Mas naging malapit ang mga anak ni Harah sa kanilang ama. Nagawa nang igala ni Shawn ang kanilang mga anak. At tuwang tuwa naman ang triplets.
"Thank you so much po, Papa! Super duper nag enjoy po kaming magkakapatid!" masiglang sambit ni Nikolai. "Walang anuman anak, basta para sa inyong lahat. Bilang pagbawi ko na rin." masayang tugon ni Shawn. Kapag talaga kasama niya ang mga anak. Kahit naiilang si Harah kay Shawn ay masaya naman siyang nakikita ang mga bata na masaya. Sabay sabay silang kumakain ngayon ng Hapunan sa Mansion ni Shawn. Dito na tumira ang mag iina at mas nakakapag focus na silang dalawa ni Harah sa pag aalaga sa mga bata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila ngayon lang naranasan ni Shawn maging masaya ng totoo. At dahil iyon sa mga bata. "Sige na, pumasok na muna kayo sa loob. Mag uusap lang kami ng Mama niyo." seryosong saad ni Shawn. Masayang tumango naman sila Nikolai at sinunod ang bilin ng kanilang ama. Naiwan sila Harah at Shawn sa may hapagkainan. Seryosong tumitig si Shawn kay Harah. "Ano? Pumapayag ka na ba sa nais kong mangyari? Hindi mo ba nakikita ang mga bata? Sobra ang saya nila dahil akala nila ay buo na ang kanilang Pamilya. Huwag mong hayaang mabasag ang kaligayahan nilang iyon, Harah." seryosong saad ni Shawn. "Ayokong magpakasal sa'yo dahil lang sa mga bata. Bakit ba ipinipilit mo sa'kin ang bagay na iyon? May mapapala ka ba kapag pinakasalan mo ako?" kunot noong tanong ni Harah kay Shawn. "Aaminin ko sa'yo. Bukod sa gusto kong palakihin ang mga anak natin na may kinikilalang ama. Mapapasa'kin ang lahat ng ari arian ng mga Peñafranco dahil sa'yo at sa mga bata. Aksidente man ang nangyari sa ating dalawa pero nais kong panindigan ka. Ayaw mo ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Shawn. Nag salubong naman ang kilay ni Harah sa kaniyang narinig. "Kung ganoon, kaya mo lang ako papakasalan ay para sa yaman? Hindi ba't sobrang yaman mo na? Sakim ka rin ano?" hindi mapigilang magkomento ni Harah. Sumama ang timpla ng mood ni Shawn sa sinabing iyon ni Harah. "Hindi mo dapat ako kinuk'westiyon, Harah. Hindi mo pa ba tatanggapin ang Offer ko? Masiyado ng maganda ang bagay na iyon para lang tanggihan mo." may diin na saad ni Shawn. Naiinis na siya sa pagiging usisera ng babae. "Anong akala mo sa'kin? Basta basta nalang? Shawn, hindi porket may nangyari sa'tin ay pahihintulutan na kita. Hindi ako bagay na anumang oras mong angkinin ay mapapasayo. May sarili akong buhay at hindi ka kasama sa buhay na iyon." galit na sambit ni Harah. Padaskol siyang tumayo sa pagkakaupo at naglakad na paalis. Mabilis naman siyang hinabol ni Shawn at hinawakan ng mahigpit sa Braso. "Sino ka para talikuran ako habang kinakausap kita?! Ang ayoko pa naman sa lahat ay iyong kagaya mong sinusukat ang pasensiya ko. Harah, hindi mo ako kilala. Huwag mong hayaang maging malupit ako sa'yo at makalimutan kong ina ka ng mga anak ko." gigil na sambit ni Shawn kay Harah. Nasaktan si Harah sa pagkakahawak nito at nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Kaba na alam niyang hindi dapat maramdaman. Kaya wala sa sarili siyang pumayag sa gustong mangyari ni Shawn. "Sige, pumapayag na ako sa gusto mo. Pero gusto ko, limang taon lang ang validity ng kasal natin at pagkatapos noon. Hindi na tayo dapat magkita pa. Tanging mga anak nalang natin ang iintindihin natin." Malamig ang boses na tugon ni Harah. "At ang lakas naman ng loob mong mag demand ng ganiyan. Sa tingin mo ba ay hindi ka mahuhulog sa'kin? Ha?" naiinis na saad ni Shawn. "Hindi ko alam. Basta kung ipipilit mo ang gusto mo. Tanggapin mo ang kondisyon na gusto ko." pagmamatigas ni Harah kaya pumayag si Shawn.KINABUKASAN..Maagang nagising si Harah at nag tungo agad siya sa Restroom para maligo. Ngayon ang araw na mag kikita sila Harah at ang buong pamilya ni Jack kasama ng kaniyang kapatid na si Aryah. She sighed. Inayos