Sheperd Corporation.“Pinsan, dumating na ang imbestigasyon tungkol sa daddy mo at ni Bella,” sabi ni Anthony.Inangat niya ang ulo.“Akina ang folder,” aniya ng tila itinulos sa kinakatayuan ang pinsan.“Jace, handa ka ba sa malalaman mo?”Inagaw niya ang folder sa kamay ni Anthony ng tipong ayaw nitong ibigay sa kanya.Dumating si Donya Carmelita.
Umupo si Jace sa sofa. “Sino ang ama ng bata?” inulit nito ang tanong kay Bella.“Malinawag kung sino ang asawa ko. Bakit mo pa itatanong?”“Nabuo ang bata bago kayo nagpakasal.”“Pre-marital sex. Hindi ka ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig kong sabihin.”Tila may tumarak sa puso niya ng ilang beses. Masakit masyado. Hindi maabot ng isip niya na may ibang umangkin kay Bella.“Mahal mo ba si Matthew?”“Jace, bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba maliwanag na gusto ko ng tahimik na buhay? Ibinigay ko na sa’yo ang kumpanya.”“Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Mahal mo ba si Matthew?”“Natural. Bakit ako magpapakasal sa kanya kung hindi?”“Sino ang mas mahal mo sa aming dalawa?”“Sige tatapatin na kita. Noon, oo mahal kita. Noong high school. Ang bata pa natin noon. Pero habang tumatanda ako, hindi naman pala kita mahal. Alam mo ang istorya ng buhay ko, naghahanap ako ng taong magliligtas sa akin mula sa hirap. At ikaw ang una kong nakita. At ngayon ay hindi na. I have Matth