Share

Chapter 2

Labis ang sakit at pighating nararamdaman ni Harah ng mga oras na iyon. Hindi niya lubos akalain na magagawa siyang talikuran ng sarili niyang kapatid at may lihim itong pag tingin sa fiancee niya. Nang gagalaiti siyang humarap sa mga ito at inakusahan ang sarili niyang kapatid sa bagay na talaga namang ito ang gumawa.

"Walanghiya ka, Aryah! Magkapatid tayo! Sobrang buti ko sa'yo. Hindi ko lubos akalain na aahasin mo si Jack! Ikaw ang may pakana ng lahat! Sinet up mo ako! Hindi ba't ikaw ang nag abot sa'kin ng tubig na may halong aphrodisiac!" Gigil na sigaw ni Harah. Nawala na ang dating mahinhin at mabait na Harah dahil sa tindi ng nangyari sa kaniya. Painosenteng tumingin si Aryah sa kapatid niya.

"Ano ka ba naman, Harah? Huwag mo nga akong idamay diyan sa kabaliwan mo. Hindi kita sinet up noh. Malinis ang tubig na ibinigay ko sa'yo. Bakit ko naman gagawin iyon sa sarili kong kapatid? Saka hindi ko naman inaahas si Jack ah. Ano bang pinagsasabi mo riyan?" painosenteng katwiran ni Aryah. Mas lalo lang nadiin si Harah sa sinabi nito.

"Kita mo 'tong babaeng ito?! Matapos malaman ang kawalanghiyaan niya idadamay pa ang sariling kapatid! Hoy! Huwag mong igaya sa'yo si Aryah. Napaka laki ng deperensiya niyong dalawa!" Sigaw ni Marisol. Galit na nilingon ni Harah ang babae.

"Hindi ako nandadamay! Dahil iyon ang totoo! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa'kin?!" Saad ni Harah sa frustrated na tono. Sobrang hirap na hirap na siyang magpaliwanag sa mga kamag anak ni Jack. Tapos hindi pa siya pinapansin ni Jack.

"Jack, please... Maniwala ka sa'kin.." Makaawang sabi ni Harah. Doon lang lumingon si Jack kay Harah.

"Tigilan mo ako sa kahibangan mo, Harah! Kitang kita sa litrato at video na ikaw iyon! Hanggang ngayon nang didiri ako sa tuwing maalala ko ang itsura niyo ng hayop na lalaking iyon! Nakakadiri ka! Hindi ko lubos akalain na ikaw pa ang babaeng minahal ko ng lubos!" Galit na sigaw ni Jack. Nawala na ang lalaking sobrang baliw na baliw kay Harah. Tila may malaking pader nang nakaharang sa kanilang dalawa. Kumirot ang puso ni Harah nang marinig ang mga insulto at masasakit na salitang sinabi ng buong pamilya ni Jack at ang pinaka masakit sa lahat ay ang sinabi ng lalaking pinaka mamahal niya.

"Lumayas ka na sa pamamahay ko! Ayokong makita ka at madungisan pa ang aming pangalan ng dahil sa'yo!" Galit na sikmat ng nanay ni Jack. Hinagis nito ang ilang pirasong damit ni Harah. Magsasalita pa sana si Harah nang mapagtanto na hindi na dapat siya pumapatol sa makikitid ang utak. Walang habas siyang pinadampot ng nanay ni Jack at pinatapon sa labas ng Mansion ng nga Coleman.

Sa pagkakataong iyon...

Hindi malaman ni Harah kung ano ang kaniyang gagawin. Sobrang depress na depress siya. Sa gitna ng napakadilim na kalsada at malakas na ulan. Nagawa ni Harah makarating sa may Siyudad mag isa. Ni wala man lang siyang sapin sa paa. Nag muka siyang pulubi sa itsurang iyon. Nagpagala gala si Harah sa kalye na walang kain at tulog dahil hindi siya sanay matulog sa bangketa.

