Home / Romance / The CEO's Cold Ex-Wife / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The CEO's Cold Ex-Wife: Chapter 41 - Chapter 50

72 Chapters

Kabanata 41 Not Meant to Be

Nakita ni Bella ang ngiti ni Jace kay Maecy. Unti-unti niyang inihakbang ang mga paa palabas ng ospital. Mabigat ang kanyang bawat hakbang.Hindi siya ang babaeng mamahalin ni Jace habangbuhay. Dumating lamang siya at naging bahagi ng buhay nito. Hindi siya ang magiging asawa ni Jace. Ang importante ay naipadama niya kung gaano niya kamahal ang binata ng walang hinihintay na anumang kapalit. Jace broke her heart so many times, but still, there’s nothing but love for him. One day, she will move on. Isinara niya ang pinto ng kwarto kasabay ng pagsara ng kwento nila ni Jace. She will fight alone. This time hindi para kay Jcae kundi para sa sarili niya.Nadinig niya ang pagtawag ni Don Ricrado. “Bakit ka aalis? Ngayon ka pa ba susuko kung kailan mahal ka na ni Jace?”“Don Ricrado, pwede ko po ba kayong makausap?” Ipagtatapat niya ang lahat sa ama ni Jace. Niyaya niya ito sa labas ng ospital kung saan may parke para sa mga bisita at pasyente.Ipinagtapat niya ang kanyang sakit. Napahawak
last updateLast Updated : 2024-09-12
Read more

Kabanata 42 Too Many Questions

“Dad, andito po pala kayo. I was just about to welcome Bella.”“Yes, heto nga at nagpadala ako ng flowers. Bella is so busy sa maraming bagay kaya naman kalahating araw lang ang pasok niya sa atin as consultant. Paano, maiwan ko na kayo at ng makapag-usap kayo.”“Don Ricardo, maraming salamat po.”“You’re welcome. Nga pala Jace, bukas ang appointment mo sa duktor. We need to find ways para maibalik ang nawalang parte ng alaala mo.”“Kapag hindi busy, I’ll visit the hospital.”“Anak, gusto kong masigurong maging maayos ang lagay mo.”Tumango si Jace. Nagpaalam sa kanila si Don Ricardo.“Kung busy ka, bakit gusto mo pang magtrabaho dito sa kumpanya ng pamilya namin? Umaasa ka bang may makukuha kang mana?”Ibinalik niya ang atensyon sa binabasa. “Isipin mo ang gusto mong isipin. I don’t care. May taong nagpapasaya sa akin dito kaya ako nandito.”Nagkita niyang nagtagis ang bagang ng kausap. “Maswerte ka kung ganoon. Ako kasi naiinis sa mukha mo kapag nakikita kita.”“Kung ganoon, huwag m
last updateLast Updated : 2024-09-14
Read more

Kabanata 43 Memories of You

“Manong Joey, deretso lang po. Jace, huwag kang makulit,” sabi ni Bella. Mas lalo siyang ninerbyos.Inihatid siya ni Jace hanggang sa pinto ng apartment. Pinilit niyang lumakad ng deretso at ipakitang maayos ang pakiramdam.“Bumalik ka na sa opisina,” aniyang isasara na ang pinto ngunit hinarang ng binata ang katawan.“Hindi mo man lang ba ako papapasukin? May kasama ka ba?”“Mag-isa lang ako. Gusto kong magpahinga,” taboy niya sa binata. Tuluyan niyang isinara ang pinto.Napasandal siya sa pinto. Dali-dali niyang kinuha ang gamot sa kwarto at uminom ng gamot. Humiga siya sa kama. Namimilipit siya sa sakit hangang sa makatulugan niya ang pag-iyak.Maaga siyang pumasok sa opisina kinabukasan. Maganda ang gising niya. Naupo siya sa swivel chair. Napasulyap siya sa kabilang office. Wala pa si Jace. Pumasok siya sa office nito. Inayos niya ang table at naglagay ng fresh flowers sa center table na may sofa para sa mga bisita.Dinampot niya ang isang picture ni Jace noong graduation day ng h
last updateLast Updated : 2024-09-17
Read more