niya ang kaniyang sarili at nag muka siyang mas disente sa kaniyang suot na puting dress. "Mama, saan ka po pupunta? Sama po ba kami?" tanong ni Kenji. Umiling si Harah sa tanong ng anak."No, Anak. Dito lang kayo sa Bahay. Ako nalang ang pupunta roon dahil baka kung ano pang marinig kong hindi maganda. Ayokong mag kagulo dahil baka hindi ako makapag timpi kapag may narinig akong insulto mula sa angkan ng mga Coleman." seryosong saad ni Harah. Mas lalong nag alala ang mga anak niya sa kanilang narinig."MAMA! Ayaw namin mag isa ka doon. Baka apihin ka nila. Wala magtatanggol sa'yo." saad naman ni Haruko. Sinang ayunan ito ng dalawa pa nitong kakambal."Kaya nga. Mahirap na. Masama pa naman ugali nila lalo na nung kapatid mong bruha, mama." segunda ni Nikolai.Napabuntong
"Oh andito na pala ang pinaka mamahal kong kapatid? Kamusta ka, Harah? Ang ganda ng suot nating dress ngayon ah. Sinong matandang lalaki ba ang nag aksaya ng ganiyan sa'yo? Tiba tiba ka e." mapang insultong saad ni Aryah. Lahat ng iyon ay narinig ni Shawn at ng mga bata. Galit na naikuyom nila Nikolai ang kanilang maliit na kamay. Nag igting naman ang panga ni Shawn sa galit. "Alam mo, Aryah? Huwag mong siraan ang isang tao dahil lang hindi mo afford ang bumili ng branded at limited edition na kagaya ng suot ko. Kung gusto mo naman, pwede ko itong hubarin ngayon at ipahiram sa'yo. Sa lagay mo kasing 'yan parang inggit na inggit ka na naman." mapang asar na tugon ni Harah."Aba't!" agad nag init ang ulo ni Aryah sa kaniyang narinig. Narinig niya ang bulungan at tawanan ng ibang bisita. Labis ang pagkakapahiyang natamo niya kay Harah. Hindi lubos akalain ni Aryah na imbes na si Harah ang mapahiya ay siya pa ang nakarma."See? Ganiyan naman talaga ang mga tao. Kapag hindi nila kayang hi
Nag bulungan ulit ang mga tao dahil sa gulong nangyayari. Hindi nila akalain na may baho palang itinatago ang pamilya Coleman. Buong akala nila ay may delikadesa at maayos ang pamilya nila Jack. "Huwag mo kaming slanderin! Kakasuhan kita!" gigil na sabi ni Marisol."Ang kapal ng muka mong mag salita, Harah!" saad naman ni Rosemarie na kararating lang. Doon na umeksena si Shawn. Nilapitan niya ang tatlo at naiinis na lumapit sa mga ito. Hinawakan niya ang kamay ni Harah. Nag tinginan naman ang mga tao nang makita si Shawn at humanga sa kagwapuhang taglay ng lalaki. Nakilala siya ng iba roon na isa sa pinaka sikat at pinaka mayamang negosyante sa buong mundo. "Hindi ba si Shawn 'yan? Iyong may ari ng Airlines, Hotel sa Boracay at mga sikat na Casino sa buong mundo?" sabi ng isang bisita."Oo nga, sobrang gwapo niya pala talaga sa personal! Nakaka intimidate oh!" tugon naman ng isa pa.Hindi makapaniwala si Aryah na ang lalaking hinahangaan niya noon pa man bukod kay Jack ay hawak ang
Nang makaalis sa lugar ay nagpasya si Shawn na i-date ang kaniyang mag iina. Kaya nag tungo sila sa isang Japanese Restaurant na talaga namang kinawiwilihan ng mga anak nila ni Harah. Nanatili namang Tahimik si Harah para pakiramdaman ang kaniyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit tila na attract siya sa Lalaki. Lalo na nang maalala niya kung paano nito hinawakan ang kaniyang kamay sa harap ng maraming tao."Anong iniisip mo, Harah? Kumain ka na." Tanong ni Shawn. Nilingon naman siya ni Harah."Bakit mo ba ginawa ang bagay na iyon? Baka magalit ang girlfriend mo niyan." mahinang bulong ni Harah. Natawa naman si Shawn sa sinabi nito."Hindi siya magagalit. Dahil wala naman ako non, maliban nalang kung sasagutin mo na ako at mag papakasal na tayo." naka ngising tugon ni Shawn. Nagharumentado naman ang puso ni Harah sa kaniyang narinig. Labis ang sayang dulot ng mga salita ni Shawn sa kaniya pero iwinaksi lang iyon ni Harah. Kahit ramdam niya ang pamumula niya at pag iinit ng ka
