Natigilan si Alexa nang mga oras na iyon dahil sa ginawa ni Noah. hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lamang siyang hinalikan ni Noah. isa pa ay nasa kalsada sila kaya may mangilan-ngilan pa ring nagdadaan doon.Ang lugar na iyon ay medyo mga konbersatibo pa ang mga tao doon kaya nakakahiya naman kung makikita sila ng mga ito. Bukod pa doon ay kakalibing lang ng kanyang lola at hindi iyon ang tamang oras para sa ganuong bagay. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay upang itulak ito palayo. Gayunpaman, itataas pa lamang sana niya ang kanyang kamay nang hawakan bigla ni Noah ang kanyang mga kamay at dahil doon ay hindi siya makagalaw.Kumpara nga sa lakas nito ay walang-wala sa lakas niya at dahil doon ay hinayaan na lamang niyang halikan siya nito. Napakadiin ng pagkakahalik nito sa kaniya at hindi kasing banayad ng mga halik nito sa kaniya at pakiramdam niya ay tila ba ito nakikipagkumpitensiya sa uri ng halik nito.Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito kanina. Marahil
Pagkatapos nilang kumain ay pumasok din doon kaagad ang kanyang ina upang kuhanin ang mga pinagkainan nila at pagkatapos ay hinimok silang dalawa. “Gabi na, umuwi na kayo at nang maaga rin kayong makauwi at nang makapagpahinga pa kayo ng maayos. Kailangan pang pumasok ni Noah bukas sa kumpanya at halos ilang araw na rin siyang pabalik-balik rito, baka sobra nang naapektuhan ang kanyang trabaho.” sabi nito sa kanila.Nang mga oras na iyon ay napaisip si Noah, sa mga oras na iyon ay natatakot siya na baka magkita sina Nio at Alexa. Wala siyang ibang nasa isip nang mga oras na iyon kundi ang mailayo si Alexa rito at kahit na anong mangyari ay hindi siya papayag na mapunta ito sa lalaking iyon. Pakiramdam niya ay napaka makasarili niya pero wala siyang pakialam doon. Ayaw talagang umalis ni Alexa ngunit naging mapilit din ang ina nito at ito na mismo ang humila rito patungo sa kotse ni Noah.Wala namang nagawa si Alexa kundi ang magpaubaya na lamang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at
Nang magising kinabukasan si Alexa at pagkamulat na pagkamulat lamang niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nakita si Noah habang nakatingin sa kaniya at mukhang kumikinang ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi.“Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin?” tanong nito sa kaniya.Mabilis naman siyang sumagot kaagad rito habang nakatawa. “Ang gwapo ba naman kasi kaagad nang imulat ko ang mga mata ko.” sabi niya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito.Nang mga oras na iyon pakiramdam ni Alexa na tila ba parang may mali sa kaniya ngunit hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. Hindi nga nagtagal ay sabay na silang bumangon na dalawa at naghilamos lang sila pareho bago tuluyang bumaba.Pagkababa lang nila ay agad nang nakahanda ang almusal sa mesa. “Pinapasok ko ng maaga ang mga kasambahay natin dahil alam ko na hindi ka nakakain ng maayos nitong mga nakaraang araw kaya ngayon ay kumain ka.” sabi nito s
Cute? Tanong niya sa kanyang isip habang gulong-gulo siya. Pagkatapos lamang nun ay tuluyan na ngang umalis si Noah. pagkaalis naman nito ay dali-dali siyang pumasok sa banyo upang tingnan ang sariling repleksyon doon. Pilit niyang tinitingnan kung saan ba siya banda cute katulad ng sabi nito sa kaniya. Nang matapos ang ilang sandali ay muli na naman siyang lumabas at umupo sa kama. Wala sa sariling napatitig siya sa loob at dahil sa wala siyang kasama sa silid ay bigla na lamang niyang naalala muli ang kanyang lola.Para kahit papano ay mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya ay lumabas siya sa may balkonahe at pagkatapos ay umupo sa isa sa mga upuan doon. Ilang sandali pa ay bigla na lamang namula ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay bigla na lamang ang tumunog ang kanyang cellphone kaya tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay bumalik sa loob ng silid upang damputin iton at sagutin.Nakita niyang si Axel pala ang tumatawag sa kaniya ng mga oras na iyon. Matapos
