Sobrang saya ni Shawn dahil nagkaayos na sila ni Harah. Kaya kahit na nasa trabaho ay hindi mapakali si Shawn, hindi mawala sa isip ni Shawn ang itsura at magandang katawan ng kaniyang asawang si Harah. Napapansin niya sa sarili niya, habang tumatagal lumalaswa rin ang kanyang naiisip. Parang napapaso si Shawn sa tuwing maaalala ang mainit na tagpo nilang dalawa ng asawa. Napakaraming gawain ni Shawn na trabaho at kailangang pirmahang papeles. May mga powerpoint pa siyang nirereview pero halos hindi siya nausad sa ginagawa dahil sa nababagabag na isipan. Puro si Harah kasi ang kaniyang naalala. "Mr. CEO, pasintabi po sainyong pagiging abala,” saad ni Lysa. Isa sa matagal ng HR sa kompanyang pinamamahalaan ni Harah. Nakasuot ito ng business attire at maayos na nakapusod ang buhok. Kumunot ang noo niya, dahil hindi na niya napansin na nasa harapan na pala niya ang empleyadong si Lysa. Bukod roon ay basta na itong pumasok. Ayaw na ayaw pa naman ni Shawn ng ganoon. "You didn't knock?
Last Updated : 2024-07-30 Read more