Nang makaalis sa lugar ay nagpasya si Shawn na i-date ang kaniyang mag iina. Kaya nag tungo sila sa isang Japanese Restaurant na talaga namang kinawiwilihan ng mga anak nila ni Harah. Nanatili namang Tahimik si Harah para pakiramdaman ang kaniyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit tila na attract siya sa Lalaki. Lalo na nang maalala niya kung paano nito hinawakan ang kaniyang kamay sa harap ng maraming tao."Anong iniisip mo, Harah? Kumain ka na." Tanong ni Shawn. Nilingon naman siya ni Harah."Bakit mo ba ginawa ang bagay na iyon? Baka magalit ang girlfriend mo niyan." mahinang bulong ni Harah. Natawa naman si Shawn sa sinabi nito."Hindi siya magagalit. Dahil wala naman ako non, maliban nalang kung sasagutin mo na ako at mag papakasal na tayo." naka ngising tugon ni Shawn. Nagharumentado naman ang puso ni Harah sa kaniyang narinig. Labis ang sayang dulot ng mga salita ni Shawn sa kaniya pero iwinaksi lang iyon ni Harah. Kahit ramdam niya ang pamumula niya at pag iinit ng ka
Nag tagal sila Harah at ang mga bata sa Orphanage nang buong araw. Masayang nakipag laro ang triplets sa mga batang naroon. Pagabi na nang magpasya silang umuwi. At agad silang nakatulog. Kinabukasan.. Maagang nagising si Harah dahil napaka ingay ng mga bata sa labas ng kaniyang silid. Hanggang ngayon ay magkabukod pa rin sila ni Shawn ng silid. "Mama! Mama! Andito na si Papa! May pasalubong po siya sa inyo kaya lumabas na po kayo!" sigaw ni Kenji sa labas ng pintuan. Wala sa sariling bumangon si Harah at agad na nag tungo sa may Restroom para maligo at mag ayos ng kaniyang sarili. Nag suot lang siya ng plain na dress at bumaba. Nakita niya roon si Shawn na naka pang bahay na at may hawak na maliit na box. Buong akala ni Harah ay Engagement ring na nila iyon. Lumapit siya kay Shawn. "Good morning, milady. Here's my gift." seryosong saad ni Shawn at inabot kay Harah ang box. Nang buksan iyon ni Harah ay nakita niya ang mamahaling kwintas na ang ginamit ay Tanzanite. Isang rare s
Hindi mapakali si Harah sa kaniyang kwarto. Naguguluhan siya dahil sobrang clingy ni Shawn sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa rin ni Harah ang pait ng sinapit niya sa nakaraan. Kaya parang natatakot na siyang mag mahal ulit. Sino ba naman kasing iibig ulit kung alam mong baka sa pangalawang pagkakataon mabigo ka lang? Napabalikwas ng bangon si Harah dahil may triplets na sumampa sa kaniyang kama. Panay ang yakap ng mga ito sa kaniya kaya napangiti siya. "Anong maipaglilingkod ko mga mahal kong Prinsipe?" nakangiting tanong ni Harah sa mga bata. Umiling lang ang mga ito. Hinaplos ni Harah ang buhok ng kaniyang mga anak. Masaya siya dahil lumalaki ang mga itong busog sa pag mamahal at matalino. Bagay na nakakataba ng puso. Lalo pa't malulusog ang mga ito at ni minsan hindi pa dinapuan ng sakit. "Mama, maraming salamat po sa pag aalaga niyo sa'min at pag tanggap kay Papa. Dahil roon kumpleto na ang pamilya natin." saad ni Nikolai. "Kaya nga mama. Salamat po. Ngayon masaya
Naiwan sila Harah at Shawn sa kanilang Mansion dahil nag bakasyon ang mga bata sa kanilang Lolo sa Japan. Hindi naman magawang iwanan ni Harah ang kaniyang Manufacturing Company dahil baka kung ano lang ang mangyari rito. Lalo na ngayong dumarami ang nagiging katunggali ng Akiyama Manufacturing Company na pamana sa kaniya ng kaniyang ama. Napag alaman ni Harah na half sister lang niya si Aryah at kaya hindi ito binibigyan ng pansin ng kaniyang ama dahil hindi naman tunay na anak si Aryah at anak ito sa labas ng kaniyang ina. Hindi iyon alam ni Aryah at balak niyang sabihin iyon sa susunod nilang pagkikita. Masiyadong matayog ang tingin ni Aryah sa kaniyang sarili at sa ganoong paraan gusto ni Harah gantihan ito. Tipong sobrang taas na ng step sister niya saka niya ito hihilahin pababa. Sa lagay kasi ni Aryah nang huli niya itong nakita ay wala itong pakialam kay Harah at sa nagawa nitong kasalanan sa kaniya noon. "Ganoon talaga siguro kapag hindi mo naman talaga buong kapatid. Tapos
