Isang umaga nagising si Harah na panay ang tawanan na naririnig niya sa kusina ng kanilang Mansion. Kumunot ang kaniyang noo sa pag tataka. Naririnig niya kasi ang malakas na tawanan ng triplets at ng kanilang ama. Tumaas ang kilay ni Harah sa isiping iyon. Sa pagkaka alam niya hindi palatawa at palangiti ang ama ng mga bata. Kaya pinakinggan niya ang pinag uusapan ng mga ito."Papa may joke pa ako." seryosong sambit ni Nikolai. Tumango naman ang kaniyang amang si Shawn."Go ahead anak, makikinig si Papa." naka ngiting sambit ni Shawn. "Dali! Niko! Excited na kami e!" inip na tugon ni Kenji. Tumango si Nikolai at nag simula ng mag biro."Isang gabi nag lalakad sa Park ang mag siyota. Sabi nung babae. 'Love, naiihi ako..' Sumagot naman yung boyfriend niya nang 'Diyan kana sa damuhan umihi. Madilim naman. Walang makakakita.' Dahil sa kalokohan nung boyfriend habang umiihi yung babae kinapkapan niya. Nahawakan nito yung legs ng gf niya. Nang may makapang mahaba sa gitna nito. Nagulat si
Sa isang social gathering na kinonduct ng ama ni Harah nang umuwi ito ng Pilipinas. Inimbitahan ni Mister Fukuda ang lahat ng mayayamang negosyante sa buong mundo. Para palawakin pa lalo ang kaniyang koneksyon at para na rin ipakilala ang kaisa-isa niyang anak na si Harah. Sobrang dami ng taong dumalo roon at lahat ay kilala sa larangan ng negosyo. Napaka garbo ng ginawang pag aayos at ng dekorasyon sa buong venue."Mister Fukuda kumpleto na po ang mga VIP. Maari na po tayong mag simula sa programa." saad ng Coordinator. Tumango si Mister Fukuda at iginaya siya ng Coordinator sa harap ng stage para doon mag salita. "Magandang gabi sa inyong lahat, aking mahal na mga panauhin. Masaya ako dahil pinaunlakan niyo ang aking paanyaya. Sa larangan ng business kailangang maging wais ka. Kung gusto mong lumago pa ang iyong kompanya kailangan mong maging palakaibigan. Dahil sa bawat koneksyong nabubuo mas dumarami ang mga potensiyal na kliyente. Kahit sino naman alam ang bagay na iyon. Kaya s
Hindi maintindihan ni Harah ang kaniyang sarili. Kinikiig siya sa mga galawan pero hindi niya iyon pinapakita at nanatili siyang malamig rito. Hindi naman sumusuko si Shawn na ipakita at iparamdam kay Harah na gusto niya talaga ang babae. "Na-ikansela mo na ba lahat ng gagawin mo sa susunod na linggo?" tanong ni Shawn nang lumapit ito kay Harah. Abala si Harah sa pag didilig ng kaniyang mga halaman sa Hardin. Natigilan si Harah nang marinig ang husky na boses ni Shawn."Anong meron?" kunot ang noong tanong ni Harah. Napa buntong hininga si Shawn sa pagkadismaya dahil kinalimutan nito na sa isang linggo na gaganapin ang kanilang kasal."You forgot? Next week is our wedding." malamig ang boses na tugon ni Shawn. Nakagat ni Harah ang ibabang labi."Sorry. Are you sure? You will marry me?" pag uulit ni Harah kay Shawn dahil baka nabibigla lang ito."Yeah. No doubt. Are you doubting that I am just making it?" kunot ang noong tanong ni Shawn. Hinarap siya ni Harah at sumandal si Harah sa l
Pagdating sa Palawan ay namangha ang mga bata sa kanilang nakikitang kagandahan ng lugar. Ang Palawan ay isang nakamamanghang probinsya sa Pilipinas na humihikayat sa mga bisita na tuklasin ang ilan sa mga pinakamagandang natural na nakakamanghang tanawin sa mundo. Mula sa malinis na mga dalampasigan at malinaw na tubig hanggang sa malalagong kagubatan at nakamamanghang limestone cliff, ang Palawan ay pangarap ng isang mahilig sa kalikasan at sa mga nais mag liwaliw. Bumaba sila sa private jet at sinalubong sila ng amoy ng karagatan at pinong buhangin. Makikita sa mga muka ng kanilang mga anak ang labis na tuwa. "Mama! Sobrang ganda pala talaga rito. Hindi ako makapaniwalang nakarating kami dito sa Palawan." manghang sambit ni Haruko. Ngumiti si Harah at hinawakan ang kamay ni Haruko at Kenji. Kinarga naman ni Shawn si Nikolai at nag simula na silang mag lakad patungo sa malaking bahay na gawa sa Marmol. Sinalubong sila ng mga tauhan ng ama ni Shawn na si Don Nikolas. "Magandang um
Muntik nang mahulog si Harah sa bangin nang mag tungo silang mag anak sa cliffs. Mabuti nalang at walang hawak na bata si Shawn kaya mabilis niyang nahila si Harah. Tumama ang katawan ni Harah sa matigas na dibdib ni Shawn pero balewala iyon dahil sa matinding kabang nararamdaman. Hindi lubos akalain ni Harah na dudulas ang suot niyang sandals sa batuhan."Muntik ka na, be careful next time." salubong ang kilay na paalala ni Shawn. Tumango si Harah at hindi pa rin makapag salita dahil sa sobrang takot at kaba."Mama, mag ingat ka po. Naku! Delikado dito e." nakita ni Nikolai ang nangyari kaya agad siyang lumapit sa Mama at Papa niya. Niyakap ni Nikolai ang kaniyang Mama Harah. "Tara na, umalis na tayo rito." sambit ni Shawn at hinawakan ang kamay ni Harah. Napatingin si Harah roon at mabilis na nag init ang kaniyang pisngi sa kilig. Napaka sweet kasi ni Shawn at kahit pa wala siyang reactions sa tuwing ganito iyon ay patuloy pa ring pinararamdam ni Shawn sa kaniya ang paglalambing.
