All Chapters of AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE : Chapter 81 - Chapter 90

104 Chapters

Chapter 23.5

Matapos lang nilang magpakuha pa ng ilan pang larawan ay sinabi niya sa photographer na okay na ang lahat at sapat na ang mga litratong nakuhanan nito. Paglabas niya ng studio ay tahimik siyang nagpunta sa dressing room upang magpalit muli ng damit at magtanggal ng kanyang make-up. Paglabas niya mula doon ay bigla na lamang siyang nilapitan ni Noah at tinanong. “Sino ang tumawag sayo kanina?” tanong nito sa kaniya.Agad naman siyang umiling rito. “Ah yun ba, wala lang iyon.” sabi niya rito.Hinawakan naman ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay tumitig ito sa kanyang mga mata. “Sabihin mo sa akin ang totoo.” sabi nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin rito at pagkatapos ay nagkunwaring tiningnan ang relo niya.“Ano ka ba, wala nga. Kumain tayo, ililibre kita.” sabi niya na lamang rito.Napataas naman ang kilay ni Noah sa kaniya ng wala sa oras at pagkatapos ay hinaplos nito ang buhok niya. “Gusto mo akong yayaing upang kumain?” tanong nito.
Read more

Chapter 24.1

Kinabukasan, Lunes. Napagkasunduan ni Alexa at ni Noah na gumawa ng appointment upang pumunta sa Civil Affairs Bureau. Nang bumaba siya sa kotse ay napatingala siya at nakita niya ang isang napaka-eleganteng cafe sa gilid ng kalsada. Tumigil siya sandali. Tatlong taon na ang lumipas noong una silang magkita ni Noah sa lugar na iyon.Naaalala pa niya na malamig nang mga panahong iyon at nakasuot ito ng itim cashmere coat na mas nagpagwapo pa lalo rito. Bagamat naka-wheelchair ito noon ay hindi maitatago na galing pa rin ito sa mayamang pamilya.May pares ito ng magagandang mga mata. Ngunit ang mga matang iyon ay nakakubli ang lamig at lungkot doon. Nang una niyang makita ang mga mata nito ay hindi niya maipaliwanag pero nalungkot talaga siya ng sobra dahil ang mga mata nito ay parang mga mata ni Nio.Labintatlong taon na ang nakakalipas nang makita niya ito sa huling pagkakataon sa may ospital kung saan ay nakasuot ito ng oxygen mask sa mukha nito at hindi ito makapgsalita. Tahimik niy
Read more

Chapter 24.2

Ayon sa ina ni Alexa ay gusto nitong dalhin ang bangkay ng lola ni Alexa sa bahay nila at ilibing ito kasama ng kanyang lolo. Agad na lumabas si Noah sa loob ng silid upang tawagan ang isa sa kanyang mga tauhan at hiniling rito na asikasuhin nito ang lahat para sa libing at lamay ng lola ni Alexa. Makalipas nga lang ang isang oras ay nakahanap na ang mga tauhan ni Noah ng pag-crecrematan ng katawan nito.Ang ilan naman niyang mga tauhan ay pinapunta niya sa lumang bahay nila Alexa upang ayusin ang paglalamayan ng lola nito. Sa gabi ay sinabi ni Noah na mas mabuting magpahinga na muna si Alexa kung saan ay sumunod naman ito sa kaniya.Tinabihan niya si Alexa sa paghiga nito. Sa mga nakalipas na mga gabi ay hindi gaanong nakakatulog si Alexa dahil nga siya ang palaging nagbabantay sa kanyang lola tuwing gabi kaya halos wala na ring lakas ang katawan niya. Pagkahiga niya ay hindi pa rin siya dinalaw ng antok.Samantala, maging si Noah ay hindi nakaramdam ng antok habang katabi niya si Al
Read more