Maagang pumasok sa opisina si Harah kinabukasan.. At gaya ng inaasahan niya. Tumawag sa kaniya si Sharmaine na Sekretarya niya para sabihing naroon na ang kaniyang kapatid sa kanilang Kompanya at katatanggap lang ng HR Department rito. Naging HR Assistant si Aryah at tuwang tuwa ito. "Okay, tell the HR Department that I will go to their office this afternoon. Prepare for my sudden visit." seryosong saad ni Harah. Tumango naman si Sharmaine."Copy Ma'am Harah. Request for leave." saad ni Sharmaine. Tumango si Harah bilang tugon. Inasikaso lang ni Harah ang kaniyang mga dokumento na dapat i-check at pirmahan saka siya umattend ng Business Meeting sa Cavite. Sinalubong siya ng mga kliyente at kausap niyang buyer ng subdivision sa Alfonso."Good morning, Miss Harah. We are pleased to meet you. You can sit here." saad ni Grace. Naupo naman si Harah at pinag usapan nila ang tungkol sa deal."Sabi ng kliyente ayos lang daw sa kanila ang price offer ninyo as long as kumpleto ang dokumento
Sinalubong si Harah nang nakangiting mga empleyado nang bumisita siya sa HR Department. Saktong katatapos lang mag retouch ni Aryah nang mag angat siya ng tingin ay nalaglag sa kaniyang kamay ang hawak niyang foundation sa sobrang pagkagulat.Bigla siyang napatayo at hindi siya makapaniwalang si Harah ang kaniyang nasa harapan."Ikaw?! Huwag mong sabihing ikaw ang may ari ng kompanyang ito?!" nang gagalaiting tanong ni Aryah."Yes." tipid na sagot ni Harah. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Aryah sa mga oras na iyon. Hindi niya lubos akalain na ang kinaiinisan niyang step sister ang may ari ng kompanya. Naiinis niyang dinampot ang kaniyang mga gamit kasabay ng bulungan ng mga kapwa niya empleyado."Damn it!" mura ni Aryah. "Are you going to leave? Where do you think you're going?" walang emosyong tanong ni Harah. Doon napagtanto ni Aryah na wala nga palang kompanyang natanggap sa kaniya maliban sa kompanya ni Harah."The heck! How could I stay in the same environment and workpl
Nag simula na ang kalbaryo sa buhay ni Aryah nang pahirapan siya ni Harah. Ito mismo ang nag bibigay sa kaniya ng mabibigat na trabaho. Naging mas malupit si Harah kaysa kay Aryah."That bitch! Hindi niya talaga tatantanan ang pagpapahirap at pagpapahiya sa'kin!" naiinis na sambit ni Aryah. Pinaulit kasi ni Harah ang mga ginawa niyang powerpoint at articles. Kaya hindi niya lubos akalain na gagabihin na naman siya ng uwi. Halos wala siyang tulog sa pag aayos ng mga iyon tapos marereject lang."What do you mean by that? Kung ako bitch, you're a witch!" nakataas ang kilay na sambit ni Harah. Naroon pala ito at hindi napansin ni Aryah. "Ano ba talagang problema mo? Hindi ka ba talaga titigil, Harah?!" naiinis na sigaw ni Aryah. Lumalabas na naman ang kamalditahan nito."Huwag mo akong pag taasan ng boses. Nasa terirtoryo kita!" naiinis na saad ni Harah. Natigilan naman si Aryah. At kinuyom ang kaniyang kamao. Naiinis siyang nag taas ng kilay. Inayos niya ang mga gamit niya. "Harah, hin
Isang umaga nagising si Harah na panay ang tawanan na naririnig niya sa kusina ng kanilang Mansion. Kumunot ang kaniyang noo sa pag tataka. Naririnig niya kasi ang malakas na tawanan ng triplets at ng kanilang ama. Tumaas ang kilay ni Harah sa isiping iyon. Sa pagkaka alam niya hindi palatawa at palangiti ang ama ng mga bata. Kaya pinakinggan niya ang pinag uusapan ng mga ito."Papa may joke pa ako." seryosong sambit ni Nikolai. Tumango naman ang kaniyang amang si Shawn."Go ahead anak, makikinig si Papa." naka ngiting sambit ni Shawn. "Dali! Niko! Excited na kami e!" inip na tugon ni Kenji. Tumango si Nikolai at nag simula ng mag biro."Isang gabi nag lalakad sa Park ang mag siyota. Sabi nung babae. 'Love, naiihi ako..' Sumagot naman yung boyfriend niya nang 'Diyan kana sa damuhan umihi. Madilim naman. Walang makakakita.' Dahil sa kalokohan nung boyfriend habang umiihi yung babae kinapkapan niya. Nahawakan nito yung legs ng gf niya. Nang may makapang mahaba sa gitna nito. Nagulat si