Ilang araw ng nasa business trip si Jack at madalas hindi rin nakikita ni Harah ang kaniyang kapatid na si Aryah. "Harah, saan ba nagpupunta ang kapatid mo?" tanong ng Mommy ni Jack. "Hindi ko po alam," sagot ni Harah. Inis na tinalikuran ng Mommy ni Jack si Harah. "Harah, gawin mo nga iyong nasirang cabinet," utos ni Marites na tiyahin ni Jack. Sinunod iyon ni Harah. Habang wala si Jack sa Mansion ng mga Coleman, sinasamantala naman ng mga kamag anak ni Jack ang pang aapi at pagpapahirap kay Harah. "Harah, pakikuha nga iyong bag ko sa kuwarto. Nakalimutan ko sa sobrang pagmamadali," sambit naman ni Marisol. "Sige po. Sandali lang." tugon ni Harah sa mababang boses. Nang magawa na ni Harah ang utos ng mga tiyahin ni Jack ay bumalik na si Harah sa paglilinis ng bahay. Isang katulong si Harah sa Mansion ng mga Coleman at ampon lamang sila ni Aryah mula sa Bahay-Ampunan. Magkaiba ang trato sa kaniya ng pamilya ni Jack pero hindi kailanman nagtanim ng sama ng loob si Harah. Kinaga
Huling Na-update : 2024-06-01 Magbasa pa