Nag tagal sila Harah at ang mga bata sa Orphanage nang buong araw. Masayang nakipag laro ang triplets sa mga batang naroon. Pagabi na nang magpasya silang umuwi. At agad silang nakatulog. Kinabukasan.. Maagang nagising si Harah dahil napaka ingay ng mga bata sa labas ng kaniyang silid. Hanggang ngayon ay magkabukod pa rin sila ni Shawn ng silid. "Mama! Mama! Andito na si Papa! May pasalubong po siya sa inyo kaya lumabas na po kayo!" sigaw ni Kenji sa labas ng pintuan. Wala sa sariling bumangon si Harah at agad na nag tungo sa may Restroom para maligo at mag ayos ng kaniyang sarili. Nag suot lang siya ng plain na dress at bumaba. Nakita niya roon si Shawn na naka pang bahay na at may hawak na maliit na box. Buong akala ni Harah ay Engagement ring na nila iyon. Lumapit siya kay Shawn. "Good morning, milady. Here's my gift." seryosong saad ni Shawn at inabot kay Harah ang box. Nang buksan iyon ni Harah ay nakita niya ang mamahaling kwintas na ang ginamit ay Tanzanite. Isang rare s
Hindi mapakali si Harah sa kaniyang kwarto. Naguguluhan siya dahil sobrang clingy ni Shawn sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa rin ni Harah ang pait ng sinapit niya sa nakaraan. Kaya parang natatakot na siyang mag mahal ulit. Sino ba naman kasing iibig ulit kung alam mong baka sa pangalawang pagkakataon mabigo ka lang? Napabalikwas ng bangon si Harah dahil may triplets na sumampa sa kaniyang kama. Panay ang yakap ng mga ito sa kaniya kaya napangiti siya. "Anong maipaglilingkod ko mga mahal kong Prinsipe?" nakangiting tanong ni Harah sa mga bata. Umiling lang ang mga ito. Hinaplos ni Harah ang buhok ng kaniyang mga anak. Masaya siya dahil lumalaki ang mga itong busog sa pag mamahal at matalino. Bagay na nakakataba ng puso. Lalo pa't malulusog ang mga ito at ni minsan hindi pa dinapuan ng sakit. "Mama, maraming salamat po sa pag aalaga niyo sa'min at pag tanggap kay Papa. Dahil roon kumpleto na ang pamilya natin." saad ni Nikolai. "Kaya nga mama. Salamat po. Ngayon masaya
Naiwan sila Harah at Shawn sa kanilang Mansion dahil nag bakasyon ang mga bata sa kanilang Lolo sa Japan. Hindi naman magawang iwanan ni Harah ang kaniyang Manufacturing Company dahil baka kung ano lang ang mangyari rito. Lalo na ngayong dumarami ang nagiging katunggali ng Akiyama Manufacturing Company na pamana sa kaniya ng kaniyang ama. Napag alaman ni Harah na half sister lang niya si Aryah at kaya hindi ito binibigyan ng pansin ng kaniyang ama dahil hindi naman tunay na anak si Aryah at anak ito sa labas ng kaniyang ina. Hindi iyon alam ni Aryah at balak niyang sabihin iyon sa susunod nilang pagkikita. Masiyadong matayog ang tingin ni Aryah sa kaniyang sarili at sa ganoong paraan gusto ni Harah gantihan ito. Tipong sobrang taas na ng step sister niya saka niya ito hihilahin pababa. Sa lagay kasi ni Aryah nang huli niya itong nakita ay wala itong pakialam kay Harah at sa nagawa nitong kasalanan sa kaniya noon. "Ganoon talaga siguro kapag hindi mo naman talaga buong kapatid. Tapos
Maagang pumasok sa opisina si Harah kinabukasan.. At gaya ng inaasahan niya. Tumawag sa kaniya si Sharmaine na Sekretarya niya para sabihing naroon na ang kaniyang kapatid sa kanilang Kompanya at katatanggap lang ng HR Department rito. Naging HR Assistant si Aryah at tuwang tuwa ito. "Okay, tell the HR Department that I will go to their office this afternoon. Prepare for my sudden visit." seryosong saad ni Harah. Tumango naman si Sharmaine."Copy Ma'am Harah. Request for leave." saad ni Sharmaine. Tumango si Harah bilang tugon. Inasikaso lang ni Harah ang kaniyang mga dokumento na dapat i-check at pirmahan saka siya umattend ng Business Meeting sa Cavite. Sinalubong siya ng mga kliyente at kausap niyang buyer ng subdivision sa Alfonso."Good morning, Miss Harah. We are pleased to meet you. You can sit here." saad ni Grace. Naupo naman si Harah at pinag usapan nila ang tungkol sa deal."Sabi ng kliyente ayos lang daw sa kanila ang price offer ninyo as long as kumpleto ang dokumento