Chapter 24.3

Pagbalik ng dalawa sa bahay ay tanghali na at kumain lang sila sandali. Pagkatapos nilang kumain ay magkahalong pagod at antok ang naramdaman ni Alexa kaya dali-dali siyang pumasok sa kwarto at naghubad ng kanyang damit upang umidlip sana sandali. Nitong mga nakaraang araw nga kasi ay hindi siya nakapagpahinga ng maayos dahil sa sobrang lungkot niya. Sumunod din si Noah sa kaniya at pagkatapos ay hinubad nito ang suot nitong amerikana at inilagay ito sa upuan na nasa tabi ng kama at pagkatapos ay dali-daling tumabi sa kaniya.Mabilis siyang nagsalita upang pigilan ito. “Huwag ka dito sa tabi ko matulog. Tatlong araw na akong hindi naliligo kaya tiyak na mabaho na ako.” sabi niya rito kahit na alam niyang hindi naman talaga siya mabaho dahil naghuhugas at naglilinis pa rin naman siya ng kanyang katawan. Wala namang pakialam si Noah sa sinabi niya at pagkatapos ay mas lumapit pa sa kaniya upang amuyin ang kanyang ulo. “Hmm, medyo maasim-asim nga.” sabi nito sa kaniya. Dahil doon ay med
Read more

Chapter 24.4

Wala siyang nagawa kundi ang sagutin na ang tawag nito. “Kailan ka ba uuwi?” tanong nito sa kaniya.“Ngayon pa lang ang libing ng lola ni Alexa at baka bukas na ako ng madaling araw makabalik.” walang emosyong sagot niya rito.Ilang sandali pa ay narinig niya rin naman kaagad ang tinig nito mula sa kabilang linya. “Bakit ba kailangan mo pang manatili diyan nang matagl? Halos ilang araw ka na ring pabalik-balik diyan.” sabi nito sa kaniya.Dali-dali naman siyang sumagot rito at hindi na inisip pa kung tama ba o hindi ang sagot niya. “Syempre ay namatay ang lola niya at sobrang lungkot niya kaya kailangan ko siyang alalayan.” sagot niya rito.“Bakit kailangan na ikaw pa ang umalalay sa kaniya? Wala ba siyang magulang? O mga kamag-anak?” tanong nitong muli sa kaniya.Napabuntung-hininga na lamang siya dahil sa dami nang tanong ng ama. “Napakalungkot din ngayon ng kanyang ina at halos hindi niya rin maalalayan si Alexa. Ang mga kamag-anak naman nila ay halos wala din namang pakialam sa ka
Read more

Chapter 24.5

Natigilan si Alexa nang mga oras na iyon dahil sa ginawa ni Noah. hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lamang siyang hinalikan ni Noah. isa pa ay nasa kalsada sila kaya may mangilan-ngilan pa ring nagdadaan doon.Ang lugar na iyon ay medyo mga konbersatibo pa ang mga tao doon kaya nakakahiya naman kung makikita sila ng mga ito. Bukod pa doon ay kakalibing lang ng kanyang lola at hindi iyon ang tamang oras para sa ganuong bagay. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay upang itulak ito palayo. Gayunpaman, itataas pa lamang sana niya ang kanyang kamay nang hawakan bigla ni Noah ang kanyang mga kamay at dahil doon ay hindi siya makagalaw.Kumpara nga sa lakas nito ay walang-wala sa lakas niya at dahil doon ay hinayaan na lamang niyang halikan siya nito. Napakadiin ng pagkakahalik nito sa kaniya at hindi kasing banayad ng mga halik nito sa kaniya at pakiramdam niya ay tila ba ito nakikipagkumpitensiya sa uri ng halik nito.Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito kanina. Marahil
Read more