Maagang pumasok sa trabaho si Harah matapos mag bakasyon sa Palawan. Bumalik na sila sa Cavite. Pagdating sa Opisina, nag taka si Harah nang marinig ang bulungan ng mga empleyado."Totoo ba ang tsismis? Nakipag one night stand si Ma'am Harah sa hindi kilalang lalaki sa mismong gabi ng Engagement Party nila ng ex boyfriend niya?" tanong ni Maureen."Hindi ko nga alam e. Balitang balita na iyon sa buong kompanya." tugon ni Karla."Kanino ba nang galing ang tsismis?" takang tanong ni Claudia."Sabi doon sa baguhang HR Assistant. Nakalimutan ko ang pangalan noon." tugon ni Maureen."Baka iyong Aryah?" kunot ang noong tanong ni Karla. Natigilan si Harah sa pag lalakad nang marinig ang pinag uusapan ng mga ito. Agad nag tungo si Harah sa HR Department para tingnan kung nakapasok na nga ba si Aryah gayong suspended naman ito. Naabutan ni Harah si Aryah na binibida ang nangyari kay Harah ilang taon na ang nakalipas."Grabe nga e. Pati ako nadamay sa kalokohan ni Harah." aniya sa maarteng bos
Halos mamula si Aryah sa galit nang marinig ang mga paratang sa kaniya. Nakipag sabunutan si Aryah kina Maureen at natalo lang siya dahil tatlo sila mag isa lang si Aryah. "See that? Mahina." maarteng sambit ni Maureen. Napaiyak naman si Aryah sa kaniyang nararanasang hirap. Hindi lubos akalain ni Aryah na puro lamang pa sakit ang matatamo niya sa pananatili sa kompanya ni Harah. Iniwanan siya nila Maureen roon. Samantala.. Magkasama naman si Harah at Shawn sa kompanya ni Shawn dahil may business partnership silang dalawa na gaganapin sa susunod na buwan. Pero mauuna ang kanilang kasal. "Sige na, ayusin mo na ang mga kailangan mong ayusin. Tatlong araw kitang hindi maaring makasama o makita." sambit ni Shawn. Naging abala sila Shawn at Harah sa pag aayos ng kanilang susuotin. "Papakasalan ko na ba talaga si Shawn?" tanong ni Harah sa sarili. Naalala ni Harah ang mga pinag samahan nila at ilang beses na pag liligtas ni Shawn kay Harah. Tumatak iyon sa isip ni Harah. Kusang sumil
Hinawakan ni Shawn ang kamay ni Harah at pinaka titigan nito si Harah. Mababakas sa guwapong muka ni Shawn ang labis na pag hanga sa angking ganda ni Harah. Sobrang ganda nito kahit simple lang ang make up. "May nakapag sabi na ba sa'yo? na ikaw ang pinaka magandang babae sa buong mundo?" tanong ni Shawn. Umiling si Harah. "Wala pa." aniya sa mababang boses. "Kung ganoon, hayaan mong sabihin ko sa'yo... Harah, aking asawa.. Ikaw ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Loob man o labas.." seryosong sambit ni Shawn. Kinilig naman si Harah sa sinabi ni Shawn kaya napa ngiti siya ng matamis."Maraming salamat. Baka naman kaya mo lang sinasabi sa'kin 'yan dahil kaka-kasal lang natin." naka taas ang kilay na pang babara ni Harah kay Shawn."Eto naman.. Panira ka masiyado ng banat." salubong ang kilay na sagot ni Shawn. Tinawanan lang si Shawn ni Harah at tila huminto ang mundo ni Shawn nang makita kung gaano kaganda ang tawa ni Harah."Huwag kang masiyadong tumawa kapag kaharap mo 'k