Pakiramdam ni Alexa nang mga oras na iyon ay tila ba may mga kutsilyong tumarak sa kanyang dibdib at sa sobrang sakit ng kanyang dibdib ay pakiramdam niya ay tila ba ito puputok sa sakit. Ang kanyang mukha ay biglang namuta at halos manghina rin ang kanyang mga tuhod.Napahawak siya ng mahigpit sa railing ng kahon upang kumuha ng kanyang balanse. Bigla niyang naalala ang sinabi nito sa kaniya kanina na gusto siya nitong maging maliit para maibulsa na lamang siya nito at madala sa kung saan man nito gustong pumunta. Pero nang mga oras na iyon ay nakikipag-usap ito sa ex-girlfriend nito at halatang masayang-masaya pa. Napakagat-labi siya, ibig sabihin ang mga salitang binitawan nito sa kaniya kanina ay pawang kasinungalingan lamang at paniwalang-paniwala naman siya.Dahil sa hindi niya pag-imik ay bigla naman na hinawakan ni Betty ang kamay niya at nag-aalalang nagtanong sa kaniya. “Alexa, anong problema? May sakit ka ba o natatakot ka ba sa matataas na lugar?” tanong nito sa kaniya.Ma
Nang mga oras na iyon ay napakapangit na nang mukha ni Arturo at ni Fernan nang makita nilang pumasok mula doon ang babaeng iyon.Dali-dali namang nagtungo si Alexa patungo sa elevator. Ngunit kababa pa lang niya halos ng elevator ay agad na niyang narinig ang tinig ni Noah mula sa kanyang likuran. “Alexa.” tawag nito sa kaniya.Dahil rito ay biglang napatigil si Alexa sa kanyang paglalakad ngunit muli na namang naglakad at ni hindi niya nilingon ito. Dali-dali namang mas binilasan pa lalo ni Noah ang kanyang paglalakad upang maabutan niya si Alexa.Dahil sa pagmamadali ni Alexa na makalayo mula kay Noah ay hindi na niya tinitingnan pa ang kanyang dinadaanan dahil walang ibang mahalaga sa kaniya ng mga oras na iyon kundi ang makaalis at makalayo mula kay Noah. nang lumiko siya sa kanto ay bigla na lamang siyang nabangga. Halos matumba pa siya ngunit mabuti na lamang at nabalanse niya ang kanyang sarili kaya hindi rin siya tuluyang natumba.Idagdag pa na napahawak siya sa matigas niton
Kilala niya si Lily at ilang beses na rin niyang nakita ito na niyakap si NOah. alam niyang napakaganda nito, idagdag pa na sobrang mapang-akit nito kaya sinong lalaki ang hindi makakatiis rito. Isa pa ay ito ang childhood sweetheart ni Noah at ex-girlfriend nito, at ito rin ang gustong maging manugang ng ama ni Noah.Hinila siya ni Noah hanggang sa kotse.Nang makita sila ng driver ay agad siya nitong pinagbuksan ng pinto ng kotse. “Pasok na po kayo Miss Alexa.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na nagpasalamat si Alexa rito at pagkatapos ay dali-daling sumakay ng kotse ngunit pagkapasok pa lamang niya doon ay agad na niyang naamoy ang matamis na amoy ng pabango at natitiyak niyang kay Lily iyon. Agad niyang naramdaman ang kirot sa kanyang puso.Ilang sandali pa ay umandar na ang kotse. Hinintay muna ni Noah na makaalis siya bago ito tuluyang bumalik sa loob ng hotel. Samantala, pagkaalis ni Alexa ay agad na tinawagan ni Noah ang isa sa kanyang mga tauhan upang utusan ito na i-check an
Akala niya ay tinatago lang nito ng maayos iyon ngunit wala naman naman pala. “Bakit mo ako inaamoy?” natatawang tanong nito sa kaniya bigla. Dahil doon ay biglang nahiya si Alexa dahil sa inasal niya. Dali-dali siyang lumayo rito at pagkatapos ay hindi nagsalita bago niya tinanggal ang suot nitong amerikana upang isabit sa hanger.Ilang sandali pa ay muli niyang narinig ang tinig ni Noah mula sa likuran niya. Marahil ay na-gets na nito ang ibig sabihin ng kanyang abnormal na mga kilos. “Pumunta lang talaga ako sa hotel na iyon para sa pakikipag-usap at isa pa, sinabi ko na rin sa kaniya na dapat siyang lumayo na sa akin. Isa pa ay sinubukan niyang tumabi sa akin kanina ngunit ginawa ko ang lahat para hindi siya makatabi sa akin.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumigil ito sandali. “Nang matapos kaming kumain ay sinabi ni Daddy na ihatid ko daw siya ngunit tumanggi ako. Kung ayaw mong maniwala sa akin a pwede mong i-check ang dash cam ng kotse at pwede mo rin namang tanungin an
