Share

Chapter 20

Muntik nang mahulog si Harah sa bangin nang mag tungo silang mag anak sa cliffs. Mabuti nalang at walang hawak na bata si Shawn kaya mabilis niyang nahila si Harah. Tumama ang katawan ni Harah sa matigas na dibdib ni Shawn pero balewala iyon dahil sa matinding kabang nararamdaman. Hindi lubos akalain ni Harah na dudulas ang suot niyang sandals sa batuhan.

"Muntik ka na, be careful next time." salubong ang kilay na paalala ni Shawn. Tumango si Harah at hindi pa rin makapag salita dahil sa sobrang takot at kaba.

"Mama, mag ingat ka po. Naku! Delikado dito e." nakita ni Nikolai ang nangyari kaya agad siyang lumapit sa Mama at Papa niya. Niyakap ni Nikolai ang kaniyang Mama Harah.

"Tara na, umalis na tayo rito." sambit ni Shawn at hinawakan ang kamay ni Harah. Napatingin si Harah roon at mabilis na nag init ang kaniyang pisngi sa kilig. Napaka sweet kasi ni Shawn at kahit pa wala siyang reactions sa tuwing ganito iyon ay patuloy pa ring pinararamdam ni Shawn sa kaniya ang paglalambing.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status