"Sobrang malas ko! Hindi ko akalaing sa dinami rami ng tao sa mundo, napabilang pa ako sa mga taong ubod ng malas sa buhay." Reklamo ni Harah. May mga taong nag bibigay sa kaniya ng barya at bente pesos nang mapadaan iyon sa harapan niya sa pag aakalang isa siyang pulubi. Hindi naman na itinama ni Harah ang iniisip ng mga tao dahil kailangan niya rin talaga ng pera dahil sobrang gutom na gutom na siya.

Ang halagang dalawang daan na napalimos ni Harah ay ibinili niya ng kanin at ulam. Para siyang patay gutom kung kumain. Nang makatapos kumain ay nakita niya ang isang pang publikong kubeta at doon naligo. Matapos magpalit ng ayos na damit ay bumili naman si Harah ng tag sisingkwentang tsinelas para may magamit lang siyang sapin sa paa.

"Pwede na 'to. Kailangan ko nalang mag hanap ng trabaho." seryosong saad ni Harah. Habang sinisipat ang kaniyang suot ay isang magarang sasakyan ang huminto sa kaniyang harapan. At bumaba roon ang mga armadong lalaki.

Lumabas ang isang matandang nasa edad limampu. At tinawag si Harah na "Anak.." Muka itong Hapon.

"Sino po kayo?" Kinakabahang tanong ni Harah.

"Ako ang iyong tunay na ama, ang pangalan ko ay Fukuda. Matagal ko na kayong pinahahanap ni Aryah. At sa wakas, nagkita rin tayo. Sumama ka sa'min anak. Babaguhin ko ang iyong buhay. Sana'y mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang ama.." Seryosong pakilala ng matanda. Naluha naman si Harah dahil sa wakas sa kabila ng mga dinanas niya ay naroon ang kaniyang ama na pinadala ng Diyos para tulungan siya. Sumama siya sa tatay niya at dinala siya nito sa Japan. Doon ipinagbuntis ni Harah si Nikolai, Haruko at Kenji hanggang sa ilabas niya ang tatlong lalaking kambal. Nang mag limang taon ang mga ito ay doon lamang sila natagpuan ni Shawn.

Pabalik na si Harah sa Pilipinas para umattend ng kasal ng kaniyang kapatid at ng ex boyfriend niyang si Jack. Labag man sa loob ni Harah na bumalik ay ayaw niya namang magmukang bitter sa harap ng mga matapobreng pamilya ni Jack.

"Mama, bakit ka po balik Pilipinas? Di ba po away nila kayo doon?" Kunot ang noong saad ni Nikolai. Lumaki itong napaka gwapo at hindi malaman ni Harah kung bakit wala man lang nakuha ang mga anak niya sa kaniya. Mukang sa ama pa ng mga ito sila nagmana.

"Ayaw ko uwi, api ka nila doon." Segunda ni Kenji.

"Uwi tayo. Ganti tayo sa api kay mama." Saad naman ni Haruko. Ang mga lalaking anak ni Harah ay sobrang cute at napakatatalino. Bagay na sa tingin niya ay sa genes ng tunay nilang ama namana.

"Mga anak, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na masama ang maghiganti?" Malumanay na paliwanag ni Harah sa mga anak.

"Pero mama, sinaktan ka nila. Di kami papayag di kami makaganti. Walang pwedeng umaway sa mama namin." Sagot ni Haruko. Nasapo nalang ni Harah ang kaniyang noo. Katatapang ng mga anak niya at hindi rin namana ng mga ito ang katangiang iyon sa kaniya. Kaya nahihirapan siyang suwayin ang mga ito.

"Nako, huwag na tayong umuwi. Kung hindi niyo lang rin pakikinggan si mama." Nakasimangot na sabi ni Harah. Napaisip naman ang triplets saka sumang ayon kunwari sa saway ng kanilang ina.

"Sige na nga, mama. Payag na kami." Nakangiting saad ni Nikolai. Tumango naman si Haruko at Kenji bilang pag sang ayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status