Kabanata 44 Getting Closer

Alipin sila Bella at Jace ng pagnanasa. Tila sila binuhusan ng malamig na tubig ng madinig ang katok sa likod ng pinto at ang pagpihit ng door knob.Iniluwa ng pinto si Maecy na masama ang tingin sa kanya.“Jace, nakita mo ba ang balita sa news? May nakitang ahas sa opisina sa kabilang bayan. Totoo pa lang hindi lahat ng ahas ay nasa gubat,” anitong alam niyang siya ang pinaparinggan.Ngunit hindi niya sasayangin ang lakas upang patulan ito. Lumabas siya ng opisina ni Jace.Naupo siya sa kanyang table. Nakita niya ang pagyakap ni Maecy sa binata. Hindi siya nakatiis kaya isinara niya ang smart curtain.Maya-maya ay may nadinig siyang katok. Masayang bumati si Anthony. May ibinigay itong concert tickets at niyaya siyang manuod. Dahil gusto din niyang maglibang ay pumayag siya.Nagtatawanan sila ng pumasok si Jace at kasunod nito si Maecy na nakasabit sa braso ng binata na tila tarsier.“Pinsan, mukhang nagkakamubutihan kayo ni ex-wife ah,” tukso ni Jace.“Jace, niyaya ko manood ng conc
last updateLast Updated : 2024-09-19
Read more

Kabanata 45 Pictures of You

“Matagal na kitang nakalimutan,” sabi ni Bella na deretso ang tingin sa mata ni Jace.Tanggap na niya na hindi sila para sa isa’t isa ni Jace. Sinusulit na lamang niya ang ilang panahon na pwede pa niya itong makita. Mas magiging payapa ang kalooban niya kapag hindi ito masasaktan o malulungkot.“Sinungaling ka. Bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?”“Dala lang ng aksidente mo ‘yan kaya you look at me in a different way. Magpagaling ka.”“Anyway, kung wala ka ng gusto sa akin, balewala lang kahit maging magkapitbahay tayo.”Muling tumunog ang elevator at iniluwa si Hanz, ang kayang kapitbahay na isang modelo. Gwapo at matipuno ito.“Hi, Bella. May dala akong cupcakes. Baka gusto mo.”Inabot niya ang ibinibigay nito. “Thanks so much. Nag-abala ka pa.”“Bella, nami-miss ko na nga ang kwentuhan natin. Sino siya?” anitong nakatingin kay Jace.“Hi, bro. I’m his boyfriend,” inabot nito ang kamay kay Hanz na inabot naman ng huli.Nanlaki ang mata niya sa pakilala nito.“Kaya huwag kang magta
last updateLast Updated : 2024-09-25
Read more

Kabanata 46 The Revelation

Hinagod ni Bella ang likod ni Don Ricardo. Tuluyan na siyang niyakap ng matanda. Ito ang kanyang naging kakampi sa nakalipas na mahabang panahon. Kailangan nito ngayon ng karamay.“Bella, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sa’yo,” anang matanda na tila nahihirapang magsalita.“Ano po ‘yun Don Ricardo? Maari po kayong magsabi sa akin,” nag-aalalang sabi niya.“Bella, ako ang tu--“Sunod sunod na katok ang gumulat sa kanilang dalawa. Sinilip niya ang maliit na butas sa pinto. Nakita niya si Jace na mukhang galit na galit. Nanlilisik ang mga mata nito.“Don Ricardo, si Jace po ang nasa labas.”“Huwag mong sabihing nandito ako. Hindi niya ako dapat makita dito,” anang matanda at mabilis na pumasok sa loob ng banyo upang matago.Nagtaka siya sa inakto ng matanda. Mas lumakas ang kalabog ng pinto. Sinisipa na yata nito ang pinto kaya napilitan siyang buksan.“Sino ang lalaking bisita mo?” bungad nito sa kanya.“Wala akong bisita. Pwede ba umuwi ka na,” kabadong sagot niya dahil hindi din n
last updateLast Updated : 2024-09-29
Read more

Kabanata 47 Father and Daughter

Napatingin si Bella kay Don Ricardo na nahihirapang magsalita. Baka dala ng sakit o ng gamot ay hindi nito alam ang sinasabi. Paano siya nito magiging anak?May dumating na duktor kaya nagmamadali siyang tumalikod. Babalikan niya si Don Ricardo bukas. Hindi siya mapakali habang naglalakad palabas ng ospital.Nagulat siya ng may humiklas sa kanyang braso.“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka na makakalapit sa daddy ko. Nakita mo naman mahigpit ang security.”Tumango lamang siya at binawi ang kanyang kamay. Wala siya sa mood upang makipagtalo. Magulo ang isipan niya.“Bitawan mo ako!”“Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Wala man lang akong makita kahit konting pagsisisi sa kasalanan mo.”“Wala akong kasalanan! Sadyang madumi lang ang isip mo!” aniyang tuluyan na itong tinalikuran.Hinabol siya nito. “Ano ang dahilan mo sa pagpatol sa daddy ko? Pera? Sex? Kaya kitang pahigain sa pera. At mas kaya kitang paligayahin!”Umasim ang mukha niya. “Ayan ang girlfriend mo. Baka madinig ka!” aniyang n
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more