Chapter 24.6

Pagkatapos nilang kumain ay pumasok din doon kaagad ang kanyang ina upang kuhanin ang mga pinagkainan nila at pagkatapos ay hinimok silang dalawa. “Gabi na, umuwi na kayo at nang maaga rin kayong makauwi at nang makapagpahinga pa kayo ng maayos. Kailangan pang pumasok ni Noah bukas sa kumpanya at halos ilang araw na rin siyang pabalik-balik rito, baka sobra nang naapektuhan ang kanyang trabaho.” sabi nito sa kanila.Nang mga oras na iyon ay napaisip si Noah, sa mga oras na iyon ay natatakot siya na baka magkita sina Nio at Alexa. Wala siyang ibang nasa isip nang mga oras na iyon kundi ang mailayo si Alexa rito at kahit na anong mangyari ay hindi siya papayag na mapunta ito sa lalaking iyon. Pakiramdam niya ay napaka makasarili niya pero wala siyang pakialam doon. Ayaw talagang umalis ni Alexa ngunit naging mapilit din ang ina nito at ito na mismo ang humila rito patungo sa kotse ni Noah.Wala namang nagawa si Alexa kundi ang magpaubaya na lamang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at
Read more

Chapter 25.1

Nang magising kinabukasan si Alexa at pagkamulat na pagkamulat lamang niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nakita si Noah habang nakatingin sa kaniya at mukhang kumikinang ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi.“Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin?” tanong nito sa kaniya.Mabilis naman siyang sumagot kaagad rito habang nakatawa. “Ang gwapo ba naman kasi kaagad nang imulat ko ang mga mata ko.” sabi niya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito.Nang mga oras na iyon pakiramdam ni Alexa na tila ba parang may mali sa kaniya ngunit hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. Hindi nga nagtagal ay sabay na silang bumangon na dalawa at naghilamos lang sila pareho bago tuluyang bumaba.Pagkababa lang nila ay agad nang nakahanda ang almusal sa mesa. “Pinapasok ko ng maaga ang mga kasambahay natin dahil alam ko na hindi ka nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw kaya ngayon ay kumain ka.” sabi nito s
Read more

Chapter 25.2

Cute? Tanong niya sa kanyang isip habang gulong-gulo siya. Pagkatapos lamang nun ay tuluyan na ngang umalis si Noah. pagkaalis naman nito ay dali-dali siyang pumasok sa banyo upang tingnan ang sariling repleksyon doon. Pilit niyang tinitingnan kung saan ba siya banda cute katulad ng sabi nito sa kaniya. Nang matapos ang ilang sandali ay muli na naman siyang lumabas at umupo sa kama. Wala sa sariling napatitig siya sa loob at dahil sa wala siyang kasama sa silid ay bigla na lamang niyang naalala muli ang kanyang lola.Para kahit papano ay mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya ay lumabas siya sa may balkonahe at pagkatapos ay umupo sa isa sa mga upuan doon. Ilang sandali pa ay bigla na lamang namula ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay bigla na lamang ang tumunog ang kanyang cellphone kaya tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay bumalik sa loob ng silid upang damputin iton at sagutin.Nakita niyang si Axel pala ang tumatawag sa kaniya ng mga oras na iyon. Matapos
Read more

Chapter 25.3

Pakiramdam ni Alexa nang mga oras na iyon ay tila ba may mga kutsilyong tumarak sa kanyang dibdib at sa sobrang sakit ng kanyang dibdib ay pakiramdam niya ay tila ba ito puputok sa sakit. Ang kanyang mukha ay biglang namuta at halos manghina rin ang kanyang mga tuhod.Napahawak siya ng mahigpit sa railing ng kahon upang kumuha ng kanyang balanse. Bigla niyang naalala ang sinabi nito sa kaniya kanina na gusto siya nitong maging maliit para maibulsa na lamang siya nito at madala sa kung saan man nito gustong pumunta. Pero nang mga oras na iyon ay nakikipag-usap ito sa ex-girlfriend nito at halatang masayang-masaya pa. Napakagat-labi siya, ibig sabihin ang mga salitang binitawan nito sa kaniya kanina ay pawang kasinungalingan lamang at paniwalang-paniwala naman siya.Dahil sa hindi niya pag-imik ay bigla naman na hinawakan ni Betty ang kamay niya at nag-aalalang nagtanong sa kaniya. “Alexa, anong problema? May sakit ka ba o natatakot ka ba sa matataas na lugar?” tanong nito sa kaniya.Ma
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status