NAGING SOBRANG PANGIT ang mukha ni Andrew dahil sa kanyang narinig at sa sobrang hindi siya makapaniwala ay malamig niyang sinulyapan si Lily at pagkatapos ay ibinalik sa manggagawa ang tingin at matalim na nagtanong dito. “Totoo ba ang lahat ng iyon?”Sa punto namang iyon ay hindi nangahas ang manggagawa na itago ang katotohanan at pagkatapos ay marahang tumango. “Totoo po ang sinabi ni Sir Noah. may nakipag-usap po sa akin bago ang insidente at inutusan akong ibagsak ang balde sa ulo mismo ni sir kapag dumaan silang dalawa.” sabi nito at napakuyom ng kamay at napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi ako nag-isip at basta na lang pumayag kahit na alam ko pong mali.” sabi nito.Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ni Andrew dahil sa labis na galit. Ngayon lang siya napahiya ng ganito. Ang mga matatalim na mga titig niya ay biglang napunta kay Lily. “anong klaseng palabas ito ha?!” galit na sigaw niya na hindi na niya napigilan pa ang kanyang galit.Agad naman na tumulo ang mga luha
KAHIT NA ABALA ang matandang babae sa pakikipagtalo sa kanyang anak ay agad niyang nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawa na nakangiti sa isat-isa kaya bigla niyang nilingon ang mga ito at ngumiti ng matamis. “Tingnan mo nga kung gaano sila ka-sweet na mag-asawa. Nakakainggit naman talaga.” sabi nito.Nang marinig ito ni Alexa ay alam niya na kaagad na sinadya iyong sabihin ng matanda para marinig ng ama ni Noah at para na rin kay Lily. dahil dito ay mas lalo pa naman niyang tinamisan ang kanyang ngiti at hinarap ito. “Mas nakakainggit nga po lola ng relasyon ninyo ni lolo na tumagal hanggang sa tumanda kayo.” sabi niya rito.Ngumiti naman kaagad ang matanda sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “Basta walang gagawing kalokohan si Noah ay tiyak na magtatagal din kayong dalawa. Idagdag pa na ang katulad mong mabait at masipag ay mahirap hanapin bilang isang manugang.” sabi nito sa kaniya.Hindi niya alam pero hindi niya naiwasang mag-init an
AGAD NAMAN NAMUTLA ang mukha ni Lily nang mga sandaling iyon. Agad niyang ibinaba ang kanyang uo upang yumuko at napakagat labi na lamang siya. Sa gitna ng mga ito ay mukha siyang isang kaawa-awa.Nang sulyapan naman siya ni Andrew ay hindi niya maiwasan ang mapakuyom ang kanyang mga kamay lalo pa at parang wala ang ito sa mga kasama nila sa mesa. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok na may lamang sinigang naman na baboy at pagkatapos ay inilagay sa harap nito. “Lily, tikman mo itong espesyal na sabaw na ito na pinakuluang—” ngunit hindi pa man nito natatapos ang sinasabi nito ay agad na nagsalita ang matandang babae na nakasimangot at nakatingin sa kanila.Binalingan nito ang kasambahay. “Kuhanin mo ang sabaw na iyon. Alam mo namang ipinaluto ko iyon para kay Alexa kaya sino ang nagsabi na pwedeng inumin ng babaeng iyan ang sabaw na iyon.” sabi nito kung saan ay agad din namang sumunod ang kasambahay.Awtomatiko namang napangiti si Alexa at bumaling sa direksyon ng matanda pagkatapos
PAGKAUPO NI LILY AY AGAD nitong kinuha ang lagayan ng pork chop at pagkatapos ay iniunat ang kamay upang maglagay ng isa sa plato ni Noah at nagsalita ng puno ng lambing at pagpapabebe. “Kumain ka ng marami. Alam kong napuyat ka noong gabing inalagaan mo ako sa ospital idagdag pa na napakarami mo pa ring trabaho.” sabi nito.Malamig naman na sinulyapan ni Noah ang inilagay nitong karne sa kanyang plato bago siya sinulyapan. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” walang emosyong tanong nito.Itinaas naman kaagad nito ang kamay upang hilutin ang kanyang sentido at nagsalita na para bang medyo nasasaktan pa. “Medyo masakit pa rin at may mga bagay na hindi ako matandaan.” sabi nito.Nakita niya naman ang pagtaas bigla ng kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay inilabas ang cellphone mula sa bulsa nito upang tawagan ang kanyang assistant. “Dalhin mo dito ang manggagawa sa mansyon.” sabi nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ito ni Lily ay agad na namutla ang kanyang