Kabanata 48 Second Life

Agad sumagot si Bella. “Mamasyal. Tama, mamamasyal kami.”“Dad, hindi po kayo maaaring lumabas ng bansa sa kalagayan ninyo. Dapat muna kayong magpagaling,” hindi maitago ang iritasyon sa boses ni Jace.“Jace, huwag kang mag-alala. Malakas pa ako sa kalabaw,” tumawa ang matanda.“Dad, kausapin ko lang saglit si Bella.”Hawak nito ang pulsuhan niya na unti-unting humihigpit ng makalabas sila ng pintuan.“Hindi ka ba talaga titigil? Talagang papangatawanan mo ang pagiging kabit mo? Ganoon mo kagustong manatiling nakakapit sa pamilya namin?”“Ano bang pinagsasasabi mo? Wala akong intensyon na ganyan. Madumi lang ang utak mo.”“Talagang matindi ang kapit mo sa pamilya ko noon pa. Palibhasa wala kang sariling pamilya! Lumayo ka sa amin lalo sa daddy ko! Huwag mong sirain ang magandang pagsasama namin!” nagtatagis ang bagang na sabi ni Jace.Paano ba niya ipagtatapat na daddy niya si Don Ricardo at ampon si Jace? Hindi siya ang dapat magsabi dito kundi ang kanyang ama. Wala din siyang lakas n
last updateLast Updated : 2024-10-08
Read more

Kabanata 49 The Heiress

“I’m sorry Miss Bella. Kagustuhan ni Don Ricardo na huwag ipaalam sa’yo ang kanyang pagpanaw upang makapagpagaling ka sa iyong sakit,” sabi ng abogado na si Matthew.Labis ang sakit na mawala ang taong naging tangi niyang kakampi. Nanginginig ang kanyang katawan g lumapit sa puntod ng ama. Hindi man lamang niya ito nakasama bilang isang tatay.Humahagulgol siya. Hindi niya namalayan kung ilang oras siyang umiiyak.Napansin na lamang niyang madilim ang paligid.Napalinga siya at nananatiling nakatayo ang bodyguards at nakaupo ang abogadong nagpakilala sa kanya bilang si Matthew.“Ms. Bella, dapat ka na pong magpahinga. Bukas ay babasahin ang huling testamento ni Don Ricardo. Mahigpit ang bilin ni Don Ricardo na hintayin ang iyong pagdating.”“Hindi ako intresado sa yaman ng mga Malvar,” aniya.“Hindi po matutuloy ang lahat ng nakasulat sa last will kung hindi kayo dadalo.”“Sige, para matapos lamang ay pupunta ako.”Sa totoo ay ay ayaw niyang makaharap si Jace. Nakatulong ang paglayo ni
last updateLast Updated : 2024-10-09
Read more

Kabanata 50 The New CEO

“Natitiyak kong hindi magugustuhan ni Don Ricardo kapag nalusaw ang pinaghirapan niya. Walang ibang makikinabang sa Land Sheperd Corporation sa sandaling tanggihan ito ni Bella. Mapupunta ang kita nito sa charities,” ani Atty. Rodrigo.“Sino ang babaeng ito para bigyan ng mas malaking bahagi ng mana? Ninong lamang niya ang asawa ko. Wala siyang karapatan!” ani Donya Carmelita.Hindi pa pala alam ng mga ito ang katotohanan.Tumikhim muna ang abogado bago magsalita. “Donya Carmelita at Jace, panahon na upang malaman ninyo na ---”“Naging close kami ni Don Ricardo at nakita niya ang hirap ko noong itinataguyod naming pilit ang kumpanya,” putol niya sa sasabihin ng abogado. Masyado ng masakit ang araw na ito para sa mag-ina. Ayaw niyang dagdagan pa. Sa ibang panahon malalaman din ng mga ito na siya ang tunay na anak ni Don Ricardo.Nagkatinginan sila ng abogado at nagkaunawaan na ipagpaliban muna ang pagsasabi ng tunay niyang katauhan.“Inuulit ko na ang laman ng testamento ay pinal at hin
last updateLast Updated : 2024-10-15
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status