BAHAGYANG NATIGILAN SI ALEXA sa isinagot sa kaniya ni Noah ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi magtanong pa. “E bukas? Aalis ka pa rin?” tanong niya ulit at pagkatapos ay tumingala rito.Nakita niya ang marahang pag-iling nito at pagkatapos ay hinalikan ang talukap ng kanyang mga mata. “Hindi rin ako aalis bukas.” bulong nito sa kaniya hanggang sa dumulas ang mga labi nito papunta sa kanyang pisngi at papunta sa kanyang leeg hanggang sa unti-unti itong gumapang patungo sa kanyang mga punong-tenga. “Mas mahalaga na samahan ko ang asawa ko kaysa sa iba.” bulong nito sa kaniya bago siya nito pangkuin at dalhin patungo sa silid nito.Sa kabila ng kanyang pamumula ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya ay napakahalaga niya kay Noah. ibig lang sabihin sa kabila ng lahat ay mas pinipili pa rin siya nito kaysa kay Lily. sa kabila ng lahat ng kanyang agam-agam ay nakalimutan niya ang lahat ng iyon nang bigla na lang siya nitong halikan sa kanyang mga labi n
DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun
DAHIL SA SINABI NI DEXTER ay biglang napasulyap si Noah sa kama kung saan ay nakahiga si Lily. “ganun ba. Sige, babalik na lang ako bukas.” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sabihin iyon ay naging madilim ang mga mata ng ina ni Lily.Nagtagis ang mga bagang nito at tumingin kay Noah. “hindi ba at dahil sayo kaya siya nagkaganyan? Pagkatapos ay iiwan mo siya rito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Noah.Hindi naman sumagot si Noah at pinagdikit lang ang kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay naglabas lang naman si Dexter ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito sa kaniya. “Tara muna sa labas para naman makahinga tayo ng sariwang hangin kahit papano.” sabi nito sa kaniya.Hindi naman na siya nag-atubili pa na abutin ang sigarilyo na inaabot nito at pagkatapos ay lumabas siya kasama ito. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa pinaka-veranda ng ospital na iyon. Agad niyang sinindihan ang sigarilyo at humithit pagkatapos ay nagbuga ng usok kasabay ng malalim na bunto
UMUWI SI ALEXA, naligo at kumain siya pagkatapos ay humiga habang naghihintay sa pag-uwi ni Noah hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakaidlip na pala siya sa sobrang antok niya. Nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at binuksan ang kanyang mga mata ay nakita niya na wala pa rin sa tabi niya si Noah kaya hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nang magtaas siya ng kanyang ulo ay nakita niya na mag-aalas tres na pala ng madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Noah. dahil dito ay agad niyang dinampot ang kanyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan na niya ito ngunit hindi niya ito matawagan.Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso dahil sa pag-aalala. Kahit na niniwala siya kay Noah at may tiwala siya rito ngunit wala siyang tiwala sa Daddy nito at sa ama ni Lily idagdag pa ang ina ni Lily. kilala niya ang mga ito na sobrang tuso kaya tiyak kapag nagsama-sama ang mga ito ay baka ang imposible ay magawa nilang posible.Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano ay dali-dali siyan
ISANG NGITI NAMAN ANG GUMUHIT sa labi ng ama ni Lily pagkaraan ng ilang sandali. “Bakit namang kailangan pang iba ang utusan ko? Tutal naman ay magkababata kayo kaya tiyak na mas karapat-dapat siya na utusan ko hindi ba?” tanong nito.Ang gwapong mukha ni Noah ay napuno ng kalamigan kung saan ay kitang-kita din ang pagdidilim ng kanyang mga mata.Nakita naman ni Andrew ang pagdidilim ng mukha ng anak kung saan ay bigla na lang niyang sinulayapan si Alexa at pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Noah at nagpaalala. “Nangako ka sa akin na hindi mo siya pababayaan hindi ba?” ulit na naman nito sa sinabi nito hikanina. “Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero ito na kaagad ang nangyari.” muli pang sabi nito.Sa isip-isip ni Alexa ay talagang napakatuso talaga nito kung saan ay hindi nga siya nito pinahiya ngunit paulit-ulit naman nitong ipinagdiinan ang pagpapabaya ni Noah kay Lily dahil lang sa nangyari. Idagdag pa na talagang gagawin nito ang lahat para mapaghiwalay sila.Marahan niya